INDEPENDENT WOMAN 5

3682 Words
THE STRONG INDEPENDENT WOMAN 05 Hindi pa sumisikat ang araw ay mulat na ang mga mata ko upang masilayan ang pag-usbong ng araw. Ito ang unang araw ko sa lugar na ‘to kaya naman hindi ko dapat palagpasin ang unang pagsikat ng araw na andito ako. Kailangan ko din ‘tong kuhaan ng litrato upang gawing inspirasyon sa aking susunod na isusulat na mga nobela. Mula sa terrace ng bahay ay kitang-kita ang unti-unting pagsikat ng araw, wala din tao mula sa pangpang at tahimik pa ang buong lugar maliban sa mga lalaking kailangan nang mangisda sa karagatan. Nang mapadako ang aking tungin sa kaharap bahay kung saan nakatira ang nagsundo sa ‘kin kahapon. Si Sabry. Purong bato din ang kanyang tahanan, ang bubong na gawa sa yero at ang kanyang mga bintana na gawa sa lamang sa kahoy saka yero. Mula sa itaas sa aking kinatatayuan ay kitang-kita din ang kaliitan ng sakop na kanyang bahay. At saktong-sakto lamang para magkaroon ‘to ng salas, kusina, banyo at isang kwarto mula sa loob base sa aking pagkakatansya sa laki nito. “Ang ganda” bulaslas ko habang nakatingin sa papasikat na araw hanggang sa tuluyan an itong lumabas mula sa karagatan. Ang buong lugar ay unti-unti ng lumiliwanag, ang mga bata ay isa-isa na din naglalabasan upang magtakbuhan sa malawak na puting-puting mga buhangin. Samantala ako ay hawak ang kape habang nakatingin sa buong paligid ng maagaw ang aking pansin ng isang lalaki. “Miss Destiny, magandang umaga sa ‘yo.” Kumakaway at pasigaw na bati ni Sabry mula sa ibaba. May hawak-hawak pa ‘tong tasa sa kanyang kamay na ibinababa mula sa maliit na mesa sa labas ng kanyang tahanan. Tumango lamang ako sa kanya. Hindi ako nag-abala na ngumiti bago muling itinuon ang aking paningin sa malawak na karagatan sa aking harapan at ilang saglit ay pumasok na ‘ko sa loob ng aking tahanan. Inilapag ko ang aking kape at kinuha ang libro na pinahiram sa akin ni Kaith. Habang tahimik na nagbabasa ay naptigil ako ng magring ang cellphone ko mula sa tabi. Nang tignan ko kung sino ‘yon ay bumungad sa akin ang pangalan ni Kaith kaya agad ko ‘yong isinagot at ini-loud speaker. “Hey, good morning.” Bati ko sa kanya pagsagot ko sa kanyang tawag. “Good morning, Destiny, my friend, kamusta ang unang araw mo dyan? Ngayon ko lang na basa ang mga text mo, nasira ang phone ko at ngayon lang ako nakabili.” Paliwanag ni Kaith, “So ano na ang nangyari?” dagdag pa nito. “Kahapon pa ‘ko nakarating dito, maayos naman ang lahat pati na din ang bahay. Malaki para sa aking mag-isa lang na titira, malinis na din ang pagdating ko kaya wala na ‘kong kailangan na baguhin pa.” mabilis na sagot ko sa kanya bago napabuga nang hangin, “Pero mukhang ko ata makakasundo ang mga tao dito.” Pahabol ko pa sa kanya. “Kialan ka ba nakipagkasundo sa mga kapwa mo tao?” pabiro nitong sagot sa akin bago tumawa, “Hayaan mo sila, hindi ba at andyan ka para makapagsulat ng bago mong libro pati na din ang mapag-isa kaya huwag mo na sila alalahanin. Basta ay makapag-enjoy ka bago makauwi dito, naghahanap na din si tita ng mapapangasawa mo habang wala ka pa dito.” Humagikgik na sagot nito sa akin. Hindi ko naman ang maiwasan na mapasimangot dahil sa kanyang sinabi. Muling bumalik na naman tuloy ang naging rason kung bakit ako nagpunta dito. At hanggang ngayon ay hindi ko pa din malaman kung ano ang rason kung kailangan ko na maghanap ng lalaki. “Talagang ginagawa niya ‘yon?” hindi ‘ko makapaniwala. “Napalayas ka nga ni tita sa inyo, ang maghanap pa kaya nang lalaki na babalikan mo?” natatawa nitong ani na mukhang inaasar pa ‘ko. “Whatever. Papatayin ko na ‘to, kailangan ko pa magsulat.” Sagot ko sa kanya. Hindi ko na siya pinagsalita pa at mabilis na pinatay ang tawag. Napabuntong hininga na lamang ako at tuluyan na ng ibinababa ang libro saka dumiretso sa banyo upang mag-ayos ng aking sarili. Wala pang gaanong stock ng pagkain, pangunahing pangangailangan ang buong bahay kaya—mas mabuti na ang lumabas na muna. Humarap ako sa malaking salamin upang tignan ang aking sarili. “Ayos na ‘to.” Aniko sa aking sarili. Sunod ay kinuha ko ang aking wallet na gagamitin sa aking pagbili. Ngunit, isa na lamang ang aking problema, ‘yon ay ang hindi ko alam kung saan ang pagpunta sa bayan kung na saan ang palengke. Napatingin naman ako sa aking kaharap bahay, sarado ang kanyang pinto at walang tao pero wala na ‘kong choice kundi ang katukin siya kesa naman ang magtiis ako na walang magagamit. Lakas loob akong lumabas ng bahay at dumiretso sa harap ng bahay ni Sabry, marahan akong kumatok ng tatlong beses sa kanyang pinto ngunit walang sumagot o ‘di kaya naman ay lumabas. Kaya namans ay muli akong kumatok pero sa pangalawang pagkakataon ay wala pa din lumabas mula sa loob. Napabuntong hininga na lamang ako at nang tumalikod na nagulat ako sa kung sino ang nakatayo doon. Si Sabry habang nasa likod nito ang isang babae na kausap niya kagabi at may hawak-hawak pa ‘tong plastic na may lamang pagkain sa loob nito. “Miss Destiny, ano ang ginagawa mo dito?” tanong ni Sabry sa akin at agad ‘tong lumapit. “May problema ba?” dagdag pa nito. Umiling ako sa kanya bago inayos ang aking buhok na nililipad ng malakas na hangin, “Wala naman problema. Itatanong ko lang sana kung saan pwede makapamili ng mga grocery dito,  ikaw lang ang kilala ko dito kaya sayo ‘ko nagpunta.” Walang emosyon na sagot ko sa kanya. “Pwede ka naman kay Mang Bin magpunta, siya naman ang taga-bantay sa bahay ng tinitirhan mo.” Intrabida na sagot ng babae na kasama ni Sabry. “May sakit siya ‘di ba?” tanong ko sa kanya pabalik, “Mas mabuti na ang magpahinga siya, may puso naman ako sa mga tao na nakapaligid sa akin.” Sagot ko. Tumaas naman ang kanyang kilay sa sinabi ko bago lumapit kay Sabry at humawak sa braso nito. “Sabry, nangako ka sa ‘kin na sasamahan mo ako buong araw na ‘to.” Pagbebe nitong ani sa binata habang nagpapaawa ang kanyang mga mata. Napa-irap na lamang ako sa kanyang inaasta na tila takot na takot maagawan ng atensyon ng lalaki. “Nevermind, Sabry. Saan na lang ako pwedeng sumakay para makapunta sa bayan?” tanong ko sa kanya. Ayaw ko na mas lalo pang mapatagal na makita ang babae na ‘to sa aking harapan. Hindi ko makayanan ang masaksihan ang pag-uugali niya na tila uhaw na uhaw sa atensyon ni Sabry, mukha siyang desperada na walang delekadesa sa buhay. “No, hindi,” pigil ni Sabry sa akin bago inalis ang kamay ng babaeng kasama niya sa kanyang braso, “Passensya ka na Geneva, hindi kita masasamahan sa mga balak mong gawin ngayong araw na ‘to. Kung gusto mo ay kakausapin ko na lang si Carlos para may makasama ka. Bago pa lang dito si Miss Destiny kaya naman ay kailangan niya pa ng kompanya ko sa pagpunta sa palengke.” Pagrarason niya dito. Napasimangot naman si Geneva sa kanyang sinabi bago tumingin sa akin at ibinalik ang tingin kay Sabry. “Hindi ko kailangan si Carlos! Ikaw ang nangako sa akin na sasamahan mo ‘ko ngayong araw na ‘to.” Parang bata niyang reklamo. “Pero—“ hindi ko na pinatapos pa ang,sasabihin ni Sabry at sumingit na ‘ko sa kanila. Masyado na kasi silang masakit sa paningin ko. “Hindi ka naman ata niya asawa para diktahan mo siya kung ano ang kanyang magiging desisyon ‘di ba?” tanong ko kay Geneva na mukhang na gulat sa sinabi ko, “At mukhang hindi ka din naman niya nobya para pigilan mo siya sa pagsama sa akin.” Dagdag ko pa. “Sabry! Tignan mo, tignan mo!” naiiyak niyang pagsusumbong kay Sabry. Kusang tumaas ang kilay ko sa pagsusumbong niya sa binata kaya naman tinignan ko din si Sabry. Sunod ay tinignan mula ulo hanggang paa si Geneva, “Huwag kang mag-aalala, hindi ako interesado sa kanya. Kailangan ko lang ng makakasama hanggang sa palengke, kung ayaw mo talaga na mahiwalay sa kanya ay hindi  naman kita pinipigilan sumama.” Sagot ko sa kanya. Hindi naman siya maka-imik sa sinabi ko. Si Sabry ay mukhang nagulat sa prangka at pagsasabi kong hindi ako interesado sa kanya. Bakit siya nagulat? Ngayon lang ba siya nakakita ng babae na hindi interesado sa kanya? Kung sabagay ay halos buong babae na ata dito sa buong isla ay kanyang nginingitian at iniintertain kaya hindi na ‘ko magtataka. “Sama ako, Kuya Sabry?” pagpaalam ni Geneva dito. “Hindi na, Geneva.” Maigsing sagot nito, “Uuwi din naman kami agad, hindi ba at sabi mo ay wala ka pang kain. Pupuntahan ko si Carlos para samaha—“ hindi matapos ang sasabihin nito na nagpapadyak na umalis ‘to sa harapan namin. Napailing na lamang ako at naalala si Kaith sa kanya pero ang pinagkaiba lang nila ay hindi si Kaith ang naghahabol sa lalaki kundi siya ang hinahabol ng mga lalaki. Nang mawala na ‘to sa aming paningin ay nagkatinginan kami ni Sabry pero ako na ang unang umiwas. “Tara na,” pag-aaya ko sa kanya. Nanguna siya sa paglalakad habang ako ay nakatingin lamang sa kanyang likudan suot ang sun glasses pananggala sa sikat ng araw. Ramdam ko din ang tinginan ng mga tao sa aming pwesto habang hindi naman maubusan ang nagtatanong kay Sabry kung saan kami pupunta dalawa. “Kailangan ba na alam ng lahat kung saan kami magpupunta?” bulong ko sa aking sarili bago napairap nang makapunta na kami kung saan naghihintay ng bangka na maghahatid sa amin papunta sa bayan. “Hindi naman kailangan pero kailangan mo din sagutin bilang pagrespeto.” Sagot ni Sabry. “Narinig mo?” tanong ko sa kanya. Tumango-tango siya sa akin bago ngumiti. “Simula pa lang kahapon ay na pansin ko na, hindi kita maintindihan sa pag-uugali mo pero isa lang ang nakakasigurado ako.” Sagot niya sa akin bago tumingin sa malayo. “Anong nakakasigurado ka?” nagtataka kong tanong sa kanya. “Sigurado akong kakaiba ka sa lahat. Ikaw lang ang babae na nagsabi na hindi ka interesado sa ‘kin, ang mga mata mo ay hindi mabasa kung ano ba ang naiisip mo at mukhang mas gusto mo din ang madalas na mapag-isa kesa ang magkaroon ng may makakausap.” Paliwanag niya sa akin. “Natural na sa isang manunulat na katulad ko ang mas pinipili ang katahimikan,” sagot ko sa kanya, “At hindi lang naman ako sa ‘yo hindi interesado kundi sa lahat ng lalaki na gusto pumasok sa buhay ko.” Dagdag ko pa. Akmang sasagot pa sana siya sa sinabi ko pero dumating na ang Bangka na aming sasakyan. Inalalayan niya ‘ko sa pagsakay at siya naman ang sumunod sa na sumakay  nang mapansin na kumportable na ‘ko sa aking pwesto.   MY STRONG INDEPENDENT WOMAN 05. 2 “Manhater ka pala?” tanong niya. Umiling ako, “Hindi din. Kung man hater ako ay sana hindi na kita kinakausap ngayon.” Sagot ko sa kanya bago inilagay sa tubig ang aking kamay. “Hindi ko lang maimagine ang sarili ko na may kasamang lalaki na tatanda, hindi ko makita ang sarili ko na magpapakasal o ang magkakaroon ng buong pamilya.” Dagdag ko pa. “Kahit ang magka-anak?” tanong niya sa akin. “Naisip ko magka-anak syempre,” sagot ko sa kanya bago mahinang natawa, “Pero hindi ‘yon may kasamang asawa.” Dagdag ko pa. Hindi naman siya sumagot sa sinabi ko, nang mapatingin ako sa kanyang pwesto ay nakatingin lamang ‘to sa akin na tila gulat na gulat. “Bakit?” irita kong tanong sa kanya. “Marunong ka palang tumawa?” gulat na ani nito. “Tao pa din naman ako,” maigsi kong sagot sa kanya. May katagalan ang naging byahe bago kami makarating sa bayan, malapit pa pala ‘to sa pier na aking binababaan kahapon kaya ilang isla pa ang kailangan namin daan bago kami makarating ng tuluyan. Puno ang Bangka na aming sinasakyan dahil sa mga pasahero na nagsasakayan mula sa iba’t-ibang isla upang magpunta din sa palengke. “Ingat.” Paalala ni Sabry habang hawak-hawak nito ang aking kamay na inaalalayan ako sa pagbaba ng aming sinasakyan. “Salamat.” Sagot ko sa kanya ng maayos akong natungtong sa bato. “Tara na.” dagdag ko pa. Tumango lamang siya hanggang sa makarating kami sa isang building kung saan naglalabas-pasok ang mga tao sa loob. Agad kaming pumasok doon at habang siya ay tulak-tulak ang push cart ay ako naman ay tumitingin sa mga kailangan kong bilhin. “Ang dami naman nito?” nagtatakang tanong ni Sabry sa akin nang mapansin na malapit na mapuno ang cart na kanyang tinutulak. “Sigurado ka na kaya mong ubusin ang mga ‘to?” dagdag pa niya. Tumango ako sa kanya. “Basic needs ko ‘yan sa bahay, ayaw ko naman na  palagi kang istorbohin sa inyo para magpasama sa pamimili ko ng mga gamit. And besides, mas okay na ang mamili ng isang bagsakan kesa ang mamili ng paisa-isa. Ayaw ko lumabas ng bahay.” Sagot ko sa kanya. “Ayaw mo lang mainitan dahil mangingitim ka,” pambabara niya sa aking sinasabi. “Hindi ako nangingitim ‘no,” sagot ko sa kanya. “Gusto ko sana maligo sa dagat kaso lang ay nahihiya ako sa mga tao na nakapaligid.” Paliwanag ko. Iyon din ang aking iniisip. Akala ko ay magiging masaya ang pagstay ko dito dahil sa tabing dagat pero hindi ko naman akalain na katulad sa trabaho o sa siyudad ay hindi mawawala ang mga kakaibang tinging ng mga tao. “May alam ako kung saan ka pwedeng magbabad na walang ibang tao.” Nakangiting ani ni Sabry bago kinuha ang isang pack ng chocolate bago ‘yon inilagay sa push cart. “Talaga? Meron no’n sa isla?” tanong ko sa kanya. Tumango-tango naman ito bago akmang pipitikin ang ang aking noo ng mabilis ko ‘tong nailayo sa kanya bago tumaas ang kilay. “Kung ganon ay dalhin mo ‘ko doon sa susunod na araw o ‘di kaya naman ay bukas para ma-enjoy ko naman ang bakasyon ko dito sa isla.” Sagot ko sa kanya. “Pero sa isang kondisyon.” Aniya. “Ano ‘yon?” nagtataka kong tanong. “Ang lugar na ‘yon, sana ay gawin mong sikreto sa lahat. Hindi kasi lahat ay maaring makapasok sa lugar na ‘yon kaya naman dapat walang makakaalam.” Sagot niya. “Trespassing?” tanong ko sa kanya. “Siguro pero hindi din.” Sagot niya bago nagkibit balikat at na una nang maglakad. Napangiti na lamang ako at kumuha ng isa pang box ng chocolate katulad ng kanyang kinuha at tumakbo papalapit sa kanya. “Kumain na muna tayo bago umuwi, sigurado ay nagwawala na ang girlfriend mong si ‘Geneva’.” Natatawang ani ko sa kanya. “Hindi ko siya girlfriend,” mabilis niyang pagkontra sa aking sinabi. “Hindi nga?” hindi makapaniwala kong tanong, “Pero kung makadikit, makakwestyon sa gagawin mo ay akala mo asawa mo siya.” Dagdag ko pa. “Ganon lang talaga siya, pagpasensya mo na ang ugali niya.” Paghihingi niya ng pasensya. Napakibit balikat na lamang ako sa kanya at nagpatuloy na lamang sa counter na malapit na sa kanila. Matapos namin na mabili ang lahat ng aking kailangan ay dumiretso kami sa isang restaurant na pinakamalapit mula sa grocesseries. Kakaunti lamang ang mga tao na pumapasok dito at mahahalata ng kahit sino na ang mga ‘yon ay halos lahat ay mga bumibisita lamang sa isla. “Hindi ba masyadong mamahalin ang lugar na ‘to?” nag-aalangan na tanong ni Sabry habang nakatingin sa menu na kanyang hawak-hawak. Umiling ako sa kanya, “Sakto lang ang presyo nito, ayos lang din dahil ito naman ang unang beses na gagastos ako para sa pangkain dito sa isla.” Sagot ko sa kanya bag ibinababa ang menu, “Mukhang ito na din ang una at magiging huli.” Dagdag ko pa. Napatingin naman siya sa akin na nagtataka ngunit ay tinawag ko na lamang ang waiter saka ibinigay ang order namin dalawa. Habang naghihintay ay napatingin ako sa labas, kahit saan mo tignan ay purong tubig lamang ang ‘yong makikita at ang mga bundok na may kalayuan sa aming kinauupuan. “Miss Destiny, may itatanong sana ako sa ‘yo.” Aniya. Tumango lamang ako sa kanya, “Drop the ‘Miss’. Mukhang magkasing edad lang naman tayo at hindi din naman ako mayaman.” Sagot ko sa kanya. “Hindi halata.” Bulong niya bago ‘to mahinang tumawa. Hindi ko na lamang pinansin ang kanyang sinabi. Hindi ko din naman siya masisi kung hindi siya maniwala sa sinasabi ko. Ang tinitirhan ko sa isla ay ang may pinakamaganda at malaking sakop nang bahay kaya naman ay ang lahat ay halos iba ang tingin. “Ano ang itatanong mo?” tanong ko sa kanya. “Itatanong ko lang sana kung bakit mo naisipan na magpunta dito sa isla namin?” tanong nito sa akin bago napakamot ng kanyang ulo, “Nabalitaan ko kasi kay Mang Bin naang pamangkin daw ng may-ari ng bahay ang naki-usap na tumira sa bahay na naiwan nila at may rason daw kung bakit pumayag ang may-ari.” Dagdag pa niya. Nagkibit balikat ako, “Kaibigan ko ang pamangkin na tinutukoy mo pero hindi ko alam ang rason.” Mabilis na sagot ko sa kanya bago napabuga ng hangin, “Naisipan ko din ang magpunta dito para dito humanap ng inspirasyon sa pagsusulat. Masarap ang simoy ng hangin, maganda ang tanawin at pwede akong mapag-isa kaya naman saan ko pa hahanapin kung meron naman ang kaibigan ko ‘di ba?” paliwanag ko sa kanya bago napatingin sa water na dala-dala na ang mga pagkain na in-order namin dalawa. “Ganon ba?” “Oo, wala naman espesyal na rason kung bakit ako nagpunta dito. ‘Yon lang.” pagsisinungaling ko sa kanya. Nag-umpisa na kaming kumain dalawa, wala kaming imikan sa isa’t-isa habang nakatingin sa pagkain na nakahanda sa hapag. Hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanya, ang kamay niya ay sanay na sanay sa paggamit ng mga utensils, mahinahon ang kanyang pagkakahiwa ng mga karne at kung titignan siya ng mabuti ay hindi siya mukhang mahirap lamang dahil na din sa kanyang tindig. “Interesado ka na ba sa akin?” tanong niya dahilan upang mapa-iwas ako ng aking tingin. “Hindi, bakit gusto mo?” tanong ko sa kanya bago ngumisi. “Pwede naman.” Nakangisi din nitong sagot. Mahina na lamang akong napatawa, kita ko ang kanyang pagkatigil at tumingin sa akin ngunit hindi ko na ‘yon pinansin pa. Mukhang sanay na sanay siya sa mga ganitong klase ng bagay, mabilis siyang sumagot at mukhang siguradong-sigurado din siya pero sorry-, mas kabisado ko ang mga lalaki. “Pagtapos nito ay wala ka na bang ibang pupuntahan?” tanong niya. “Wala na, ang mamili lang naman ang plano ko at bukod doon ay wala na.” sagot ko sa kanya. “Pwede ba na samahan mo muna ako na puntahan ang isang shop dito? May gusto lang akong bilhin.” Aniya. “Okay.” Hindi nagtagal ay natapos na din  kami, nagpresinta siya na magbayad ngunit ako na ang nagbigay ng card sa water dahil ang kanyang pera ay halos barya. Wala din naman akong balak na magkaroon ng utang na loob sa kanya dahil sa sinamahan niya ‘ko at siya ang magbabayad ng pagkain namin dalawa. MATAPOS namin na kumain ay agad kaming nagpunta sa shop kanyang sinasabi. Maliit lamang ‘yon pero ang lahat ng mga binebenta ay naggagandahan. Isang souvenier shop. Agad akong naglibot-libot mula sa loob at isang notebook ang nakaagaw ng aking atensyon. “Gusto mo?” tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya bago kumuha ng ballpen na papares sa notebook na ‘yon at saka muling nagtingin-tingin. Iniwan ko siya sa pwesto ko kanina at nagpunta na ‘ko sa counter upang bayaran ‘to at paglabas ko ng shop ay doon na naghihintay si Sabry. “Akala ko ba ay may bibilhin ka?” nagtatakang tanong ko sa kanya ng mapansin na wala siyang hawak. “Wala na sa kanila ang gusto kong bilhin.” Sagot niya bago tumango na, “Tara na, umuwi na tayo.” Dagdag pa niya. Tumango na lamang ako sa kanya. Nagpunta na kami kung saan nag-aabang ang mga Bangka upang magsakay ng mga pasahero hanggang sa makarating na kami sa isla. Pagbaba namin ay marami pa din ang mga taong nakatingin sa aming pwesto. Mukhang kailangan ko na din ang masanay sa mga tingin ng mga tao sa akin. “Salamat.” Pasasalamat ko sa kanya ng mailapag niya ang aking pinamili sa mesa. “Walang anuman,” nakangiti niyang sagot sa akin bago hinawakan ang aking buhok saka na tumalikod ng mabilis kong gawakan ang kanyang kamay. “Sandali lang, tanggapin mo ‘to.” Sagot ko sa kanya at mabilis na kumuha  ng pera sa aking wallet. “Hindi na,” sagot niya bago kinuha ang isang Tsukulateng iniligay niya sa cart kanina, “Tama na ‘to.” Sagot niya bago naglakad na papalabas ng bahay. Nakasunod lamang ang aking tingin sa kanya hanggang sa maisara niya na ang pinto. Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa kanyang inasta. “Pwede na   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD