INDEPENDENT WOMAN 15: PREPARATION “Sabry, anak, bihis na bihis ka ata?” tanong ni mama kay Sabry ng makita ‘tong maayos ang kanyang bihis, medyo basa pa din ang buhok nito at may kaguluhan na din dahil sa wala naman itong wax na inilalagay, “May pupuntahan ka ba?” dagdag pa sa kanya ni mama. “Opo, tita.” Mabilis na sagot niya kay mama bago ‘to lumapit sa aming pwesto, “May kailangan po muna ‘kong asikasuhin habang andito ako sa syudad.” Paliwanag niya bago tumingin sa akin. Ang mata niya na humihingi ng tawag bago ‘to humawak sa aking kamay at na upo sa aking tabi. “Hahabol ako mamaya, pangako.” Bulong niya sa akin bago ako hinalikan sa tenga at muling lumingon kay mama. “Tita, mauna na po ‘ko.” Paalam nito. Tumango-tango naman si mama sa kanya, “Mag-ingat ka sa labas, iba ang mga tao

