SA MANSION

1415 Words
Tumuloy muna siya sa isang kakilala niya sa maynila at ito ma rin ang nagbigay sa kanya ng address nang agency na aaplyan niya..Kahit anong trabaho basta marangal tatanggapin niya. Bago lang siya sa maynila kaya wala siyang alam sa syudad,pero matalino naman siya kaya hindi siya mawawala,idagdag pa doon ang kagandahan niya.. Nasa gilid siya ng kalsada at hinihintay ang paghinto ng mga sasakyan para makatawid nang maramdaman niyang parang may nakatingin sa kanya. napatingin siya sa isang kotseng nakaparada sa gilid ng kalsada,tinted ang salamin pero medyo aninag ang loob.Yun nga,parang pigura ng isang lalaking nakaupo sa backseat ang nakatingin sa kanya. Hindi naman niya makita ang mukha dahil madilim ang salamin pero sigurado siyang lalaki at nakatingin sa kanya. Tumigil na ang mga sasakyan kaya dali dali na siyang tumawid,di niya na pinansin pa ang lalaki sa sasakyan. Tumuloy tuloy na siya hangang makarating sa opisina ng agency na aaplayan niya. Sinabihan lang siya ng agency na tatawagan nalang daw siya pag nahanapan na ng trabaho kaya umuwi na siya. SA MANSION Gabi na pero nasa pool parin si liam di parin mawala sa isip niya ang babaeng nakita niya sa kalsada. ang amo ng mukha na parang anghel,parang ang sarap haplusin ang malahugis puso at makinis niyang mukha.Ang mamula mulang pisngi at mga labing kay sarap halikan. Muntik pa siyang mahuli ng babae na tinitignan niya buti at naisara niya agad ang salamin bago lumingon ang magandang babae. "Damn Liam" saad niya sa sarili,di niya alam kung magagalit siya sa sarili dahil di mawala sa isip niya ang babaeng yun. "stop it liam,she looks young.Hindi siya ang tipo mo" utos niya sa sarili sabay inom ng alak na nasa gilid ng pool. Umahon na siya at papasok na sana sa loob ng bahay nang dumatung ang mama niya. "hi son". bati ng mama niya.. "hello ma" nakangiting sagot ni liam. " i gotta go ma,its getting cold here" agad niyang paalam sa kanyang ina. "ok,son.i just want to remind you the meeting tommorow.Inaasahan ka ng papa mo". bilin ng kanyang ina. "yes ma,no worries.ill be there" "goodnight ma" paalam niya sa knyang ina bago pumasok sa malaking bahay.. Nag iisang anak si Liam o Leandro " Liam" Del Valle at siya lang ang tanging taga pag mana ng lahat ng kayamanan ng kanilang pamilya.Mayaman at respetado ang mga magulang niya kaya kilalang kilala din siya lalo na mga kababaihan sa sirkulasyon nila.. Hindi lang mayaman si Liam,super gwapo,matangkad at habulin talaga ng mga babae. Pero sa edad na 27 di parin siya nagseryoso sa isang relasyon. Naka ilang girlfriends narin siya pero never niyang sineryoso.Parang may hinahanap parin siya na hindi niya malaman.. Maagang gumising si liam dahil may meeting siya ngaun araw kahit medyo masakit ang ulo niya dahil sa ininom niyang alal kagabi.Lumabas na siya ng kwarto at dumiretso sa hapag kainan.. "Good morning son" bati ng nakangiting ina niya "Di kana hinintay ng papa mo,maagang umalis" patuloy ng kanyang mama.. "its ok ma" sagot ni liam.. kumain narin si liam para maka alis na, habang kumakain,kinakausap naman ng kanyang ina ang kanilang mayordoma "Nena,darating ngayon ang bagong kasambahay,galing daw ng probinsiya kaya turuan mo siya sa mga gawain dto ha" utos ng kanyang ina. tumango naman ai aling nena. tapos narin kumain si liam kaya nagpa alam na sa knyang ina.. Palabas na ng gate ang sasakyan ni Liam nang mamataan niya ang isang pamilyar na babae. Shit,ito ang babae kahapon sa kalsada.Anong ginagawa niya dito?Bat may dalang bag? Di na napansin ni Liam na bukas ang salamin ng sasakyan kaya nakita siya ng babae na nakatingin siya dito.. pasimpleng liningon ni Liam ang babae nung nalampasan na nila ito at nakita niyang pumasok sa kanilang gate ang babae. Ahh,ayaw niya munang isipin ito dahil may importante pa siyang trabaho.. Tapos na ang meeting sa kumpanya nila,inanunsyo lang naman ng kanyang ama na xa na ang magiging presidente ng kumpanya.Di naman nakapagtataka kay Liam yon dahil siya lang naman ang nag iisang anak. Matanda na ang kanyang ama at gusto na rin niyang magpahinga at enjoyin nalang ang natitirang buhay sa mundo. Napakalaking bahay ang nasa harapan ngayon ni Jasmin,di pa siya nakakapasok sa ganyang kalaking bahay. buti nalang at nahanapan kaagad siya ng trabaho kahapon kaya agad agad na pumayag nong tinawagan siya kagabi ng agency. At heto na nga,wala nang atrasan. Pinapasok na siya sa bahay at mas lalo siyang namangha sa ganda ng loob ng bahay. "Sana mababait din ang mga tao dto" bulong niya sa sarili habang tinitignan ang bawat sulok ng sala na kinatatayuan niya. Palingon lingon siya sa paligid nang may lumapit sa kanyang isang maganda pero may katandaan nang babae,nasisiguro niya na ito ang magiging amo niya.Bumati kaagad siya ng magandang umaga sa ginang at binati dn ito sabay nginitian.Mukha namang mabait ang amo sa pananalita palang.bahagyang nakayuko ang kanyang ulo dahil nahihiya siya sa magiging amo niya.likas na kay jasmin ang mahiyain ganun yata siguro pag nasa probinsiya ka. "Ang ganda mong bata,ilang taon kna ba ija"? rinig niyang sambit ng matanda. "mag e eighteen na po aq nextmonth ma'am". mahinang sagot ni jasmin. "ang bata mo pa,ba't mo naisipang lumuwas ng maynila"?tanong ulet sa kanya. "may sakit po ang nanay ko at ako lang ang inaasahan niyang tutulong sa pagpapagamot niya". nalungkot ang matandang babae sa kanyang sinabi.. "Sige ija,pag butihin mo lang ang trabaho mo.Wag lkang mag alala mababait mga tao dto,parang pamilya kaming lahat sa bahay na ito". pinakilala na rin xa sa mayordoma at ibang mga kasamahan sa bahay bago siya hinatid sa kanyang kwarto.may sarili siyang kwarto medyo kaliitan nga lang yun pero ok na dahil may sarili naman siyang kama at banyo. Marami silang nagtratrabaho sa bahay bilang mga kasambahay pero umuuwi daw yung iba tuwing gabi dahil may mga anak at pamilya kaya siguro may kanya kanya silang kwarto dahil kokonti lang sila pag gabi at dahil wala naman siyang pamilya sa maynila kaya minabuti na niyang mag stay in. Inaayos ni jasmin ang kanyang mga gamit nang maalala niya ang lalaki kanina na lumabas ng gate,parang pamilyar pero di niya maalala kung saan niya nakita. Ang naaala lang ni jasmin ngayon ay ang itsura ng napakagwapong lalaki,nasa loob ito ng sasakyan kaya mukha lang ang nakita ni jasmin dahil nakababa ang salamin ng sasakyan.may bigote ito pero trim lang at malinis tignan na dumagdag sa kagwapuhan niya.Ngayon lang humanga si jasmin ng ganito dahil never naman siyang nagkagusto sq ibang lalaki nung nasa probinsiya siya.. Kaya ganon pala ang pakiramdam nang may pag hanga,parang gusto niyang makita muli ang lalaki pero nalala niya, dun sa malaking bahay galing ang lalaki,so nakatira siya sa mansion! "naku tumigil ka jasmin,trabaho ang pakay mo dto para sa iyong ina kaya umayos ka" bulong niya sa sarili. Ayaw niya munang isipin ang lalaking yun kaya dali dali na siyang nagbihis at sinuot ang uniporme na bigay sa kanya ng mayordoma kanina saka lumabas na ng kwarto niya.Tinuruan siya ng lahat ng gawain sa bahay at inikot na rin niya ang buong paligid.Sa kusina ang nakatoka sa knya kaya mas maglalaan siya ng oras sa kusina depende kung may iuutos ang mayordoma sa kanya.marami siyang ginawa sa araw na ito kaya pagod na pagod siya kaya di niya namalayan ang oras.alas singko na pala ng hapon. Sinabihan siyang pwede na siyang magpahinga tatawagin nalang daw siya kung may iuutos ang amo. pumasok muna siya sa kawarto niya at naalala niya ang kanyang ina kaya tinawagan niya muna ito at kinumusta. Maayos naman daw ang nanay niya at umiinom ng mga gamot niya kaya di na siya masyadong nag alala. Mga 20 minutes lang siya sa kwarto at lumabas ulit siya,dumiretso sa kusina at nadatnan niyang naghahanda ng hapunan ang mga kasama niya.Hindi para sa amo ang hinahanda nila kundi para sa kanila.maaga daw sila naghahapunan dahil uuwi ang mga kasamahan nila at hindi daw doon magdi dinner ang mga amo kaya wala sila masyado gagawin ngayong gabi Tapos na silang kumain at nagchikahan nang mga kasama niyang natira sa bahay,siya ang pinakabata sa lahat pero may kasama nman siyang single pa at yun ang napalapit agad sa kanya.Nagligpit na sila sa kusina kaya mag aalas otso na nang pumasok siya sa kwaryo niya. Pwede na daw siya matulog kung gusto niya dahil wala naman ang mga amo at tapos na ang trabaho at dahil pagod na pagod siya di na niya namalayan na nakatulog na pla siya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD