INDPENDENT WOMAN 06.2

1425 Words
INDEPENDENT 06.2 Katulad ng sinabi ng binata ay umakyat na ng kanyang kwarto si Destiny at nilinis ang kanyang katawan. Matapos niyang maisuot ang damit kung saan siya komportable ay agad niyang kinuha ang notebook upang isulat ang mga scene na pumasok sa kanyang utak. Hindi din katagalan ay paika-ika na siyang bumababa saka dumiretso papunta sa kusina. Doon ay nadatnan niya ang binata na naghahanda ng kanilang makakain habang suot-suot nito ang apron sa kanyang katawan. “Hindi ka pa din tapos?” tanong niya dito. Umiling naman agad ‘to bago inilagay sa isang pinggan ang nalutong ulam, “Kakatapos palang. Umuwi muna ‘ko kanina bago magluto para maglinis ng katawan.” Sagot nito sa kanya. “Ganon ba?” sagot na lamang niya. Naupo na si Destiny sa isa sa mga upuan sa hapag habang ang binata naman ay pinaghahandaan siya ng makakain. Nang mag-umpisa na silang kumain ay walang niisa ang umimik sa kanila, parehas silang nahihiya sa isa’t-isa dahil sa inasta habang nasa likod ng isla. Nahihiya ang binata dahil sa naipakita nito ang kanyang kahinaan sa dalaga at ang dalaga naman ay nahihiya dahil sa pagiging malambot niya sa binata habang nanginginig ‘to. “Tapos na ‘ko,” aniya bago inilapag ng maayos ang kanyang kutsara’ t tinidor sa mesa. “Ako na ang maghuhugas.” Sagot naman ni Sabry sa kanya bago tumayo na sa kanyang pwesto at kinuha ang pinanggan. Hindi na nagtangka pa na komontra si Destiny sa gusto nito at na upo na lamang sa sofa sa salas. Kinuha ang libro na nasa mesa na kanyang iniwan habang hinihintay na matapos ang binata sa kanyang ginagawa. “Romanca? Akala ko ba ay hindi ka mahilig sa mga ganyang bagay?” nagtataka na tanong ng binata bago na upo sa kanyang gilid. “Hindi naman talaga.” Sagot niya dito bago ibinababa ang librong hawak saka tumingin dito. “Nagbabasa lang naman ako ng ganito para makakuha ng kaunting kaalaman, hindi ko din maintindihan ang iba kung bakit baliw na baliw sila sa mga ganitong libro kesa sa may mga sense at mga tunay na buhay.” Nagtataka kong ani. Habang binabasa ang libro ang libro na pinahiram sa kanya ni Kaith ay hindi niya malaman kung saan ba nag maganda dito. Ginagamit ang babae upang makuntento at maibigay ang pangangailangan ng lalkai pero paano naman ang mga babae? Magiging tanga na lamang at hahayaan na gamitin ang mga ‘to. “Siguro ay dahil sawa na sila.” Opinion ni Sabry sa kanya. “Huh?” “Ganito kasi ‘yon, Destiny. Ang iba ay kaya nagbabasa para makatakas sa buhay nila sa reyalidad, paano kung mabasa nila ang gawa mo. Imbis na makatakas sila ay mas lalo lamang silang mababaon sa reyalidad.” Paliwanag nito sa kanya bago ginulo ang kanyang buhok. “Ayon ang naiisip kong dahilan.” Dagdag pa nito. “Kaya nagpapaniwala sila sa mga libro na katulad nito?” sabay taas ng librong hawak, “Hinahayaan nila na apak-apakan ang p********e, umaasa na may mayaman na lalaking mag-aalis sila sa kahirapan kahit hindi sila gumawa ng kahit ano?” dagdag pa niya. “Hindi impossible ang sinabi mo na ‘yan. Mas lalo na ang mga babae na hopeless romantic, mas pipiliin na lamang ang magbasa kesa ang maghanap ng lalaki sa buhay nila. At possible din na ‘yon ang kanilang inspirasyon.” Paliwanag nito sa kanya. NAPABUNTONG hininga na lamang si Destiny sa sinabi nito. Hindi niya pa din maintindihan ang sinabi ng binata, mas lalo na ang word na inspirasyon nila ang libro na katulad nito. “Hindi ko magets. Basta ang alam ko lang ay hindi maganda ang ganitong mga libro, pinagmumukha lamang nilang mahihina kaming babae.” Sagot niya dito. “Kung hindi ka pala naniniwala ay bakit mo pa pinipilit ang sarili mona magsulat?” tanong muli ni Sabry. “Hindi ko gusto pero kailangan. Isang romance novel ang ibinigay sa akin na susunod na isusulat at wala naman akong magagawa pati na din ang mamili kaya naman ang kumalap na lamang ng bagaong kaalam ang ginagawa ko.” Paliwanag niya dito. Tandang-tanda pa niya kung paano siya nakipagtalo at nakiusap sa taas na palitan ang genre ng kanyang gagawin na nobela. Handa siyang magsulat ng horror, fantasy at kung ano-ano pa basta lamang ay walang romance na maipapasok mula dito. Ngunit, sadyang hindi siya malakas sa itaas kaya naman ay iyon pa din ang naibigay sa kanya. “Pwede naman kitang tulungan,” Agad na napatingin si Destiny sa sinabi ng binata at napataas ng kilay. “At paano?” tanong naman niya dito. “Pwede mo ‘ko maging boyfriend hanggang makasulat at makahanap ka ng inspiration sa pagsusulat mo.” Dagdag pa nito, “Pero hindi naman kailangan totoohanin.” “Gawin kitang boyfriend at hindi totoohanin?” nagtatakang tanong ni Destiny dito. “Oo. Gagawin natin ang ginagawa ng boyfriend at girlfriend ng ilang lingo o buwan hanggang sa makakuha ka ng kaunting kaalaman. Mahirap naman ang magsulat ka na hindi mo pa na-eexperience ‘di ba?” pangungumbinsi nito sa kanya. “Ano naman ang kapalit?” ani ni Destiny. May point ang binata sa sinabi nito, hindi niya malalaman ang tunay na nararamdaman kung hindi niya pa ‘to nagagawa. Kung babasahin niya lang naman ‘yon ay madalas niya lamang binabara ang mga bawat linyahan at napa-iisip kung ano ang possible na gawin upang makawala. “Hindi ko alam, sasabihin ko na lang sa ‘yo kung may naisip na ‘ko.” Sagot nito bago pinagkrus ang mga kamay. “Papayag ka ba?” Sandali naman nanatahimik si Destiny at pinag-isipan ng mabuti ang alok ng binata. Malaking tulong nga ang naisip nito at baka mas malaman niya pa ang pakiramdam, total naman ay hindi naman totoo ang kanilang relasyon at pake lamang kaya kahit anong oras ay pwede niya ‘tong itigil. Mabait din naman ang binata kahit na habulin ‘to ng mga babae at hindi naman issue para sa kanya ang antas sa buhay. “Sige, papayag na ‘ko pero paano naman ang mga babae na umaaligid sa ‘yo?” tanong niya dito. Ayaw niya naman na mas lalong pag-initan siya ng mga tao sa loob ng isla na ‘to mas lalo na ang mga babae na nagkakagusto sa binata na ‘to. Hindi naman siya nagpunta dito para pag-initan ng iba ‘no. “Ako na ang bahala sa kanila. Bukas ng umaga ay gagawa tayo ng rules na pwede natin ipagsama-sama.” Suhestiyon ni Sabry dito. Napatango naman si Destiny dito. Wala naman masama kung papayag siya dito, besides wala naman magagalit at baka nga matuwa pa ang mama niya kung malaman ang bagay na ‘to maliban sa ‘peke’ na part. “Hindi ka pa ba uuwi?” tanong niya dito ng mapatingin sa oras. Hindi nila namalayan dalawa ang oras habang nag-uusap dahil parehas silang seryoso. “Gusto mo na ba ‘ko umuwi?” tanong naman ni Sabry sa kanya bago nailing na tumayo, “Biro lang. Bago ka magpahinga ay lagyan mo ng oil ang paa mo para hindi na ulit sumakit mamayang madaling araw.” Paalala nito sa kanya. Tumango naman ang dalaga dito, “May cellphone ka ba?” tanong niya sa binata. Tumango naman si Sabry sa tanong nito at inilabas ang may kalumaan ng touch screen na cellphone. Wala din laman na application ‘to at tanging messages lamang ang laman. Agad naman niya inilagay ang number niya dito at muling ibinalik sa binata at ganon din ang ginawa ng binata. “Tatawagan nalang kita bukas kung anong oras ka magpupunta. Madalas kasi ay tanghali na ‘ko nagigising kaya—“ “Naiintindihan ko.” Nakangiting sagot ni Sabry, “Simula bukas ay girlfriend na kita.” Dagdag pa nito. “Peke.” Pahabol ni Destiny, “Huwag mong kalimutan na peke lang ang relasyon na ‘to, Sabry. Ginawa lang natin ‘to para matulungan mo ‘ko na makahanap ng inspirasyon sa pagsusulat kaya sana ay huwag mong bigyan ng ibang malisya.” Paliwanag niya dito. Napatango na lamang si Sabry sa sinabi nito at muli ng nagpaalam. Inihatid niya ‘to hanggang sa labas ng pinto at hinintay na makapasok sa bahay nito. Matapos maisara ang pinto ay napabuntong hininga si Destiny. “Sana lang ay hindi ako nagkamali ng desisyon.” Aniya sa sarili bago pumasok na din sa sariling kwarto.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD