Chapter 4

1175 Words
RHAINE'S POV “KAILAN BA MAMAMANHIKAN ANG PAMILYA NI DARREN RITO?” Ito ang laging bungad sa akin ni Mama sa tuwing umuuwi o dumadalaw ako sa bahay namin sa Caloocan. "Hindi pa po namin napag-uusapan, Ma," ito naman ang lagi kong sagot sa kanya. "Aba, kaylan n'yo paplanuhin ang kasal?" may himig na pagka-inip nito, "Kapag patay na ko? Naku Rhaine, ah! Hindi porquet, hindi ako tumutol sa pagsasama n'yo sa iisang bubong, eh kukunsintihin na kita sa mga kalokohan mo!" Hindi na ako kumibo pa. Si Mama na may sinaunang paniniwala. Paniniwala na kailangang kasal muna bago ang honeymoon. Senior citizen na si Mama, at sa apat niyang anak, ako na lang ang wala pang asawa. Kaya naman kung itulak niya ako sa pag-aasawa ay ganoon na lang. Aaminin ko, nakakadama na ako ng pressure sa kanya. Kung pwede ko nga lang hilahin si Darren sa simbahan ay gagawin ko. Pero sa usaping pagpapakasal, dapat pareho naming ginusto. Kung ako ang tatanungin ay handa na akong mag-asawa. Pero si Darren, hindi pa nag-o-open tungkol doon. "Paano ka na lang kapag sumunod na ako sa Papa n'yo?" nag-aalalang tumingin sa akin si Mama, "Ayokong tumanda kang dalaga. Ayokong iwan ka na walang mag-aalaga sa'yo!" Muli akong napabuntong-hininga. High school pa lang ako nang iwan kami ni Papa dahil sa mga komplikasyon ng diabetes niya. Iyon ang pinakamasakit na nangyari sa aming pamilya. At hanggang ngayon, nakikita naming mga anak niya na mahal na mahal pa rin niya si Papa. "Ma, parang lagi kang nagmamadali!" hindi ko na napigilang sabihin iyon. "Aba Rhaine, dapat lang! Hindi ka na bumabata!" ganti nito na bahagya nang tumaas ang timbre ng pananalita, "Malapit ka nang ma-expired!" Napabuga ng tubig ang nakakatanda kong kapatid na si Ate Roselda na siyang nakikinig lang sa pag-uusap naming dalawa ni Mama. Si Ate Roselda ang panganay, at ang pamilya rin nito ang nangangalaga kay Mama. "Ma, ginawa mo namang de lata ng sardinas si Rhaine!" natatawang komento ni ate. Napasimangot naman ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong pinagtanggol niya ako o lalo lang niya akong inasar. "Hayyy...." napabuga ng hangin si Mama na parang problemadong-problemado sa lovelife ko, "....Mabuti pa nga ang sardinas may label, eh! Itong kapatid mo, walang pinanghahawakan?" "Wow, Ma! May pinaghuhugutan ka?" biro na lang ni Ate Roselda. "Ito kasing kapatid mo!" paninisi ni Mama, "Ang hirap paniwanagan." "Ganyan talaga ang inlove," depensa ni Ate Roselda, "Parang hindi n'yo naman pinagdaanan 'yan ni Papa!" "Iba naman kasi kami! Naniguro muna ako sa kinabukasan ko bago ako sumama sa kanya! Ikaw, Rhaine?" baling niya sa akin, "Nakakasiguro ka ba kay Darren?" Hindi ako nakasagot. "Hindi ako bilib sa talino niya, Rhaine..." seryosong sabi niya, "...Oo, kayang-kaya ka niyang buhayin. Hindi ka niya gugutumin. Pero may panghahawakan ka ba sa kanya?" "Ma!" saway na ni Ate Roselda, "Minsan na nga lang pumunta rito 'yung bunso mo, tinadtad mo pa ng sermon!" Napabuntong-hininga na lang ulit si Mama. Minsan talaga natatakot na akong umuwi ng bahay dahil nakakadama na ako ng matinding pressured sa mga sinasabi ni Mama. Minsan iniisip ko kung mali ba ang ginagawa ko? Mali ba ang naging pasya kong mahalin si Darren? Minsan na rin akong napapatanong sa sarili ko kung hanggang dito na lang ba kaming dalawa? Paano na lang kung maghiwalay kami? Paano na lang kung magsawa siya sa akin? At iwan ako? Oo nga't mag-iisang taon palang kami, pero dahil sa mga sinasabi ni Mama, pakiramdam ko ay kailangan ko nang magmadali. Kailangan ko nang mag-asawa at mabigyan siya ng apo. "May point din naman kasi si Tita Rose," komento ng kasamahan ko sa trabaho at tinuturing kong matalik na kaibigan na si Joshua, isang araw habang nagbibiyahe na kami pauwi galing sa isang Wedding Event na inorganized ng team namin. Si Joshua ang pinaka-close ko sa lahat ng kasamahan ko sa trabaho. Sa unang tingin, hindi naman siya pagkakamalang isang binabae dahil lalaking-lalaki pa rin ang porma niya. Iyon nga lang, sa oras na makakita siya ng guwapo, lumalantad ang tunay niyang kulay. Kay Joshua ko nasasabi ang mga hinaing ko sa buhay. At nagpapasalamat ako dahil handa lagi siyang makinig sa akin. "Hindi naman mali na sundin mo ang puso mo, Girl…” anito nakatuon ang paningin sa minamaneho, “…Pero sana bago mo naisipang lumipat d'yan sa Condo ni Darren, inisip mo muna ang mga consequences. Hindi sa tinatakot kita, pero pwedeng magbago ang lahat sa isang iglap lang." "Iyon din naman ang kinakatakot ko," pag-amin ko, "Kapag ganyan si Mama lalo ko lang ginugusto na magkaanak." "Anak?" Napakunot ang noo nito, "At gagamitin mo 'yun para pakasalan ka ni Darren?" "No!" mabilis kong tanggi. "Then why?" usisa nito, "Bakit gusto mong magkaanak?" "Iniisip ko, kahit umalis or iwan ako ni Darren ay may makakasama pa rin ako sa pagtanda ko," katwiran ko, "Ready akong maging single Mom, kung sakaling maghiwalay kami." "What?!" gulat nito at hindi malaman kung saan ba siya mapapatingin, sa akin o sa kalsada. "Iniisip ko kahit na umalis si Darren at pumunta ng Japan--" "Wait!" awat nito at umarko ang hinliliit nitong daliri sa manibela, "Ano'ng Japan-Japan ang pinagsasabi mo?" "May plano si Darren na magpunta ng Japan, hindi ko pa alam kung kaylan. Pero nabanggit na niya sa akin ang plano niyang 'yun," pag-amin ko na siyang totoo naman. May plano si Darren na magtrabaho at ituloy ang Medical Studies nito sa Japan. Indemand kasi ngayon ang mga Doctor, Nurse at Dentista roon. At iyon ang nakikitang opportunity ni Darren para sa karir nito. "Alam ba 'yan nila Tita?" biglang tanong ni Joshua. Umiling ako, "Ikaw palang ang pinagsabihan ko." "Eh, paano ka? Papayag kang iwan ka niya?" seryosong tanong nito, "Papayag ka sa Long Distance Relationship?" "Ayokong makasagabal sa mga pangarap niya," tugon ko. "Ayaw mong makasagabal pero gusto mong magkaanak na kayong dalawa?" naguluhan ito bigla, "Ano ba talaga?" "K-Kahit isa lang, Josh! Kahit isang anak lang!" halos mangilid ang mga luha ko, "Tapos 'nun hahayaan ko na si Darren na gawin ang mga gusto niya sa buhay niya. Basta ako, ibubuhos ko ang atensyon at pagmamahal ko sa magiging anak ko!" "Naririnig mo ba ang sarili mo, girl?" parang hindi ito makapaniwala, "Sa tingin mo maganda 'yang iniisip mo?" "Iyon lang ang naiisip kong paraan para huminto na si Mama sa pagtutulak sa akin sa pag-aasawa! Nape-pressured na ako sa mga nadidinig ko! Natatakot rin naman akong tumandang mag-isa! At mismong pamilya ko, ipinaparamdam sa akin na mag-isa lang ako! Halos lahat ng kapatid ko at mga pinsan ko ay mga may asawa at anak na! Pero ako? Mag-isa pa rin! Aaminin ko, naiinggit ako sa ibang babae na may mga anak na!" "Rhaine...." may bahid na awa ang mga mata ni Joshua nang sulyapan niya ako. "Ang gusto ko lang naman may paghugutan ako ng lakas, na nagsasabi na hindi ako nag-iisa!" madiin kong sabi. Hindi na nakakibo pa si Joshua. Hindi ko alam kung naaawa ba siya sa akin, o gusto na niya akong pagsasampalin para matauhan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD