Nang makalapag ang eroplanong sinasakyan namin mula Davao, agad kaming sumakay sa taxi. Hindi umiimik si Anthony sa buong byahe kaya naman hindi ko pa alam kung ano ba ang nangyayari at bakit kami nagmamadaling lumuwas ng Manila. Iniwan na muna namin ang mga gamit ko sa bahay ni Noel. Napagdesiyunang ipapa air ship na lang ito ni Noel patungong Manila. Dali dali kaming lumuwas pa Manila pagkatapos nyang makatanggap ng tawag mula sa ate nya. "Manong, Makati Med po" sabi ni Anthony sa Taxi Driver. "Love, ano gagawin natin dun? ano ba ang nangyayari?" takang taka ko namang tanong sa kanya. Ngayon lang ito nagsalita sa buong byahe. Kanina ko pa sya hindi nakakausap ng matino. Balisa lamang ito at malalim ang iniisip. "Tumawag ang Ate Ethel kanina, ang mama daw, na stroke daw at nasa icu nga

