Matapos ang dalawang araw, dun pa lang namin muling nabisita si Noel upang makamusta sya at kuhanin na rin ang mga gamit na naiwan ko sa kanila. Narating namin ang bahay ni Noel, sakto naman at nandun din sya ngayon kaya nagkaroon ng pagkakataong makapag paalam kami ng maayos. "Sissy" bungad kong bati sa kanya ng salubungin nya kami sa kanyang veranda. "Wow, 2 days ka lang nawala, blooming na blooming kana ah" Patudya pa nitong bati sa amin ni Anthony. "Kamusta pare?" Bati naman ni Anthony sa kanya habang inaalalayan akong makahakbang ng isang palapag papuntang veranda "Ay pasmado bibig nitong jowa mo ah" Nakairap itong lumingon sa akin at nakapameywang. "Hahaha sorry sorry" kakamot kamot ulo namang sagot sa kanya ni Anthony habang natatawa ito. "Hmm che, pasalamat ka mahal ko tong

