"Hi Best good morning." ngiting bati sakin ni Madge ng pagpasok ko sa opisina.
"Hi Madge, andyan na ba si Papa Justin mo?" Pabiro kong bati kay Madge.
"Ane kebe girl baka mamaya marinig ka ikaw talaga, oo andun na sya hinihintay ka na." maarteng sagot naman nitong isa.
"Sige best gotta go, may I meet pa kaming client. Wish me luck"
"Ikaw pa, kaya mo yan". Mabilis kong pinuntahan ang table ko sa opisina para ihanda ang mga papeles na kailangan kong dalin. Big client ito kaya kailangan ma close deal ko to.
"Ready?" Bati sakin ni Justin mula sa aking likuran habang ipinapasok ko sa envelope ang mga papeles na kailangan papirmahan kung sakali man na magkasundo kami.
"Yes, lets go?"
Mabilis kaming nakarating sa parking lot kung san nakaparada ang sasakyan ni Justin. Habang nasa byahe kami, nire review ko ang specifications ng mga sasakyan na ipe present ko sa kliyente.
"Sino ba yung client Justin? Kilalang personalidad ba? Artista? Politiko? Businessman?" paguusisa ko kay Justin.
"Hmm negosyante sya, nagmamayari sila ng pinyahan na ineexport pa sa ibang bansa. Isa din sila sa supplier ng pinya sa kilalang pineapple brand dito satin sa Pilipinas. Pero masyadong private ang personality nito, hindi kasi sya lumalabas sa mga magazines or sa press kasi may propesyon pa syang iniingatan bukod sa pagiging negosyante nya". Sagot naman sa akin ni Justin habang nagda drive papunta sa aming meeting place.
"Grabe pala ang yaman nyan. Etong presyo ng Shelby Super Snake siguro barya barya lang sa kanya to" may pagka mangha ko pang binabanggit kay Justin.
"Siguro matanda na yun noh" biglang pasok sa isip ko na para ba syang katulad ng mga Ayala, Zobel, Lopez na mga matanders na ang itsura.
"Dyan ka nagkakamali, hindi mo ba tinignan yung mga papel kong dala? andun ang ibang requirements nya. Anyway, mamaya mo na sya kilalanin, where here". Natatawa pang sagot nitong kasama ko.
Agad kaming pumasok sa loob ng isang mamahaling restaurant. Never in my dreams na makakapasok sa ganito ka garbong restaurant. I love this job.
"Good evening, mam and sir, how may I help you". Agad na salubong sa amin ng receptionist ng restaurant.
"Yes vip room 24 please" sagot naman ni Justin.
"This way sir/mam"
Tahimik namin sinusundan ang receptionist papunta sa vip room ng restaurant. Hindi nga talaga biro ang kliyente namin at sa ganitong lugar pa napili ang meeting.
Pagkapasok namin sa loob, nadatnan namin ang isang medyo may edad nang lalaki na may kausap sa telepono.
"Sabi mo hindi matanda" siniko ko si Justin at binulungan.
"Oh andyan na pala kayo, please have a seat". baling samin ng lalaki na sa tingin ko ay nasa 50 ang edad.
"Thank you Mr. Montefalco" Agad na pag bati ni Justin habang ako ay tahimik lang na umupo.
"By the way sir, this is Rafaela, she's incharge to process all the documents that you need. Rafaela, this is Mr. Eugene Montefalco, the assistant of our client" agad kong iniabot ang mga palad ko sa aming kausap.
"Nice to meet you sir" nang makabalik kami sa kanya kanyang pwesto, agad kong siniko at pasimpleng binulungan si Justin.
"Akala ko sya na yung buyer natin?".
"Good morning every one, sorry to keep you waiting".
I froze when i hear that voice, that voice again. Bigla ako napako sa kinauupuan ko, para bang ayaw gumalaw ng mga muscles ko sa katawan. Para bang pinipilit kong lumingon pero kusang ayaw gumalaw ng katawan ko. Nabalik na lang ako sa reyalidad ng may kamay na tumapik saking balikat.
"Rafaela, he is Mr. Anthony Crisostomo, he is our client today". Baling sa akin ni Justin.
Nanatili lang akong nakatitig sa mukha nya, nakikita kong iniaabot nya ang kamay nya sakin pero parang wala akong lakas na hawakan to. Para bang may kung anong sakit o galit o kalungkutan ang biglang namayani dito sa puso ko. Hindi ko maipaliwanag, hindi ko makuha ang sagot. Bigla bigla nalito ako, nawala sa sarili ko. Ang lahat ng paghahanda ko ay mukhang mababalewala sa pagkakataong ito.
"Hi Rafaela, nice to see you again".
That voice, oh god, how I really miss that voice. The way he calls me by my name it feels like a song he was sing. Its been what? 5 years? I know i don't have to feel this. This is wrong. He is happily married now. Sa naisip, napapikit na lang ako bigla. I'm here for a business meeting not for may personal issue. I have to be professional kaya naman dumilat ako, inabot ko ang kamay nya at tinugon ang pakikipagtitigan nya.
"Thank you sir, nice to meet you sir". Hindi ko narinig ang sinabi ko pero alam ko, dama ko, may pagka bitter ang naibati ko. Bumalik kami sa kanya kanyang pwesto, pinilit kong tumatag at tinapos ang kailangan kong tapusin. Pinilit kong wag magkamali sa presentation ko, siguro kung may makakakita sakin ngayon at alam nila kung ano ang estado ko sa mga oras na to, panigurado isang masigabong palakpakan ang makukuha ko. Ako na, reyna ng pagpapanggap. Nairaos ko ang meeting namin ng hindi pumipiyok. Natapos ang pagsasalita ko ng hindi ako naluluha sa twing tititigan ko sya. Kumain nang matiwasay sa kabila ng kirot at sakit. Tumawa ng may lungkot sa mga mata. Makipag biruan sa kabila ng tanong na lumalaro sa isip mo 'oh tadhana, sadyang mapagbiro ka ngang talaga' . Sa kabilang banda, kailangan ko tong ipakita. Ipakita sa kanya na eto nga pala ako yung sinayang mo. Iparamdam sa kanya na ok nako, move on na sayo. Lahat ng yan nairaos ko sa maikling sandali. Natapos ang meeting, natapos din ang isang araw na nakasama ko sya. Isang araw na ordinaryo na lang para sa aming dalawa, isang araw na sinasabing hanggang doon na lang talaga.
Umuwi akong may lungkot at saya. Saya dahil succesful ang naging meeting. Saya kasi nakita ko syang muli. Saya kasi kahit isang ordinaryong tao na lang ako sa paningin nya, nasilayan ko pa rin ang ngiti nya. Lungkot dahil sa nakaraang nabuhay sa aking kaibuturan. Lungkot dahil hindi pa nga nagtatapos ang nakaraan, natapos na agad ng kasalukuyan. Ganito pala, akala ko naka move on na ako. Akala ko wala na ang sakit, ang kirot at ang galit. Akala ko... akala ko lang pala. Hanggang sa naramdaman ko na lang na nabasa na ang mga pisngi ko, tumulo na naman ang luha ko, luha na para na naman sa kanya. Luha na akala ko limang taon nang hindi nagpapakita, nagpakita kasabay nya. Nakatulog akong may luha sa aking mata.