'Rafaela, Gumising ka na anak' narinig kong tinig ng aking ina. 'Mama, mama, nasan ka ma?' patuloy ako sa paghahanap sa Mama ko. Nasa isang blangkong lugar ako. Walang ibang kulay kundi puti lang. 'Anak, gumising ka. Hindi pa ito ang tamang oras' patuloy ang tinig ng boses ng aking ina. Lumakad lang ako ng lumakad, pilit na sinusundan ang boses, hinahanap kung nasan sya. 'Pakinggan mo ang puso mo anak, pakinggan mo ang mga taong tumatawag sayo' muling nagsalita ang aking ina ngunit hindi ko pa rin sya nakikita. Napagod na akong tumakbo, naupo ako at pinagsalikop ang mga braso sa tuhod ko. Yumuko ako, hindi ko alam kung nasan ako. 'Love, please come back' nag-angat ako ng ulo ng makarinig muli ng isang boses. Boses ng lalaki. 'Rafaela, gumising ka na. Marami kaming naghihintay sayo'
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


