CHAPTER 2

1847 Words
Habang nakatanaw si Paraluman sa dagat ay hindi niya maiwasang isipin ang mga ginawang desisyon. Sa araw na iyon ay nasa laot na siya sakay ng barko na maghahatid sa kanya palayo sa isla ng Siargao. Itinaon niyang umalis na natutulog si Peri upang hindi siya nito makitang umalis. Kagabi pa lang naman ay nag-usap na sila at nagpaalam siya ng maayos sa bata. Alam niyang malulungkot ito ngunit hindi niya ipinakitang nalulungkot din siya. Ang palagi niyang iniisip ay para sa pamilya ang ginawa niyang pag alis. Ilang oras din ang byahe upang makarating sa airport dahil doon pan siya sasakay ng eroplano na maghahatid sa kanya sa Maynila kaya hindi biro ang byahe ni Paraluman. Matapos ang mahabang oras na byahe ay nalanghap na rin niya sa wakas ang hangin at pulosyon sa lugar kung saan siya pansamantalang maninirahan. Siguradong hahanap-hanapin niya ang simoy ng hangin sa isla pero wala siyang magagawa kundi pagtyagaan muna ito sa ngayon. Galing sa labas ng airport ay sumakay siya ng taxi at nagpahatid sa bahay ng kanyang kaibigan kung saan siya titira. Doon ay malapit lang din ang hotel na kanyang papasukan kaya maswerte siyang pumayag ang kaibigan na siya muna ang uupa sa apartment nito habang nasa labas ito ng bansa dahil dinala ito ng kasintahan nitong British national. Habang sakay ng taxi ay tumunog ang cellphone na hawak ni Paraluman. "Luman? Nasaan ka na, malapit ka na ba?" ang boses ng kaibigan sa kabilang linya ang narinig niya nang sagutin ang telepono. "Malapit na ako, Je. Salamat talaga sa pagpapagamit mo sa`kin ng apartment mo habang wala ka." aniya, "Sus ikaw pa, wala yan. Matagal pa siguro bago ako makauwi kaya ibebenta ko na sana. Mabuti nalang nandiyan kaya hindi naman masasayang ang bahay. Since ayaw mo naman ng libre kang titira diyan dahil gusto mo talagang rentahan, ikaw na ang bahala ha? Tumawag lang talaga ako para siguraduhing hindi ka naligaw." nakatawa nitong paliwanag. "Hindi ako maliligaw Je, sa sobrang kompleto ng address na binigay mo kulang nalang pati kulay ng pintura ng kapitbahay mo ay masabi mo sa`kin. Paano pa ako maliligaw niyan?" "Lokaloka ka talaga, Luman. Oh sige na, mag-iingat ka diya at good luck sa bago mong trabaho bukas. Nawa`y makahanap ka ng daks!" Pahabol pa nito bago nagpaalam. Napangiti at napailing nalang siya at muli pang nagpasalamat bago niya ibinaba ang tawag. Ilang minuto lang ay huminto ang taxi sa harap ng isang bahay. Bale nasa isang hindi mamahaling village iyon at may mga iilang bahay din siyangt katabi. May hindi kalakihang tinadahan sa harap na may nagtitinda ng mga ulam kaya naisip niyang okay na rin dahil pwede siyang bumili doon kapag hindi na siya makapagluto. Pagkapasok niya sa bahay ay iginala niya ang tingin sa buong paligid, binuksan din niya ang main door habang hila-hila ang malaki niyang maleta. Hindi malaki ang bahay ngunit malinis at maaliwalas. May naiwan pang mga bulaklak si Jehan na pwede pa niyang isalba dahil natutuyo na ang iba. May isang kwarto may maliit na sala at malinis na kusina. Nasa b****a pa lang siya ng pinto nang may marinig siyang nagsalita sa kanyang likuran. Napalingon siya at nakita ang isang may katabaang babae na may rolyo pa sa buhok. Nasa gilid lang ito ng daan habang hawak-hawak ang dala nitong pamaypay. "Ikaw na ba ang bagong titira sa bahay na`to hija?" "Opo, ma`am." kimi niyangt sagot. "Naku, tawagin mo nalang akong tita Lors at diyan lang ako nakatira sa tabi mo. Baka kakailanganin mo ng tulong ay sabihan mo lang ako, may mga barako akong anak na sanay sa pagbubuhat," dere-detretso nitong sambit kaya agad siyang napailing na may ngiti. "Hindi na ho, tita Lors. Ako nga po pala si Paraluman. " Pormal at magalng niyang sabi. Hindi naman niya kailangan ang taga-buhat dahil wala naman siyang dala bukod sa mga personal niyang gamit at mga damit. Lahat naman ng gamit sa bahay ni Jehan ay nandito at ibinilin nito na pwede niyang gamitin iyon lahat lalo na sa kusina. "Napakaganda naman ng pangalan mo hija.. Bagay na bagay sa`yo dahil napakaganda mo. Akala ko nga naliligaw ka lang dahil mukha kang modelo. Ang ganda tingnan ng pagkakapantay ng balat mo." anito na may paghangang tumingin sa kanya kaya bigal siyang nahiya at bahagyang yumuko. Sa isla ay nasasanay na siyang sabihan ng maganda. Palaging sinasabi ng iba na pwede siyang maging artista dahil sobrang kinis raw ng balat niya. Pero iba pala kapag nasa ibang lugar siya at may mga tao paring nakakapansin sa kanyang hitsura. "Hindi naman ho. Sige po at mag-aayos pa ako ng mga gamit ko." sabi nalang niya sa babae,. Nagpasalamat siya ng umalis na ito at tumungo sa katabing bahay. Agad niyang isinara ang pinto at inayos ang dala niyang maleta sa sofa na nasa gilid niya. Malinis na ang bahay kaya hindi na niya kailangan mag general cleaning. Ayon kasi sa kaibigan ay may binayaran ito upang linisin ang buong bahay bago ito umalis papuntang ibang bansa. Sandali lang siyang nagpahinga sa couch pagkatapos ay dinala na niya ang mga gamit sa kwarto. Hindi naman siya nahirapang i-ayos iyon lahat dahil may malaking closet doon na walang laman.Talagang plano na yata ni Jehan na hindi na bumalik dahil wala na itong itinirang damit. Si Jehan pala ay bestfriend niya noong college sa Isla. Ang babae ang nag-iisang palagi niyang kasama kaya alam din nito lahat tungkol sa buhay niya. Nagkahiwalay na sila noong magtrabaho ito sa city at nakabili na rin ito ng bahay dito. At ito nga ang bahay na iyon. Siniwerte pa ang babae na nakapag-asawa ng matinong dayuhan kaya noong isang buwan lang ay sumunod na ito sa asawa. Nang masigurong maayos na ang lahat ay saktong dumidilim na. Bumlii nalang siya ng itlog sa harap at iyon ang ginawang hapunan dahil hindi pa naman siya nakakabili ng mga kakainin. Siguro ay bukas na siya makakabili pagkauwi niya galing trabaho dahil maaga ang pasok niya bukas. Pagkatapos niyang hugasan ang pinagkainan ay hinanda niya ang isusuot niya bukas. Ang sabi ng manager ng hotel na nag email sa kanya ay provided ang uniform para sa kanila pero dahil unang araw niya sa trabaho ay bukas pa niya iyon makukuha. Humiga na din agad si Paraluman kahit pa hindi siya sigurado kung makakatulog agad siya gayong hindi niya katabi si Peri. Maka-ilang beses niyang tinitigan ang mukha nito sa gallery ng telepono niya bago siya dalawin ng antok. Kinabukasan ay aligaga siyang pumara ng taxi. Hindi pa naman siya late pero kinakabahan siya dahil baka abutan siya ng traffic sa daan! Mabuti nalang ay mabilios naman siyang nakarating. Pagkababa ay inayos niya ang suot na damit. Black fitted skirt na hanggang tuhod at white tube dress na pinatungan niya ng botton down cardigan suit. Naka heels din siya na medyo may kataasan dahil ganoon ang dapat nilang isuot kapag nakaduty. Ang kanyang buhok ay maayos na nakapusod sa likod kaya maaliwalas ang mukha niyang tingnan. Tanaw ang malaking hotel sa kanyang harapan ay tila nagkaroon pa siya ng pagdadalawang isip. Grabe! Hindi niya akalaing ganoon kalaki at kaganda ang hotel na iyon. Para bang sa TV lang niya nakikita ang ganoon kaya namangha talaga si Paraluman. Sa laki niyon ay hindi abot ng tanaw niya kahit nasa labas pa lang naman siya at hindi pa tuluyang nakakapasok. Pagdating sa entrance ay nagtanong siya sa guard na naroon kung saan ang HR para sa mga empleyado. Doon niya kasi kukunin ang kanyang name plate, ID at ang memo na ibibigay niya sa head ng reception para makapagsimula na siya sa trabaho. Tinuruan naman siya ng guard kaya agad siyang nagtungo roon. Ang problema ay sa laki nitong lugar ay mahihirapan siyang matagpuan iyon kaagad. Maaga pa naman at may isang oras pa siyang natitira kaya binilisan niya ang lakad at sasakay nalang sa elevator na una niyang nakita. Saktong wala iyong tao kaya napangiti si Paraluman. Akmang pipindutin niya ang 3rdfloor nang may malaking kamay ang naunang pumindot niyon. Napalingon siya sa gilid at nakita ang isang matangkad na lalaki. Mali, hindi lang matangkad kundi sobrang tangkad dahil hindi man lang yata siya umabot sa balikat nito. Sa taas niyang 5`2 ay tantiya niyang nasa mahigit anim na talampakan ang isang ito. Sa isip ay baka isa ito sa mga guest ng hotel kaya magalang siyang umatras ng isang beses upang mauna ito sa kanya at hindi na nag-abalang mas suyurin pa ito ng tingin. "Ikaw na po ang mauna, sir." magalang niyang turan pero wala siyang narinig na sagot. Mukhang narinig naman nito ang sinabi niya dahil muli nitong itinaas ang kamay. Pagkapindot nito ay nanatili siyang nakayuko kahit bahagya niyang nabangga ang braso nito nang sabay silang pumasok sa loob ng elevator. At habang unti-unting tumataas ang sinasakyan nila ay amoy na amoy sa loob ang gamit nitong panlalaking pabango. Iyong tipo ng amoy na hindi masakit sa ilong. Hindi niya tuloy mapigilang itaas ang tingin para sana saglit itong sulyapan pero napaayos siya ng tayo nang makitang titig na titig ito sa kanya! Teka, may dumi ba siya mukha? Napahawak tuloy siya sa pisngi at medyo naiilang na sumulyap ulit sa lalaki. Pero laking gulat niya dahil talagang nakatitig pa rin ito sa kanya! Napangiwi si Paraluman at tumingin sa lalaki na parang nagtatanong. Pero mukhang mali yata ang ginawa niya dahil muntik na siyang maduling nang matitigan ng maayos ang hitsura nito. Ka pogi! Sanay na sanay siyang makakita ng gwapo sa isla at may mga foreigner pa nga pero iba ang ka gwapuhan ng isang `to. Noong nagsabog yata ng ka gwapuhan ang Diyos ay nag swimming ito ng magdamag! Pero ang nakapagtataka ay bakit ganoon ito makatitig sa kanya? Nahumaling ba ang lalaking ito sa ganda niya? Pero imposible iyon dahil tiyak na sa gwapong mukha nito ay hindi lang iisang babae ang gusto. Ilang sandali pa ay hindi na siya nakatiis. "Sir? May kailangan po ba kayo? May muta pa ba ako? May mali ba sa mukha ko?" sunod-sunod niyang tanong. Ngunit sa halip na sumagot ay kumunot lang ang noo ng lalaki na tila nagalit yata! Aba`t wala naman siyang ginawa kundi magtanong ah. Di kaya pepe ang isang `to? Hanggang sa tumunog ang elevator tanda na nasa tamang floor na siya ay wala itong sinagot ni isa sa mga tanong niya. Nagkibit nalang siya ng balikat at akmang lalabas na nang bigla itong magsalita. "Are you a guest or something?" buo at malamig ang boses nitong tanong. Ay hindi niya alam kung bakit tila nanindig ang balahibo niya sa boses na iyon. Bigla din kumabog ang dibdib niya sa hindi malamang dahilan. Saan nga ba niya narinig ang pamilyar na boses na iyon? Natigilan siya at nautal pa ng sumagot. "E-empleyado, empleyado ako dito s-sir." aniya, pero mas nagulat siya sa naging tugon nito. "Good. I guess I have another reason to come here more often." Kung gaano kabilis itong sumagot ay ganoon din kabilis na sumarado ang elevator kaya naiwan siyang nagtataka at bahagyang natulala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD