INDEPENDENT WOMAN 03

1101 Words
MSIL 03 “Anong balak mo ngayon?” tanong ni Kaith habang nakatingin sa dalawang malalaking maleta na nasa gilid ko. “Hindi ko pa alam pero may naiisip na ako kahit papaano,” ani ko bago napahilamos nang mukha. Sumasakit ang ulo ko sa ginawa ni mam. Pumayag nga siyang hindi mangungulit at hahayaan ako hanggang hindi pa ako nakatungtong ng bente-sais, pero ito naman ang ginawa niya. “Grabe na talaga si Tita Armina, akalain mo ay pinaalis ka talaga niya sa sarili niyong bahay para lang makapaghanap nang boyfriend! Ang swerte mo naman, Destiny, my friend.” natatawa niyang sabi. Sinamaan ko siya nang tingin sa sinasabi niya. “Anong swerte doon, Kaith? Kung siguro sa’yo ay swerte ‘yon pero para sa akin ay hindi.” may tono nang pagkainis kong sabi. “Boyfriend lang naman kasi ang hinihingi sa’yo ni Tita Armina. Sa tingin ko naman kung may maipapakilala ka sa kanya ay titigil na din siya sa pangungulit sa’yo?” aniya. Nagkibit balikat ako. “Hindi ko alam.” maigsi kong sagot bago napapikit. “Ganito nalang, ipapakilala ko sa’yo ang mga kaibigan ko lalaki at kung may magustuhan ka. Edi gora na ang peg mo!” aniya bago kinuha ang cellphone niya sa bulsa. May iilan pa siyang pinindot mula doon bago hinarap sa akin ang mga larawan. “Ayan lahat ng mga kaibigan kong single. Financially stable na din ang mga ‘yan at may maayos na family background, mamili ka sa kanila at irereto kita.” excited nitong sabi. Inirapan ko lang siya at tinapik ang cellphone niya papalayo sa mukha ko. Parehas lang sila ni mama. “Kaya nga ako napalayas sa bahay dahil blind date na ‘yan, pati ba naman ikaw ay ibebenta ako sa mga lalaki na iyan,” inis kong sabi. Napanguso naman ito at napahalukipkip, “Bakit kasi ayaw mo magboyfriend. Balak mo ba talaga maging matandang dalaga?” tanong nito. “Ayos na maging matandang dalaga,” sagot ko dito. “Anong balak mo ngayon?” nag-aalinlangan niyang tanong. “Isa nalang. Limang buwan pa ang natitira bago ako itali ni mama sa kung sinoman, i-enjoy ko nalang ang buhay pagkadalaga ko.” Pero hindi ko alam kung paano. “Pwede! Pwede! Sabay habang wala ka ay tutulungan ko si Tita Armina na maghanap nang pwede mong kadate,” tuwang-tuwang sabi nito, “Pero paanong enjoy ang gagawin mo?” Nagkibit balikat ako, “Hindi ko pa alam. Siguro ay magtravel, magstay sa tabing dagat o saan pwede akong mapag-isa.” sagot ko dito. “Tamang-tama! Umalis sila tito nang bansa last month at walang ibang nakatira sa bahay nila. Ang balita ko ay maganda ang dagat kung saan malapit ang kinakatayuan nang bahay nila.” aniya, “Kung doon ka nalang kaya muna?” tanong nito. “Papayag ba?” tanong ko. “Ako na ang bahala doon, malay mo ay andon nga ang forver mo.” panunudyo nito. Mas lalong kumunot ang noo ko. Inirapan ko siya bago tumayo sa aking kinauupuan at pumunta sa extrang kwarto habang hila-hila ang dalawang maleta. “Magsama kayo ni mama!” ani ko bago pabagsak na sinara ang pinto. Narinig ko ang malakas niyang pagtawa mula sa labas. Napailing nalang ako, minsan ay naiisip ko na siya talaga ang tunay na anak ni mama at hindi ako. Parehas na parehas sila nang pag-uugali, mas excited pa sila kesa sa akin mag-asawa. Pagpasok nang kwarto ay agad na binagsak ko ang aking katawan sa higaan. Hindi ko na alam kung paanong pangungumbinsi pa kay mama ang kailangan kong gawin para tigilan niya na ako sa kakablind date sa kung sino-sinong lalaki. Inayos ko ang iilang mga gamit ko at nagpalit nang maninipis na damit kung saan ako komportable. Pagbalik ko sa salas ay bumungad sa akin si Kaith na may hawak nang tissue habang tutok na tutok sa pinapanuod niya. Ayan na naman siya. “Nanunuod ka na naman nang mga walang kwentang palabas?” tanong ko sa kanya bago na upo sa tabi niya. “May kwenta nga ‘to no!” aniya bago hinagis sa akin ang hawak niyang tissue, “Masyado ka lang kasi talagang bitter kaya mo nasasabi ang mga ‘yan.” dagdag pa niya. “Hindi ako bitter. Sadyang bukas lang ang isip at mata ko sa reyalidad,” pagtatanggi ko sa kanya. Inirapan niya lang ako at muli na siyang bumaling sa TV upang manuod. Napailing nalang ako at binuksan ang cellphone ko, isa-isa ko muling binasa ang mga comments mula sa last update na ginawa ko. At sa isang kommento na hinto ang aking mata. User013199: Ang boring ng gawa mo, Ms. Author. Maganda at exciting nga sa una pero sa huli ay masyado naman boring, wala manlang kissing scene na naganap at kahit anong romance sa buong story na ‘to. Buti pa ang author ng ‘Candy love’ ay magaling magpakilig. Siguro totoo ang balita na wala kang itsura kaya hanggang ngayon ay single ka pa din. hahaha. No offense, Ms. Author. Basa ko dito. Maliit na sumilay ang ngiti sa aking labi at nag-umpisa magtipa nang irereply mula dito. “Thank you sa pagbabasa at nakaabot ka sa pangatlo sa huling chapter nang aking akda.” reply ko dito. Binaba ko ang cellphone ko at tinignan ang pinapanuod ni Kaithy. Maraming kababaihan ang nagsayang nang luha sa palabas na ‘to, dahil sa paghihiwalay nang dalawang bida na hindi kinaya ang hinaharap na problema. “Kaithy, may romance ka ba na libro o ‘di kaya naman ay may kilala kang author na gumagawa nang romcance genre?” tanong ko sa kanya. Agad naman itong napatingin sa akin, gulat na gulat ang ekpresyon sa kanyang buong mukha bago kinapa ang noo ko. “Ayos ka lang ba, Destiny My Friend? Ikaw ba talaga ‘yan?” tanong niya. Tinapik ko ang kamay niya na humihipo sa noo ko bago siya binigyan nang masamang tingin. “Meron ka ba o wala?” tanong ko sa kanya. “Syempre, meron!” aniya bago tumayo, “Kukunin ko saglit lang!” paalam niya. Patakbo siyang pumasok sa kwarto niya. May iilang lagabog ang nangyari sa loob bago siya tuluyan na lumabas bitbit ang sampong patong nang makakapal na libro. “Ito ang favourite ko. Hihiramin mo ba? Gusto mo sa’yo nalang?” dire-diretso nitong tanong. Umiling ako, “Hihiramin ko lang. Titignan ko kung bakit baliw na baliw kayo sa Romance Genre na ‘yan.” sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD