"'La. Saan ba tayo pupunta? Kanina pa tayo naglalakad dito. Hindi po ba kayo napapagod?" bagot na tanong ko kay Lola. Gabing-gabi na kasi ay nagpasya siyang maglakad sa labas ng hotel. Kaninang tanghali ay nagpasyang bumalik si Samaniego sa Maynila. Hindi naman ako makatutol sa kanyang desisyon dahil tungkol iyon sa kanilang negosyo. "Apo. Aba'y kalabaw lang ang napapagod." Humagikgik siya. Huminto muna siya sa paglalakad at hinintay ako. Umupo siya sa malapit na kilalang fast food restaurant. Pumasok ako sa loob para ikuha siya ng maiinom. Pagbalik ko ay agad kong inabot ang tubig sa kanya. "Saan po ba ang punta natin, 'La? Siguradong kanina pa naghihintay si Manang Maring sa 'tin." "Malapit na tayo, apo." Tumayo siya at naglakad muli. Sinundan ko siya hanggang sa mapadpad kami

