CHAPTER 3

1602 Words
"You are all set, Ms. Cruz. Ibigay mo nalang ito sa supervisor mo at pwede ka na magsimula. Siguro naman ay naituro na sa iyo ang rules ang regulations ng buong hotel. Always wear your smile to everyone especially to our guests and VIP`s." anang head sa HR department kay Paraluman. "Yes, ma`am. Thank you." pagpapasalamat naman niya bago tumalikod at lumabas ng opisina nito. Kanina lang ay hindi lang siya ang iisang empleyado na ngayon lang magsisimula. Bago siya nakarating doon ay may mga nauna sa kanyang nagreport sa HR. Saktong pasado alas otso na ng umaga kaya mas binilisan niya ang kilos para agad na makarating sa reception area. Habang naglalakad siya ay hindi niya mapigilang igala ang paningin sa lugar. Talagang sobrang laki at halatang mayaman lahat ng mga pumupunta doon. Nakaramdam siya ng excitement para sa sarili sa susunod pang mga araw. Siguradong mas marami pang parte ng hotel ang kanyang mapupuntahan kapag may oras na siyang maglibot. Sa ngayon ay kailangan niya munang bilisan dahil ito ang unang araw para ipakitang efficient siya sa kanyang trabaho. Nang sa wakas ay makarating siya sa reception ay sumalubong agad sa kanya ang isang supervisor. Medyo may katandaan na ito at mukhang istrikta ang bukas ng mukha. Wala man lang kangiti-ngiti kahit binati niya ng magandang umaga. Hinagod pa siya nito ng tingin kapagkuwan ay tumaas ang isang kilay. "This is your main and permanent station Ms. Cruz. I assumed that you already know what to do. Lahat ng mga concerns ng mga guests ay kailangan mong gawan ng paraan. Bawal ma-late at dapat inuuna lagi ang trabaho." turan nito na naka tayo ng tuwid sa harap niya. "Yes po, ma`am." "Alright, maaari ka nang magsimula." malamig nitong sambit. Inilahad nito ang kamay sa likuran niya kung saan siya uupo. May tatlo din siyang kasama doon na tingin niya ay hindi nalalayo ang edad sa kanya. Ngumiti siya sa mga ito bago siya umupo sa kanyang designated na area. Mukha namang mababait ang mga ito dahil gumanti sa kanya ng senserong ngiti. "Good morning, ako si Kyla.. mga kasama natin si Mylene at Rose." isa-isa nitong tinuro ang iba pa nilang kasama na ngumiti naman sa kanya. "Ako si Paraluman, pero pwede ni`yo akong tawaging Luman." iyon kasi ang tawag sa kanya doon sa isla. Marami nga ang nagtatanong kung bakit kakaiba ang kanyang pangalan pero ang sabi lang ng ate niya ay ang kahulugan daw niyon ay maganda or muse. "Oh sige, Luman. basta`t maayos ka lang magtrabaho ay makakatagal ka naman rito. Hindi ka naman mukhang masungit katulad ni ma`am Cindy kaya magkakasundo tayo." ani Rose na bumulong sa kanya na sinabayan ng mahinang tawa. Ang tinutukoy nitong Cindy ay ang kanilang supervisor. "Oo nga, kaya umiwas-iwas ka doon dahil palagi 'yong may regla." sabat naman ni Mylene na narinig pala ang sinabi ni Rose. Nagkatawanan pa nga ang tatlo. Natahimik lang sila ng dumaan si ma`am Cindy at masama ang tingin sa gawi nila na para bang may ginawa silang hindi nito nagustuhan. Nang mawala ito sa kanilang paningin ay bumaling ulit sa kanya si Rose. "Kitam? Galit yata siya sa mga magaganda kaya ayaw niya sa sa`tin." hagikhik pa nito na pabulong. Hindi niya tuloy maiwasan mangiti at mapailing. Hindi na din siya dumugtong pa dahil wala naman siyang masasabi talaga. Nagsimula na din silang magtrabaho dahil may iilan nang guest ang dumadating. May nag check in at meron din nagche-check-out. May mga tawag din siyang sinasagot na galing sa mga guest na nangangailangan ng housekeeping. May mga omo-order ng pagkain at iba pa. Lahat ng iyon ay hindi naman mahirap gawin kaya`t maayos niyang nagagawa ang lahat. Nang sumapit ang kanilang lunch break ay sumama si Paraluman kay Rose para kumain. Naiwan muna ang dalawa nilang kasama dahil hindi naman pwede kung sabay-sabay silang umalis sa kanilang pwesto dahil baka may guest na dumating. May canteen area ang mga empleyado kaya doon daw sila tutungo. Pagdating nila sa lugar ay hindi naman crowded at may mga iilan lang na empleyado ang mga kumakain. Naupo sila ni Rose sa may dulo kung saan hindi sila masyadong kita. "Girl pupunta daw ang may-ari ngayon dito.. Sayang, kasi hindi naman natin makikita ng malapitan." narinig niyang turan ni Rose. May tunog panghihinayang ang boses nito na ipinagtaka niya. "Bakit? Anong meron sa may-ari?" kunot ang noo niyang tanong. Naisip niya na mas pabor yata sa kanila na hindi makita ang pinaka may-ari nitong hotel dahil tiyak na nakakatakot iyon. Hindi birong makipag-lapit o kahit makipag-usap man lang sa mga taong matataas na katulad ng may-ari ng pinagta-trabahuan nila. "Hindi mo ba alam? Ang magkapatid na Red at Blue Santibañez ang may-ari nito! Girl, wala ka bang cellphone? O kahit magbasa ka man lang sa mga men`s magazine. Makikita mo kung gaano ka kilala ang magkapatid na iyon, hindi lang dahil sobrang yaman ng pamilya nila kundi sobrang hot at gwapo rin ng dalawa. Baka kapag nakita mo sila ay pumutok din ang ovary mo!" kinikilig nitong wika na mas lalong ipinagtaka niya. Ang totoo ay wala naman siyang ideya sa may-ari talaga. Ang alam lang ni Paraluman ay sa Santibañez group of hotel siya magta-trabaho. Atsaka alam din niyang hindi basta-basta ang hotel na ito at isa sa mga sikat at kilalang hotel sa Maynila pero hanggang doon lang iyon. Ang importante naman sa kanya ay ang kanyang trabaho kaya wala na sigurong dahilan para alamin pa niya pati buhay ng may-ari. Isa pa ay walang magazine sa isla at bihira siyang gumamit ng mga social media accounts. "Ganoon ba, naku, ayaw ko pumutok ang obaryo ko kaya okay lang na hindi kami magkasalubong." pagbibiro nalang niyang sagot. Pero tila wala itong narinig sa sinabi niya at nagpatuloy sa pangangarap ng gising. "Noong bumisita sila rito dahil may event ang pamilya nila ay muntik na akong himatayin, Luman. Sakto namang sa floor natin naka check-in ang magkapatid kaya nakikita namin sila minsan. Sobrang gwapo talaga kahit mukhang hindi marunong ngumiti. Lalo na si Red..Pwede na gawing ulam kahit walang kanin.." dagdag pa nitong sabi sa may kasamang malandeng hagikhik. Napailing nalang siya at kumain nalang ng in-order niyang pagkain. Mukhang malaki ang tama ni Rose sa big boss nila. Marami pa itong sinabi na ang iba ay hindi niya masyadong naintindihan ngunit puro tango lang ang naging sagot niya. Hanggang sa matapos silang kumain ay wala itong ibang topic kundi iyon. Nasabi na yata nito lahat sa buhay ng magkapatid at napag-alaman niyang may dalawa pang kambal na babae ang dalawa. Quadruplets raw kasi ang anak ng mga Santibañez. Iyon lang yata ang pumasok sa isip niya sa lahat ng chismis na sinabi ng kasama. Syempre, nakakagulat din naman talaga dahil bihira lang ang apat agad ang sa isang buntisan lang! Matapos nilang kumain ay pabalik na sana sila sa kanilang pwesto nang may masalubong silang mga tao sa hallway. Nasa anim yata na lalaki at mukhang executive ang datingan. Agad siyang yumuko ng tingin at hindi na sana ito bibigyan pa ng pansin nang biglang huminto ang mga lalaki nang tunapat sa kanila. Nagtatakang napaangat siya ng tingin samantalang si Rose sa gilid niya ay nanlaki ang mga mata. Bigla itong napahawak sa kanyang braso na tila ba humuhugot ito ng lakas sa kanya. Kagyat niyang ibinaling ang mukha sa mga malalaking tao sa harap nila pero napatitig siya sa pamilyar na mukha ng isa sa anim na lalaki. Ito iyong lalaki sa elevator! "B-bakit po, sir?" napalunok siya nang magsalita. "You said, you work here, right?" tanong nito sa kanya. Ang lima pa nitong kasama ay mukhang alalay lang nito dahil kusang umatras ang mga paa ng magsalita ang lalaki. May ganito pala talaga sa totoong buhay. Tumango siya. Walang ideya kung anong kinalaman ng trabaho niya sa lalaking ito. "Good. I need a chambermaid in my room right now." "Sige po, itatawag ko sa housekeeping department, sir." agad niyang sagot. Medyo nakahinga siya ng maluwag sa nalaman. Iyon lang pala ang kailangan nito eh pwede naman itong tumawag sa front desk dahil nandoon naman si Mylene at Kyla. "No no, What I mean is you." "Ako? Anong ako?" tinuro pa niya ang sarili. "Yes," walang emosyon nitong sagot. "P-paanong ako, hindi po kita naiintindihan, sir." naguguluhan niyang sambit. "I want you to be my chambermaid. You will clean my room and do as I say." "Excuse me, pero hindi po doon ang trabaho ko kundi sa front desk." Agad niyang sabi. Aba`t hindi naman yata siya naduling o nalasing nang basahin niya ang magiging trabaho niya sa hotel na ito kaya bakit gusto nitong maglinis siya ng kwarto? Ngunit tumaas lang ang kilay ng lalaki at mataman siyang tinitigan. Lumaban naman siya ng titig kahit nakakapanginig ng tuhod ang tingin nito sa totoo lang. "Is that so?" "Yes. Hindi na po sakop ng trabaho ko ang maglinis." buo at matigas din niyang sagot. "Well, it may not be bad for the owner to ask who he wants to clean his room, right? That's my only request..Ms. Cruz. And, don't worry you will have extra bonus and compensation." turan nito bago siya walang paalam na talikuran. Sumunod naman agad ang mga alipores nito kaya hindi na nito nakita ang panlalaki ng mata niya. Pati si Rose sa kanyang tabi ay natulala na tila hindi makapaniwala. Nakanga-nga pa ang bibig ng babae kaya bahagya niya itong tinapik sa balikat. Owner? May-ari? Ito ang may-ari.. Pero ang gusto niya talagang itanong ay kung bakit alam nito ang apelyedo niya gayong pangalan lang naman ang nakalagay sa kanyang nameplate?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD