Sinulit ko ang ilang araw na pag stay sa aming lugar. Pinasyal ko ang mga pamangkin ko sa pinaka malapit na mall sa lugar namin. Ibinili ko rin sila ng mga personal nilang pangangailangan at saka ang magugustuhan nilang laruan. Pilit nga akong sinasaway ni ate dahil mamimihasa raw ang mga ito ngunit sinabi kong minsan lang naman ako makapasyal, gusto ko lang na mapasaya ang mga pamangkin ko. Sa huli ay hinayaan na rin nya ako na ipamili ng mga laruan ang mga bata.
Dumating nga ang araw ng pagbalik ko sa Manila. Masigla kong hinahanda ang mga gamit ko habang ang mga pamangkin ko naman ay naghihintay sa labas upang makasama sa paghatid sa akin papuntang terminal ng bus.
"Oh aalis na si tita, wag kayo magkukulit ah. Pag nagsumbong mama nyo wala kayo pasalubong sa akin pagbalik ko” paalam ko sa tatlo kong makukulit na pamangkin.
“Opo tita” sagot ng isa ”Promise tita” halos sabay sabay pa nilang sagot.
“O sige na andyan na ang bus sasakay na ako, magpakabait kayo ah, I love you three” sabay group hug sa kanilang tatlo.
“I love you too tita” sabay sabay na naman nilang tugon.
“O sige na sasakay na ako, ate magiingat po kayo ng mga bata ah, magsabi lang kayo sakin kung may problema ah” baling ko naman sa aking hipag habang niyayakap din sya.
“Salamat Raf, sige magiingat ka sa byahe, mag message ka pag nakauwi kana”
“Opo ate, sige na sasakay na po ako. Bye kids, bye ate”
“Babye tita” sabi ni Chloe habang pakaway kaway pa.
Ng maisampa na ang mga gamit ko sa compartment ng bus, ay sya namang sakay ko sa loob ng bus. Habang nasa byahe, nagsuot ako ng headset at nagpatugtog para makabawi sa pagod. Halos hindi rin kasi ako nakatulog sa bahay dahil sa mga pamangkin kong parang si tazmania sa mga kalikutan. Inenjoy ko ang paglalaro namin at nakabawas naman ito sa ilang araw ko nang pagiisip. Nag stop over ang sinasakyan kong bus sa terminal bago pumasok ng manila upang magsakay pa ng mga pasahero ng parang naramdaman ko na may mga matang nakatingin sa akin. Luminga linga ako baka may mga pamilyar na mukha sa mga taong nakasakay ko pero wala eh. Bigla tuloy akong kinilabutan. Sinuot ko ulit ang headset ko, mag ba banyo sana ako eh pero wag na lang, parang hindi maganda kutob ko. Pumikit ako upang makatulog ulit ng maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Hindi ko na lang pinansin at antok na antok na din talaga ako..
“Mahal”
Bigla akong napadilat at napabalikwas ng mamalayang nasa terminal na kami ng bus around metro manila. Nananaginip na naman ba ako? Bakit palagi na lang sya ang napapanaginipan ko? Ano ba to hayss.. Nagpalinga linga ako sa pagbabakasakaling hindi ako nananaginip baka sya nga yun pero wala eh, sa dami ng tao sa terminal ang hirap maghanap. Pero bakit? Hindi ko sya kailangan hanapin. Hindi nya din naman ako hinanap diba? Sabi nya hahanapin nya ako eh pero walang Anthony na humanap sakin, kasi nga hindi na sya sakin. Nakayuko akong pababa ng bus ng may kamay na umalalay sakin. Inabot ko naman ito upang suporta sa pagbaba ko sa bus at dire diretso sa compartment ng bus upang kunin ang mga gamit ko. Ni hindi ko na nilingon kung sino yung umalalay sakin, ni hindi na rin ako nagpasalamat basta ang nasa isip ko na lang gusto ko na umuwi at magpahinga. Agad akong pumara ng taxi at nagmamadaling sumakay baka maunahan pa ako ng iba.
Nang makarating na sa bahay, nadatnan ko si ate na naghahanda na papasok sa trabaho.
“Oh kamusta byahe? Kamusta sila dun?” Tanong agad sakin ni ate
“Ok naman sila ate, maayos naman silang magiina. Tinutulungan sila ni Tito Paeng sa pagaalaga sa mga bata”
“Mabuti naman at ganun ang sitwasyon nila, mapapanatag tayo dito. Oh sige na mamaya na tayo mag chikahan, mala late na ako sa trabaho.”
“Sige ate ingat ka” saka umalis si ate ng tuluyan. Ako naman naghanda na ng pagkain ng makakain na ako at maagang makapag pahinga. Medyo hirap din sa byahe.
Kinabukasan, naghahanda na ako sa pagpasok sa opisina ng makatanggap ako ng tawag mula sa aking boss.
“Good morning Boss A”
“Good morning Rafaela”
“Boss napatawag po kayo? Mukhang importante po yan ah” takang tanong ko aa boss ko.
“Yes Raf, I have this client and I want you personally to assist this client. Well, ikaw ang nirequest nya that’s why I want you to assist him well and make sure you will close the deal.” Sa tinagal tagal ko sa Autohub, ngayon lang may nag request na kliyente sa amin. And when Boss A prioritized it, surely it’s a big deal. Parang na pressure ako bigla sa umagang ito ah.
“Yes Boss, I will do my very best to get this one.” May kumpyansa kong sagot sa aming Boss na owner ng Autohub.
“I trust you.. at kahit hindi ka naman nya irequest, ikaw pa rin ang ipapadala ko para makausap nya”.
“Eh Boss, ano po name ng client nyo at mukhang malaking tao po yan?” Takang tanong ko naman sa aming Boss.
“Na kay Justin na ang information at location kung saan kayo mag me meet, dalawa kayo ni Justin ang trumabaho nyan”.
“Areglado boss”. Saka naputol na ang tawag. First time nangyari to ah, hindi ito pagaaksayah ng panahon ni Boss A kung hindi ito big time client.
“Ate alis na ako, may I me meet pa akong bagong kliyente eh, ba bye ate”. Nagmamadali kong paalam kay ate habang patakbo akong lumabas ng bahay.
“Sige magiingat ka” Bilin ni ate sa akin.