INDEPENDENT WOMAN 14.2 “Hey, Sabry, are you mad?” tanong ko kay Sabry pagpasok na pagpasok ko pa lamang sa loob ng bahay at tumabi sa kanyang kinauupuan. “Uy,” may paglalambing na tono ng aking boses. Ngunit, tila walang naging epekto ‘yon sa kanya at nakatingin pa din sa malayo na tila walang na dinig sa aking pagsuyo. Nakakruss ang kanyang mga braso, ang kanyang mga panga na naninigas, at ang kanyang tingin ay napakaseryoso lang. “Love,” tawag ko sa kanya gamit ang madalas niyang tanong sa akin, “Huwag ka na magselos, kaibigan ko lang ‘yon. Si Riz, matagal na kaming nagkahiwalay simula pa lamang ng mga bata kami kaya kanina ng makita ko siya ay masaya ako na makita ko siya ulit. Promise, magkaibigan lang kami.” Paliwanag ko sa kanya pero wala pa din ‘tong imik. Tumayo siya, iniwan ni

