INDEPENDENT WOMAN 18 Destiny Point of View “Gising ka na,” nakangiti na bungad sa akin ni Sabry ng maimulat ko ang aking mga mata. Nakahiga pa din ito sa aking tabi habang nakatapis ang kanyang pang-ibaba ng makapal na kumot katabi ng aking katawan na walang kahit anong saplot. “Hmm,” tatango-tango kong ani bago inilapit sa kanya ang aking mukha at niyakap siya ng mahigpit, “Kanina ka pa gising?” “Ngayon-ngayon lang,” sagot niya bago ako niyakap pabalik, “I love you.” “I love you too,” nakangiti kong sagot sa kanya. Nanatili kami sa ganong pwesto, ninanamnam ang mga sandal na magkasama pa kaming dalawa. Sigurado naman na susunod na mga araw ay magiging abala ‘to sa kanyang trabaho at malimit na naman kami magkaroon ng oras sa isa’t-isa kahit na nasa iisang bahay lang naman kami tum

