INDEPENDENT WOMAN 09
Malakas na hangin ang agad na bumungad sa akin ng tuluyaan ng mabuksan ang may kalakihang glass door sa loob ng aking kwarto, dinig na dinig din mula dito ang malakas na paghampas ng alon sa buong lugar habang ang magandang natawin ay unti-unti ng lumiliwag sa pag-usbong ng haring araw.
“Hindi talaga nakakasawa ang ganitong tanawin tuwing umaga, ang sarap sa pakiramdam at nakakalungkot dahil ilang buwan na lang din ay maiiwan na lang sa aalala ang lahat ng ‘to.” Dinig sa boses kong ani sa sarili.
Malapit na ang aking kaarawan, ilang mga buwan na lamang ay kailangan ko na bumalik kung saan taalaga ako nababagay. At tanggapin ang kalokohan ni mama, ang magpakasal kahit na labag sa aking kalooban.
“Ang lalim naman ng buntong hininga na ‘yan!” agad na naagaw ang aking atensyon ng may magsalita.
Pagtingin ko sa ibaba ng terrace ng aking kwarto ay bumungad sa akin si Sabry. May hawak-hawak ‘tong mga prutas na kanyang dalawang kamay at mukhang kakatapitas pa lamang nito sa puno.
“Good morning!” nakangiti niyang bati ng mapunta na sa kanya ang aking tingin bago ‘to ngumiti ng malaki.
“Morning,” bati ko sa kanya pabalik bago ibinababa ang hawak-hawak kong tasa ng kape. “Nakabukas na ‘yang pinto, pumasok ka nalang.” Paalala ko pa.
Tumango na lamang ‘to sa akin bago muling nagpatuloy sa kanyang paglalakad hanggang makapasok sa loob ng aking bahay. Nanatili ako sa aking pwesto, muling ibinalik ang tingin sa karagatan na tuluyan ng sinakop ng linawag. Ilang sandali pa ang aking hinintay hanggang sa uminit na ang aking kinatatayuan.
“Akala ko ay hindi ka pa baba eh,” nag-iiling na ani ni Sabry, hindi nito nakuha na lumingon sa aking pwesto ‘t seryoso lamang ito sa kanyang ginagawang pagluluto.
“May iniisip lang ako,” sagot ko sa kanya, “Once na bumalik na ‘ko sa syudad ay hindi ko na makikita ang magandang tanawin na katulad ng tanawin sa lugar na ‘to.” Pagrarason ko sa kanya.
Natigilan naman siya sa kanyang ginagawa, sa pagkakataon na ito ay mabilis siya na humarap sa akin at binitawan ang kanyang hawak na kutsilyo. “Babalik ka na sa inyo?” nag-aalala niyang tanong.
“May sinabi ba ‘ko?” sabay irap sa kanya, “Wala naman akong sinasabi pero hindi ko masasabi na hindi impossible na umalis ako sa isla. Sa syudad ako lumaki, andoon ang trabaho’ pamilya ko, andoon din ang buhay ko.” Paliwanag ko sa kanya.
Hindi naman siya umimik, nakatingin lamang ‘to sa akin at ilang minuto lang ay iniwas niya na ‘to saka muling nagfocus sa kanyang ginagawa. Parehas kaming natahimik, mukhang hindi maganda ang unang naging bungad ko sa kanya.
“Sabry,” tawag ko sa kanyang pangalan, “Sabry.” Pag-uulit ko ng hindi niya ‘ko lingunin.
Napanguso na lamang ako dahil sa kanyang inaasta. Iyon ang nasa isip ko, iyon ang sigurado ako na mangyayari kaya naman bakit pa kailangan itanggi sa kanya ang katotohanan na ‘yon.
Kinuha ko na lamang ang libro sa aking harapan, isa sa pinahiram sa akin ni Kaith bago pa man ako magpunta sa isla na ‘to. At sa aking pagkabuklat na pagbuklat ay kusa akong napairap saka napatingin sa lalaki sa aking harapan.
“Nanadya ba talaga ‘to?” bulong ko habang binabasa ko ang nakasulat mula sa libro.
Muli akong napatingin kay Sabry, nakatalikod pa din ‘to sa akin habang walang imik na tinatapos ang kanyang ginagawa. Tumayo ako sa aking pwesto, ibinababa ang llibro at lumapit sa kanya.
Marahan na ipinulupot ko ang aking mga braso sa kanyang bewang at idinikit ang aking pisngi sa kanyang likod. Ang bango-bango ng likod niya, ang bango ng katawan niya at ang bango ng pawis na nagmumula sa kanyang katawan.
“A-anong ginagawa mo?” nailing niyang tanong bago ibinababa ang kanyang mmga hinihiawa’t pinunasan ang kanyang kamay, “Nagluluto ako, baka matalsikan ka ng mantika at masugatan.” Dagdag pa niya.
“Hindi mo ‘ko pinapansin,” parang bata kong usal.
“Napapaisip lang ako kung ano ang mangyayari kung aalis ka na sa isla,” sagot nito bago ako hinarap, “Naisip ko na kahit saan ka magpunta ay susundan kita, kahit saan ka magtago ay hahanapin kita, at hindi ka na makakawala sa akin kahit kalian.” Paliwanag nito bago ngumiti at hinawakan ang aking pisngi bago hinalikan ang aking noo.
“Nasasanay ka na sa kakahalik,” nakasingot kong turan ko sa kanya.
Marahan ko siyang itinulak, aalisin na sana ang pagkakayakap sa kanya ng bigla niyang ihatakin ang aking braso upang maging dahilan para mapayakap ako sa kanya.
“Nanliligaw ako sa ‘yo and at the same time ay isa ako sa inspirasyon mo ‘di ba?” patanong na sagot nito sa akin bago ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat, “Alam mo na kung paano maglambing sa male lead. Ito naman ang sample sa paglalambing ng male lead sa babaeng gusto niya.” Nakangiti niyang ani.
Napataas naman ang kilay sa kanyang sinabi, “Sabi mo eh,” sagot ko sa kanya.
Nakangiti lang naman siya, bago hinawakan ako sa kamay at hinila ako papunta sa mesa saka ako pinaupo sa aking pwesto, “Maupo ka na muna dyan habang niluluto ko pa ang pagkain natin.” Ani niya.
Tumango lamang ako sa kanya, muli kong kinuha ang libro. Pasimpleng napangiti habang binabasa muli ang linya kung saan ay ginaya ko lamang ang aking ginawa.
“Effective naman pala,” bulong ko bago napangiti saka ito pinunta sa susunod na pahina.
“May sinasabi ka?” tanong ni Sabry na nakatingin na sa aking pwesto.
“Wal akong sinasabi na kahit ano. Natutulig ka na?” tanong ko sa kaya na nakataas ang kilay.
Napailing naman siya at naghanda na ng makakain. Hindi nagtagal ay natapos na siya sa kanyang ginagawa, tulungan kaming nag-ayos ng mesa hanggang sa ako na ang nakatoka na maghugas ng pinggan.
“Wala kang trabaho?” nagtataka na tanong ko sa kanya bago na upo sa kanyang tabi ng mapansin na andoon pa din siya at nanunuod ng palabas. “Himala ata.” Dagdag ko pa.
“Meron, kinuha ko ang mga bunga ng prutas kaninang umaga sa malaking bahay at ipinamigay ‘yon sa mga taong nakapaligid dito. Sayang naman kung mabubulok ang mga prutas dahil sa hindi lang nakuha.” Sagot niya.
Nahiga ‘to sa sofa at inunan ang aking hita, kinuha ang aking kanan na kamay bago ‘yon pinag-interwined ang aming mga daliri dalawa katulad ng kanyang madalas na ginagawa.
Tahimik lamang kaming dalawa habang nanunuod siya at ako naman ay inumpisahanna suklayin ang kanyang buhok. “Minsan ba ay hindi ka nakaramdam ng panghihinayang sa lahat ng ginagawa at desisyo mo, Sabry?” tanong ko sa kanya.
Hindi ko masabi kung saan galing ang tanong na ‘yon pero ito ang unang pumasok sa aking isipan. Ang laki ng isinakripisyo niya para sa isla na ‘to, ganon na ba kaimportante ang lugar na ‘to sa kanya?
“Minsan oo, minsan hindi.” Mabilis niya na sagot bago humarap sa akin, “Hindi naman maiiwasan ‘yon sa buhay. Naiisip ko din naman ang pagkakataon na nasayang at minsan hindi dahil alam ko na masaya na ‘ko sa buhay ko dito.”
“Ikaw?” tanong niya.
Tumango ako sa kanya, “Madalas ay tama ang desisyon na napipili ko kaya wala akong pinanghihinayangaan sa mga ginagawa ko.” Nakangiti kong sagot sa kanya, “Pero dahil nga sa madalas na tama ang napipili ko ay minsan—no, hindi, madalas. Madalas ay pakiramdam ko sa buhay ko ay para na lang akong ulap na sumasabay sa malakas na ihip ng hangin. Kailangan ang tama para walang ibang iisipin, iiwasan ang gusto dahil isa sa mga mali.” Mahabang paliwanag ko sa kanya bago mahinang tumawa.
“Mahigpit ba ang mga magulang mo?” curious niyang tanong sa akin bago pinisil ang aking palad, “para gawin mo ang mga bagay na ‘yon?”
Umiling ako. Iyon nga ang nakakatawang paarte sa buhay ko, hindi kalianman pinakealaman ni mama ang desisyon ko, kung saan ako pupunta o kung ano ang gusto kong gawin at suotin. Lahat ay supportado niya, masaya siya para sa akin pero—isang malaking pero.
Pinalaki niya ‘ko na inosente at walang galit sa mundo ngunit mismong mundo na ang gumising sa akin sa katotohanan. Sa tuwing family day, nahihiya akong makipagsabayan sa iba pang mga bata dahil lahat sila ay may mga dala-dalang isang ama’t ina. At ako?
Hindi ko alam kung na saan ang papa ko ng mga araw na ‘yon, naghihintay ako at umaaasa na darating siya pero sa huli ay wala. Wala akong napala sa ginawa kong paghihintay at doon nagsimula ang paniniwala ko na, hindi ko kailangan ng isang lalaki sa buhay at tanging sakit lamang sa ulo ang ihahatid nila sa akin.
Gusto ko maging katulad ni mama, isang ina na kahit nag-iisa lang ay nakuha akong bigyan ng masagana at marangyang buhay. At kahit kalian ay hindi nagkulang sa pagmamahal na ibinibigay sa akin.
“Destiny,” nagising ako sa aking pag-iisip ng may may kalakasan na humampas sa aking bras at tinawag ang aking pangalan, “Ayos ka lang ba? Bigla kang natulala dyan.” Nag-aalala nitong ani.
“Wala, may bigla lang pumasok sa isip ko na kung ano-ano patungkol noong bata pa lamang ako.” Sagot ko sa kanya bago ngumiti.
Kita sa mga mata niya na naghihintay pa ng mga ibang rason, hindi siya naniniwala na ‘yon lamang ang iniisip ko pero mas pinili niyang tumango. Tumayo siya sa kanyang pwesto at hindi pa din binibitawan ang aking kamay sa kanyang pagkakahawak.
“Maghanda ka ng damit mo, pupunta tayo sa mansion.” Desedido na utos niya.
“Ano naman ang gagawin natin doon?” nagtataka kong tanong.
“Nakita mo ang yate sa hindi kalayuan sa pangpang ‘di ba? Nakalimutann ko na kailangan ko nga pala na maglinis doon dahil ilang lingo na din ng huli akong makapunta.” Paliwanag niya, “At mukhang mas masaya kung isasama kita, para na din makita mo mula sa gitna ang kagandahan ng buong tubig-alat.”
“May hawak ka din ng susi ng yate nila?” nagugulantang kong tanong sa kanya ng malaman ang bagay na ‘yon.
Tumango-tango siya, “Wala naman ibang pinagkakatiwalaan ang pamilya nila kundi ako lang, ayaw lang nila may ibang pumapasok sa loob at alam naman ‘yon ng buong mga tao dito.” Sagot niya sa akin bago marahan na pinikit ang aking noo. “Mag-ayos ka na, magkita nalang tayong dalawa sa loob ng gate.” Muling paalala nito.
“Okay,” isang salita kong sagot. Nagpaalam na siyang aalis at maghahanda na din ng kanyang mga gamit na kakailanganin.
“Baka nga pinagkakatiwalaan talaga siya?” sabay kibit balikat kong usal bago tumayo na din sa aking pwesto upang ihanda ang iilang mga gamit.
Matapos ang halos kalahating oras ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya, andoon na siya at aayusin na ang sasakyan namin para mamaya. Kaya naman ay agad-agad kong hinablot ang laptop, cellphone at inilagay ang lahat ng iyon sa loob ng aking bag.
Nang mailagay ko na ang lahat ng gamit sa loob ng bag ay isa-isa ko naman tinignan ang mga maaring pagmulan ng sunod upang makasigurado na patay ang lahat ng ito. At sa paglabas ko, iilan lamang ang dumaan at karamihan sa mga ‘yon ay ang mga matatanda.
“Hija, mukhang nagmamadali ka ata?” tanong ng isang matanda na may ngiti sa kanyang mga labi, “Mukhang may lakad ka, may date ba kayo ni Sabry?” dagdag pa niya.
“Po?” gulat na sagot ko bago kinumpas ang aking kamay upang ipakita sila ng naiisip, “Hindi po, sasamahan ko lang po siya sa gagawin niya at maliligo na din po sa dagat.” Paliwanag ko sa mga ‘to.
“Naku, hindi mo na kailangan mahiya, hija. Matanda na kami at nasa tamang edad na din kayo para mag-asawa kaya kung lalabas kayo ay hindi mo na kailangan ikahiya pa.” pagsesermon nito at iiling-iling pa, “mga kabataan talaga ngayon.”
“Kumpare, h’ wag mo na sermonan ang bata. Mukhang mahuhuli na din siya sa pakikipaggtagpo niya sa nobyo niya kaya hayaan mo na.” suway naman ng isa nitong matanda na kasama.
“Mauna na po ‘ko.” Paalam ko sa kanilang dalawa.
Mabilis ang akin lakad upang makalayo sa dalawang matanda, Kilala ko silang dalawa—sila ang madalas na kausap ni Sabry tuwing umaga noong hindi paa siyaa dumidiretso sa bahay, hindi din kalayuan ang mga bahay ng mga ‘to kaya naman masasabi ko na isa sila sa mga kapit bahay ko.
Halos magsasampong minuto din ang aking nilakad bago tuluyan na makarating sa mismong gate ng prohibited area. Doon ay nakaabang na sa akin si Sabry habang nakatingin ‘to mula sa isang malaking puno ng manga sa hindi kalayuan.
“Kanina ka pa?” tanong ko sa kanya ng makalapit na ‘ko, “Pasensya na kung medyo nahuli, naharang pa ‘ko ng dalawang matanda kanina bago ako makarating dito.” Paliwanag ko.
“Hindi naman, akin na ang bag mo,” sabay kuha niya ng bag na nasa balikat ko, “Sinong matatanda ang humarang sa ‘yo?” pahabol na tanong niya.
“Iyong madalas mong kasama tuwing umaga, malapit lang sa atin ang bahay.” Paliwanag ko sa kanya bago kinuha ang isang bag kung na saan ang laptop, “Sabi ay magkikita daw tayo.”
“Ganon ba? Hayaan mo sila, matatanda na sila kaya naaamn ay iba nalang ang pinagtutunan nila ng pansin.” Sagot niya bago ako hinawakan sa aking kamay, “Tara na.” pag-aaya niya.
Pagpasok namin sa loob ng gate ay agad kaming nagpunta sa pinakagilid kung saan ang yate na gumagalaw-galaw dahil sa alon ng dagat. Agad niya naman akong inalalayan sa pag-akyat hanggang parehas kaming makasakay dalawa.
“Wow! Ang ganda dito, siguro ay sobrang yaman ng may-ari ng bahay at Yate na ‘to?” tanong ko sa kanya sabay lingon sa kanyang pwesto.
Nakangiti lamang ‘to sa akin, lumapit siya, at sunod ko na lamang namalayan ay hawak-hawak niya na ang aking buhok iniipon niya na ‘to sa kanyang kamay bago nilagyan ng tali.
“Mas maganda ka kung nakatali ang buhok mo,” puri niya bago inilagay ng maayos sa aking likod ang naitali niyang buhok. “Alis na tayo.”
Tumangolamang ako sa kanya saka sumunod kung saan siya magpupunta hangang sa makarating kami kung saan ang manibela. Agad siyang pumwesto dito, unti-unti na din umaandar ang sinasakyan namin.
“Ang talented mo, marunong ka din magppaandar ng yatch!” ani ko sa kanya bago na upo as isang tabi.
“Tinuruan ako ng pinsan sa anak ng may-ari nito, naiwan na din naman ‘to sa pangangalaga ko kaya ginagamit at pinaprapractican ko din minsan.” Paliwanag niya habang seryoso lamang ito sa kanyang ginagawa hanggang makarating na kami sa kalayuan mula sa pangpang.
“Ano ba ang nangyari sa pamilya ng may-ari ng bahay at parang sobrang misteryoso naman ata?” tanong ko muli sa kanya. Inilabas ko ang laptop ko sa bag, binuksan ang isang site at saka muling tumingin kay Sabry.
“Ang pagkakaalam ko ay watak-watak na ang pamilya nila kaya naman ay naiwan na din ‘to at hindi na nagagamit.” Sagot niya bago mahinang tumawa, “Minsan ‘yon ang mahirap kung may pera na ang isang pamilya, hindi na sila makukuntento at maghahanap na ng mga bagong putahe.” May pinanghuhugutan nitong sagot bago napabuntong hininga, at iniwan ang manibela.
“Hindi naman,” nakangiti kong sagot sa kanya, “Lumaki din naman ako sa marangyang pamilya, hindiman sobrang yaman katulad ng iba ay maayos naman ang naging buhay ko. Iyon nga lang ay hindi pa din kompleto ang bagay na ‘yon.”
Dahil hindi kailanman makukumpleto ang buhay ko dahil lumaki ako na walang ama..
“Bakit?” tanong niya.
“Siguro ay dahil sa wala ‘kong ama?” natatawa kong sagot sa kanya, “Lumaki ako na naghihintay tuwing family day na darating ang papa ko, na katulad ng iba ay may kasama din akong tatay pero hanggang sa nakagraduate nalang ako ay wala ‘kong nakitang dumating.”
Hindi naman siya umimik dahil sa sinabi ko, nakatingin lang siya akin habang hinihintay ang mga susunod ko pang mga sasabihin pero wala na ‘kong masasabi pa.
“Ayon lang lahat ng ‘yon.” Sagot ko sa kanya, “Kaya siguro, naging ganito ako dahil na din sa paniniwala ko na iiwan din naman sa huli ng mga lalaki katulad ni mama.” Dagdag ko pa.
“Hindi mangyayari ang bagay na ‘yon, Destiny.” Aniya bago hinawakan ang aking kamay, “Dahil katulad ng sinabi ko kanina, kahit saan ka magpunta ay susundan kita, kahit saan ka magtago ay hahanapin kita, at hindi ka na makakawala sa akin kahit kalian.”
“Nasasabi mo lang ang bagay na ‘yan ngayon.” Sagot ko sa kanya.
“Handa akong patunayan sayo ang bagay na sinasabi ko sayo,” sagot niya bago sinandal ang kanyang ulo sa aking balikat, “Hayaan mo muna ‘ko magpahinga sa balikat mo.” Pahabol pa nito.
Agad na ibinababa ko ang hawak-hawak kong laptop at inilagay ‘yon sa isang gilid. Sabay inilagay ang ulo ni Sabry sa aking hita na madalas niyang ginagawa, bakas na bakas ang pagod sa itsura nito. At minsan ko lamang siya makita na ganyan.
“Kung napapagod ka ay dapat sa bahay na lang tayo para makahiga ka ng maayos.” Aniko sa kanya bago inilibot ang aking tingin, “Doon ka nalang sa bedroom.” Payo ko.
Umiling siya, “Mas safe ang pakiramdam ko sa tuwing sa hita mo natutulog, sa tuwing imumulat ko ang mga mata ko na ikaw ang agad ang sasalubong ay napapawi agad ang pag-aalala ko na bakaa—baka,” hindi niya na matapos pa ang kayang sasabihin bagkus ay hinawakan niya na lamang ang aking kanang kamay bago ‘yon hinalikan.
“Hindi ako aalis na hindi nagpapaalam sa ‘yo, ayaw ko naman na pag-aalalahanin ka at hindi ka patulugin ‘no.” sagot ko sa kanya bago sinuklay ang aking kanang kamay sa kanyang buhok.
“Aalis ka?” nag-aalala niyang tanong.
Tumango ako, “Hindi naman rason para itago ‘to sa iyo. Kailangan ko umuwi sa araw ng kaarawan ko para makipagkita kay mama kaya sa ayaw mo o sa hindi ay kailangan ko bumalik at i-celebrate ang kaarawan ko.” Paliwanag ko sa kanya.
Sinungaling! Sinungalinng ka, Destiny. Uuwi ka para sundin ang napagkasunduan niyo ng mama. Sobrang sinungaling ko pero—napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko.
Pero kung maiinlove nga talaga ko ng sobra sa kanya ay siya na ang ipapakilala ko kay mama at handa akong pakasalan siya kung sakaliman na ipressure pa ulit ako ni mama. Iyon nga lang ay isa pa din malaking ‘KUNG’ ang bagay na ‘yon.
“Naiintindihan ko basta ay umuwi ka kaagad.” Mahinahon napaalala nito.
“Oh, gusto mo umuwi kasama ko?” nakangiti kong biro sa kanya na kanyang ikinagulat.