Kabanata 12

1912 Words

"Good morning, everyone." Masiglang bungad ni Drew Montelibano mula sa amin sa hapag. Kasalukuyan kaming kumakain ng agahan. Mula sa kabisera kung saan nakaupo si Mr. Samaniego ay napangisi siya. Humila ng upuan si Drew sa tabi ko. Si Margaux naman ay ngumiti sa bagong gising na bisita. Hindi pa man sumisikat ang araw kaninang umaga'y nakagayak na si Rigor para pumunta ng bayan. Marami daw silang bibilhing gamit para sa darating na anihan. "Why are you looking at me? May nagawa ba ako last night?" Maang na tanong niya kay Samaniego habang kumukuha ng nakahaing pagkain. Umiling si Samaniego. "You, Nica? May nasabi ba ako kagabi?" "Wala naman," matipid kong tugon at ipinagpatuloy ang pagsubo ng pritong longganisa. Napatingin sa akin si Margaux at hindi ulit niya napigilang magta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD