INDEPENDENT WOMAN 12.2 “Baka makagulo lang ako sa pupuntahan mo,” nagkakamot na batok na aniya sa akin bago tinignan ang softcopy ng invitation na nasa aking cellphone, “Kenneth Andres? Hindi ba at siya ang biglang yaman na business man ngayong taon na ‘to. Balita ko nga ay marami na siyang mga hawak na publishing house na minana niya pa sa kanyang mga magulang.” Dagdag pa niya ng mabasa ang isa sa pangalan ng aking previous search. “Siya nga,” maigsi kong sagot sa kanya, “Saka, bakit mo naman na sabi na makakagulo ka lang sa party na pupuntahan natin? Hindi ka naman ata magwawala o gagawa ng gulo para ipahiya ako ‘di ba?” tanong ko sa kanya bago ngumiti. “Hindi nga pero—alam mo na, ayaw ko na pagtawanan ka ng mga kaibigan mo at mga dati mong mga nakakasama dahil bumagsak ka lang sa isa

