CHAPTER 1

1205 Words
"PARALUMAN, SIGURADO KA NA BA?" Makailang beses na yata narinig ni Paraluman ang katagang iyon mula sa kapatid niya ng araw na iyon. Pero sa tuwina ay wala naman siyang matinong maisagot. Dalawang araw nalang ay aalis na siya sa isla para magtrabaho pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin siya sigurado kung tutuloy ba siya. Napakamot nalang siya sa noo at tiningnan ang kapatid niyang nagtutupi ng mga labahin nito kahapon. "Ate, nakukulili na ako sa paulit-ulit na tanong mo, alam mo ba iyon? Kung ako sa`yo ay puntahan mo nalang ang porenger na naghahanap sa`yo kanina. Magpapa tour guide daw ulit siya! Basta huwag ka magpapa- tourjack ha, sinasabi ko sayo!" malakas ang boses niyang sambit dahilan upang mamula ang pisngi ng kapatid at nanlaki ang matang tumingin sa kanya. "Iyong bibig mo talaga, Paraluman! Tumigil ka nga baka may makarinig pa sa`yo." naiiskandalo nitong sagot sa kanya na tinawanan lang niya. "Oh sige, kunwari wala akong nakita kahapon." malisyosa naman niyang sagot kaya mas lalong namula ang buong mukha nito. Malakas naman siyang napatawa nang akmang tatakapan nito ang kanyang bibig pero patuloy parin siya sa pangbubuska sa kapatid. Siargao, isang isla sa mindanao kung saan umiikot ang buhay nila ng kapatid niyang si Janah. Magkapatid lang sila sa ina pero higit pa sa buong magkapatid ang turingan nilang dalawa. Ayon sa kanyang ina noong nabubuhay pa ito ay parehas na dayuhan ang kanilang ama na hindi na nila nakilala dahil hindi naman pinanagutan ang kanilang ina noong buntis pa ito. Una ay `yong kay ate Janah niya pero dahil sa sobrang karupukan ng ina ay naulit pa iyon kaya siya ipinanganak. Kilala ang Siargao bilang isang sikat na isla sa Pilipinas kaya maraming dayuhan ang nagpupupunta sa lugar nila. Bukod kasi sa maganda ang dagat at tanawin ay maraming pwedeng gawin sa Siargao para makapaglibang ang mga turistang dumadayo sa kanila. Isa ang pagiging tour guide sa pinagkakakitaan nilang magkapatid bukod sa pag tu-tutor niya sa mga batang anak mayaman sa kanilang bayan. Sa edad na bente singko ay nakatapos siya sa kursong tourism pero dahil mahirap maghanap ng trabaho sa isla ay sa Maynila niya naisipang mag-apply. Ilang linggo ang nakakaraan ay nagpunta siya sa Maynila para sa isang interview ng isang kilalang hotel doon. Pinalad naman siyang makapasok kaya lang ay bigla siyang nagdalawang isip. Hindi lang naman kasi ang ate niya ang maiiwan sa isla. May isang batang makulit din na tiyak na ma-mimiss niya kapag nandoon na siya sa Maynila. Sa apat na taon ay hindi pa niya nagawang iwanan ito ng matagal kaya tiyak na malaki ang adjustment na gagawin niya kapag tumuloy siya sa Maynila. Nang makaalis abg ate Janah niya ay lumakad na si Paraluman patungo sa daycare center na nasa likod lang ng kanilang bahay. Malayo palang ay kumakaway na sa kanya ang apat na taong gulang na si Periwinkle or Peri for short. May dala itong maliit na baf sa likod at may tumbler na hawak sa maliit nitong kamay. Atomatik siyang napangiti nang tuluyan na siyang makalapit sa bata. Agad naman itong yumapos sa mga binti niya at ipinakita ang mga star na naka stamp sa mga kamay nito. "Nanay, tingnan mo oh, andami kong star diba? Very good kasi ako sabi ni teacher Grace." tumalon-talon si Peri at malawak ang ngisi sa kanya. Kunwari naman siyang lumabi at pumantay sa height nito para tinganan ng maigi ang kamay ng bata. "Talaga? Hindi mo pinasakit ang ulo ni teacher? Baka inaway mo na naman ang kaklase mo." "Hindi po nanay, kinagat ko lang naman si Leon kahapon kasi inagaw niya sakin ang baon ko. Diba sabi mo huwag akong magpapa-api?" nakanguso nitong turan kaya hindi niya mapigilan panggigilan ang matambok nitong pisngi. "Oo nga, pero sana sinumbong mo kay teacher Grace at hindi na siya kinagat. Masama parin ang manakit ng kapwa." pagpapangaral niya sabay haplos sa noo nitong pawisan na. Tumango naman ang bata at alam niyang naiintindihan nito ang sinabi niya dahil matalinong bata si Peri. Napangiti naman si Paraluman at kinarga na ito sa kanyang bisig. Kahit apat na taon na ito ay gustong-gusto parin niyang kargahin dahil hindi habambuhay ay makakaya pa niyang gawin iyon. Darating ang araw na lalaki si Peri at hindi na siya nito kakailanganin. Kahit silang dalawa lang ng ate niya ang nakagisnang pamilya ng bata ay hindi niya hinayaang maramdaman nitong may kulang sa buhay nito. Ibinuhos at ibinigay niya lahat ng pwede niyang ibigay kahit hirap na hirap siya lalong-lalo na noong kakapanganak niya palang kay Peri. Hindi niya kailanman naisip na ang batang iyon ang isa sa mga maling desisyon na nagawa niya noon dahil si Peri ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay patuloy siyang lumalaban sa buhay. "Nanay, pwede ba akong maglaro sa labas ng bahay?" Nasa bakuran na sila ng kanilang maliit na bahay kaya nilapag niya si Peri sa mesitang kahoy na naroon. "Sige, pero bawal kang- "Pumunta sa dalampasigan. Alam ko na po iyon nanay." anito sabay ngisi kaya kitang-kita ang isang bungal nitong ngipin sa harapan. Nagpa-cute pa ito sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi payagan ang makulit na bubwit. Sino ba naman ang makakatanggi kung ganito ka-cute? Sa edad na apat ay parang matanda nang magsalita si Peri. Maputi at namumula ang balat nito kahit pa araw-araw ay nakabilad sa araw, Maputi din naman siya kaya siguro minana nito iyon sa kanya. Napagkakamalan din itong anak ng dayuhan dahil sa features ng mukha nito pero sa tuwing may nagtatanong ay ngiti lang palaging tugon niya sa mga ito. Ayaw niyang pag-usapan kung paano siya nagkaroon ng Peri, Ang mahalaga ay anak niya ito at mahal na mahal niya. "Magbihis ka muna bago ka maglaro, Peri. Pumasok ka din agad kapag sobrang mainit na ha." "Para kang si tita Janah, Nay, maingay.." bubulong-bulong nitong sabi na patakbong pumasok sa kanilang kwarto. "Ano?" pasigaw niyang tanong dahil tuluyan na itong nakapasok sa loob. "Wala po nanay, ang sabi ko I wab you!" Napailing nalang siya sa kakulitan ng anak niya. Inayos nalang niya ang mga gamit nito sa school saka siya naupo sa harap ng kanyang laptop. Hindi lang iisang ulit niyang binasa ang email na galing sa kompanyang papasukan niya. Nakalagay doon na pasado na siya sa final interview at pwede na siyang magreport sa duty bilang front receptionist sa malaking hotel na iyon. Malaki ang sahod at maganda ang benefits. Isa sa nagustuhan niya dahil alam niyang malaki ang maiipon niya para sa future ni Peri kapag nakapagtrabaho siya doon. Isa pa ay hindi niya pwedeng palampasin ang opportunity na ito dahil hindi madaling makahanp ng trabaho sa panahon ngayon. May mga maliliit na hotel naman sa isla pero hindi sapat ang sahod upang makaipon siya. Ipinangako niya sa sarili na hindi pagdadaanan ni Peri ang hirap niya noon para lang makapag-aral. Kaya ginagawa niya ang lahat ngayon kahit pa malayo sa anak niya. Nangako naman ang ate Janah niya na aalagaan si Peri habang wala siya kaya panatag ang kalooban niya kung sakali. Kaya naman sa mga oras na iyon ay nakapagdesisyon na si Paraluman. Tutuloy siya sa Maynila at magtatrabaho sa SANTIBANEZ group of hotels.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD