"Anoo??" ulit kong tanong sa narinig ko habang matiim ko syang tinignan. tumungkod sya sa lamesa, pinagsalikop ang mga kamay. "Umalis na ako sa poder ng Mama, hindi ko na kaya ang pinapagawa nila sa akin." sabi nya ng nakatungkod pa rin ang mga braso sa lamesa at magkasalikop ang mga kamay. "Bakit? ano ba sinasabi mo?" nalilito pa rin ako, pilit kong inuunawa ang mga sinabi nya. "Tinalikuran ko na ang kumpanya. Nung araw na ina-announce nila ang engagement, umalis ako pagkatapos ng party. Wala akong alam na ganun ang plano nila, ang ipakasal kami ni Madeleine para maumpisahan na ang pang merge ng mga kumpanya namin. Umalis ako sa bahay at hindi na rin ako nagpakita. Itinuloy ko ang pagiging pulis at hinanap kita" bigla bigla naman syang lumingon sa akin. "Nung mabasa ko ang laman ng s

