Chapter 3

2116 Words
Chapter 3 Reiz's P.O.V Simula kaninang madaling araw windang na windang ang isipan ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Isang bangungot na rin ang makita kung paano mamatay ang isang tao sa mismong harapan mo. Idagdag mo pa ang bagong missions, sobrang hirap na masyado. I have to kiss Leandro within 24 hours or both of us will die. Madali lang sana 'tong mission ko kung walang sila si ni Sachi. Matagal ko ng gusto si Leandro magmula ng una ko siyang makilala pero hindi ko nagawang umamin sa kaniya hanggang sa dumating si Sachi sa buhay niya. Pero kahit may tinatago akong lihim na pagtingin sa kaniya, 'di ko kayang halikan si Leandro. Ayoko makasira sa relasyon nila pero pag 'di kami nag-kiss mamamatay kami pareho. Alauna na ng hapon at 'di pa rin ako nalabas ng kwarto ko hanggang sa makatanggap ako ng text mula kay Leandro na pupuntahan niya ko sa bahay mamayang 5:00 pm kaya naman agad akong nataranta. Bumaba agad ako ng kwarto para kumain dahil kailangan kong umalis ng bahay para hindi ako maabutan ni Leandro. Alam kong buhay namin ang nakataya rito pero naguguluhan pa rin ako nang sobra. Nang makababa ako ay nakita ko sina mama at papa na nanonood ng television. "Anak? ayos ka lang ba? Siguro, alam mo na 'yong sa balita," bungad ni mama. "O-opo mama," sabi ko sabay diretso sa kusina. Magmula kanina, pagkagising ko ay nag p-playback lahat ng nangyari kagabi sa isipan ko at 'di ko mapigilang mag-overthink na, what if ako na ang susunod na mamatay. Im not scared to death, It's just Im not yet ready. I have to prove something muna before I go, I want to make my parents proud of me and buy everything they've wanted in this world. Pagkatapos kong kumain ay agad akong bumalik sa kwarto para kumuha ng jacket dahil balak kong mag lakad lakad sa labas at para na rin maiwasan ko si Leandro ngayon. Pagkatapos ay bumaba akong muli at nagpaalam kina mama na may bibilhin lang ako saglit at saka ako lumabas ng bahay pero ang totoo, hindi ko alam kung saan ako pupunta o anong dapat kong gawin. Naisipan kong pumunta sa park kung saan nagsimula ang tunay na laro baka sakaling doon ko malaman kung anong dapat kong gawin. Pasado alaskwatro na ng hapon, tahimik at walang kata-tao sa paligid ng parke. Umupo ako sa isang duyan at binuklat ang dala kong libro para magbasa. Ito ang Once in a blue moon, marami sa mga tao gustong gusto ang mga gantong bagay since madalang ito mangyari pero sa ibang tao isa itong sumpa dahil sa araw na 'yon, kailangang mag-alay ng bawat pamilya ng isang miyembro sa bahay upang ma-iligtas ang ibang miyembro nito. Ini-isip nila na pinapatay ang mga isinasakripisyo nila pero ang totoo ang mga taong iyon ay nagiging livestocks ng mga Noble Vampires sa ibang dimensyon. Habang ako ay nagbabasa ay napansin ko ang isang taong papalapit sa akin at naupo sa tabi ko. "Bakit ka nandito Sachi?," Tanong ko habang naka focus sa pagbabasa. "Gusto ko lang na sabihin sayo na....Please, do your mission with Leandro as soon as possible," sabi niya bago tumayo sa kina uupuan niya. "Sachi!" pagtawag ko sa kaniya kaya naman lumingon siya sa kinaroroonan ko. "Wala ka namang balak na patayin si Leandro 'di ba? At saka wag mo akong isipin at pati na rin yung friendship natin, walang magbabago do'n at saka ayokong mawalan ng kaibigan at mahal sa buhay dahil lang sa ganitong bagay mas mahalaga pa rin kayo sa'kin," sabi niya habang may ngiti sa mga labi. "Sachi, maniwala ka sa akin hindi ko gusto 'tong mga nangyayari," sabi ko sa kaniya. "Kahit naman sino sa atin walang may gusto sa mga nangyayari, kaya please lang do your task before 12:00 midnight," sabi niya at saka nagsimulang mag lakad palayo. Sachi's P.O.V Umaga palang ay napag-usapan na namin ni Leandro, ang tungkol dito sa mission nila at kahit sa ayaw ko man o gusto wala akong magagawa dahil buhay nila ang nakataya rito. At sinabi ko rin kay Leandro na kung sakali mas gusto kong ako ang mau-unang mawala sa aming dalawa. Kaya kanina lang ay na-isip kong kumbinsihin si Reiz na gawin !ang task nila dahil ayokong may mamatay dahil lang sa naging selfish ako. Pero nang puntahan ko si Reiz sa bahay nila ay saktong nakita ko siyang lumabas ng bahay at tila ba natataranta na 'di alam kung saan pupunta o anong gagawin. Kaya naman na-isipan ko siyang sundan hanggang sa huminto siya rito sa park. Nag-antay ako ng ilang minuto at saka ako lumapit sa kaniya at nakipag-usap tungkol sa mission nila ni Leandro at pagkatapos ay agad din akong umalis at nagpaalam sa kaniya. Tinext ko naman si Leandro tungkol sa kinaroroonan ni Reiz at saka tuluyang umalis sa park na 'yon. Leandro's P.O.V Pauwi na sana ako galing sa bahay nina Reiz nang makatanggap ako ng text message mula kay Sachi kung nasaan si Reiz at ng malaman ko kung nasaan si Reiz ay agad akong pumunta sa kinaroroonan niya. Ayoko mang gawin ang misyon, wala akong magagawa at isa pa si Sachi na rin ang nagsabi na kamumuhian niya ko sa oras na ako ang maunang mawala sa game sa aming dalawa. Kung pakikinggan mabuti ang mga sinabi niya napaka dark nito at nakakatakot at isa pa ayokong may mawala sa aming dalawa. Nang makarating ako sa park ay naabutan ko si Reiz na nagbabasa ng libro habang naka-upo sa isang duyan. Naisipan kong tumabi sa kaniya at sinubukan siyang kausapin kahit pa nahihiya ako. "Ahmmnn Reiz... alam naman nating pareho na wala tayong choice 'di ba? Tsaka, para rin sa ating dalawa 'to," sabi ko. "Oo naman... gets ko naman as in walang malisya or any second thoughts, just a kiss from a naughty mission," pagsagot niya. Hindi ko alam ano gagawin ko nanginginig ako at nanlalamig ang mga kamay ko pero sinubukan ko siyang harapin at hinawakan ko siya sa mag kabilang pisngi. "Reiz... Im sorry for this," sabi ko. "Hindi mo naman kailangan mag sorry," pagsagot niya. Dahan dahan kong inilapit ang parehas naming labi hanggang sa maglapat ang mga ito, ramdam ko ang init ng labi niya sa akin sa loob ng ilang minuto pero nagulat ako ng bigla niyang igalaw ang mga labi niya kaya naman napa bitaw ako. "S-sorry, 'di ko sinasadya," sabi niya sabay takbo papalayo. Ilang segundo lang ay natanggap ko na ang mensahe mula sa game na tagumpay ako sa aking misyon at ganon na rin siguro si Reiz. Habang iniisip ko ang mga nangyari ay sumagi sa aking isipan na tanungin ang iba tungkol sa missions nila kung sakali bang tapos na sila o hindi pa rin sila naniniwala sa sitwasyong kinalalagyan namin At gaya ng inaasahan ko may mga 'di pa rin naniniwala at sina sabing gumagawa lang kami ng rason at kasalukuyan na raw kaming nababaliw para maniwala sa ganito at ang mga taong ito ay ang wala parke nang mga oras na 'yon. Ilang oras nalang mula ngayon ay muling mapaparusahan ang mga players na 'di nagtagumpay sa kanilang mga mission. At dahil gabi na rin ay naisipan ko nang umuwi ng bahay at sinubukan kong matulog para naman makapag pahinga ako dahil sa dami kong ginawa ngayong araw. Gavreel's P.O.V It is already 10:34 pm at night at iniisip ko pa rin paano ko gagalitin ang parents ko. Hindi ko naman pwede sabihin na part 'to ng game dahil mapaparusahan ako at kapag 'di ko rin 'to nagawa ay mapaparusahan din ng kamatayan. Maya maya pa'y tinatawag na ako nina mama para kumain at nagsimula na ulit akong mag-panic sa kung anong gagawin ko. Habang pababa ako ng hagdan ay may naisip akong paraan na sana ay gumana. Habang kumakain kami nina mama ay tahimik lang kong naka-upo at ni lalaro ang pagkain ko. "What is wrong with you, Gavreel? Stop playing the food," pagsuway ni mama. "Gavreel! That's not how we raise you, show some respect be a man," sabi naman ni papa. "Anong gusto niyong gawin ko? Kainin ko 'tong pagkain na 'to, eh napakapangit ng lasa? Tapos tignan n'yo pa 'tong kanin 'di ayos pagkakaluto," pang-iinsulto kong sabi. "GAVREEL!" sabat ni papa. "Ano? I'm just stating the fact, this food is disgusting sinong matinong tao kakain ng gan'to?," sabi ko sabay bagsak ng kutsara at tinidor. Nakita ko namang pa-iyak na si mama at galit na galit na si papa pagkatapos ay nakatanggap ako ng message mula sa Master game my mission is completed kaya naman agad kong binawi ang mga sinabi ko kina mama. "Just kidding, pasensya na po may on the spot acting kasi kami this coming tuesday, naisip kong mag-practice sa inyo at tungkol sa mga sinabi ko, pasensya na po," paghingi ko ng tawad. "Nako, maiiyak na ang mama mo sa pinaggagawa mo akala ko 'di mo na gusto luto ng maganda mong mama eh," sabi ni mama. "No food taste better than your cook mama, at saka papa sorry na 'di ko na uulitin ang ganitong biglaan," sabi ko. "Dapat lang muntik na kita palayasin," sabi ni papa. "Joke lang, wag mo nang uulitin ang ganito ha," dagdag pa niya. Tumango naman ako bago kumain nang mabilis at saka umakyat sa kwarto ko. 11:45 na ng gabi at ilang minuto nalang ay mag sisimula na naman ang bago naming problema. Nabasa ko rin sa gc ang alitaan tungkol sa laro dahil hanggang ngayon may mga 'di pa rin naniniwala na totoo ang mga nangyayri. Dahil sa naiinip akong mag-antay sa bagong missions ay naisip kong kumustahin si Leandro tungkol sa mission niya agad ko siyang tinawagan. "Hello? Leandro ano? Kumusta ba mission mo? Nag-uusap pa rin ba kayo ni Sachi?," sunod sunod kong tanong. "Oo naman, at saka tungkol sa mission ko tapos na kanina pang hapon, eh ikaw ba?," sabi niya sabay tanong. "Tapos na rin ako, inaantay ko nalang ang bagong mission bago magpahinga," sabi ko Hindi pa siya nakakasagot ay naputol na ang tawag at naka tanggap ako ng messages mula sa Master game 'di ko napansing 12:00 am na ng umaga, maya maya pa ay inilabas na ang list ng mga nag failed sa paggawa ng mission. Coleen Mendoza Lhian Vasquez Ryan Cesar These students who failed are being punished by hanging theirselves. Nanlambot ako sa nabasa ko pero wala naman akong magagawa dahil malayo sa amin ang bahay ng mga nabanggit na pangalan at hindi ko na rin kasalanan na ilang ulit namin silang kinumbinsi pero hindi pa rin sila naniwala. Sinubukan ko naman silang tawagan pero walang nasagot at natataranta na rin ako hanggang sa matanggap ko ang bago kong misyon. To: Gavreel Asuncion Sub: Jerk off in front of class from: Master Leandro's P.O.V Tumunog ang cellphone ko dahilan para magising ako sa pagkakatulog, tumatawag pala si Gavreel nakapag-usap kami saglit pero 'di na ko nakasagot pa nang maputol ang tawag at maka-recieve ako ng text message mula sa laro. Ang mga taong nabigyan ng parusa ay ang mga mayayabang sa gc kanina na sinasabing hindi laro ang mag dedesisyon para sa kanila at kahit pa gusto ko silang puntahan para masiguradong ligtas sila ay 'di ko magagawa dahil ang layo ng bahay nila mula dito at baka gaya ng mga nauna ay maabutan ko lang sila na kinikitil ang sariling buhay. Nakatanggap naman ako ng bagong mission mula sa Master Game. To: Leandro Gonzales Sub: Have s*x with someone From: Master Nang mabasa ko ang bagong mission ay napa-isip ako, bakit umabot sa ganito ang sitwasyon namin, sinong tao naman ang papayag sa ganitong bagay? At ssaka napaka bata ko pa para sa mga ganitong bagay. Habang nag-iisip ay sinubukan kong tignan ang mission ng ibang players lalo na ang kay Sachi. Nang makita ko ang misyon ay nagulat ako. Kilala si Sachi sa school biglang responsableng estudyante at kung gagawin nya ang misyon na ito sigurado akong maraming huhusga sa kaniya. Show your ass while doing cheer leading. Ito ang misyon na kailangang gawin ni sachi. Monday na bukas at dahil nanalo ang cheerleading squad namin at kailangan nilang mag-perform sa flag ceremony bukas ng umaga. Gusto ko man siyang pigilan wala akong magagawa. Buhay niya ang nakasalalay sa gagawin niyang desisyon. These mission are too far from my expectations, bakit biglang naging ganito. Hindi ko alam kung kakayanin pa namin ang mga susunod pang missions na nag-aantay sa amin. At ayokong umabot sa puntong kailangan na naming patayin ang isa't isa or kailangan naming magsakripisyo ng mga buhay para lang maka-survive sa larong ito. DEAD:7 ALIVE:38
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD