Chapter 3

1386 Words
“Rafaela, gising na baka tanghaliin ka sa byahe” ginising ako ng mga katok ni Ate Michelle. nakatulugan ko na pala ang pagiyak at pagiisip kaya eto maga ang mata ko at medyo masakit ang ulo. Dinaig ko pa ata ang nakainom, para akong may hang over. Gaga, may hang over kapa nga dika pa move on eh. “Sige ate gising na ako, tatayo na” Gising? Gising kana ba talaga? Oo gumising kana, gumising kana sa katotohanang hindi na sya sayo at kailanman hindi na sya magiging iyo. “Sige na bilisan mo na dyan at nakahain na” “Ok ate” Ok? Hindi ka ok wag kang ano “Ui ikaw kanina ka pa ah” Saway ko sa sarili. “May kasama kaba Raf? Sino kausap mo?” Takang sigaw pa sa akin ni ate. Akala ko ay nakaalis na sya. “Ay wala ate, yung pusa yun nakapasok dito sa kwarto ko meow ng meow”. Pagdadahilan ko pa habang minamasahe ang sintido ko na ngayon ay tumitindi ang sakit. “Pusa? Parang wala naman ako naririnig. O sige na nga bilisan mo na dyan” “Opo ate” kakamot kamot akong tumayo at dumiretso sa banyo para maligo. “Oh Raf kumain kana at, inayos ko na yung mga dadalin mong pasalubong para sa mga bata ah, ikamusta mona lang ako sa kanila at I-kiss. Sa susunod kamo ako naman ang dadalaw dun. Kung pwede lang ako mag leave ay sumama na ako sayo eh kaya lang hindi pwede kaka promote ko pa lang eh. Ilang bwan pa bago ako pd na ulit mag leave. Hayaan kamo nila sa susunod babawi ako ah”. sunod sunod na bilin ni ate habang inaayos ang mga babaunin ko sa daan. “Oo ate maiintindihan naman ng mga bata yun, ako na magpapaliwanag” Ng makatapos na akong kumain saka na ako nagpaalam. Habang sakay ako ng taxi papunta sa terminal ng bus, biglang tumunog ang cellphone ko. Sino naman kaya ang tatawag sakin sa ganito kaagang oras? Alas singko pa lang ng umaga, sobrang aga kung kliyente ang tatawag. “Hello?” Sinagot ko ang unknown number pero mukhang wala ata signal ang nasa kabilang linya, wala ako marinig na boses eh, tahimik lang ang background. “Hello, good morning po, ano po kailangan nyo?” Takang tanong kong muli sa caller but still no answer. “Hoy ang aga mo mang trip ah, hmmp” pinatayan ko na ng tawag sa inis ko. Maya maya ayan na naman sya at tumatawag na naman. Bahala ka dyan, hindi kita sasagutin. Pero bakit parang may isang part sa isip ko na gusto kong sagutin yung tawag? Bakit parang nakaramdam ako bigla ng kaba at excitement? Nag aatubili pa ako kung sasagutin ko ang tawag oh hindi ng magsalita ang driver ng taxi, “andito na po tayo mam” imbis na sagutin ko ay tinago kona lang ang cellphone sa bag ko at agad nagbayad sa taxi at hakutin ang mga gamit ko. Ng makasakay na ako ng bus biglang pumasok na naman sa isip ko si unknown number. Sino naman kaya yun? Ano kaya kailangan nun? Di kaya importante yung tawag dahil sobrang aga ba naman eh? Sino kaya yun? Sinubukan kong tawagan si unknown number pero hindi nya ito sinasagot. Naka tatlong missed call na ako pero wala pa rin sagot. Kaya hinayaan ko na lang at inenjoy ang view sa kalsada na patungo na ngayon sa laguna. Ilang taon na nga ba nung huling mapasyal ako dito? Sa totoo lang eto ang daang pinakaiiwasan ko. Nananariwa pa sa alaala ko ang lugar na to kung saan dito kami nagkakilala ni Anthony at kung saan nagsimula at nagtapos ang lahat. Parang roller coaster ang pakiramdam, excited ka dahil sa madadatnang mong pamilya, takot na baka magkasalubong kayo at kaba na makita ni isa sa pamilya nya. Eh ano pa nga ba ang kinatatakot mo? Tapos naman na kayo? Masaya na sya kaya mag move on kana. Hayss sana nga madali lang. hayaan mo na HEART, makakalimutan mo ding tumibok para sa kanya someday, susundin din natin si mind sa pinaglalaban nyang MOVE ON. “Calamba na, Calamba. Oh yung mga natutulog dyan Calamba na baka lumagpas na kayo. Yung mga tulala dyan na nakapula Calamba na baka matangay pa kita pauwi samin” sabay tawanan ang ibang pasahero. Ano kayang pinagtatawanan nila? “Tulungan na kita miss” sabay kindat pa ni kuyang konduktor..Ngek..bigla ko na realise, nakapula ako ah, s**t ako ba yun? Bwisit tong si kuya ah. “Ui nagba blush” sabat ng isang passhero. “Ay wow, hiyang hiya naman ako, kikiligin na ba ako? Tsss” mga bwisit na to ako pa napag tripan. Tawanan pa talaga eh noh. Ayos ah. Dali dali akong bumaba at kinuha mga gamit ko. “Bye miss, ingat ka ah” sigaw ng konduktor sakin habang paalis ang bus..'ayieee' sigaw ng ibang pasahero. Ay dyusmiyo, makaalis na nga. Hindi ko na hihintayin sila tito na sunduin ako, lalakarin ko na ng makalayas na dito sa kinatatayuan ko. Ng makarating sa b****a papasok ng sa amin, nakita ako ng mga pamangkin ko at takbuhang niyakap ako ng mga to. “Hmm na miss kayo ni tita ah” Isa isa ko silang niyakap at hinalikan. “Tita may pasalubong ka po sakin?” Tanong ng pamangkin kong si Chloe, limang taon, bunso sa tatlong magkakapatid. “Ikaw talaga, syempre naman meron. Oh tara na pasok na tayo para mabigay ko na mga pasalubong nyo.” “Yeheeyy” halos magkakasabay pa silang sumigaw. Tatlo ang mga pamankin ko, Si Nash, siyam na tao at ang panganay, Steven pitong taon at si Chole limang taon. Halos ako ang nagaalaga kay Nash at Steven nung mga panahong andito pako. Si Chloe naman ay pabisi bisita lang sa manila kaya nakakasama ko pero eto ang pinaka malambing kahit may pagka atat minsan. “Oh Rafaela andyan kana pala, hindi mo na nahintay ang Tito Paeng.” “Hindi na ate, kainis kasi yung konduktor eh” hanggang sa ayun naikwento ko na pala kung gaano ako nabwisit kanina. “Hahahaha nagandahan lang sayo yun” pang aasar pa nitong hipag kong si Ate Lea. “Ay naku ate ah bad morning na talaga ako wag mo na ako asarin pa. kanina may tumatawag saking unknown number, ni hindi sumasagot nakikinig lang tapos sunod yung konduktor ah, quota nako today ate” inis kong sagot sa hipag ko. “Eto naman di na mabiro hehehe o sige na alam kong pagod ka at mahaba ang binyahe mo, nakahanda na ang kwarto mo, magpahinga kana dun. Matulog kapa, gigisingin na lang kita pag kakain na” “Hay salamat ate, kanina pa nga ako inaantok eh. Sige ate pasok muna ako sa kwarto” Pagkapasok ko ng kwarto, nagpalit lang ako ng damit at nahiga. Napipikit na ako eh ng biglang tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko si unknown caller na naman. Grrr ayun na eh, mananaginip na ako tumawag kapa? Tapos dika naman magsasalita! Grrr Sinagot ko pa rin ang tawag, naka 2 miscall na eh “H-hello?” Halata na sa boses ko ang antok ng biglang “Kamusta?” Balikwas ako sa pagkakahiga, Am I just dreaming? Kinurot ko ang pisngi ko, s**t masakit, s**t hindi yun panaginip. Sa gulat ko napatay ko ang tawag nya. Boses nya yun, hindi ako pd magkamali, sya yun, si Anthony. Pero kung si Anthony yun, paano nya nakuha ang number ko? Ah baka sa Matildang Maldita na yun. Posible. Hmm wag kang OA, kamusta pa lang sinasabi. Obvious ka girl. Habang nagiisip natagpuan ko ang sariling nakatitig na lang sa cellphone ko, namalayan ko na lang na sina save ko na pala ang number nya at hinihintay na baka tumawag ulit sya. Teka bakit naman sya tatawag? Para saan pa? Nahiga ulit ako sa kama, pilit kong iniiba ang nasa isip ko, pinipilit kong makatulog pero s**t na malagkit, wala na, nawala na antok ko. Hays dahil sa alam kong sasakit lang ulo ko sa pagpupumilit makatulog, lumabas na lang ako para makausap ang hipag ko. Makikipag kwentuhan na lang ako sa kanila baka sakali antukin ako sa mga istorya nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD