INDEPENDENT WOMAN 08.2

2835 Words
INDEPENDENT WOMAN 08.2: First Date “Akala ko ba ay sa bayan tayo pupunta?” nagtataka kong tanong sa kanya habang inaalalayan niya ‘ko sa pagbaba sa sinasakyan namin Bangka nang tumigil ‘to sa isang hindi kalayuan na isla mula sa amin, “Bakit tayo andito?” dagdag ko pa. Ngunit, imbis na pansinin ang aking tanong ay hinawakan lamang niya ang aking kamay hanggang sa mapunta na kami sa pangpang kung saan, kumukintab sa ganda ang mga buhangin. “Naisip ko kanina na isla lang natin ang alam mo at napuntahan mo kaya naisipan ka na iikot-ikot muna dito.” “Bat hindi mo agad sinabi sa akin? Sana ay dinagdagan ko ang dinala kong pera na panggastos natin.” Aniko sa kanya. May ugali pa naman akong kita-kita, kung ano sa paningin ko ay maganda at magagamit ko ay bibilhin ko  agad kesa panghinayang ko sa huli dahil sa hindi ko nakuha sa tindahan ang maganda na bagay na ‘yon. “Hindi naman sobrang dami ng bilihan dito, kilala lang ang isla na ‘to dahil sa mga magagandang pasyalan paati na din sa dami ng palabas na ginagawa nila.” Malaki ang ngiti niyang ani bago binitawan ang aking kamay at saka ako inakbayan sa aking balikat. “Pakiramdam ko ay ginamit mo lang na dahilan ang pagpunta mo sa bayan para sumama ako sa ‘yo dito.” Nangiwi na ani ko sa kanya bago hinawakan ang kanyang braso. “Parang ganon na nga,” sagot niya. Napiling na lamang ako, hindi ko agad na halata ang plano niya. Mukha siyang matino at malakas ang loob na mag-aya pero mukhang isang torpeng lalaki ang isang ‘to. Hindi man lamang nakuhang diretsohin na gusto lang ako ayain na lumabas para sa isang date. “Pwede ba na kumain muna tayo doon?” sabay turo ko sa isang unli wings sa hindi kalayuan. Maraming shop aang mga nasa paligid, iba’t-ibang mga pakulo ang mga hinahanda ng mga  bawat negosyo sa buong palagid at may mga bata ‘t matatanda din na naglalako  ng mga kung ano-anong mga souvenir sa mga dayuhan at mga bakasyonista. “Kakain mo palang ah?” nagtatakang tanong niya sa akin bago ngumiti ng malaki, “Mukhang—“ “Shut up, kumain nalang tayo. Kasalanan mo din naman ‘to, kung hindi mo ‘ko pinapakain ng pinapakain ay hindi naman ako magiging mabilis na gutumin.” Sabay irap ko sa kanya. Natawa naman siya sa sinabi ko at mas lalong inilapit ang aking katawan sa kanya. Tatawa-tawa pa siya, totoo naman ang sinabi ko. Once ang katawan ng tao ay madalas na napapakain o marami ang kinain ay mas lalo ‘tong bibilis na gutumin. Unlike sa mga stable at maayos lang ang kain na ilang oras pa para gutumin ulit. “Good afternoon, sir, ma’am,” nakangiti bungad ng dalawang waitress pagpasok namin sa restaurant. Marami ang tao sa loob, may mga foreigner na kumakain habang pinagsisilbihan ng ibang mga waiter at waitress sa loob. Meron din silang mga costume na pwedeng suotin at hindi mawawala ang patok na patok na photobooth sa loob. “Miss, magkano ang per head?” tanong ni Sabry sa waitress na sumalubong sa amin. “600 per head po, sir. Unli na po ang lahat magmula sa rice, burger, wings at iba pang mga nakahain na putahe.” Nakangiti na sagot nito sa kanya. Tumango-tango naman ‘to sa waitress at kinuha ang kanyang wallet. Napatingin ako sa kanya, tila namawis siya ng buksan ang kanyang wallet at pagkakita ‘ko ay dalawang libo lamang ang laman nito. Ngunit, agad niya din ‘yong isinara at ngumiti na humarap sa waitress. “Okay, para sa amin dalawa.” “Okay, sir. Ihahatid ko po kayoo sa pwesto niyo,” nakangiting ani ng babae dito. Tumango lamang siya dito, marahan na hinila ang aking kamay at sumunod na kaming dalawa sa waitress na nag-aasist sa amin. “Namamawis ka, magpunas ka muna,” usal ko bago ini-abot ang panyo na aking dala-dala, “Ayos ka lang ba?” dagdag ko pa. “Ayos lang ako, medyo mainit lang sa labas kanina kaya—“ hindi matapos ang kanyang sasabihin. May dumating na isang cute na cute na batang babae, hawak-hawak nito ang menu sa kanyang kamay at iniabot ‘to sa amin. “Good afternoon, ma’am, sir,” sabay maliit na bow nito. “Bakit ikaw ang nagbigay nito?” nagtataka na tanong ni Sabry sa maliit na bata, “Bawal pa magtrabaho ang mga bata na katulad mo.” Dagdag pa nito. “Inabot ko lang po, sir. Busy po lahat ng waitress kaya po ay tumulong na muna ‘ko para mabawasan ang trabaho nila.” Pagrarason nito bago nagpaalam na umalis at nagpunta sa isang pinto na mukhang office. “Anong gusto mo?” bumalik ang tingin ko kay Sabry ng magtanong ‘to. “Huh? Oh, gusto ko ng plain, garlic and cheese flavour.” Sagot ko sa kanya bago ibinababa ang hawak na menu, “Makikishare nalang ako sa ‘yo sa order mo para kung magustuhan ko ay ‘yon nalang din ang susunod na order.” Dagdag ko pa. “Hmm,” tatango-tango niyang sagot bago kinumpas ang kanyang kamay. Agad naman na nagpunta ang extrang waitress sa amin upang asikasuhin ang order. Habang sinasabi niya ang lahat ng gusto namin kainin ay hindi ko maiwasan ang mapatingin sa kanya. Sanay na sanay ‘to sa pakikipag-usap, ang kanyang tindig ay para bang hindi isang normal na mangingisda lamang, at ang kanyang aura. Hindi ko masabi, minsan kasi ay may mga tao na nadadala ang kanilang mga sarili sa isang bagay na nagiging dahilan sa pagiging kanilang sophistikada. “Iyon lang ba ang gusto mo, babi?” tanong ni Sabry sa akin dahilan upang magising ako sa aking pagkakatulala. “Yes, tatawaag nalang kami later kung may ipapadagdag.” Sagot ko sa waitress. Inulit ng waitress ang lahat ng order namin, nang kompleto na ang lahat ay saka ‘to nagpaalam na aalis na upang ihanda ang aming pagkain. Napatingin ako kay Sabry, nakatingin at nahuli ko din ‘tong nakatingin sa akin. “May problema ba?” tanong ko sa kanya na nakataas ang kilay. “Wala naman,” umiiling-iling na sagot, “Magbabanyo na muna ‘ko.” Paalam niya. “Okay,” tango-tango kong sagot sa kanya. Nang umalis na siya sa aming pwesto ay sinundan ko lamang siya ng tingin at ng makasigurado na ‘ko na hindi niya na makikita ang aking pwesto ay agad kong itinaas ang aking kamay upang agawin ang atensyon ng waitress. “Yes, ma’aam?” tanong nito sa akin ng tuluyan na ‘tong makalapit. “Misss, can I have a favour?” hindi mapakali na tanong ko sa kanya. “Sure, ma’am. Ano po ba ‘yon?” nagtataka niyang tanong sa akin. Agad na kinuha ko ang isang libo sa wallet, ibinigay ‘yon sa kanya at tumingin sa dinaanan kanina ni Sabry. “Ibawas mo ‘to sa bill na babayaran namin mamaya, sabihin niyo sa kanya na may couple discount kaya or kahit anong celebration. But please, don’t tell him that I am the one who paid it.” Pakiusap ko sa  kanya. “Iyon lang po ba, ma’am?” tanong niya. “Yes, can you do that?” tatango-tango kong sabi. “Kami na po ang bahala, ma’am.” Sagot nito na may ngiti sa labi. Ngumiti din naman ako sa kanya, nagpaalam na siya na aayusin na ang pakisuyo ‘ko, at ilang sandali lang ay dumating na din si Sabry mula sa banyo. Unlike kanina, mas maaliwalas na ang aura nito. “May inorder ka ba ulit?” nagtataka niyang tanong bago tumingin sa waitress na kanina ay lumapit sa akin. “Wala, request lang ako na wag ipaghalo ang wings sa garlic sauce dahil baka masobrahan at hindi ko makain.” Pagsisinungaling ko sa kanya bago tumingin sa labas ng salamin. “Oo nga pala, Sabry, hindi mo pa nakwekwento ang patungkol sa naiwan mong pamilya. Pumayag ba sila sa kagustuhan mo na dito na lang manirahan, hindi ba parang na sayang lang ang kurso mong culinary arts dahil sa pagstay mo?” curios ako. Tuwing gabi o ‘di kaya naman ay sa tuwing nalalasahan ko ang kanyang mga niluluto ay hindi ko din maiwasan na mapatanong sa sarili ko kung hindi ba siya nanghihinayang. Apat na taon siya nag-aaral pero mas pinili pa din niya ang magstay sa isla. “Noong una ay hindi siya pumapayag, gusto nila ‘ko dalhin kung saan siya magpupunta pero sa huli ay pinayagan niya din ako magstay sa isla na ‘yon.” Walang emosyon nitong sagot bago pekeng tumawa, “Kasalanan din naman nila ang lahat ng ‘yon, kung bakit mas gugustuhin ko nalang ang maiwan sa isla, talikuran ang lahat, at hindi sila makasama.” Dagdag pa nito. “May nangyari ba?” nag-aalala na tanong ko sa kanya. Ngayon ko lamang siya nakita ng ganito, matagal-tagal na din akong naninirahan sa isla. Madalas siyang nakangiti at hindi kalianman nagpeke ng isang ngiti o tawa. Ibig sabihin nito ay may malalim na rason kung bakit siya nanatili, kung bakit mas pinipili niya ang mahiwalay sa lahat. “Wala,” bigla niyang ani bago kinurot ang aking pisngi, “Kumain na lang tayo at ililibot pa kita sa buong isla na ‘to.” Sagot niya bago muling ngumiti. Ang ngiti na madalas niyang pinapakita sa lahat, masayang ngiti at tila walaang problema. Hinawakan ko ang kanyang kamay at marahan na pinisil ‘yon. Kahit ang kanyang kamay ay hindi din magaspang katulad ng mga sanay sa hirap. “Sir, ma’am, ito na po ang order niyo.” Nakangiting ani ng waitress bago inilapag ang mga order sa mesa. “Thanks,” pasasalamat ko sa kanya sabay kindat dito. Nag-umpisa na kaming kumain dalawa, nagtagal kami ng ilang oras bago kami tuluyan na mabundat at mabusog. Nang maramdaman namin na wala nang parte sa tyan namin ang pwede malagyan ng pagkain ay agad na din kami tumigil sa pag-order. Naka-upo lamang kami, hawak ang tyan habang habol-habol ang hininga sa sobrang busog. “Kung palagi tayo andito ay siguradong malulugi ang restaurant nila.” Natatawang biro ko sa kanya bago napatingin sa mga pinggan na may mga buto ng manok, “At kung iisang order pa tayo, tutubuan na ‘ko ng pakpak.” Sabay biro ko. “Tingin ng pakpak?” pagsasabay nito sabay kunwari tingin sa aking likuran. Sabay na lamang kaming napatawa sa isa’t-isa, nagpatuloy sa pagbibiruan hanggang ang kinain namin ay unti-unit na din na bumababa at kahit papaanoy nakakagalaw na ng maayos. “Hindi ka na kakain?” tanong niya sa akin habang nakatingin sa pinggan ko. Umiling ako. “Hindi na, busog na busog na ‘ko. Ikaw, kung gusto mo pa kumain ay hihintayin na lang kita matapos.” “Hindi na, ayaw ko naman magkalat sa lugar na ‘to.” Sagot niya bago lumapit sa aking tenga ang kanyang labi, “Nanakit na ang tyan ko.” Sabay hagalpak niya ng tawa. “Eww, ang baboy mo!” reklamo ko sa kanyan bago hinampas ang kanyang baalikat at napatawa na din. Nang mapakalma na namin ang sarili namin ay itinaaas niya na ang kanyang kamay upang agawin muli ang atensyon sa isa sa mga waiter. “Bill please,” usal niya. “Wait a minute, sir.” Sagot naman ng waiter at agad-agad na umalis sa aming puwesto upang makuha ang bill namin dalawa. Ilang saglit lamang ay bumalik ‘to na kasama ang manager, may hawak-hawak na camera sa kamay, at may malaki na ngiti sa kanyang labi. “Congratulations, sir, ma’am, kayo po ang maswerteng nanalo ng promo namin ngayong araw na ika-isang daan na magkasintahan na pumasok dito.” Nakangiting bati ng manager, “Ang pagkain niyo po ay may 60% discount kaya naman po ay ito na lamang po ang inyong babayaran. At kung maari lamang po ay gusto namin kayo kuhaan ng litrato bilang souvenir sa pagpunta niyo sa restaurant.” Pahayag niya. “Talaga?” nanlalaki ang mata na tanong ni Sabry dito, “Mabuti naman.” Bulong niya pa tila nakahinga ng maluwag. “So, sir, pwede po ba namin kayo makuhaan ng litrato ng girlfriend mo?” tanong muli nito bago pinakita ang camera, “Don’t worry, hindi po namin gagalawin ang picture niyo o ilalagay kung saan-saan without your permission.” Pangungumbinsi pa nito. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Sabry, ngumiti siya na tila nakikiusap kaya naman ay tumango na lamang ako sa kanya.upang pagbigyan ‘to sa kanyang kagustuhan. “Sure!” masaya niyang sagot sa manager. “Okay, ready,” ani ng manager bago pumwesto sa harap namin dalawa, “Sweet pose lang po, ma’am and sir. One, two, three!” sabay kislap ng kanyang camera. “Ayos na po,” nakangiting ani nito. “Can I see?” tanong ko sa babaeng manager. Agad naman niyanng ipinakita ‘yon sa akin. Napangiti ako, ang ganda ng pagkakuha at nakafocus lang talaga sa aming dalawa pati na din ang malaking logo at pangalan ng restaurant na ‘to. “Nice!” puri ko dito. “Pwede ba kami makakuha ng kopya nito?” tanong ko sa kanya. Tumango-tango naman ‘to, “Syempre naman, ma’am. Wait lang po kayo saglit at iprint na din po namin, If ayos lang sa inyo.” Ani nito. “Ayos lang.” sagot ko sa kanya. Sandali na kinausap ng manager na babae ang waiter upang maiwan ‘to at alalayan ang aming pagbayad. Agad naman na inilabas ni Sabry ang kanyang may kalumaan na wallet sa kanyang bulsa bago inilabas ang isang buong isang libo. “Thank you,” nakangiti na pasasalamat niya sa waiter. Sandali siyang napatingin sa loob ng wallet bago itinaas  sa akin ang kanyang  tingin. “Ayos lang ba sa ‘yo na hanggang gabi tayo sa isla na ‘to?” tanong niya. “Pwede naman,” tatango-tango kong sagot. Wala naman na ‘kong ibang gagawin kundi ang matulog na lang, kaya naman imbis na sayangin ko ang oras na andito ako sa isla ay bakit hindi ko pa i-enjoy at magpakasaya kasama ang ibang mga tourista. Ilang sandali lamang ay bumalik na din ang manager, binigay nito ang softcopy pati na din ang hard copy nito. Kaya naman ay sabay kami na nagpasalamat ni Sabry, hindi ko alam kung part pa ba ‘to ng pagkukunwari o totoong discounted talaga kami. “Busog na busog ako doon!” nakangiti kong ani sa kanya bago kumapit sa kanyang balikat, “Saan ang sunod?” sabay libot ng paningin. “Pasensya na, babi.” Paghingi nito ng pasensya, “Kailangan na natin umuwi, kailangan na kailangan daw ng tao ni Mang Kardo mamaya kaya—“ “Ayos lang,” putol ko sa kanyang sasabihin, “Umuwi na tayo.” “Galit ka?” tanong niya sa akin. “Bakit naman ako magagalit?” sabay hawak sa kanyang kamay, “Hindi ba ‘t sabi ko sa ‘yo ay hindi kita alalay o body guard. Ayaw ko na masayangang trabaho mo dahil sa akin, besides magpapahinga na lang din ako.” Paliwanag ko. Nag-aalinlangan naman siyang tumango sa akin, saka ako niyakap ng mahigpit. Niyakap ko din siya pabalik pero sa ginawa ko ay unti-unting nag-iba ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko ay nag-uumpisa na, nag-uumpisa akong makaramdam ng security sa kanya pero sa kabilang banda ay gusto ko pa siya kilalanin. “Sabry,” tawag ko sa kanyang pangalan habang naghihintay nang Bangka na maghahatid sa amin sa kabilang isla, “G-gusto kitang mas kilalanin.” Sabay iwas ng tingin. “Ako din, gusto kita kilalanin ng mas mabuti. Simula pa lang nang una hanggang ngayon,” sagot nito bago inakbayan ako at hinalikan ang tuktok ng aking ulo, “Pwede ba ‘kong manligaw?” tanong nito. “Iyong totoo, hindi lang isang main character sa novel mo.” Pahabol pa niya. Agad akong lumayo sa kanyang pagkaka-akbay at napatingin sa kanya, “Agad?” “Masyado ba ‘kong mabilis?” tanong niya bago napakamot ng batok, “Pasensya ka na, ngayon lang kasi ako manliligaw at nagkaroon ng isang babaeng handang laanan ng lahat ng oras.” Namumula nitong sagot sa akin. Napangiwi ako sa kanyang sinabi, dalawang pagkatao talaga ang namuumuhay sa loob niya. “Sige,” sagot ko sa kanya, “Pumapayag ako.” “Talaga?” hindi niya makapaniwalang tanong bago mas lalong lumaki ang ngiti. “Pero umuwi na muna tayo, magtrabaho ka na muna.” Nakangiting ani ko sa kanya bago na una nang maglakad ng may isang Bangka ang huminto malapit sa aming kinauupuan. Pasimple akong napangiti, hindi naman masama kung susubukan ko din ang salitang pagmamahal at relasyon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD