INDEPENDENT WOMAN 08

2522 Words
INDEPENDENT WOMAN 08 Sumasabay ang mga naglalakihan aat nagtataasan na puno sa indayog ng malakas na hangin, ang alon na malalakas ang hampas sa pangpang, at ang buong tahimik na lugar. Ang ganda, sobrang ganda ng tanawin kaso lamang ay kahit anong ganda ng nasa harap ko ay wala pa din na pumapasok sa aking isipan. Malakas na bugtong hininga ang aking pinakawalan mula sa kawalan at nahiga sa puting-puting buhangin saka ipinikit ang aking mga mata. Andito kami ngayon sa harap ng malaking bahay, habang si Sabry ay abala sa paglilinis sa loob, ako naman ay naiwan dito sa labas upang magsulat. Gusto ko man siyang tulungan ay hindi naman ‘to pumapayag dahil sa pinagbabawal ang kahit sino ang pagpasok sa loob non. Mas lalo tuloy akong nacucurious kung ano ang nasa loob ng bahay na ‘yon at kung ano ang dahilaan kung bakit nila pinagbabawal ang lugar na ‘to. “Akala ko ba ay magsusulat ka para sa susunod na parte ng iyong nobela?” tanong isang baritonong boses, “Mainit na ang sinag ng araw, lumipat ka na muna ng pwesto.” Dagdag pa nito. “Wala akong maisip na kahit anong pangyayari, natengga ako sa pangyayari sa pagitan ng main characters.” Pagpapaliwanag ko sa kanya bago inayos ang aking pagkakaupo, kinuha ang laptop saka ‘yon isinara. “Ikaw? Akala ko ba ay maglilinis ka sa loob, bakit ka andito?” pagbabalik ko ng tanong ko sa kanya. “Lumabas muna ‘ko saglit para silipin ka sa ginagawa mo at sitwasyon mo, mainit na din kaya papalipatin kita ng pwesto.” Sagot niya sa bago kinuha ang telang nakalatag sa buhangin, “Tara na, doon tayo sa bandang lilim.” Dagdag pa nito. Tumango lamang ako sa kanya saka sumunod. Katulad ng sinabi niya ay lumipat kami sa ilalim ng malaking puno ng buko aat doon niya din isa-isa na inilabas ang kanyang nilutong pagkain bago pa kami umalis ng bahay. “Kumain ka na din muna ng lunch,” pag-aaya niya bago inilapag ang isang Tupperware aking harapan, “Marami ‘tong itinabi ko para sayo kaya ubusin mo ang lahat ng ‘yan.” Sabay abot sa ‘kin ng tupperware. “Sweet mo naman,” natatawang biro kos sa kanya bago inabot ‘yon, “May balak ka din ata na patabain ako at gawinng balyena sa dami mong itinatabing pagkain para sa akin.” Iiling-ilinng na sagot ko sa kanya. “Mas maganda nga ang bagay na ‘yon para wala ng mang-aagaw sa iyo.” Bulong niya ngunit sapat na upang marinig ko ang kanyang sinasabi. Isinawalang bahala ko na lamang ‘yon. Sigurado naman ako na sinasabi niya lang ‘yon ay para lang pakiligin ako o iparamdam sa akin na may relasyon kaming dalawa. Mabait ako sa kanya, siansabayan ko ang lahat ng kanyang mga gusto’t ginagawa pero  hindi ko makakalimutan na ang lahat ng ‘to ay para lang sa isinusulat kong libro. “Pagtapos mo maglinis ng bahay, may gagawin ka pa?” tanong ko sa kanya. “Tutulong ako kela Mang Kardo, sabi nila ay kukulangin daw sila ng tauhan sa para mamayang gabi sa pangingisda.” Mabilis niyang sagot habang nakatingin sa malinaw na karagatan at tila hindi pa din nakakaramdam ng pagod sa kanyang katawan. “I see.” Mahina kong sagot sa kanya. Simula ng makilala ko siya, sa pagtungtong ko sa isla na ‘to ay isa sa napansin ko ay ang pagiging malapit niya sa mga tao. Madalas siyang binabati ng mga kalalakihan, ang mga may edad naman ng mga babae ay gustong-gusto siya, at ang mga dalaga na halos kasing edad namin ay walang sawa na nagpapacute sa kanya. Ngayon, ay alam ko. Alam ko na kung bakit gustong-gusto siya ng lahat dahil sa kabaitan niyang taglay. Sa sobrang bait at maintindihin niya sa lahat ay ang naging rason para makilala pati na din magustuhan siya ng mga tao sa buong lugar. Hindi din siya nag-aasam ng kahit anong kapalit sa mga ‘to kaya naman ay nagtataka ako kung saan niya nakukuha ang mga ginagamit niya sa pang-araw araw at ‘yon di ba ang dahilan kung bakit ang ref ko ang kanyang pinagtritripan. “Ikaw, anong gagawin mo ngayong araw?” pagbabalik niya ng tanong sa akin. “Hindi ko alam,” kibit balikat kong sagot, “Wala naman akong kahit anong plano, hindi ko din plinaplano ang gagawin ko sa buong araw. Siguro ay sa bahay na lang ako, matutulog kung hindi makapagsulat ng maayos ngayong araw.” Paliwanag ko sa kanya bago ibinababa na ang hawak-hawak na tupperware kung saan ako kumakain. “Busog na ‘ko.” “Kung ganon ay sumama ka nalang muna sa akin, mamaya ay magpupunta ‘ko sa bayan upang mamili ng mga ilang gamit sa loob ng bahay. Paubos na din ang mga ibang sangkap mo sa bahay kaya—“ hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin at pinutol ko na ‘yon. “Sige, wala naman akong gagawin. At isa pa, gusto ko magpunta sa shop na pinuntahan natin nakaraan para bumili ng mga bagong binder at ballpens.” Putol ko sa kanyang sasabihin. Ayaw ko na gumastos siya para sa akin—para sa kakainin namin dalawa, sapat na ang siya ang nagluluto at nag-aasikaso. Ayaw ko masanay bilang isang prinsesa sa kanya, ayaw ko din na siya nalang ang lahat ng pagalawin ko. Dahil may katamaran ako sa mga bagay-bagay ay mas maaayos ng ako nalang ang mag-aambag. Nagtataka siya na tumango sa ‘kin bago inilapag na din ang kanyang pinagkainan. Isa-isa ko na ‘yong iniligpit at inilagay sa loob ng bag upang wala ng kalat sa lapag bago siya tuluyan na inihiarap. “Tapusin mo na ang trabaho mo sa loob, hihintayin kita dito.” Ani ko bago ginuloo ang kanyang buhok, “Sigurado ka  ba na hindi mo na kailangan ng tulong ko?” tanong ko sa kanya. “Hindi na,” mabilis niyang sagot, “Kaya ko na ang mga aayusin sa loob at ayaw ko na madumihan ang mga kamay mo.” Dagdag apa niya sabay kindat sa ‘kin. Napanguso na lamang ako sa kanyang sinabi at napailing. Muli na siyang nagpaalam at naglakad na papasok, nakatingin ako sa kanya hanggang sa mabuksan niya ang pinto. Kahit sa malayo ay kitang-kita ang kagandahan ng loob nito. Bakit kaya inambando na ng may-ari ang bahay na ‘to? Kung sabagay, mukhang mayaman naman ang nagmamay-ari nito, kayang-kaya na i-abando ang bahay na ‘to kahit kailangan at kahit kalian. Pati ang yatch na mula sa kalayuan ay halatang matagal na din hindi nagagamit. Tumayo ako sa aking pwesto, iniwan ang laptop sa tabi ng bag at nagpunta sa tabing dagat upang basain ang aking mga paaa. Maraming nagliliitang mga isda ang mga naglalanguyan at ang mga buhangin na nasa ilalim nito na kitang-kita. Mas maganda ang dagat sa parte na ‘to kesa sa parte kung saan Malaya ang lahat. Ilang minuto akong naghintay sa kanya habang naglalakad-lakad sa tabing dagat, hindi na ‘ko nagsulat. Mas mahirap magsulat kung waala naman talaga akong maisip, magiging sabaw lang ‘to at hindi uusad ang kwento. “Tapos ka na?” tanong ko sa kanya ng makitang papalapit na ‘to sa akin at inaayos ang kanyang suot-suot na damit. “Oo, tapos na ‘ko. Tara na, umalis na tayo. Mukhang hindi ka na talaga nagsulat at nagbasa ka nalang dito.” Nailing nitong ani bago ako inakbayan. “Sa buka o sa susunod na, wala talagang masip.” “Sabi mo eh,” sagot niya bago hinawakan ang aking kamay at hinila papunta kung saan ang gamit namin. Doon ko lamang din na pansin na maayos na ‘to, ang laptop ay nasa loob na ng case nito at ang sapin ay nasa lalagyan na din. “Hindi ka naman excited na umalis ‘no?” pagbibiro ko sa kanya. “Ayaw lang kita maghintay ng matagal sa akin,” sagot nito bago binuhat na ang bag at muling hinawakan ang aking kamay. Napangiti na lang ako sa kanyang sinabi, magkahawak ang kamay kaminng naglakad hanggang sa makalabas sa lugar na ‘yon. Wala naman ibang makakikita kaya hinayaan ko na lamang siya na gawin ‘yon. “Himala ata at hindi ka pumapalag ngayon?” tanong niya sa akin bago hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay, “Nakaraan ay sa tuwing hahawakan ko ang kamay mo ay agad mo ng hinihila, siguro ay naiinlove ka na sa akin ‘no?” tanong niya sabay kindat. “Asa.” Mahinahon kong sagot sa kanya, “Ikaw na din ang nagsabi sa akin, nasa isang relasyon na tayo kaya naman ay kailangan natin na umasta bilang magkasintahan at hindi magkaibigan.” Paliwanag ko sa kanya bago mahinang tumawa. “ At baka ikaw ang inlove sa akin?” pahabol ko na kanyang ikinatigil. Lumingon siya sa akin, seryoso ang kanyang tingin bago ‘to ngumisi. “Paano mo na laman?” pagkukunwari niyang gulat na gulat na tanong. Agad akong napaiwas sa kanya ng tingin, kinuha ko ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak bago nag-umpisa ng maglakad at iniwan siya. Nadinig ko ang kanyang pagtawa sa hindi kalayuan. Alam na alam niya talaga kung kelan aako matatameme sa isang biro. “Huwag ka na mapikon, Babi.” Ani nito sa akin bago muling kinuha ang aking kamay at muling hinawakan ng mahigpit, “Kahit naman na mainlove ako sa ‘yo, kung ayaw mo sa akin ay hindi kita pipilitin.” Dagdag nito. “Pero ang usapan natin—“ “Ang usapan natin ay hindi ako maiinlove sa ‘yo, ang relasyon na ‘to ay para lang sa nobela na isinusulat mo. Alam ko, naiintindihan ko ang bagay na ‘yon pero kung sakali na mahulog ako sa ‘yo ay huwag mo sana akong pigilan, hindi kita pipilitin na mahalin mo din ako pero sana ay hayaan mo lang ako na iparamdam sa ‘yo.” Seryoso nitong ani bago pinag interwined ang aming mga daliri. “Ikaw ang bahala, basta ang sabi ko sa ‘yo.” Tanging na sagot ko na lamang siya kanya at nag-iwas ng tingin. Mula sa gilid nang aking mga mata ay nakita ko ang kanyang pagngiti. Kaya napangiti na lamang din ako. Hindi naman ako bitter, may paniniwala lang ako na hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko, wala naman akong pakealam if I ended up alone, basta ay totoo ako sa aking sarili. Nakarating kami sa harap ng bahay, siya ang nagbukas ng pinto at sabay kaming pumasok. Dumiretso siya sa kusina at inilagay ang lahat ng pinagkainan namin. “Ngayon na ba tayo aalis?” tanong ko sa kanya habang nakasilip sa kanyang ginagawa. “May gagawin ka pa ba?” patanong niyang sagot sa akin, “Kung may gagawin ka pa ay mamaya na lamang. Maaga pa naman at hindi naman ako nagmamadali.” Sagot niya. “Wala na ‘kong gagawin, ikaw ang iniisip ko. Ang laki ng bahay na nilinis mo kanina mag-isa, inaalala ko na baka pagod ka na.” sagot ko bago lumapit sa kanya. Napangiti naman ako ng mapansin ang bula sa kanyang pisngi, mukhang tumalsik ‘yon habang naghuhugas  siya ng tumblr at hindi napansin. Itinaaas ko ang aking kamay, pinunasan ang kanyang pisngi na kanyang ikinagulat.. “A-aanong ginawa mo?” tanong niyaa sa akin bago pinunasan ng kanyang balikat ang kanyang pisngi. “May problema ba?” “May tumalsik lang na sabon sa pisngi mo,” sagot ko sa kanya bago layo sa kanya, “Magpahinga ka muna kahit isang oras lang bago tayo umalis at magpunta sa bayan.” Dagdag ko pa. Tumango naman siya sa akin bago nagpatuloy na sa kanyang ginagawa. Nagpunta ‘ko sa salas, binuksan ang tv at nagsalang ng isang pelikula. Sumunod naman siya at naupo sa aking tabi. “Tapos ka na?” tanong ko sa kanya. “Oo, magpapahinga na muna ‘ko dito.” Sabay unat niya ng kanyang katawan. Nahiga ‘to sa couch na aming kinauupuan at ipinatong ang kanyang ulo sa aking hita. “Ano ba ‘yang ginagawa mo?” nakasimangot na tanong ko sa kanya. Ngunit, imbis na sagutin ay ipinikit niya na lamang ang kanyang mga mata. Ang isa niyang kamay ay hawak-hawak ang aking palad sabay ngiti. “Sabi mo ay magpahinga na muna ‘ko, ‘di ba?” sagot nito sa akin na hindi binubuksan ang kanyang mga mata,”Gisingin mo nalang ako kung aalis na tayo.” Dagdag pa niya. “Pero hindi ko sinabi na dito ka magpahinga, umuwi ka sa inyo at doon ka matulog.” Suway ko sa kanya ngunit para ‘tong walang nadinig sa aking sinabi. Nanatiling nakasara ang mga mata niya, ilang saglit lamang ay lumalalim na ang kanyang paghinga pero ang kanyang kamay ay mahigpit pa din na nakahawak sa akin. Nakatingin lamang ako sa kanya, ang maamo niyang mukha na nagiging dahilan kung bakit gustong-gusto siya ng kakaibahan, ang balat nitong mas maganda pa sa ‘kin at ang ilong nitong perpektong-perpekto. “Malapit na ‘kong matunaw.”  Agad akong nagulat ng bigla siyang magsalita, mabilis na iniwas ko ang aking tingin at itinuon ang aking atensyon sa palabas sa aking harap. Bakit gising pa siya? Parang gusto ko na tuloy na kainin nalang ng lupa na aking kinuupuan dahil sa kahihiyan. Baka mamaya ay mag-assume nanaman ‘tong lalaki na ito dahil sa pagtitig ko sa kanya. “A-ano ba ang pinagsasabi mo dyan?” nauutal kong tanong sa kanya at hindi makatingin sa kanya ng maayos. Ngunit, imbis na sagutin aang aking sinabi ay napangiti na lamang ‘to at marahan na umiling. Hinalikan ang likod ng aking palad at hinawakan ‘yon gamit ang kanyang dalawang kamay. “Magpahingaa ka na muna,” payo ko sa kanya. Gamit ang isang kamay ay sinuklay ko ang aking daliri sa kanyang buhok. Malambot din ang kanyang buhok, walang kahit anong wax na nakalagay dito upang maging maganda. Natural na natural, katulad niya. “Ang ganda ng buhok mo,” nakangiti kong puri sa kanyang buhok, “Hindi malagpit at matigas sa tuwing sinusuklay.” Pahabol ko. “Gusto mong ganyan?” tanong niya. Tumango ako, “Oo,mas maganda ang ganitong buhok kesa sa mga buhok ng iba. Hindi ko alam kung ano ang kinaganda ng matigas na buhok sa mga lalaki, ang panget tignan.” Paliwanag ko sa kanya. “Huwag ka mag-aalala, hindi na ‘ko maaglalagay ng wax sa buhok. Baka sakali na sa susunod ay ako na ang gusto mo,” sabay ngiti nito. “Che!” suway ko sa kanya, “Magpahinga ka na nga lang dyan.” Tumango naman siya sa sinabi ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. “Gusto ko—gusto ko na wag mo din pigilan ang sirili mo na magustuhan ako kung sakali.” Bulong nito, sakto na para marinig ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD