SA PROBINSIYA

569 Words
"Sa wakas magcocollege na ako" sambit ni jasmin habang nakatingin sa diplomang natanggap niya.kakatapos lang ng graduation nila pero parang di parin siya masaya "makakapag college nga ba ako?" tanong niya sa sarili niya sabay nang pagbuntong hininga.Alam niyang hindi siya kayang pag aralin ng kanyang ina sa kolehiyo kahit pa man matanggap siyang scholar dahil marami paring gastusin sa pag aaral niya.walang malapit na university sa kanilang lugar kaya talagang mahihirapan siya. "anak". tawag ng kanyang ina. "Halika na anak kain na tayo". Tumayo na rin siya dahil nakakaramdam na rin siya ng gutom. "Happy graduation nak" sambit ng kanyang ina na halos abot tenga ang ngiti sa sobrang saya habang may hawak na maliit na cake.Di naman mapigilan ni jasmin ang maluha dahil sa sorpresang binigay ng kanyang ina kahit cake lang yun malaking bagay na sa kanya.. "Salamat nay" sabay yakap at halik sa kanyang ina.mula pagkabata silang dalawa nalang nang kanyang ina nag magkasama.Anak siya sa pagkadalaga nang nanay niya sa isang bakasyunistang taga syudad,pero di na niya nakita pa dahil hindi na bumalik pa nung umuwi ito. "Anong plano mo ngayon anak"? tanong ng kanyang ina habang kumakain sila. "ewan ko nay,baka di muna ako mag eenroll sa kolehiyo,mag ipon muna cguro tayo" sagot niya na may lungkot sa kanyang boses. "Hindi pwede anak,kahit anong mangyari mag aaral ka" sabay hawak sa isa niyang kamay at nag ngitian sa isat isa.Ang bait bait talaga nang kanyang ina kaya mahal na mahal niya ito.. Ilang linggo na ang lumipas mula nung graduation niya kaya abala na sila nang kanyang ina sa pagtitinda at paglalabada.Kailangan nilang maka ipon kahit papano. Nahatid na niya ang labahan kaya umuwi na siya sa bahay pero laking gulat niya nang madatnan niya ang kanyang ina na nakahandusay sa kusina. "Nay,nay,anong nangyari sayo?" naiiyak na sambit niya pero walang siyang mahintay na sagot sa kanyang ina,wala parin itong malay kaya nagsisigaw na siya. "Tulong,tulongan niyo kami" sigaw niya at umiiyak na rin xa sa sobrang pag aalala.. "Doc ano pong nangyari sa nanay ko"? tanong ni jasmin sa doctor na tumingin sa kanyang ina. "May sakit sa puso ang iyong ina" parang nagpantig ang tenga niya sa kanyang narinig. "kailangan niyang magpahinga at mga gamot" dugtong pa nito sabay abot sa kanya ang isang papel. Naiiyak na siya nong pumasok sa kwarto na kinaroroonan ng kanyang ina,nagkamalay na ito pero mukhang nanghihina pa. "nay,kumusta pakiramdam niyo?" tanong niya habang pumapatak ang kanyang mga luha. "Ayos lang ako nak,huwag kang mag alala".. sabay haplos sa kanyang mukha.. alalang alala siya sa kanyang ima,di yata niya makakaya pag may masamamg mangyari sa nanay niya. Lumipas na rin ang mga araw at medyo malakas na rin ang kanyang ina sa tulong ng gamot at pahinga,pero di na ito pwedeng magtrabaho kagaya nang dati kaya si kasmin na nag umaako ng lahat. Nauubos narin ang konting naitabi nila ng kanyang ina kaya kailangan niya ng regular na trabaho para sa gamot ng nanay niya.. Di na muna niya iniisip ang sarili at pag aaral niya,unahin muna niya ang kanyang ina. Hindi na siya nag atubiling sabihin sa nanay niya ang plano niya,gusto niyang lumuwas muna sa manila at maghanap ng trabaho.Ayaw man niyang iwan ang kanyang ina pero kailangan,halos lahat naman ng kapit bahay nila kumare ng nanay niya kaya di nila ito pababayaan. Dahil wala din magagawa ang nanay niya kaya pumayag nalang ito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD