INDEPENDENT WOMAN 02

1182 Words
MSIL 02: Mataas na ang sikat nang araw nang ako ay magising, ramdam ko na din ang pagkalam nang aking sikmura dahilan upang mahinto ako sa aking mahimbing na pagkakatulog. Doon ko lamang na pagtanto na hindi ako nakakain nang dinner kagabi dahil sa pag-alis ni Kaith ay dumiretso na ako sa pagkakatulog. Walang buhay at tamad na tamad akong lumabas ng kwarto. Hindi na din ako nag-abala pa mag-ayos nang sarili dahil wala naman ibang makakita non kundi si mama lang. Pagbaba ko mula sa kusina ay bumungad sa akin si mama, nakaupo ‘to at kung may anong tinitignan sa lamesa. “Good morning, ma.” bati ko dito bago dire-diretso na kumuha nang makakain. “Morning din anak. Saktong-sakto ang pagbaba mo, namimili ako nang mga pwede ipang blind date sa’yo. Halika dito at tignan mo, mga poging bata!” excited na sabi nito. Nang lingunin ko muli ang pwesto niya ay doon ko lang na pansin ang mga larawan na nakalatag sa lamesa. Nagdilang anghel na naman si Kaith at tama ang hula niya. “Ma, hindi ko nga kailangan ng nobyo. Mabubuhay naman ako na walang ganyan,” reklamo ko at na upo sa harap nito, “Tsaka ako na ang bahala maghanap ng sarili kong nobyo kung kakailangan ko na.” dagdag ko pa. Kumunot ang noo ni mama sa tinuran ko at mabilis na hinampas sa ulo ko ang isang larawan na nakalagay sa lamesa. “Kailan mo pa kakailanganin? Kung matanda ka na at hirap ka na manganak, Destiny?” “Ma, naman!” angal ko.                “Tama ako ‘di ba? Ang anak nang kumare ko ay kasal na sa edad na bente singko at sa susunod na mga buwan ay magkakaroon na siya nang apo. At ikaw, Destiny kahit manliligaw ay hindi mo pinapansin!” reklamo nito bago napahawak sa kanyang dibdib, “Tumatanda na ako anak. Gusto ko makita at maalagaan ang apo ‘ko sayo.” pagdradrama pa nito. “Sa lahat nang ginawa mong blind date sa akin dati ay wala naman naging successful.” bulong ko. “Walang naging successful dahil kung ano-anong kalokohan ang ginawa mo! Nang una, ‘yong poging engineer na blinid date ko sa’yo. Anong ginawa mo, nagmake up ka na parang baliw at nagsuot na black na black. Sa tingin mo magugustuhan ka niya dahil sa itsura mo nang araw na ‘yon?” muling pagbabalik ni mama sa nakaraan. “Kung willing siya mahalin ako ay tatanggapin niya ‘ko kahit ganon ang itsura ko.” Diretso kong sagot, “Ang problema kasi sa lalaking ‘yon bumabase lang sa itsura at ganda ng katawan ng babae. Sa tingin mo karapadapat siya para sa akin, ma?” nakataas na kilay kong sabi. “Sa panahon ngayon, wala nang gano’n lalaki, Destiny.” iiling-iling na saad ni mama. “Edi hindi din ako mag-aasawa.” maigsi kong sabi bago sinubo ang pagkain na nasa harapan ko. “Babaan mo naman kasi ang qualities na gusto mo sa mga lalaki. Kahit magkajowa ka lang at masabing hindi ka masabihan ‘No boyfriend since birth’ kahit na magbebente-sais ka na.” problemadong sabi ni mama, “Kung bata pa ako ay mag-aasawa ako ulit eh!” dagdag pa nito. “Pwede naman ‘yon ma,” tatango-tango kong sabi, “Hindi ko naman hahadlangan kung gusto mo ulit mag-asawa. Malay mo ay tigilan mo na ako sa kakapumilit mag-asawa.” sabay ngiti dito. “Destiny, pinapasakit mo talaga ang ulo ko.” ani niya sabay hilot, “Dati nang bata ka ay pinangako mo sa akin na bente-sais ay magpapakasal ka na, pero ngayon bente singko ka na ay wala ka pa din nobyo! Paano ka magpapakasal kung wala ka naman nobyo?” tanong nito. Nagkibit balikat ako at napanguso. Pumasok sa utak ko ang panahon na ‘yon pero habang tumatanda at na dadagdagan ang edad ko ay nagbabago ang lahat. Nakita ko kung paano maglasing at umiyak si Kaith dahil sa lalaki, nakita ko kung paano siya saktan nang mga ‘yon. At hangang tuluyan na nagbago ang pananaw ko. “Si Kaith naman di naman pinilit nang magulang niya mag-asawa. Bakit ikaw, ma, kulang nalang ay ibenta mo na ako?” may pagtatampo kong tanong sa kanya. Napahalukipkip si mama dahil sa sinabi ko. “Si Kaith nagkaroon na nang mga nobyo, tumatanggap nang manliligaw at kahit anong oras ay may mahahanap siya na pwede niyang mapangasawa. Kung ako ang ina niya ay ayos lang sa akin na hindi siya pilitin pero iba ang sitwasyon mo, Destiny. Kahit manliligaw ay hindi mo pinapansin, bente-singko ka na pero ni isang nobyo ay wala ka pang naipapakilala sa akin. Sa tingin mo paano ako matatahimik?” sermon niya. “Kalma ka lang, ma. Talo na ako,” sabay taas ko nang dalawa kong kamay. Napangiti naman ito sa sinabi ko bago ngumuso sa mga larawan. Isa-isa kong tinignan ang mga ‘yon at napairap sa hangin. Lahat sila ay may mga itsura at halos lahat sila ay mga mukhang ignorante. “Ako na ang hahanap nang pwede kong maging nobyo, ma.” marahan na sabi ko dito, “At paghindi pa ako nakapangasawa bago ako mag bente sais ay hindi na ako makikipagtalo sa’yo tungkol sa blind date na ‘yan.” dagdag ko pa. “Kailan ka pa maghahanap?”Nakataas ang kilay nito. “May limang buwan pa naman ako bago magbente sais ‘di ba?” ani ko, “Mag-uumpisa ako simula ngayong araw na ‘to.” sagot ko. Hindi umimik si mama. Nakatingin siya sa akin na animoy sinusuri ang mga mata ko at buong pagkatao. Maya-maya lang ay tumigil na din ‘to. Kinuha ang notebook kung saan niya madalas na nilalagay ang mga background nang gusto niyang ipa-Blind date sa akin. Nag-sulat ito nang ilang saglit bago pinunit ang isang pahina. “Ano ‘to?” tanong ko sa kanya bago binasa ang nakalagay sa pinunit na papel, “Kasunduan? Ma, hindi ba masyado ka nang matanda para sa ganitong mga klaseng kasunduan, at wala ka naman sa mga TV drama na kailangan pa nang ganito.” angal ko. “Pirmahan mo bago ako pumayag sa gusto mo,” nakangisi nitong sabi, “Para may matibay akong ebidensya na hawak pagwala ka pa din maipakilala sa akin.” aniya. Hindi ko maiwasan na mapairap sa hangin. Si mama ay mas bagets pa sa akin mag-isip, epekto na naman ‘to nang mga TV dramas na pinapanuod niya. Pero kahit kaibigan ang turingan namin ay hindi ko pa din ‘to kayang tanggihan o suwayin. Pinirmahan ko ang ginawa niyang kasulatan at ganon din siya. Binigay niya sa akin ang isang kopya. “Pwede ka nang makaalis.” ani ni mama. “Hah?” nagtatakang tanong ko habang nakakunot ang noo. “Hindi ba’t ngayon ka na maghahanap? Huwag ka magsayang nang oras. May limang buwan ka nalang bago may maipakilala sa akin.” nakangisi nitong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD