DARREN'S POV
“SANA LAGI TAYONG GANITO…”
Mga simpleng salitang binitawan ni Rhaine matapos ang first round ng love making namin. Mga simpleng salita na hindi maalis sa isip ko. Wala akong ideya kung ano ang tumatakbo sa kanyang isipan sa mga sandaling iyon, at bakit siya nagbitaw ng ganoong salita?
Pinagmasdan ko ang kanyang mukha habang mahimbing siyang natutulog sa mga bisig ko.
She's already forty-one years old pero wala sa mukha. Matanda ako ng three years sa kanya. At ako palang ang first boyfriend niya. Aaminin kong proud ako dahil doon. But at the same time, nakakadama rin ako ng takot. Alam ko kasi kahit anong pag-iingat ko sa pagmamahal sa kanya, hindi ko pa rin maiiwasan ang masaktan siya kahit hindi ko naman sinasadya.
Marami sa mga kaibigan namin ang nagsasabi na nasa tamang edad na kami para magpakasal. Kapwa na rin naman daw kaming may stable na trabaho. At may kanya-kanya na kaming ipon. Hindi rin naman ako manhid para hindi ko maramdaman ang kagustuhan na niyang magpakasal. Nakikita ko iyon, at napapansin ko sa mga kinikilos niya.
I love her so much pero hindi ko maamin sa kanya na hindi pa ako handang itali ang sarili ko sa isang relasyong panghabam-buhay. Ako kasi iyong tipo ng tao na gusto munang makasiguro bago pumasok sa isang sitwasyon na alam kong posibleng maging komplikado pagdating ng araw. Ayokong dumating ang araw na magsisihan kaming dalawa dahil sa pagmamadali naming magpakasal.
Masaya ako kung ano kami ngayon ni Rhaine. At sana nauunawaan niya iyon.
Magwa-one year na pala kami, napakabilis lumipas ang araw. Pero napakasariwa pa rin sa alaala ko noong unang araw na magkakilala kami kasal ng kaibigan kong Lester.
Isa si Rhaine sa mga Wedding Coordinator noong mga panahong iyon, at ako naman ang kinuhang Bestman ni Lester. Accidentally na naiwan ni Rhaine ang mga mahalagang gagamitin sa Wedding Ceremony ng Bride, katulad ng veil, cord, Bible, ang aras, at higit sa lahat ang Couple's Ring.
Nasa loob na ako noon ng elevator nang marinig ko ang pagsigaw niya ng…
"Wait! Wait!"
Mabuti na lang naagapan ko ang pagsara ng pintuan ng elevator kaya nagawa niyang makapasok roon.
"Thank you! Thank you po!" walang patid na pasasalamat niya sa akin, at panay pa ang pagyuko.
"Y-You're welcome!" nakangiting ganti ko naman sa kanya.
Saglit kaming sinakop ng katahimikan. Sa pagkakataong iyong hindi ko maiwasan na lihim siyang pagmasdan buhat sa kanyang likuran. Hapit na hapit sa kanya ang black pants kaya nakita ko ang pagkabilog ng kanyang pwetan.
Hindi siya ganoong katangkaran at kaputi pero biniyayaan naman siya ng magandang hubog ng katawan.
Napadako ang paningin ko sa kanyang batok kung saan nakapony tail ang mahaba niyang buhok. Napansin ako na may pagkabalbon ito, at makinis. At kahit hindi siya ganoon kalapit sa akin, amoy na amoy ko ang feminine perfume na gamit niya. Para tuloy akong natutuksong dampian ng halik ang batok niya.
Napalunok ako.
"Wait!" bigla siyang napalingon sa akin.
Napakislot naman ako, at bahagyang kinabahan dahil baka nahuli niya akong pinagpapantasyahan kong halikan ang batok niya.
"Diba ikaw 'yung Bestman?" tanong nito.
"Yes," lumapad ang pagkakangiti ko sa kanya, "Ikaw naman 'yung isa sa mga coordinator!" pagkukunwari ko.
"Yes!" tumango siya saka isang matamis na ngiti ang ginanti niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasan na makita ang pantay-pantay niyang mga ngipin. "M-Mukhang nagmamadali ka?" usisa ko na lang sa kanya.
"Nakalimutan ko kasi itong mga gamit para sa ceremony!" nahihiyang sagot niya, "Iniwan na rin ako ng mga kasama ko kasi mag aasikaso pa sila sa Bridal Entourage."
“Ahhh…Gusto mo bang sumabay ka na lang sakin?" biglang offer ko sa kanya na lihim kong kinagulat sa sarili ko.
"Ha?" gulat din niya.
"Doon din naman ang punta ko!" sabi ko na lang na siya ring namang totoo.
Hindi ko alam kung papayag siya sa alok kong iyon dahil hindi naman talaga niya ako lubusang kilala. Nakita ko rin na may pag-aalingan siyang tumingin sa akin, at iyong mga tingin niya may kasamang panunuri na hindi ko mawari.
“M-May sasakyan ako," bigla akong nailang.
"Naku, salamat po!" bulaslas niya na siyang kinagulat ko. Sa sobrang tuwa niya, nagawa pa niyang hawakan ang kanang kamay ko, "Tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob!"
Natawa naman ako bigla. Siguro kung masamang tao lang ako, sasamantalahin ko ang pagkakataong iyon para matupad ang pinantasya ko kanina. Pero hindi, parang ito pa ang naging way para makilala ko siya.
“By the way, I’m Darren Madrigal!” pagpapakilala ko sa kanya habang nasa biyahe na kami.
"I'm Rhaine Alcantara!" at saglit na nakipagshake hands sa akin.
Ngumiti na rin ako.
“By the way? Kaanu-ano po ninyo ‘yung ikakasal?” bigla niyang usisa. Marahil para may mapag-usapan kaming dalawa habang nasa byahe.
“Bestfriend ko ‘yung Groom then business partner na rin!” tugon ko.
“So, Dentist ka rin ba?”
“Yup,” tumango ako pero nananatiling nasa kalsada ang paningin ko.
“Ito po pala!” aniya saka may kinuhang calling card sa loob ng shoulder bag nito. At saka niya inabot sa akin, “In case na nagpaplano na po kayong magpakasal ng girlfriend n’yo. Pwede mong kunin si Miss Jam as Wedding Planner."
"Nice," natawa ko naman, "Pero mukhang matatagalan pa kasi wala pa akong girlfriend."
"R-Really?!" parang hindi siya makapaniwala.
"Pero pwede ko naman kayong irecommend sa iba," habol ko.
"Ah, oo!" nahihiyang napakamot siya ng ulo, "Thank you po!"
“Huwag mo akong po-in, just call me Darren nalang…” ngumiti ako sa kanya.
“O-Okay,” nahihiyang tugon niya saka siya nag-iwas ng tingin. Ilang saglit pa napansin kong pinagpagpagpag niya ang suot niyang blaizer. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapatingin sa bandang dibdib niya kung saan hindi ko sinasadyang nakita ang cleavage niya.
“M-Mainit ba?” sabi ko saka umakto akong lalakasan ko ang aircon.
“H-Hindi… medyo ano lang…” nahihiyang sabi niya pero hindi magawang makatingin sakin.
“O-Okay lang. Para rin kasing uminit,” sabi ko na lang dahil ang totoo bigla rin akong nakadama ng init dahil sa nakita ng dalawang mata ko.
“Malapit na ba tayo?” paglinis na lang niya sa usapan.
“O-Oo,” tugon ko.
Hindi na siya kumibo pa.
“Hmmm… sorry pero pwede ba akong magtanong?” paglalakas-loob ko na.
Tumango naman siya.
“Anong oras matatapos ang event mamaya?”
“Mga past ten or eleven na po ng gabi,” tugon niya.
“Okay lang ba after ng event? Imbitahan kitang magcoffee?”
“Po?”
“Pero okay lang din kung hindi ka pwede kasi alam kong may work—”
“No, it’s okay!” ngumiti siya, “Kahit after kumain ng mga bisita sa reception, pwede na kaming magpaalam sa boss namin.”
“So free ka ba?”
“Yes!” tumango siya.
Saka naman akong nakapahinga ng maluwag. Hindi ko pinakawalan ang pagkakataong iyon para makilala siya ng lubusan. I don’t believe in love at first sight. Pero noong araw na makita ko siya, parang ayokong nang mawala siya sa akin.
At new year's eve noon nang bigyan ko siya ng duplicate key sa condo unit ko. Senyales na pumapayag akong magstay siya roon kahit kaylan niya gusto. Inopen ko ang mundo ko, para makilala ko siya ng lubusan.