INDEPENDENT WOMAN 07.2
Destiny’s Point of View
Isa-isa kong binuksan ang ilaw sa loob ng bahay habang papunta sa kusina upang kumuha ng makakain. Hindi ko man lang namalayana ang oras habang nakaharap sa laptop, puno ng idea, pangyayari at mga dialogue ang aking isip kaya imbis na masayang at makalimutan ay mas mabuti ng isulat na lamang.
“Ano kaya ang masarap na kainin?” tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa mga instant noodles na patong-patong sa aking harapan. “Ito na nga lang.” dadag ko pa bago kinuha ang isang beef flavour sa aking harapan.
Napabuntong hininga na lamang ako, inilapag ang hawak at nag-umpisa na magpakulo ng tubig. Magmula ng maktungtong ako sa bahay na ‘to ay madalas na ‘kong tintamad magluto, siguro ay dahil wala naman akong kasabay kumain at wala din magrereklamo kahit ano ang aking kainin.
Ilang minuto na paghihintay ay tumunog na din ang takure, agad na binuhos ang mainit na tubig na laman nito saka muling naghintay na lumambot. Habang naghihintay ay hindi sinasadya na mapatingin ako sa aking kaharap bahay.
Patay pa din ang ilaw sa loob, sarado ang pinto at gate.
‘Saan kaya nagpunta ‘yon?’ isip-isip ko bago tumayo sa aking pwesto at nagpunta sa pinto upang tignan ang paligid.
Madilim na sa buong lugar, tanging mga nagtataasan na poste ng ilaw na lamang ang nagsisilbing liwanag. Hindi katulad sa syudad na ganitong oras ay puno pa din ng mga tao, dito ay walang ibang naglalakad at kung may makikitaman ay mga matatanda na ‘to at pauwi na galing sa mga trabaho.
Nanatili ako sa pwesto na ‘yon, nakatingin sa kaharap na at saka napailing na lamang. “Ano naman ngayon kung hindi pa siya nakauwi? Kaya niya naman na ang kanyang sarili.” Bulong ko at akmang tatalikod na nang mag-umpisang magkahulan ang mga asong gala.
Agad akong napatingin sa pwesto kung saan nagmumula at nakatingin ang mga aso, doon ay bumungad sa akin si Sabry. Lupaypay ‘to habang naglalakad at hawak-hawak ang mga naglalakihan na isda sa kanyang magkabilaang kamay. Ngunit, hindi pa din mawawala ang kanyang mga ngiti sa kanyang mga labi.
Nagpaalam na ‘to sa iba niyang mga kasamang mga matatanda, nagkanya-kanya na sila ng pasok sa kanilang mga tahanan at ang iba naman ay naglihis na nang kanilang mga daan. Nakatingin lamang ako sa kanya, kung ano ang kanyang gagawin ng mapatingin din siya sa aking pwesto.
Mas lalong lumaki ang ngiti nito, bumilis ang kanyang paglalakad pero nang makalapit na siya sa harap ng bahay ay para ‘tong natigilan.
“Sandali lang,” paalam nito sa akin.
Hindi ko siya kinubo, bagkus ay tinalikuran ko lamang siya, at pumasok sa loob ng bahay. Baka mamaya ay magfeeling pa ‘to na hinihintay ko siya ‘no, mahirap na lumaki ang ulo non. Pagbalik ko sa mesa ay nag-umpisa na ‘kong kainin ang aking inihanda, hindi ko na din siya hinintay pero nagpakulo muli ng mainit na tubig.
Maya-maya lamang ay sunod-sunod na katok na ang aking nadinig at sandal lamang ay bumukas na ang pinto. Sigurado naman na siya lang ang papasok dito, siya lang naman ang masasabi kong malapit at nakakausap ko sa lugar na ‘to kaya naman ay hindi na ‘ko kailangan kabahan pati na din ang mataranta.
“Cup noodles na naman?” bungad na tanong niya sa akin.
Hindi ko siya pinansin, nagpatuloy lamang ako sa aking pagkain at inobserbahan ang kanyang sunod na gagawin. Tumabi siya sa aking pwesto, kinuha ang pagkain sa aking harapan, at siya na ang sunod na sumubo.
“Hey, what do you think you’re doing?” tanong ko sa kanya.
“You, what do you think you’re doing?” diretso nitong pagbabalik sa akin ng tanong at tila sanay na sanay ang dila sa pagsasalita ng ingles, “ Hindi ba ‘t kakasabi ko palang sa ‘yo kanina na tigilan mo na ang pagkain ng mga instant foods, hindi maganda sa katawana ng ganyan, Destiny.” Sermon nito.
“Pati ba naman sa pagkain ay pagbabawalan.” Bulong ko sa aking sarili bago tumayo sa aking pwesto ng bigla niyang hawakan ang aking siko.
“Saan ka pupunta?” tanong niya na napatigil sa kanyang pagkain, “Hindi ka pa kumakain.” Dagdag nito.
“Paano ako kakain kung kinuha mo na ang pagkain ko?” irritable na tanong ko bago napairap.
“Maupo ka muna, paglulutuan kita.” Sagot niya sa akin.
Hindi ako umimik, hinila niya ‘ko papaupo at siya naman ay kinuha na ang apron, kumuha ng mga sangkap sa loob ng ref at naghanda na ng kanyang lulutuin.
“Hindi kita pinagbabawalan sa mga gusto mong kainin, ang akin lang ay huwag mo masyadong sagadin ang katawan mo sa mga hindi naman masustansyang mga pagkain katulad na lang ng cup noodles na ‘yan. Wala naman kahit anong sustansya ‘yan, tignan mo ang katawan mo, ilang lingo ka palang dito ay laki na ng ipinayat mo.” Mahaba nitong sagot na hindi nakuhang tumingin sa akin.
“Oo na, oo na, may magagawa pa ba ako?” sagot ko sa kanya bago pasimpleng napangisi dahil sa kanyang mga sinabi.
“Simula bukas ay ako na ang magluluto ng umagahan, tanghalian at hapunan mo.” Anunsyo niya bago naghugas ng kamay.
“Wala naman problema sa akin ‘yon.” Masarap ka naman magluto kaya hindi na ‘ko aarte pa.
Nakangisi kong sagot sa kanya. Nagpaalam lamang ako saglit sa kanya na mag-aayos ng aking sarili pati na din ang natirang mga kalat sa kwarto habang nagluluto siya. Agad naman siyang sumang-ayon sa akin at tatawagin na lamang ako kung handa na ang kanyang ginagawa.
Pagpasok na pagpasok sa kwarto ay agad na isinara ko ang pinto, muling binuksan ang laptop at tinignan ang mga bagong mga komento. Dagsa pa din ang mga opinion ng mga readers, may iba na natuwa at may iba naman na umaasa na isang broken ang manyayari.
Sino ba sila para diktahan ang magiging takbo ng storya? Isip-isip ko bago napatingin sa phone ko na may ilang missed call na galing kay Kaith. Agad ko ‘tong inabot at denial ang kanyang number.
“Yes, Destiny my friend?” bungad na tanong niya matapos ang ilang ring. “May problema ba? May gusto ka bang ipadala d’yan o gusto mo makita ang list ng mga lalaking naghihintay sa pagbalik mo?” dirediretso nitong tanong.
“Pwede bang pagpasalitain mo muna ‘ko?” nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya bago clinick ang request ng video call.
Agad niya naman ‘tong sinagot at kumaway sa akin. Base sa kanyang likod ay loob niya ng kanyang kusina, ang kanyang katawan ay may suot-suot na apron habang nagpriprito ng kanyang pagkain.
“So, ano nga ‘yon?” tanong niya muli sa akin.
“Ano sa tingin mo sa bidang lalaki sa bagong update ko ngayon?” tanong ko sa kanya. Umaasa na maayos ang kanyang isasagot, total mga ganong genre naman ang kanyang gustong-gustong panuorin at basahin.
“Patungkol ba doon?” tanong nito bago pinunas ang kanyang kamay, “Sa totoo lang, masyadong ma-reyalidad pa din ang unang chapter, ang male lead naman ay bongga! Pero all in all ay kaabang-abang.” Sagot nito.
“Mabuti naman,” nakahinga nang maluwag na sagot ko.
Habang paulit-ulit na binabasa ko ang sinusulat ko kanina ay hindi ako makuntento, pakiramdam ko ay may kulang sa emosyon na inilalagay kosa buong storya. Pero ‘yon lang naman ang nakayanan ko, baguhan pa lang ako pagdating sa ganitong genre kaya naman ay hindi madali para sa akin na umpisahan ‘to.
Mababalewala din kung hindi naman romance ang kalalabasan ng storya ko, pinasok ko pa naman ang sarili ko sa isang relasyon na purong laro lang. Para akong bata—isang bata na naglalaro pa din sa isang relasyon pero ano naman ang magagawa ko? Kailangan ko ng inspirasyon, kailangan ko ng references para magawa ng maayos ang nobela na ‘to.
“Tumawag ka ba para tanungin lang ‘yan?” nakataas ang kilay na tanong ni Kaith bago ngumisi, “ May napansin din ako sa bago mong nobela.” Dagdag pa nito.
“Ano ‘yon?” mabilis na tanong ko sa kanya.
“May nakita lang akong parang may something. Iyong character mo na lalaki, masyadong perfect sa pagkakasulat mo, ang galaw niya, dialogues, kung paano siya mag-approach ay gentleman na gentleman.” Paliwanag niya na tila nagpapatansya bago pinatay ang kanyang niluluto saka kinuha ang laman nito bago inilapag sa mesa.
“Ano naman ang something doon?” nagtataka kong tanong sa kanya.
Natural lang naman ang ibinigay kong characteristics ng bidang lalaki, ‘yon nga lang ay siya ang madalas na nakahigh light sa mga naunang chapter, hindi katulad ng mga iba kong akda na ang madalas na nakahigh light ay ang mga ginagawa ng mga babae, mga achievement nila, at kung ano-ano pa.
“Ang something doon ay hindi ka madalas na pumupuri ng mga lalaki, hindi ka nga marunong tumingin kung pogi ba o hindi. Kabisado ko na ang pagsusulat mo kaya alam ko kung ano ang naiiba.” Paliwanag niya bago kumindat sa akin bago nagtaas-baba ng kilay, “At pansin ko, pamilyar ang pagkakadescribe sa bidang lalaki parang si S—“
“Destiny, lumabas ka na dyan at bumaba na, luto na ang hapunan.” Pasigaw na tawag ni Sabry mula sa labas ng kwarto.
“OMG, DESTINY MY FRIEND! Tell me, sino ‘yang kinakasama mo dyan?” excited na tanong nito at talagang inilapit pa ang kanyang mukha sa camera upang tignan ang aking aking likuran. “Siguradong hindi ka na papauwiin ni tita dito.” Natatawang ani nito.
“Che! Tatawag nalang ako mamaya, bye!” nagmamadali na paalam ko sa kanya bago pinatay na ang tawag.
Samantala, muling kumatok naman si Sabry sa aking pinto kaya naman ay nagmadali na ‘kong lumabas hawak-hawak ang cellphone sa aking kaliwang kamay bago siya pinagbuksan ng pinto.
“Kakain na,” ulit niya sa akin bago tinignan ako mula ulo hanggang paa, “Akala ko ba ay mag-aayos ka ng sarili mo? Bakit ganyan pa din ang suot mo?” tanong niya.
Agad naman akong napakamot ng aking batok sa kanyang tanong bago tinuro ang loob ng kwarto, “Naglinis nalang muna ‘ko.” Palusot ko sa kanya.
Nagtataka naman siyang tumango-tango na lamang sa akin bago kinuha ang aking kamay, “Tara na, kumain na tayo ng totoong pagkain.” Pag-aaya niya.
Tumango naman ako sa kanya, hinayaan ko na lamang na hilahin niya ‘ko papunta sa kusina. Nakahanda na ang lahat at ako na lamang talaga ang hinihintay doon.
“Tapos ka ba ng pag-aaral?” tanong ko sa kanya na kanyang ikinagulat.
“Oo, bakit mo naman natanong?” pagbabalik niya sa akin.
“Wala lang, ang sarap ng mga luto mo at mukhang sanay na sanay ka sa kusina kaya naisip ko na baka graduate ka ng Culinary arts.” Sagot ko sa kanya.
“Salamat,” nakangiti niyang sagot.
“Huh?” ako naman ngayon ang nagtataka dahil sa kanyang sinabi. Ang layo ng sagot niya sa sinabi ko sa kanya para magpasalamat siya sa akin.
“Maraming salamat dahil nagustuhan mo ang mga luto ko.” Sagot niya bago ngumiti.
“Ah?” speechless kong sagot sa kanya. “Kumain nalang tayong dalawa.” dagdag ko pa.
Tumango lamang siya sa akin bago marahan na hinaplos ang aking ulo, ginulo nito ang aking buhok saka bumaling na sa pagkain na nasa aming harapan. Mabilis namin na tinapos ang pagkain, medyo naparami pa ang aking kain dahil sa sarap ng mga pagkakaluto kahit simpleng mga putahe lamang ang nakalatag sa pagkain.
“Ako na ang maglilinis ng pinagkainan natin, huwag ka na komontra.” Ani ko sa kanya.
“Ikaw ang bahala,” sagot niya sa akin bago inilapag ang lahat ng hugasin sa lababo, “Doon nalang muna ‘ko sa salas.” Dagdag pa nito.
Tumango na lamang ako sa kanya, at hindi na komontra pa. Ang mga mata niya kasi ay nag-umpisa na makitaan ng pagod sa buong araw, siya pa ang pinag-asikaso ko dito kahit kakauwi niya pa lamang sa trabaho. May puso pa naman ako kahit papaano, besides boyfriend ko siya hindi alalay.
Habang tinatapos ko ang paghuhugas ng pinggan ay dinig na dinig ang lakas ng volume ng palabas na kanyang pinapanuod. Kaya naman ng matapos na ‘ko ay dumiretso na ‘ko kung saan siya nakapwesto. Ngunit, isang Sabry na ang nakanganga, malakas ang hilik, at mahimbing ang tulog ang bumungad sa akin.
“Tsk, ano ba kasi ang pinaggagawa mo?” tanong ko sa kanya bago inayos ang kanyang pagkakahiga at nilagyan ng maliit na unan sa kanyang uluhan.
Dahan-dahan at nagmamadali akong pumasok ng kwarto, kumuha ng isang extrang kumot at ikinumot sa kanya. Hindi pa din siya nagigising, ayaw ko na siya gisingin dahil bakas ang sobrang pagod sa kanyang mukha.
“Good night, Sabry.” Paalam ko sa kanya bago pinatay na ang tv, sinara ang pinto at pinatay ang iilang ilaw bago tuluyan ng pumasok sa loob ng kwarto.
“Ang bait kong girlfriend.” Nakangisi kong ani sa aking sarili bago muling humarap sa laptop at nag-umpisang magtipa ng mga panibagong letra.