INDEPENDENT 06
“Wala na talaga akong maisip!” reklamo ni Destiny sa kanyang sarili bago marahan na ipinukpok ang kanyang ulo.
Ilang araw na siya dito sa isla, akala niya pa naman ay makakapag-sulat siya ng maayos kung malayo siya sa stress ng mama niya at may magandang tanawin sa kanyang harap. Ngunit, sa tuwing umiihip ang malakas na hangin mula sa labas ay tila mas gugustuhin na lamang nito ang matulog o ‘di kaya naman ay magbabad sa asul na asul na karagatan.
Isinara niya ang kanyang laptop at saka ‘yon inilapag sa kanyang higaan. Kinuha nito ang iilang mga bikini na kanyang dala-dala bago namili ng kung saan ang kanyang napupusuan. Pumasok ‘to sa loob ng banyo at nag-umpisang magbihis, inilagay niya din ang towel at ibang kailangan sa kanyang bag.
“Hindi naman ata siya magagalit,” kibit balikat niyang pangungumbinsi sa sarili.
Sa ilang araw na pagnanatili niya sa isla ay nakapalibot-libot na din siya mag-isa kahit papaano. May ibang kababaihan na din siyang nakaka-usap kahit papaano kaso ang karamihan sa mga ‘yon ay ang mga bata—teenager. At nalaman din niya sa likod ng isla ay walang nagtatangka na magpunta dahil sa pinagbabawal ng may-ari ng lupa ang may pumasok doon.
Lumabas siya ng bahay at agad ‘tong nilock mula sa loob. Maigsing short, manipis na puting tshirt habang may suot-suot ‘tong shades at maayos na nakatali ang kanyang mahabang buhok upang hindi dalhin ng hangin pati humarang sa kanyang mukha.
Naglalakad na siya mag-isa papunta sa likod ng isla, habang papalayo ng papalayo sa mga bahay ay unti-unti na din nawawala ang mga tao na kaupo mula sa kung saan-saan. Seryoso din siya sa pagtingin sa nakapaligid upang masigurado na walang ibang nakakita sa kanya.
“Saan ka magpupunta?”
“Ay shokoy!” bulaslas niya ng may magsalita mula sa kanyang likuran.
Paglingon niya kung sino ‘yon ay seryosong mukha ni Sabry ang bumungad sa kanya. Kakaiba ang aura nito kung para sa mga araw na nakalipas at pati na din sa tuwing binabati siya nito.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong muli nito sa kanya bago hinawakan ang kanyang balikat, “Alam mo ba na pinagbabawal ang magpunta ng kahit sino dito?” dagdag pa nito.
Tumango-tango naman siya sa sinabi ng binata bago inalis ang pagkakawahawak nito sa kanyang balikat. “Alam ko na bawal ang magpunta sa likod ng isla pero hindi naman ako magpupunta doon kundi sa gilid lang.” pagrarason niya dito.
“Gilid?” nagtatakang tanong ni Sabry sa kanya.
“Oo,” tatango-tango na sagot ni Destiny dito bago itinuro ang may kalayuan na pwesto sa kanilang kinatatayuan, “Napansin ko kasi na malayo na ang susunod na bahay, wala din masyadong tao at walang ibang dumadaan.” Paliwanag niya dito.
“Ganon ba? Pasensya ka na,” nagkakamot batok na ani ng binata bago tumingin sa loob ng bakod kung saan pinagbabawalan ang lahat na pumasok, “Isa akong tagapag-linis sa lugar na ‘to, ako din nangangalaga ng bahay. Hindi ko na pansin ang sinabi mong pwesto.” Paliwanag naman ni Sabry.
Nakaramdam siya ng hiya sa dalaga, magrereact na sana siya sa pagpunta nito dito kaso lamang ng malaman kung saan ‘to papunta ay pakiramdam niya naphiya siya sa magandang dilag na nasa kanyang harapan.
“Kaya pala andito ka,” sagot naman ni Destiny dito.
Tinalikuran niya na ang binata, nag-umpisa na maglakad papalayo dito. Pakiramdam niya ay may ibang tinatago ang binata sa kanya kaya naman ganon na lamang ang ekspresyon nito ng makita siya nito sa lugar na ‘yon.
“Destiny,” tawag muli sa kanya ni Sabry bago itinuro ang papasok sa loob ng gate, “Pwede naman kita ipasok dito sa loob kaso lamang ay sana walang ibang makaalam.” Dagdag pa nito.
“Magagalit ang amo mo at baka mawalan ka pa ng trabaho kung pumasok ako dyan.” Mabilis naman na sagot ni Destiny dito.
“Hindi ‘yan. Isa ako sa pinagkakatiwalaan dito, may mga lugar ka lang na hindi pwedeng puntahan katulad na lamang ng pagpasok sa loob ng mansion. Sa tubig ka lang naman lulusong kaya pwede na ‘yan.” Paliwanag naman ng binata.
“Pero—“ hindi na matapos ang sasabihin niya ng bigla na lamang siyang hinila ni Sabry.
Hawak-hawak nito ang kanyag pulsuhan na pumasok sa loob ng may kataasan na gate at saka ‘yon isinara ng maayos. Nakarating naman sila agad sa dalampasigan, doon niya lamang nakita ang napakaganda at malawak na mansion.
Dalawang palapag lamang ‘to ngunit ang sakop ng nito ay sobrang lawak. May kataasan din ‘to at gawa lahat sa simento, ang desenyo ay tila makikita mo lamang sa mga hotel at napapaligidan pa ‘to ng nagtataasang mga puno ng buko. Sabayan pa ng isang yatch na makikita sa hindi kalayuan ng na nakalutang habang sumasabay sa malakas na alon.
“Ang ganda dito.” Hindi maiwasan ni Destiny na maibulaslas dahil sa kanyang pagkamangha sa buong lugar.
“Tama ka, maganda nga dito.” Nakangiting sagot ni Sabry. “Sandali lang, kukuha lang ako sa loob ng sapin para malapagan mo ng iyong mga gamit.” Paalam nito.
Tumango lamang si Destiny na hindi mai-alis ang tingin sa buong lugar. Nakita niya ang isang upuan mula sa kalayuan, inilatag niya doon ang kanyang dala-dalang bag at isa-isang nagtanggal ng kanyang mga damit. Tanging bikini na lamang ang kanyang suot.
Bakit siya mahihiya? Tanong niya sa kanyang sarili. Maganda ang katawan niya, malaki ang kanyang hinaharap at ang balakang niya na malapad sabayan pa ng mataas niyang pang-upo. Hindi lamang ang kanyang ang maganda pati na din ang kanyang itsura kaya naman wala siyang maiisip para may masabi ang iba sa kanya.
“Sa wakas ay makakapagbabad na din ako!” masayang-masaya na ani niya bago tumakbo na papunta sa sobrang linis na dagat.
Ilang araw niya na din gustong-gusto ang magbabad ngunit ay hindi naman niya magawa dahil sa naiilang sa mga tingin ng tao sa kanyang paligid. Ayaw niya din namay masabi sa kanya ang mga ‘to, mas lalo na at sanay na sanay na ang mga ‘yon sa tubig dagat samantala siya ay tuwang-tuwa.
Paglubog na paglubog niya sa tubig ay agad na ‘tong lumusong. Marunong siyang lumangoy dahil isa ‘to sa kanyang subject noong nasa kolehiyo pa lamang siya. Ilang minuto habang sumisisid ay saka lamang niya tinignan ang pangpang.
Kahit malayo ay kitang-kita niya ang hubog ng binata habang nag-lalatag ‘to ng sapin sa sahig at patingin-tingin sa paligid na mukhang hinahanap siya nito dahil sa kanyang pagkawala.
“Sabry! Andito ako!” nakangiti niyang tawag sa binata upang matigil na ito sa paghahanap bago nag-umpisang kumaway-kaway ang binata.
Samantala, naagaw naman ang pansin ni Sabry bago napailing na lamang. Akala niya ay kung saan-saan na napadpad ang dalaga, malawak pa naman ang isla at baka abutin pa sila ng dilim kung sakali na naligaw na pala ‘to.
Napakatingin lamang siya dito habang patuloy ang paglusong ng dalaga sa kalayuan. Ito lamang ang pinayagan niya na makapasok sa loob ng bakod, para sa kanya ay kakaiba ang dalaga magmula ng makita niya ‘to sa pier ng barko upang sunduin.
Hindi lamang sa wala ‘tong interest sa kanya kundi ay napansin niya din ang pagiging totoo nito sa sarili. Pinapakita nito ang ‘walang gana’ at ‘tamad na tamad’ ngunit ‘yon naman talaga ang pag-uugali ng dalaga. Sa ilang araw na pagbabantay niya dito ay niisang beses ay hindi ‘to nampeke ng ugali para lamang magustuhan siya ng iba.
Muli siyang napatingin sa dagat pero wala na ang dalaga sa pwesto nito. Agad ‘tong napatayo upang muling hanapin ang dalaga at iniwan ang mga dala-dalang mga gamit saka ‘to nagpunta sa tubig dagat.
“S-sabry! H-elp!” malakas na tili mula sa kalayuan.
Doon niya na pansin ang dalaga, palubog-lubog ito mula sa tubig habang kinukumpas ang kanyang kamay upang maka-agaw ng atensyon. Mabilis ang t***k ng puso ni Sabry, kinakabahan siya at nag-uumpisa nang manginig ang kanyang katawan ngunit hindi niya alam kung paano—sunod na lamang niyang na pansin ay papunta na siya sa pwesto ng dalaga habang mabilis na nilalangoy ang kalangitnaan ng dagat.
“Destiny!” sigaw niya dito at agad na inalalayan ang dalaga. “Anong nangyari?” dagdag pa niya habang inaalis ang tubig sa kanyang mukha.
“Namulikat ang paa ko, ang sakit, hindi ako makagalaw ng maayos.” Sagot nito sa kanya na tila naiiyak na sa sakit na kanyang nararamdaman.
Inayos naman ni Sabry ang pagkakahawak sa dalaga, doon niya lamang na tanging bikini lamang ang suot nito habang ang kanilang katawan ay tumatama sa balat ng isa’t-isa. “Dadalhin na muna kita sa pangpang.” Aniya niya dito.
Napatango naman si Destiny sa sinabi nito at nagpahatak nalamang sa binata. Hindi nagtagal ay nakarating na din sila sa pangpang at agad na inilapag ang dalaga sa kanyang inilatag saka dali-daling kinuha ang towel ng dalaga mula sa dala-dala nitong bag.
“Saan ang masakit?” nag-aalalang tanong ni Sabry bago hinawakan ang hita ng dalaga.
“Ah!” daing ni Destiny ng muling manigas ang muscle.
“Huwag ka gagalaw, relax lang.” Suway ni Sabry sa kanya bago dahan-dahan na inunat ang hita nito habang minamassage kung saan ang sumasakit.
Napaluwag naman ng mahinga si Destiny ng unti-unting makaramdam ng ginhawa. Nang buksan niya ang kanyang mga mata at tumingin sa binata pati na din sa paghaplos nito sa kanyang hita ay doon niya lamang na pansin na nanginginig ‘to.
“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya sa binata, “Nanginginig ang kamay mo.” Dagdag pa niya.
“Ayos lang ako, huwag mo ‘kong alalahanin.” Sagot nito sa kanya habang patuloy pa din ‘to sa paghihilot sa kanyang hita, “Ikaw, ayos ka na? hindi na ba masakit?” sunod-sunod nitong tanong.
Tumango-tango naman siya sa tanong ng binata bago ginalaw-galaw na ang kanyang hita. Binitawan naman na agad ‘yon ni Sabry bago tumabi sa kanya at kumuha ng tubig upang uminom para pakalmahin ang sarili.
“Hindi naman ikaw kanina ang nasa binggit ng kamatayan pero bakit parang ikaw pa ang—“ hindi niya matapos ang kanyang sasabihin ng malakas na buntong hininga ang binata at tumingin sa papalubog na araw.
“Ganitong oras, katulad ng nangyari, ganon na ganon na matay ang papa ko. Namatay siya sa mismong harap ko habang unti-unting lumulubog sa tubig, maraming tao pero wala ni isa ang nagtaka na tumulong dahil—“
“Huwag mo na ituloy,” suway niya dito ng mapansin ang panginginig ng kamay nito. “Kung hindi mo man naligtas ang papa mo nang araw na ‘yon ay naligtas mo naman ako ngayon. Kung wala ka ay siguro lumubog na din ako sa tubig. Salamat.”
Hindi maka-imik ang binata sa kanyang sinabi ngunit patuloy pa din ‘to sa panginginig ng katawan. Hindi niya akalain na mauuwi sa ganitong sitwasyon ang araw na ‘to, ang gusto niya lang naman ay makapagbabad sa malinaw na tubig pero mukhang pinaalala niya lamang sa binata ang masaklap nitong nakaraan.
Kinuha niya ang kamay nito na patuloy sa panginginig, nagulat naman ang binata sa ginawa nito ngunit hinayaan lamang siya. Marahan niya itong hinulot-hilot upang mawalan ang panginginig, parehas lamang silang tahimik habang nakatingin sa papalubog na araw.
“Tapos na ang araw na ‘to.” Nanghihinayang na ani ni Destiny bago pinakawalan na ang kamay ni Sabry, “Umuwi na tayo.” Dagdag pa niya.
“Mas mabuti pa nga, kanina pa ‘ko nagugutom.” Biro naman ni Sabry.
Naunang tumayo si Sabry at si Destiny naman ay nagsuot na ng mga dalang damit upang pampatong sa kanyang suot na bikini. Nang matanggal na nila ang kanilang mga gamit ay sabay na umuwi ang dalawa habang hawak-hawak ni Sabry ang kamay ng dalawa upang alalayan ‘to dahil sa pa-ikaika pa na naglalakad.
“Maraming salamat.” Nakangiting pasasamat ni Destiny dito.
Hindi niya malaman. Ang sinasabi ng kanyang utak ay layuan ang binata dahil sa kitang-kita naman ang pagiging babaero nito pero ang kanyang katawan ay kabaliktaran ang ginagawa kesa sa kanyang iniisip. Mas komportable siyang kasama ‘to, pakiramdam niya ay hindi naman ‘to masamang tao pero—hindi niya malaman.
“Hindi ka pa uuwi?” nagtataka niyang tanong sa binata ng mapansin na hindi pa ‘to lumalabas ng bahay.
“Magbanlaw ka muna, kung papatagalin mo pa ang tubig sa katawan mo ay baka mangati ka na.” utos nito sa kanya bago tinuro ang kusina, “pagtapos mo maligo ay magpahinga ka na muna para hindi na magcrumps ulit ang paa mo. Ako na ang magluluto.” Nakangiti nitong ani.
Napataas na lamang ang aking kilay ngunit wala na din naman akong magagawa, mas mabuti na nga siya na lamang ang gumalaw kesa ang pwersahin ko pa ang paa ko.