“Ate alis na ako, mala-late na ako sa opisina” halos takbuhin ko na ang patungong pintuan namin makababa lang ng hagdan sa pagmamadali ko. Pasado alas siyete na, lunes ngayon at panigurado akong aabutan na ako ng rush hour at isa lang ang ibig sabihin nun, mala late na ako sa meeting namin ng mga supplier na magpapasok ng panibagong produkto sa kumpanyang pinapasukan ko. Isa akong Marketing Manager sa Autohub Corporation, kilala ang kumpanyang pinagta trabahuhan ko na nagsu supply ng mga auto parts ng kahit anong brand ng sasakyan sa buong Pilipinas. Bukod dun ay Dealer din ang kumpanya namin ng mga luxury car na iniimport pa galing sa ibang banda.
“Kumain kana muna” pahabol na sigaw sa akin ni ate. Kami lang dalawa ang magkasama sa bahay, wala na ang aming mga magulang at nasa ibang bansa naman ang kuya namin bilang isang OFW. Si ate naman ay sa City Hall nagtatrabaho bilang clerk.
“Sa office na lang ate, late na talaga ako” patakbo kong labas ng bahay habang isinusukbit ang bag kong backpack sa likuran ko.
“Oh Rafaela kala ko hindi ka papasok eh. Tara na ba?” Salubong sakin ni Manong Carlos, ang inuupahan kong tricycle na maghahatid sa akin hanggang sa sakayan ng bus. Medyo madalang ang tricycle dito sa gawi namin dahil malayo na kami sa main road kaya naman kinontrata ko na si Manong Carlos na ihatid ako papuntang sakayan at pauwi ng bahay dahil kung lalakarin ay halos bente minutos din ang kokonsumo ng oras ko papunta pa lang ng main road.
“Opo manong tara na ho at naku yari na ako sa boss ko, late na late na ako hays” problemado kong tuloy kay kuya carlos na medyo hingal hingal pa.
“Kung pwede nga lang ihatid na kita hanggang opisina mo eh para dika na ma late eh kaya lang hindi naman pupwede ang tricycle sa edsa eh” tatawa tawa pang sagot ni kuya carlos.
“Ikaw talaga kuya napaka jolly mo eh kaya good vibes ako palagi sa umaga eh, pero salamat kuya magta taxi na lang ako para mas mabilis.” Sagot ko naman sa pagbibiro ni kuya carlos. Hanggang sa nakarating na kami sa sakayan ay sya na ring tumawag ng taxi para sa akin kaya dali-dali naman akong nagpaalam sa kanya at agad agad pumasok sa loob ng taxi.
“Kuya sa Autohub Makati po tayo” dahil sa kilala ang kumpanyang pinapasukan ko, hindi na mahirap hanapin ang address, halos lahat ng taxi ay alam ang way papunta dito.
“Sige po mam” sagot naman ng kuyang taxi driver.
Lumipas ang halos apatnapung minuto, nakarating kami sa opisina. Agad agad kong inabot kay kuyang taxi driver ang bayad ko "Keep the change kuya" at hindi ko na hinintay pa ang sukli nya maging ang sagot nya. Dali dali na akong bumaba at pumasok sa loob ng aming opisina at diretso na nga sa office table ko.
10minuto na lang at huli na talaga ako. Nadatnan kong nakaayos na ang conference room kaya naman naupo na ako agad sa pwesto ko.
Pagkaupo ko ay saka ko nilibot ang mata ko sa mga ka meeting ko at maiging nakinig sa topic ng magsimula na kami. Hindi naman ako nagaalala na mawawala sa topic dahil bago pa i-set ang meeting na to kasama ang may ari ng Autohub Corp na si Mr. Adrian Policarpio, nauna na kaming mag meeting ng supplier para ma review ko muna ang mga produktong ipe present nila.
Habang patuloy na nagsasalita sa harapan ang presentor, mataman lang akong nakikinig at nagsusulat ng mga impormasyon tungkol sa produkto. Makalipas ang isang oras, natapos ang meeting at agad akong dumiretso sa vending machine upang kumuha ng maiinom na kape ng biglang lumapit sakin ang kaibigan kong si Madge.
“Raf, sama ka mamaya? Birthday Party ni Boss A at lahat daw tayong empleyado ay imbitado, gaganapin yung party sa isang five star hotel, ano? Tara attend tayo ng maranasan naman natin yung mga ganung sosyalang event.” aya nito na sinamahan pa ng pag pungay ng kanyang mga mata sa mga huling salitang binanggit nito.
Pinakatitigan ko naman ang aking kaibigan na matamang nagaabang ng sagit ko ngunit sa huli ay binaling ko ang paningin sa kinukuha kong kape saka ito sinagot. “Ayoko Madge, baka magmukha lang tayong tanga dun, panigurado mga kilalang tao ang aattend dun.” Pilit kong pagtanggi sa pagaaya ni Madge sakin. Bukod kasi sa hindi ako mahilig sa party, ayoko din mapuyat dahil bukas ay luluwas ako pauwi ng aming probinsya. Naipangako ko na ito sa aking mga pamangkin na matagal tagal ko na ring hindi nakikita.
“Ikaw talaga ang kj mo, minsan lang naman to bilis na kasi.” Pangungulit pa ng kaibigan ko habang hawak ako sa braso at inaalog alog ito hanggang sa muling mabaling ang atensyon ko sa kanya.
“Hay naku sobrang kulit mo talaga, sige na nga pero hindi ako magpapagabi ah, maaga akong aalis bukas eh”. Sagot ko sa pangungulit ng kaibigan ko saka ito inirapan ng nakangisi.
“Yehey" sigaw nito "sabi ko na di mo ako matitiis eh” at napayakap pa ang loka sakin.
At muli isa pang sigaw na may halong tili ang ginawa “Eiii excited nako” natatawa ko na lang na iniwan ang kaibigan ko saka bumalik sa table ko at inumpisahang tapusin ang aking trabaho.
Natitiyak kong matatambakan ako ng trabaho nito kung hindi ko ito tatapusin ng maaga upang makapag prepara para sa party ng boss namin dahil hindi naman ako pala sama sa mga party kaya naman wala rin akong maisusuot talaga at isa pa, paniguradong sosyal ang magaganap na party kaya kahit paano ay makapag handa man lang para hindi naman nakakahiya sa mga taong nasa matataas na lipunan na dadalo sa party ng aming boss. Isa pa ang paghahanda ng mga pasalubong ng aking mga pamangkin sa paguwi ko sa aming probinsya.