INDEPENDENT WOMAN 7
“Hmmm, ang bilis ng oras!” reklamo ni Destiny habang nag-uunat ng kanyang katawan. Kakagising pa lamang niya, hindi siya nakatulog ng maayos ng gabi ngunit ang kanyang katawan ay maaga pa din nagising at bumangon katulad ng madalas niyang nakasanayan.
Marahan siyang bumababa sa kanyang hinihigaan, inayos ang tinulugan at matamlay na nagpunta sa harap ng salamin. Tinignan ang kanyang reflection at tila sira ulo na ngumiti dito.
“Lagi mong tandaan, Destiny. Maganda ka,” paalala niya sa sarili bago hinawi ang magulong buhok, “Maganda ako.” Dagdag pa niya.
Napailing na lamang siya sa kanyang ginawa at nagdiretso sa banyo sa ikalawang palapag ng bahay upang maglinis ng kanyang mukha. Dala-dala ang laptop na bumababa, ngunit nasa hagdan pa lamang ay agad na dumapo na sa kanyang ilong ang mabangon putahe mula sa kusina.
“May nakapasok.” Tugon niya sa sarili habang sinusundan ang mabangong amoy.
Mula sa kusina ay agad na bumungad sa kanya ang binata. Manipis na tshirt lamang ang suot nito at isang cotton na short na mas lalong nagpalabas ng maganda nitong pangangatawan. Seryoso ‘tong nagluluto habang maayos na nakalagay sa pwesto ang mgaa sangkap sa isang gilid.
“Paano ka napasok dito?” tanong niya dito at hindi na nagawang batiin, “Sino nagsabi sa ‘yo na pwede ka pumasok na walang permisso?” dagdag pa niya dito.
“Gising ka na pala,” nakangiti na bungad sa kanya ni Sabry sa kanya bago iniwan ang niluluto nito bago lumapit. “Good morning, ma-upo ka nalang muna dyan, medyo matagal pa ‘tong niluluto ko.” Ani nito sa kanya na hindi sinagot ang kahit sa isa sa kanyang mga tanong.
“Sabry, hind—“ hindi matuloy ang kanyang sinasabi putulin na ‘yon ng binata.
“Hayaan mo nalang at sumabay ka, ‘di ba, kailangan mo ng inspirasyon kung ano ang mga ginagawa sa isang relasyon?” putol nito sa kanya bago hinawakan nito ang kanyang palad bago marahan na pinisil, “Hindi mo din naman kailangan mag-aalala, hindi kita gagapangin tuwing gabi o sa tuwing natutulog ka.” Sabay kindat sa kanya nito.
“Hah?!” nanlalaki ang mata na tanong ni Destiny. Akmang hahablutin na sana niya ang kanyang kamay ng biglang hatakin na siya ni Sabry papaupo sa dining area.
“Ang sabi ko ay maupo ka na muna, hintayin mo nalang ang maluto ‘to. Ang daming laman ng kusina mo pero puro instant foods lang ang kinakain mo,” nag-iiling na sagot nito sa kanya.
Nang makaupo na siya sa dinning, tumalikod na sa kanyang pwesto ang binata upang bumalik sa kusina at asikasuhin ang niluluto nito. Napailing na lamang si Destiny, binuksan ang kanyang laptop at nag-umpisang magtipa upang simulan ang kanyang naiisip na kwento.
HINDI namalayan ni Destiny ang oras, seryoso lamang itong nakatingin sa kanyang laptop habang mabilis na kumikilos ang kanyang mga daliri nang may magtakip ng kanyang mga mata mula sa likod dahilan upang mapatigil siya sa kanyang ginagawa.
“Masyado ka ng seryoso, kumain ka na muna,” bulong sa kanya ng binata mula sa likod.
Binibaba ni Destiny ang kanyang mga daliri at mariin na ipinikit ang kanyang mga mata.
“Nakita mong gumagawa pa ‘ko ‘di ba?” irritable niya na tanong dito.
“Alam ko, nakita ko, pero mas kailangan ng tiyan at utak mo ng pagkain. Mamaya ka na magsulat, marami ka pa namang oras.” Paalala nito sa kanya. “Besides, hindi kita masasamahan mamaya.” Dagdag pa nito.
Agad naman na kumunot ang noo ni Destiny sa kanya, “Hindi mo naman ako kailangan samahan sa bawat oras, Sabry. Boyfriend kita, hindi alalay o body guard na kailangan na nasa tabi palagi.” Mahinahon na sagot niya dito.
“Gusto ko palagi na sa tabi mo, handa ako maging body guard mo o kahit maging alalay mo.” Nakangiti na sagot ni Sabry.
Napabuntong hininga na lamang ang dalaga sa naging sagot sa kanya ng kasintahan. Inalis nito ang pagkakatakip sa kanyang mata, saka ‘to tumayo at hinarap ang binata. “Ikaw ang bahala, Sab. Ayaw ko lang na maistorbo ka sa mga ginagawa—mas lalo sa mga trabaho mo.”sagot niya dito.
Tumango na lamang si Sabry sa kanya, tinulangan niya ‘to na maghanda ng pagkain. Mabait an lalaki si Sab kahit mukha ‘tong babaero at malapit sa mga babae pero hindi naman ‘yon sapat para mahulog siya sa binata. Dahil sa relasyon na ‘to ay para lamang sa nobela na kanyang sinusulat at wala ng iba.
“Tayo na pero wala pa ‘kong niisang alam patungkol sa ‘yo.” Pagpuputol ni Sabry sa katahimikan na namamayani sa pagitan nilang dalawa.
“Wala naman akong maikwento sa ‘yo, wala naman akong kaibigan, wala din kainte-interesado sa buhay ko.” Mabilis na sagot niya sa binata.
“Kahit na, gusto ko pa din malaman at kung papaano mo nalaman ang lugar na ‘to.” Pangungulit ng binata sa kanya.
Maliit naman siyang ngumiti dito. “Naghahanap lang talaga ako ng lugar na pwede ako maging tahimik, makakapag-isip ng maayos at walang ibang nangugulo. Kaya naman ay inirekomenda sa akin ni Kaith ang lugar na ‘to, sakto naman na umalis na pala ang tiyuhin niya kaya naman ako na muna ang tumira.” Sagot niya dito. “Ikaw, dito ka na ba talaga lumaki?”
Umiling ang binata sa tanong niya bago uminom ng tubig, “Galing ako sa malayong probinsya, pinili ko lang ang manirahan at dito magtrabaho bilang tagapaglinis pati na din ang magbantay sa malaking parte ng isla na ‘to.” Sagot nito sa kanya.
“Pero mahirap ang buhay dito,” sagot ni Destiny sa kanya, “Mas maraminng oppurtunidad sa mga bayan kesa sa ganitong isla.”
“Tama ka, marami nga, pero—basta! Hindi ko masabi ng maayos, ang alam ko lang para sa akin ay mas maganda ang isla na ‘to kesa sa ibang lugar.” Sagot nito. “Teka, bakit mo sa akin binibaling ang tanong?” nagtataka na tanong nito.
“Dahil mukhang mas maraming kainte-interesanteng mga bagay ang nangyari sa buhay mo kesa sa akin.” Sagot niya bago ibinababa ang hawak-hawak na utensils, “Unlike sa akin, kung tatanungin mo ‘ko ay wala naman talagang maganda sa buhay ko. Dati noong nag-aaral ay school at bahay lang ako, nang nagtrabaho naman nasa bahay lang dahil home base naman ang trabaho.” Paliwanag niya dito.
“Wala ka naging boyfriend?” tanong naman ni Sabry bago nag-iwas ng tingin.
“Wala, wala naman sa isip ko ang bagay na ‘yan hanggang ngayon.” Mabilis na sagot niya dito bago napaiwas ng tingin. “Pero hindi naman maiiwasan ang mga manliligaw.” Pahabol nito.
“Pinayagan mo?” gulat na tanong ni Sabry sa dalaga.
“Hindi, nagkusa sila.” Sagot niya dito.
Tumango-tango naman si Sabry bago muling nagpatuloy sa kanyang pagkain. Nang matapos silang dalawa ay nagpresinta ng maghugas ng kanilang pinagkainan ay ang binata upang maipagpatuloy na ng dalaga ang pagsusulat nito.
Habang nasa salas si Destiny, si Sabry naman ay nasa loob lamang ng kusina at kung ano-ano ang ginagawa. Hindi naman maiwasan ng dalaga na silipin ‘to sa tuwing napapatigil sa kanyang pagsulat.
‘Ang sarap niya magluto.’ Isip-isip niya bago napangiti na lamang.
Hindi niya ‘yon masabi sa binata, nahihiya siyang aminin at purihin ‘to mas lalo na’t mukhang mabilis lumaki ang ulo nito. Agad naman siyang napaiwas ng tumingin sa kanyang pwesto ang binata, muli siyang nagpatuloy sa kanyang pagsusulat hanggang sa lumabas na ang binata sa kusina.
“Tapos ko na linisin ang mga ginamit natin, aalis na muna ‘ko at baka hinahanap na nila ‘ko.” Paalam ni Sabry sa kanya.
Hindi naman nakuha na itaas ni Destiny ang kanyang tingin sa binata at nanatili lamang ‘tong nakatingin sa kanyang sinusulat. “Mag-ingat ka, huwag ka masyadong magmadali sa pag-uwi.” Sagot niya dito.
Ngunit, wala siyang nadinig mula sa binata. Nanatili lamang ‘tong nakatayo sa kanyang gilid, ramdam na ramdam din niya ang pagtitig nito sa kanya. Dahil sa pagkailang sa ginagawa ng binata ay nakasimangot niya ‘tong nilingon, pero hindi pa man nag-uumpisa na magsalita ay isang malambot na labi at mahinhin na halik ang tumama sa kanyang noo.
Agad na kumabog ang kanyang dibdib. Sa lakas ng kabog ay pakiramdam niya ay aatakihin siya dahil sa ginagawa nito.
“Bakit mo ginawa ‘yon?” gulat na tanong niya kay Sabry.
“Boyfriend mo ‘ko ‘di ba? Subukan mo din maging sweet sa akin kahit papaano, masasaktan ako niyan.” Malandi nitong sagot sa kanya bago siya kinindatan.
Agad naman na napairap si Destiny sa sinabi nito at malakas na tinulak ang binata papalayo sa kanya, “Umalis ka na nga dito!” pagpapaalis niya dito.
Natawa naman ang binata sa sinabi nito at lumabas na laman ng pinto saka kumaway. Hindi na siya nag-abala pa na ihatid ang binata hanggang sa pinto, bumalik na lamang ang kanyang tingin sa kanyang ginagawa at napagpasyahan na lumipat ng pwesto.
MABILIS na lumipas ang oras, nag-aagaw na ang liwanag at dilim sa buong kalangitan habang ang mga hampas ng alon ay mas lalong lumalakas at sabayan na din ng malakas na hangin na umiikot sa buong paligid.
“Sa wakas ay tapos na din ang apat na parte!” pagod ngunit may ginahawa na ani ni Destiny matapos pindutin ang save sa kanyang laptop.
Napatingin ‘to sa labas, bukas na ang mga ilaw sa mga nakapaligid na bahay maliban sa kanya na tanging kwarto lamang ang maliwanag. Hindi na din muling nagpunta sa bahay niya si Sabry na mukhang naging abala sa kanyang trabaho.
“I-publish ang isa, tignan natin ang magiging reaksyon ng lahat.” Nakangisi niyang ani bago binuksan ang kanyang account at pinublish ang isa sa kanyang mga sinulat.
Agad na rumagasa ang mga komento, marami ang pumuso pati na din ang nagulat sa naging genre ng susunod na akda. Ngunit, hindi mawawala ang mga bashers na kung ano-ano ang nasasabi sa kanyang unang parte na pinakita sa lahat.
Isang komento naman ang nakaagaw ng kanyang pansin—“S.Astro?” basa niya sa username ng bago niyang tagasunod at napailing na lamang.