INDEPENDENT WOMAN “Love, wait up, lunch is ready,” baritonong boses na pilit na gumigising sa akin. Masakit ang aking katawan, matinding pagod ang aking daramdaman, at ang pagitan ng aking hita ay patuloy pa din sa pagkirot. Tamad na tamad man ay pinilit kong imulat ang aking mga mata, doon ay bumungad sa akin si Sabry. “Morning.” Bati ko sa kanya bago muling pumikit, “Kanina ka pa ba gising?” tanong ko sa kanya. “Kanina pa, nagluto na ‘ko ng lunch. Hindi na kita ginising dahil ang himbing ng tulog mo, alam ko din na pagod ka dahil sa nangyari kagabi.” Seryoso na sagot nito ngunit hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi. Hinimas-himas niya ang aking buhok na nakakalat sa aking mukha, inilagay niya ‘to sa likod ng aking tenga. Sunod na kanyang ginawa ay mabilis na hinalikan ako sa labi

