Chapter 2

2199 Words
Chapter 2 Sachi's P.O.V Simula kagabi ay kakaiba na ang mga ikinikilos ni Leandro, 'di ko siya maintindihan at isa pa tungkol sa nangyari kagabi hindi pa rin ako makapaniwala. Matapos kong sampalin si Leandro, nakatanggap ako ng text message pero 'di ko 'yon pinansin hanggang sa sabihin ni Leandro na tignan ko 'yon kaya naman agad ko itong binuksan. From: Master To: Sachi Zosima Mission Accomplished! 'Yan ang text message na na-received ko kagabi mula sa Master's Game. Kaya napaisip ako gaya ni Leandro, baka nga kailangan gawin ang mga mission. "Leandro? Ayos kalang ba?" tanong ko. Kanina pa kami rito sa Van at 'di pa rin siya nagsasalita at isa pa kanina pa siya nakatitig sa labas. "Leandro?" pagtawag ko sa kaniya. "My mission is to ignore my parents until midnight at kilala mo 'ko Sachi, 'di ko kayang gawin 'yon," sagot n'ya sa akin. "Ahmm... What if, samin ka muna mag stay? Or kina Gavreel ako na mag sasabi sa parents mo," sabi ko "Anong... pinag-uusapan niyo? May... problema ba?" Tanong ni Gavreel na kakapasok palang ng sasakyan. "Wala naman, nag-iisip lang kami, if pwede sa inyo tumuloy si Leandro ngayon?" Sabi ko. "Luhh, syempre naman pero bakit? May problema ba?" tanong ni gavreel. "It's all about, what happened last night 'yong sa mysterious clip, remember?" Sabi ko. "Pfftt... naniniwala ba kayo ron?," natatawa niyang sabi. "Naniniwala si Leandro, kaya naniniwala rin ako, eh ikaw ba?" tanong ko sa kaniya. "Virus lang 'yon and I've already deleted the messages last night," sabi niya sabay tingin sa cellphone niya. Habang nakatitig siya sa cellphone niya ay biglang kumunot ang kaniyang noo kaya naman nagtaka ako at agad na nagtanong. "M-may problema ba? Anong meron?," tanong ko. "I just received a hundred of messages from Master's Game and I guess this is a strong virus," sabi niya. "Anong mission ba natanggap mo?" Tanong ko. "Teka, tignan ko....... aahmm make everyone believe that this is a real game," sabi ni Gavreel. "Mukhang mahirap ang mission mo ah," sabi ko. "Pfftt.. tingin mo gagawin ko 'to? Ako nga 'di na niniwala diyan tapos uutusan ako nito na sabihan ang iba na maniwala?" sabi ni Gavreel habang natatawa. "Gav, maniwala ka wala namang mawawala kung maniniwala ka 'di ba," pangungunbinsi ko sa kaniya. "Ahmmn di ko alam Sachi, ang hirap kasi talagang paniwalaan ang mga ganitong bagay," sabi niya. "Wala na akong magagawa kung ganiyan na gusto mong paniwalaan, atleast sinubukan kong kumbinsihin ka," sabi ko. Natapos ang usapan namin sa ganong senaryo at nagsimula na ang byahe namin pauwi. Napag-usapan na rin namin na sa kanila muna tutuloy si Leandro ngayong gabi. Inabot kami ng mahigit isang oras at kalahati sa byahe dahil sa trapik sa daan. Isa isa namang nag-chat ang mga kaklase namin na naka-uwi na sila sa kaniya kaniyang bahay. Leandro's P.O.V Nandito ako ngayon sa bahay ni Gavreel dahil kailangan kong gawin ang mission na natanggap ko kaninang madaling araw, si Sachi naman ay dumiretso na sa kanila at siya na rin ang nagsabi kina mama na dito muna ako tutuloy kina Gavreel ngayong gabi. "Pre, sure ka ba sa ginagawa niyo? I mean doing those tasks from unknown source?" tanong ni Gavreel habang nagpapalit ng damit. "It is just a hunch, but I do believe na merong 'tong ibig sabihin eh," sabi ko sa kaniya. "What do you mean?" tanong niya. "Kasi tignan mo, it's all started when we tried to open deep inside tapos it link us to this freaking game," sabi ko. "Alam mo pre, ang gulo 'di kita ma-gets basta kahit ano pa ang binabalak niyong patunayan ni Sachi 'di ako sasali," sabi niya. "Ayos lang, pero wala namang mawawala kung maniniwala ka sa amin 'di ba?" sabi ko. "Sa atin siguro wala pero sa iba meron, baka isipin nila nababaliw na tayong tatlo," sabi ni Gavreel. "I see" pagtapos ko sa usapan. Nahiga rin siya sa kama matapos niyang makapagbihis at nagsimula na kaming mag pahinga since gabi na rin, ang hirap din kung mag-iisip nalang ako magdamag. Reiz's P.O.V Simula ng maka-uwi kami galing resort parang ang daming nagbago sa akin, iba rin ang pakiramdam ko sa mga nangyayari. Nang maka-uwi ako sa bahay agad ako dumiretso sa kwarto ko at naglagay ng 'Don't Disturb Me, Im Busy' sa door ko since I got a mission na wala dapat akong kakausapin ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa 'tong mission na sinend sa akin, basta ang alam ko naniniwala si Leandro dito kaya maniniwala rin ako. I just over heard them last night nung nag-uusap sila ni Sachi sa labas ng pintuan, labas sana ako para magpahangin dahil hindi ako makatulog pero narinig ko silang nag-uusap kaya naman pinakinggan ko silang dalawa hangang sa pumasok na sila sa kwarto. Ngayon ay 11:30 na ng gabi 'di ako makatulog kaya naisipan kong magbasa nalang sa webtoon ng kinababaliwan kong story. Tinignan ko rin ang messenger ko at twitter and I've got a lot of messages from my friends but I can't talk to them right now. Habang inaantay ko mag alas dose ng umaga naisip kong mag-research about this kind of game but the internet suddenly stop working. I guess, someone is trying to block my signal or what. Ilang minuto pa ang lumipas tumunog ang alarm ko, tinignan ko ang cellphone ko kung anong meron and I've got a message from Master's Game, my mission is completed. Maya maya pa'y lumabas ang isang listahan ng mga taong may punishment dahil 'di nila nagawa ang missions nila. Sinubukan kong tawagan si Leandro pero hindi niya sinasagot ang tawag ko, kaya naman tinawagan ko siya nang paulit ulit hanggang sa nasagot na niya ito. "Leandro, about the game tingin ko totoo siya" natataranta kong sabi. "Ssshhh stay calm... nakita ko ang mga taong may punishment, nakita mo na rin ba?" tanong niya. "I just did, anong gagawin natin?" tanong ko. "Tignan mo si Lei, he was punished to kill himself by stabbing his neck before 1:00 am due to serious violation kailangan ko siyang puntahan," sabi ni Leandro. "I'll go with you," sabi ko. "Wag na, may ipapagawa ako sayo I chat mo lahat ng mga kaklase natin na malapit lang dito na pumunta sa park ngayon na," sabi niya. "Pero paano?" tanong ko "Sabihin mo urgent from Leandro and Gavreel wala na kong oras I have to go," sabi niya. Agad niyang ibinaba ang tawag ng sabihin niya 'yon at ako naman ay ginawa ko ang pinag-uutos niya, agad akong nag-chat sa gc namin and as I expected may mga online pa rin at nagsabi na they will come. Agad din akong kumilos at nagsuot ng jacket bago pumunta sa Park na malapit lang din naman dito sa bahay. Leandro's P.O.V Nagising ako dahil sa patuloy na pagtunog ng aking cellphone at nalaman kong tumatawag si Reiz at habang nasa call ay nabasa ko rin ang text mula sa game. Si Lei ay paparusahan sa pagsaksak ng sarili dahil sa isang foul action. Hindi ko alam kung anong nilabag niya pero kailangan kong maka rating sa kanila sa lalo't madaling panahon 12:20 na ng umaga at medyo malapit pa lang ako sa kanila. Nang makarating ako ay agad kong inakyat ang bakod nila at kinatok ng malakas ang kanilang pintuan. "TITA JACKIE, TITO LESTER!" pa ulit ulit kong sigaw habang kinakatok ang pintuan nila. Maya maya pa ay binuksan ito ni tita Jackie, na halatang kaba bangon lang agad itong nag tanong kung bakit ako natataranta pero 'di ko na siya sinagot at agad na dumiretso sa kusina. Ngunit nakita ko si Lei na kasalukuyang sinasaksak ang sarili niya sumunod naman sina tita sa kusina at pare-parehas kaming nanlambot sa namasdan naming senaryo. Walang nagawa si Tita kundi sumigaw at umiyak sinubukan naman ni tito na tumawag ng ambulance para maisalba si lei kung sakali. Muling tumunog ang cellphone ko at nakatanggap ng message mula sa Master's Game. Agad din akong lumabas ng bahay at nakatulalang naglalakad papuntang park pero nakatanggap akong muli ng message mula sa Master's Game. Janine Bayas is being punish by hanging herself due to sharing the Game info to non players. Nanlambot ako sa nabasa ko at agad na dumiretso sa bahay nila para I check kung ligtas pa siya pero ng makarating ako sa gate nila ay nakita ko mula sa bintana ng kanyang kwarto siya ay nag bigti at tanging sigaw ng mama niya lang ang narinig ko Wala na akong inaksayang oras at agad na dumiretso sa park nakabasa ako ng message sa gc na naguguluhan kung ano bang nangyayari. Nang makarating ako sa Park ay nakita ko ang mga kaklase ko at mukha silang takot na takot at naguguluhan. Agad naman akong lumapit kay Sachi at niyakap siya nakita ko rin si Gavreel na naka-upo sa bench at medyo 'di okay ang pakiramdam. "Nandito na ba lahat?," tanong ko "Marami rin ang wala kabilang na sina Llei at J-janine," sagot ni Reiz. "I saw how both of them died," sabi ko. Kita ko ang takot, lungkot at pagkagulat sa bawat isa pero kailangan pa rin nila malaman kung ano nangyari. "Classmates, I guess the game is real," sabi ko. "Baliw ka na ba? Paano namang madidiktahan tayo ng isang laro?" Sabi ni Vince. "Hindi ko rin alam pero gaya ng na recieve kong message na punishment sa kanila, g-ganon ko sila nadatnan kanina kitang kita ko pano sinaksak ni Lei ang sarili niya at paano nagbigti si Janine sa pagtalon sa bintana habang nakatali sa leeg niya ang kaniyang kumot" pag kukwento ko sa nangyari. Binalot kami ng sobrang katahimikan at walang naka pag salita maya maya pa'y lumapit sa akin si Vince at hinawakan ang kwelyo ko. "SIRAULO KABA!?" Sigaw niya sa akin habang hinihigpitan ang paghawak sa kwelyo ko. "ANO BA VINCE? IKAW ATA ANG SIRAULO DITO KUNG TUTUUSIN MAY POINT SI LEANDRO PWEDE BANG MAG ISIP KA RIN, SIGE IKAW PAANO MO I-EEXPLAIN 'TONG NANGYAYARI,SIGE NGA!" Pag-awat naman ni Reiz kay lei. Binitawan niya ko at humingi siya ng tawad at sinabing naguguluhan lang din siya sa mga nangyayari. "So, ano ng gagawin natin guys," tanong ni Ayesha. Maya maya pa ay muli nag beep ang mga cp namin at naka tangap kami ng bagong message mula sa Master's Game. New Missions na kailangan naming magawa before 12:00 am and nag-set ito ng bagong rules. No players should block my messages. Everyone who will failed to do the missions will die. "Guys, nababaliw na ba 'to? Like ano 'to, I can't kiss a girl babae rin ako," sabi ni Ayesha. "Kiss or Die that's it," sabi ko. "No, I..CAN'T..KISS..A..GIRL PERIODT.," pagdidiin niya sa mga sinasabi niya. "Then, you will die after 12 hours," sabi ko. "You are not a future teller, 'di ikaw ang masusunod sa buhay ko," sabi niya. "Im not but the game is," sabi ko. Natahimik kaming lahat at 'di na alam kung anong papaniwalaan naguguluhan na kaming lahat sa mga nangyayari. "Okay, to clear this misunderstanding... I'll block the message coming from the game," sabi ni Gabriel. "Wag, hindi natin alam anong parusa makukuha mo? What if mamatay ka rin?" sabi ni Faith. "I'll do this for everyones peace of mind," sabi niya. "Gab, this is not about being a hero your life is in the line aren't you scared to death?" Sabi ni faith. "Atleast, malilinawan tayong lahat 'di ba," sabi niya. Wala na kaming nagawa pa para pigilan si Gabriel sa gagawin niya lahat kami ay nakabantay sa lahat kung anong pwedeng mangyayari. Hanggang sa i-block na niya ang number at kita ko ang takot at kaba sa kaniya at ilang minuto lang ay wala pa ring nangyayari at ngumiti siya samin. "S-see, it's f-fake 'di 'to totoo" sabi niya habang nanginginig ang boses. Ngumiti ang bawat isa hanggang sa mag beep ang cellphone namin at maging kaniya at nagulat kami ng ma-punish si Gabriel by self destruction. "I ain't robot pa'no ako mag-seself destruct?" mayabang at natatawa niyang sabi. Pero lahat kami ay napa-atras ng biglang lumubo ang mga parte ng katawan niya hanggang sa sumabog ito at kumalat ang laman loob niya sa paligid. Tahimik kaming lahat dahil sa gulat at isa isa nang nag sigawan ang mga kaklase namin, niyakap ko naman si Sachi na nasa tabi ko. Dahil sa pagsabog na nangyari lumikha ito ng ingay at nagulat kami na maya maya pa ay may mga pulis na dumating at agad na lumapit sa amin at tinanong kung anong nangyari Nagulat din ang mga pulis ng malamang laman loob ng isang tao ang nakakalat sa paligid. Sinubukan kaming tanungin ng mga pulis kung anong nangyari pero walang makasagot kahit sino sa amin. Ngunit biglang may nag-ring na cellphone sa kung saan at pinulot ito ng isang pulis at nagulat kami ng mapanood nila ang video kung paano sumabog si Gabriel pero ang nakaka pagtaka sino nag video gamit ang cellphone niya habang hawak niya ito ng sumabog siya. Kahit ang mga pulis ay hindi makapaniwala sa napanood nila at pinayuhan kaming lahat na umuwi na sa kaniyang kaniyang bahay para makapaglinis ng katawan sa pagsabog na nanangyari. Sabay sabay kaming umuwi nina Gavreel at mataas ang lagnat niya dahil ito ang punishment na natanggap niya dahil 'di niya nagawa ang mission niya. Pagkahatid ko kay Gavreel ay inihatid ko naman si Sachi sa kanila. "Sachi, matulog ka muna ulit ha tandaan mo mahal kita palagi," sabi ko sa kaniya. "Ikaw din, ingat pauwi," sabi niya. Nang makapasok na siya sa bahay nila ay nagsimula na 'ko maglakad pa-uwi. Hindi ko alam anong meron sa larong 'to, ang tanging alam ko lang ay kamatayan ang kapalit ng kabiguan. Nakatanggap ako ng bagong mission at ito ay halikan si Reiz bago mag 12 midnight, alam kong mahirap gawin pero kailangan dahil buhay naming dalawa ang nakasalalay. Agad akong pumasok sa bahay namin at dumiretso sa c.r para maligo at habang naglilinis ako ng katawan ay bumalik sa isip ko lahat ng nangyari kanina, simula ng gumising ako hanggang sa makita ko pa'no mamatay ang mga kaklase ko. Iniisip ko na baka na nanaginip lang ako at 'di totoo itong mga nangyayri ngayon pero kahit ganon ang isipin ko 'di ko maaalis ang katotohanan sa likod ng mga nangyayari sa amin ngayon. Pagkatapos ko maglinis ng katawan ay umakyat na ako sa kwarto ko at agad na nag-check ng messages ko, 'di ko pa rin alam pa'no ko ito gagawin o pa'no namin ito gagawin. Sinubukan ko namang mag-chat sa gc namin kung ligtas bang naka-uwi ang lahat at sumagot naman sila, maya maya pa ay nag-chat si Faith sa gc naming magkakaklase. Nagpakamatay daw si Cyrille dahil na triggerd ang anxiety niya sari-saring emosyon naman ang nangyari sa gc at marami ang natatakot. 'Di ko na alam ang gagawin ko akala ko magiging madali lang 'to pero bakit ganito nang yari, bakit may kailangang mamatay. Sinubukan kong matulog muli para sa panandaliang pahinga dahil alam kong sa susunod na pagdilat ng aking mga mata panibagong pagsubok na naman ang naka-abang. Sachi's P.O.V Lutang na lutang ang isipan ko simula kanina ni hindi nga mag-sink in sa utak ko yung pagsabog ni gabriel sa park. Sa paanong paraan kami nadidiktahan ng isang laro? Sa paano paraan niya na t-trace ang lahat ng kinikilos namin? Sa paano paraan niya kami naparurusahan?. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin at anong dapat kong paniwalaan sobrang hirap isipin lahat ng nangyayari. At isa pa ang bagong mission na natanggap namin kanina at ang updates sa game. Leandro have to kiss Reiz. I know na kailangan niyang gawin 'yon to save his own life at ganon na rin si Reiz alam kong 'di nila 'yon pinili pero still masakit pa rin para sa akin. Hindi ko alam kung hanggang saan ako tatagal sa larong 'to at natatakot ako na baka bukas ako na ang susunod na matagal sa game. Sinubukan kong tignan muli ang mga missions and some of them are beyond our expectations, why do we have to kiss someone? Why do we have to touch someone t**s? Like grabe naman ganon lang ba ang kapalit ng buhay namin?. Gavreel P.O.V Matapos akong ihatid ni Leandro ay sinubukan kong maglinis ng katawan dahil sa mga dumi na tumalsik sa katawan ko at sa suot kong damit. Hanggang ngayon, nalilito pa rin ako kahit andami ng proofs sa harapan ko ang hirap paniwalaan sa umpisa pero ngayon gustong gusto ko ng maniwala. Pagkatapos ko maglinis ng katawan ay agad akong umakyat sa kwarto ko, nang hihina ako dahil pagkagising ko ay nilalagnat na ako. Hindi ako makapaniwala na nilalagnat ako dahil sinabi ng text message na lalagnatin ako hanggang mamayang 5:00 am. Habang nag-iisip ako paano ko gagawin ang next mission ko ay patuloy na tumataas ang lagnat ko at sumasakit na rin ang ulo ko. I have to make my parents so mad at me, how can I do it? Im so very cheerful and funny to them. If I didn't make it, I will surely die at 12:00 midnight. My head starting to ache more serious it feels like my head is breaking into pieces. Sinubukan kong matulog kahit na napaka sakit ng ulo ko at buong katawan dahil sa nangyari buong araw. Hindi ko rin napansin ang pag alis ni Leandro kaninang madaling araw at kung saan siya pumunta nung mga oras na 'yon at alam ko lang ay nagising ako dahil sa tawag ni Reiz sa telepono. DIED:4 ALIVE:41
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD