INDEPENDENT WOMAN 10

1680 Words
INDEPENDENT WOMAN 10 “Maayos naman ang panahon kahapon pero bakit ang lakas ng ulan ngayon?” nakakunot ang aking noo na tanong sa sarili at nagmamadali na ipininasok ang lahat ng sinampay ko mula sa loob ng bakuran. Malakas ang pagbagsak ng ulan, ang hangin ay malakas na sinasayaw ang mga naglalakihang mga puno, at ang mga tao sa labas ay nagmamadali na mag-ayos sa kanilang mga harapan pati sa mga bakuran. “Mahal,” nagmamadali na sigaw ni Sabry bago mabilis na lumapit sa akin at saka ako pinayungan, "Ako na dito, ipasok mo na sa loob iyan. Baka ay magkasakit ka pa,” utos nito sa akin bago siya na ang kumuha ng mga damit na natira sa sampayan. “Pero—“ “Pumasok ka na.” pag-uulit niya. Nag-aalinlangan akong tumango sa kanya at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Inilapag ang mga damit sa aking kamay saka siya pinuntahan sa kanyang pwesto upang payungan. “Baka magkasakit ka,” nag-aaalala na ani ko ng makita ang mata nito na nagtatanong kung ano ang ginagawa ko sa aking kinakautayuan. Nagpatuloy lamang siya sa pagkuha ng mga sinampay at sabay na kaming nagpunta sa papasok sa loob. Medyo nabasa ang kanyang suot at ang mga damit na bagong laba ay kanyang pinagsama-sama. “Akala ko ay wala ka sa inyo?” tanong ko sa kanya bago binigyan siya ng bagong towel at saka ‘yon pinunas sa kanyang katawan. “Kanina ko pa sinisilip ang bahay mo, hindi pa din bukas at walang ilaw sa loob. Saan ka galing?” muling tanong ko. “Nag-aalala ka?” tanong niya. Marahan akong tumango, “Syempre! B-boyfriend kita eh,” sabay iwas ng tingin. Pakiramdam ko ay namumula na ang buong pisngi ko. Simula ng magstart kami bilang isang inspirasyon sa akda ay hindi ko kina-claim na boyfriend ko siya, hindi ko nga siya natawag sa madalas na tawag niya sa akin at binibigay niyang call sign. “Boyfriend?” pigil ang ngiti niyang tanong bago mabilis akong niyakap, “Akala ko ay nagbibiro ka lang kagabi.” Usal niya. “H-hindi ‘no,” sagot ko sa kanya bago humiwalay sa kanyang pagkakaakap, “Pero sana ay kayanin mo ang lahat ng responsibilidad at kung ano ang pwedeng mangyari.” “What do you mean?” diretso niyang Ingles na tanong niya dahilan upang matigilan ako. “Sanay na sanay ka talaga sa pagsasalita ng Ingles ‘no?” natatawa kong usal sa kanya bago kinurot ang kanyang pisngi, “sobrang ganda ng accent mo.” “huh?” sabay iwas ng kanyang tingin, “Oo, sanay lang  talaga ako. Nasanay ako noong bata ako, habang naninilbihan sa mayaman na pamilya at madalas na sumasali sa mg English contest. Ang ganda ba?” paliwanag niyaa sabay taas-baba ng kanyang kilay na tila nagpapaimpress sa akin. “Ayos na,” sabay iwas ko din ng tingin sa kanya bago kinuha ang mga damit at nag-umpisa ng tupiin ang mga ‘yon. “Saan ka ba gaaling kanina?” tanong ko sa kanya na hindi niya sinagot. Hindi siya sumagot ng ilang Segundo pero ngumiti din naman ‘to agad, “Sa mansion ako nagpalipas ng gabi, may kinailangan pa ‘kong asikasuhin at hindi na din ako nakapagsabi dahil sa ayaw na kitang istorbohin.” Paliwanag niya. “Ganon ba?” tanging na isagot ko, “Kumain ka na ba? Nagluto ako ngayon, may itinira ako para sa ‘yo.” “Talaga?” hindi niya makapaniwalang tanong. Tumango ako sa kanya, “Asikasuhin mo nalang muna ang sarili mo sa kusina, tatapusin ko muna ‘tong mga damit na kailangan tiklupin.” Paalam ko sa kanya. Tumango naman siya, lumapit siya sa akin bago itinapat ang kanyang mukha sa akin at mabalis na hinalikan ang aking noo. “Huwag mong sanayin,” usal ko nang makalayo na siya sa akin, “nasasanay ka na sa kakahalik mo ah?” reklamo ko. “Kagabi na hinalikan mo ‘ko sa labi, hindi ako nagreklamo. Alam mo ba na ikaw ang—nevermind.” Sagot niya. Namula naman ang aking pisngi sa kanyang sinabi. Kagabi, mabilis lang ang pagkakahalik ko sa kanyang labi pero hindi ko makalimutan ang lambot at kung saan parte ng aking labi dumampi ang kanya. Destiny, umayos ka nga! “Edi hindi na.” sagot ko sa kanya bago siya inirapan. “Biro lang,” natatawa nitong sagot. “Gusto lang kita halikan.” Paliwanag nito. Inirapan ko na lamang siya, samatala ay pumasok naman siya sa kusina na tumatawa at mukhang masaya pa dahil sa sinabi ko sa kanya. Napailing nalang ako at mabilis na kinuha ang mga damit na nakalatag, isa-isang inayos at saka inakyat sa aking kwarto. Tatlong buwan na din simula  ng tumuntong ako sa isla na ‘to, sa tatlong buwan na iyon ay mabilis na nakuha ni Sabry ang loob ko at mahulog sa kanya. Minsan—no, madalas kung sino pa ang tao na gusto natin layuan ay doon pa tayo pinapana ni kupido. Hindi na ‘ko magrereklamo, mabait na tao si Sabry at kahit wala siyang ari-arian na maipapakita ay hindi magiging rason ‘yon para iwanan ko siya. Mas gugustuhin ko nalang ang mamuhay na kapos kesa maging mayaman na hindi naman magiging masaya. “Ang lakas pa din ng ulan, wala naman bagyo.” Nakasimangot kong ani bago binuksan ang malaking sliding door sa gilid dahilan upang mabilis na pumasok ang malakas na hangin. Iba din ang pakiramdam kung umuulan sa lugar na ‘to, makikita ang itim na itim na ulap at ang malalakas na pagyugyog ng mga puno. Ang alon ng dagat ay mas lalong lumalakas ang hampas na dinig na dinig sa aking kinatatayuan. Nakatulala lamang ako sa labas ng madinig ang sunod-sunod na ring sa aking cellphone. Marahan na sinara ko ang salamin at saka lumapit sa cellphone upang tignan ang kung sino ang tumatawag. “Hello?” nakasimangot na tanong ko mula sa kabilang linya. “Kaibigan mo ba talaga ko, Destiny, my friend?” nagtatampo ang boses mula sa kabilang linya, “Kung hindi pa ‘ko nagpunta sa inyo ay hindi ko malalaman na may boyfriend ka na.” dagdag pa nito. “Pasensya na, bessy.” Pahingi ko ng paumanhin, “Ipapakilala naman kita sa kanya sa susunod pero huwag muna ngayon, sa susunod na kung maisipan mo magbakasyon dito.” Paliwanag ko sa kanya. “Basta! Kaya pala ang ganda ng pagkakasulat mo ng bagong nobela mo ngayon, mukhang ang sinusulat mo ay ang mismong nangyayari sa inyong dalawa—uy, sabihin mo sa akin ang totoo.” Panunukso nito. Mahina naman akong natawa, siguro kung dati ay mapipikon na ako sa kanya dahil sa ginagawa niya pero ngayon—hindi ko na malaman pero mukhang masaya pa ‘ko sa kanyang ginagawa. “Parang ganon na nga, kaya wag ka na magtampo. Araw-araw naman akong nagsusulat at nakarecord doon ang lahat ng nangyayari sa akin dito.” Sagot ko sa kanya. “Oo na,” pagtitigil niya, “Tumawag ako sa ‘yo para sabihin patungkol sa nalalapit mong kaarawan, at  mukhang hindi mo pa nababasa ang sa group chat natin noong college, nag-aaya ang pabibong si Kim ng isang reunion. Sigurado naman na magpapaepal lang ‘yon sa iba.” Irritable niyang ani. Napatawa ako sakanyang sinabi. Si Kim, ang isa sa pinakapabibo na nakilala ko noong nasa kolehiyo pa lamang, madalas niyang ipagmalaki ang kanyang auntie na nagtratrabo sa loob ng school. Sabi nga ni Mark—isa  sa mga naging kausap ko ay iyon ang madalas nito pinagmamalaki sa klase. As if naman may pakealam kami sa pamilya niya. Gusto lang naman niyang pumapel at isalba lang ang sarili niya sa klase, bukod pa doon ay takot na takot malamangan. “Nakakatakot, baka ipagmalaki niya pa din ang auntie niya.” Biro ko bago humalakhak, “Pwera biro, bakit daw siya nagpatawag ng reunion?” natataka na tanong ko sa kanya. “Ewan ko din doon, for sure naman ay magyayabang lang ‘yon. Mas lalo na ngayon na napromote siya sa kompanya nila.” Sagot niya bago napabuntong hininga, “And besides, sorry, Destiny my friend, na sabi ko sa kanya kanina na dadalhin mo ang pogi at mayaman mong boyfriend—naasar kasi ako sa kanya kanina, hinahanap-hanap ka niya dahil daw sa failure mong mga akda.” Paliwanag nito. “Pogi’t mayaman talaga?” natatawa kong tanong, “Hindi naman kailangan ipagmalaki ‘yon pero itry ko na isama ang boyfriend ko sa reunion natin.” Sagot ko sa kanya. “Really?!” hindi makapaniwala nitong tanong, “At hindi ka din nagreklamo sa ginawa ko? Siguro kung hindi ka pa inlove ngayon ay natutulili na ang tenga ko sa napakahaba mong sermon.” “Gusto mo ba na sermonan pa kita?” tanong ko sa kanya pabalik. “No, thanks!” mabilis niyang sagot bagot tumawa, “Oh siya, patayin ko na ang tawag at kakausapin ko pa ang mama mo.” Paalam nito bago pinatay ang tawag. Napabuntong hininga naman ako at napailing. Sanay na ‘ko sa madalas niyang pagpapahamak sa akin pero ngayon ay hindi naman masama kung dadalhin ko si Sabry sa araw na ‘yon. Gusto ko din makamusta ang iilang mga naging kaibigan ko ng kolehiyo, matagal pa naman ang araw na ‘yon kaya sa susunod ko na lamang proproblemahin. “Destiny,” tawag ng baritonong boses sa akin mula sa pinto, “Sino ang kausap mo?” tanong nito. “Ah, ‘yon ba?” nakangiti kong tanong bago lumapit sa kanya at saka ‘to niyakap, “Gusto ka daw makilala ng best friend ko—si Kaith. Kaya baka magpunta ‘yon dito kung mapagtripan niya o hihintayin ka nalang niya sa araw ng kaarawan ko.” Paliwanag ko sa kanya. “Seryoso ka na isasama mo talaga ‘ko?” hindi niya makapaniwalang tanong. Tumango ako sa kanya, “Ayaw mo?” nakangisi kong tanong.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD