(warning:SPG ahead) Dinala ako ni Anthony sa isang bahay dito rin sa Davao. Hindi ito kalakihan, tama lang para sa isang maliit na pamilya. "Kaninong bahay ito?" tanong ko sa kanya. "Bahay natin" sagot naman nito. "May bahay ka dito?" muli tanong ko "Binili ko ito. Pasensya kana dito muna kita ititira ah, maliit lang. Dito tayo magsisimulang muli, kasama ang mga magiging anak pa natin" saka nya ako nilapitan, hinawakan ang kamay ko at hinalikan. "Teka ibig sabihin matagal ka na dito sa Davao?" litong lito pa rin ako kung papaano. Nang mabuksan nya ang pinto, ay agad inalalayan nya akong makaupo sa sofa na nandun. Nilibot ko ang mata sa kabuuan ng bahay. Maayos naman ito, may mga mangilan ngilang gamit din dito. Sakto sa mga mag-asawang nagsisimula. Natawa ako bigla ng pumasok sa is

