“Best tara na, para maaga tayo makarating. Ang tagal mo naman magbihis eh” dinig kong sigaw ng kaibigan ko sa labas ng kwarto ko habang mukang padabog dabog pa ito ng paa.
“Oo na eto na” Sagot ko naman sa kanya. saka lumabas ng kwarto.
“Wow, ayaw ayaw mo pang sumama eh mukhang pinaghandaan mo ang party, kabog ka girl” salubong sakin ni Madge pagkalabas ko. Simple lang naman ang suot ko eh, black dress lang ito na sleeveless na may konting burda ng bulaklak bilang design at tinernuhan ko lang ng hindi kataasang high heel sandals. Kinulot ko lang ng bahagya ang buhok ko at naglagay ng konting make up. Ayoko din ng masyadong madaming make up pakiramdam ko mabigat sya sa mukha.
“Halika na andyan na yung na book kong sasakyan para makaalis na tayo” sabi ko sa kaibigan ko.
“Ate Michelle, alis na kami” paalam ko naman sa Ate ko na nanonood ng paborito nyang korean actor sa tv.
“Alis na po kami Ate Michelle” pagpapaalam namin dalawa sa aking kapatid.
“Sige magiingat kayo g dalawa” sabi ni ate.
“Wow, ang ganda ng lugar girl, ang sosyal sosyal naman talaga".
“Oo nga girl, parang gusto ko na umuwi, parang hindi tayo bagay dito” Namamangha ko ring tingala sa kisame ng hotel. Bungad pa lang talagang pang world class na ang itsura. Mula sa mga mwebles nito, sahig at chandilier na grandyosong grandyoso ang dating.
“Ano kaba, andito na tayo oh. Halika na hanapin na natin yung iba nating mga kasamahan.” Naglakad kami papasok sa loob, ang daming bisita ni Boss A, mga kilalang pulitiko, may mga artista at may mga Business Tycon pa. Hindi naman pagtatakhan, halos karamihan ng maiimpluwensyang tao sa bansa ay kay Boss A nakakuha ng magagara nilang sasakyan. Kaya hindi kataka taka na halos kalahati ng bisita ay puro mga naging kliyente din nya.
“Oh Rafaela, Madge buti at nakarating kayo, humanap na kayo ng pwesto nyo nasa may bandang taas ang mga taga Autohub.” Salubong sa amin ni Boss A.
“Salamat po Boss, Happy Birthday po sa inyo” sabay namin inabot ni Madge ang regalo namin kay Boss A.
“Kayo talaga nag abala pa kayo, o sige na maupo na kayo dun, salamat sa bigay nyong regalo” nakangiti namin iniwanan si Boss A. Si Boss A yung tipo ng boss na gugustuhin mo talaga maging amo, kung pakitunguhan ka nya ay parang hindi sya ang may ari ng kumpanya. Sobrang bait sa mga empleyado nya at kakikitaan mo talaga ang pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya nya maging sa mga kliyente nya kaya di na kataka taka na maraming nagmamahal sa kanya at sa edad na singkwenta, hindi mo kakabakasan ng pagtanda, para pa rin syang bata dahil na rin sa pagiging palangiti at pagka positibo nya sa buhay. Sana all boss like you hihi
Habang naglalakad kami ni Madge sa table kung saan ang pwesto namin, bigla akong napahinto ng may marinig akong naguusap. That voice, hindi ako pwedeng magkamali, kilalang kilala ko ang boses na yun. Kahit 5 taon na ang nakalipas still kilalang kilala ko pa rin ang pagtayo nya, ang hugis ng katawan nya at ang pagsasalita nya. Pero sana mali lang ako, sana kaboses lang nya, nami-miss ko lang sya kaya akala ko sya yun. Napaigtad ako ng kalabitin ako ni Madge, ilang segundo ba ako natigilan? Segundo nga ba o baka umabot ng minuto?
“Hoy, ano na? Salita ako ng salita wala na pala ako kausap. Ano ginagawa mo dyan bat nakatayo ka lang dyan?” Nanatili pa rina akong nakatayo at napatitig kay Madge.
“Hoy Raf-—-hmmpp” Ura urada tinawid ko ang pagitan namin ni Madge at tinakpan ang bunganga nya. Kahit hindi pa ako nakakasiguro, natatakot akong baka marinig ng lalaking yun ang pangalan ko at mapalingon sa pwesto namin.
“Ano bang problema mo girl? Ang sakit ah, ano ba yan magreretouch na ako ng lipstick nyan sa ginawa mo eh” reklamo ni Madge habang hinahanap ang kanyang lipstick sa bag.
“Best pasensya kana, may narinig kasi ako, kaboses nya” napatakip sa bibig si Madge sa gulat sa sinabi ko.
“Oh my god, you mean…”
“shhh” saway ko. Maya maya unti unti akong lumingon sa gawi ng boses na narinig ko, unti unti, dahan dahan, confirm sya nga, naka side view sya sa gawi namin. Ilang dipa lang ang pagitan mula sa kinatatayuan mo. Maling galaw ko lang makikita nya ako. Agad akong tumalikod at hinila papunta sa upuan si Madge kung san kami pupwesto.
“Best confirm, sya nga. s**t bakit sya nandito? Ano nya si Boss A?” Tensyonado kong tanong sa kaibigan ko.
“Eh baka naman friend ng client ni Boss girl at isinama sya.” Siguro nga, baka nga, sabi ng isip ko.
Nagumpisa ang programa, nanatili lang ako nakaupo sa sulok, tinitignan ang bawat tao sa party at hinahanap sya ng mata ko. Gusto ko syang takbuhin kanina, kausapin kung bakit basta na lang nya ako iniwan. Bumalik na naman ang masasakit na nangyari sa nakaraan, akala ko naka move on nako hindi pa pala, hanggang nakita ko ulit sya nakatayo at nakikipagusap sa ibang bisita, nagulat na lang ako ng biglang may umabrisyete sa kanyang babae. Sya siguro ang kasama nya sa party, teka kilala ko ang babaeng yun, isa sya sa mga kliyente namin. Akalain mo nga naman, ako pa ang nagassist sa maarteng yan eh, sobrang demanding grabe tapos sya pala ang kasama ni Anthony, itong si Matilda maldita pala ang napangasawa nya. Pero bakit ni minsan hindi ko sya nakitang sumama sa opisina? Hmm baka siguro busy sya sa trabaho. Erase erase mind, hwag mo na nga silang isipin. Sa pagmumuni muni ko, biglang sulpot naman tong si Gary na katrabaho at naging kaibigan ko na rin sa harap ko.
“Oh bakit parang biyernes santo yang mukha mo? Asan si Madge bakit magisa ka lang dito?” Takang tanong sakin ni Gary.
“Ayun si Madge umiinom, ayoko naman uminom, mas gusto kona lang umuwi.” Tatayo na sana ako ng pigilan ako sa braso ni Gary.
“Gusto mo hatid na kita?gabi na rin baka mahirapan kang makasakay pauwi”
“Wag na kaya ko naman, magta taxi na lang ako or magbo book ng sasakyan,kailangan ko na din kasi umuwi eh maaga pa ako bukas” Sabi ko naman kay Gary at nagumpisa na nga akong kumilos sa kinauupuan ko.
"Sige ihatid na kita hanggang makasakay ka". Inalalayan ako ni Gary palabas ng bulwagan na yon. Sa pagtatago kong makita ni Anthony, hinarang ko ang mukha ko sa braso ni Gary pero bad move, nakasagi ako ng waiter na may dalang alak at tumapon sa damit ko kaya ang ending nag cause ng commotion at halos lahat ng taong nasa paligid namin ay napatingin sa gawi namin including Anthony.
Nataranta ako, hindi ko alam kung ano uunahin ko, ang punasan ang damit kong magaamoy alak na at baka pagkamalan pa ni ate na uminom ako, ang tulungan ang waiter na pulutin ang nagkabasag basag na baso o ang matang matalim na nakatingin sakin? Oo, sa katarantahan ko biglang napatingin ako sa gawi nila Anthony at nagtama ang mga mata namin. Nagulat ako sa reaksyon nya, kumunot ang noo niya at binalingan ng tingin si Gary at ang isang kamay nya na nakahawak na pala sa bewang ko dahil umalalay sa muntikan ko nang pagkabuwal dahil sa katangahan ko.
"Mam sorry po, hindi ko po sinasadyang matapunan kayo". hinging dispensa naman ng waiter na nakapagpa balik sakin sa ulirat.
“Ok lang kuya naku ako ang may mali,kasalanan ko. Ako na bahala dyan sa nabasag babayaran ko na lang.” Mabilis na kilos ko habang pinupunasan ang natapunan kong damit.
“Sige po mam pasensya na po ulit”. Nang makaalis si kuya waiter, nagmamadali kong hinatak si Gary palabas ng bulwagan.
“Are you ok? Bakit parang nanginginig ka Raf? Nahihilo kaba?” Bakas sa mukha ni Gary ang pagaalala.
“Hindi wala, ano ahm uuwi na ako Gary wag mo na ko ihatid, ahm favor naman pakikuha na lang ang number ng catering para mapadala ko sa kanila ang bayad sa baso.” Pakiusap ko kay Gary na napansin ko ding pautal utal ang boses ko.
“Wag mo na isipin yun, ako na ang bahala dun. Sigurado ka bang ok ka lang? you look tense” tense? Hindi lang tense my friend, feeling ko manlalambot na ang tubod ko. Halos gusto ko isagot sa kanya pero mas pinili kona lang ang magpaalam.Mabuti naman din at may dumaang taxi kaya nakasakay ako agad at nakarating sa bahay.
Pagdating sa aming bahay, agad agad akong dumiretso na sa kwarto, madilim na ang bahay at panigurado nagpapahinga na din si ate. Mabuti na rin at makakapagpahinga na din ako, sa tensyong naramdaman ko ba naman kanina pakiramdam ko naubusan ako ng energy. Agad akong dumiretso sa cr at naligo. Ng makatapos sa pagligo at pag bihis,pabagsak akong humiga saking kama, biglang pumasok sa isip ko ang mga matatalim na tingin ni Anthony sa akin kanina. Bakit ganun sya makatingin? Anong problema nya? Bakit parang ang laki ng galit nya sakin? Pero sa isang banda, nakaramdam ako ng kirot dito sa puso ko, sana ako yung kasama mo! Sana ako yung inaalalayan mo! Sana tayo pa rin hanggang ngayon! Pero alam kong lahat ng ayun ay puro na lang SANA dahil alam ko na hindi na mangyayari yun, kasal na sya at mukha namang masaya sa pinili nya. Siguro ganito nga talaga ang babae kapag walang closure, minsan may panghihinayang kapa rin. May isang parte sa isip ko na gusto ko syang makausap para dyan sa “CLOSURE” na yan pero may isa rin bahagi na wag na lang, para saan pa? Eh sya na ang nag desisyon. Magmumuka lang akong tanga. Sa kakaiisip ko di ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Bakit? Dahil oo hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako, dahil hanggang ngayon oo minamahal ko pa rin. Hanggang kelan ba to? Kelan kaba mawawala ng tuluyan sa isip ko?