INDEPENDENT WOMAN 19 Maganda ang simoy nghangin mula sa labas ng buksan ko ang pinto upang magtapon ng basura sa labas ng bahay, hindi gaanong malamig ang simo’y ng hangin at hindi din naman ganon kainit sa pagdampi sa balat. Dahil din sa ganda ng panahon ay mas marami ang tumatakbo ngayong umaga upang magpapawis. “Destiny, good morning!” nakangiting bagti ni Riz sa akin na mukhang tumatakbo din ngayong umaga base sa kanyang suot at kanyang hawak-hawak na tubig, “Kamusta?” “Ayos lang naman,” tugon ko sa kanya bago tinignan ‘to mula ulo hanggang paa, “Ibang-iba ka na talaga, dati lang ay ayaw na ayaw mo sa pagtakbo pero ngayon—“ iiling-iling ko na lamang na ani sa kanya bago mahina na tumawa. Isa sa hindi ko makalimutan noong mga bata pa lamang kami ay nang isang beses sa PE class. Kin

