Leandro's P.O.V
Ilang minuto na ang lumilipas pero hindi pa rin lumalabas si Sachi at nakakarinig pa rin ako ng ingay mula sa loob.
Alam kong mabigat sa loob 'to ni Sachi at ganoon din sa'kin pero kami lang ang nandito na maaaring makatulong kay Gavreel.
Habang sinusubukan kong pakalmahan ang sarili ko ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto kaya naman agad ko itong pinagbuksan at nakita ko si Reiz.
"L-leandro, bakit ka umiiyak? T-teka lang," sabi n'ya ng bigla akong yumakap sa kan'ya .
"Paki-usap, dito ka muna at kung hanapin nila ko sabihin mo na lumabas lang ako saglit para mag pa hangin," malungkot kong paalala habang nakatingin sa sahig.
Bumitaw ako mula sa pag kakayakap at tinapik ang kan'yang balikat at saka pinilit na ngumiti sa kaniya.
Reiz's P.O.V
Alas otso na ng gabi at naisipan kong bisitahin si Gavreel dahil sa misyon n'ya at nais ko sanang makatulong kahit sa ganoong paraan dahil naging mabait s'ya sa akin simula una pa lamang.
Nang makarating ako sa bahay nila ay kumatok agad ako sa bahay nila at hindi ko inaasahang makikita ko ro'n si Leandro at ang nakakapag taka ay umiiyak s'ya at bigla akong niyakap at saka nag paalam na aalis lamang saglit.
Dumiretso ako sa kwarto ni Gavreel at nang kakatok na ako ay may narinig akong kakaibang ingay kaya naman naisipan ko itong pakinggan ng mabuti.
Agad akong napa atras ng marinig ko ang boses na 'yon. Si Sachi, narinig ko s'yang naiyak at bumubulong kaya naman naisipan kong sundan si Leandro kahit sinabi n'ya na mag-stay ako rito at sabihin ang mga paalala n'ya.
Agad akong pumunta sa parke dahil alam kong 'yon ang una n'yang pwedeng puntahan. Nang marating ko iyon ay tama ang hinala ko, nakita ko s'yang naiyak at umiinom ng alak. Ngayon ko lang siya nakitang uminom ng ganong inumin.
Lumapit ako sa kaniya para makipag-usap at pagaanin ang kaniyang kalooban.
"Leandro, 'di ko alam kung anong dapat kong sabihin dahil baka mas lalo lang akong makasira sa mood mo pero 'wag mo nang masyadong isipin 'yung nangyayari," sabi ko habang hinahagod ang likod n'ya.
"Come to think of this, I pleased Sachi to do it with Gavreel," sabi n'ya at saka inubos ang iniinom n'ya.
"Ikaw ba? Hanggang saan ang kayang mong isakripisyo sa larong 'to para mabuhay?" tanong n'ya habang nagbubukas ng bagong inumin.
"If I were Sachi, I'll do the same thing kasi kung ako lang din ang nandoon at 'yon lang ang paraan, handa akong gawin 'yon," pagsagot ko sa kaniya.
"Naiinis ako Reiz, gusto kong magalit pero hindi ko naman pwedeng sisihin si Sachi o kaya si Gavreel dahil ako ang pumilit sa kanilang dalawa," sabi n'ya habang patuloy na umiiyak.
Hinawakan ko ang ulo n'ya at ipinatong sa aking balikat. Alam kong pagod na pagod na s'ya lalo na sa nangyari ngayong araw.
"Leandro, wala naman tayong magagawa 'di ba kung sakaling mas maaga akong dumating," sabi ko sa kaniya.
"Wala ka namang kasalanan," sagot niya.
"Walang kahit sino ang may kasalanan," dagdag pa n'ya sa mahinang boses.
Nakatulog pala s'ya sa sobrang lungkot at iyak. Hinayaan ko muna s'yang matulog saglit at hinayaan ko s'yang mahiga sa hita ko para hindi na rin kami mangalay sa pwesto namin.
Napakaganda ng buwan ngayong gabi, ang tahimik na paligid at pagdaan ng ilang sasakyan at ang pagpatay sindi ng ilang street lights.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong kapayapaan. Sobrang saya sa pakiramdam at isa pa kasama ko si Leandro sa mga oras na ito. Alam kong napaka-selfish ng nararamdaman ko ngayon gayong may mga taong nasasaktan sa mga oras na 'to.
Sachi's P.O.V
Sobrang hirap tanggapin ng ginawa ko ngayon gabi pero wala na, nagawa ko na at wala na akong dapat pagsisihan. Ang mahalaga ligtas na si Gavreel.
Nang matapos ako sa ginawa ko ay agad akong naligo at naglinis ng katawan. Pagkatapos ay agad lumabas ako ng kwarto para sana kausapin si Leandro pero walang Leandro ang bumungad sa akin.
Alam kong sobrang lungkot n'ya ngayon at sigurado akong naguguluhan s'ya ng sobra sa mga oras na ito.
Sinubukan ko s'yang tawagan ng ilang beses pero hindi n'ya sinasagot ang mga tawag ko. Kinakabahan ako na baka may mali s'yang gawin dahil dito.
Maya maya pa'y nakarinig ako ng katok mula sa pintuan at agad ko 'yung binuksan at nakita ko si Reiz na akay-akay si Leandro.
"Salamat Reiz," sabi ko at saka ko s'ya tinulungan kay Leandro.
Inihiga namin si Leandro sa upuan nina Gavreel at saka ko naman s'ya pinunasan ng towel na basa dahil nilalagnat s'ya.
"Nakita ko s'ya sa park kanina at marami s'yang ininom na alak, na-isip ko na baka pag-iniwan ko s'ya ro'n mag-isa ay baka may mangyaring masama," pagpapaliwanag ni Reiz.
Habang pinagmamasdan ko si Leandro, hindi ko ma-iwasang ma-inis sa sarili ko. Kahit alam kong pumayag ako at pumayag rin s'ya sobrang na-iinis ako.
"Saan ka pupunta Reiz," tanong ko ng mapansing tumayo s'ya sa kina-uupuan n'ya.
"Uuwi na sana," pagsagot n'ya.
"What if, mag-stay ka na lang ngayon? Gabi na rin kasi baka mamaya ma-aksidente ka pa d'yan sa labasan," sabi ko sa kan'ya.
"Ahmnn... Sige, tatawag lang ako kay mama para magpa-alam," sabi n'ya at saka pumunta sa kusina.
Tumango naman ako sa kan'ya bilang pagsang-ayon sa kaniya.
Muli kong tinignan si Leandro at ma-init pa rin s'ya hanggang ngayon at tinatawag n'ya ang pangalan ko sa mahinang boses.
"Patawarin mo 'ko, Love," sabi ko sa kan'ya at saka ko s'ya hinalikan sa pisngi.
Nahiga ako sa tabi ni Leandro dahil kasya naman kaming dalawa, pagod na rin ako para ilipat pa s'ya sa loob ng kwarto.
Sa kabilang sofa naman nahiga si Reiz at si Gavreel naman hindi pa rin gumigising gawa ng sleeping pills na na-inom n'ya.
NSa susunod na linggo na ang Graduation day namin at kailangan naming maka-survive hanggang sa araw na maka-graduate kami.
Kaya kahit anong pang kapalit para mabuhay ay handa ako gawin kahit anong maging consequences no'n.
KINABUKASAN...
Gavreel's P.O.V
Pakiramdam ko ay sobrang haba ng tulog ko at medyo wala rin akong maalala at sumasakit ng ka-unti ang ulo.
Pagkalabas ko ng kwarto ay tanaw ko agad si Leandro at Reiz na natutulog sa sofa at nakarinig naman ako ng ingay sa kusina na tila ba may taong nandoon at may kung anong ginagawa.
Pagkarating ko sa kusina ay nakita ko si Sachi na nagluluto, may nakahanda na ring konting pagkain sa mesa at basong may kape na lalagyan na lamang ng ma-init na tubig.
Napakaswerte ni Leandro kay Sachi o dapat kong sabihin ay napakaswerte nilang dalawa sa isa't isa.
"Sachi, bakit naman ang aga mo bumangon? At saka 'di mo naman 'yan kailangang gawin," sabi ko sa kaniya.
"Ah maaga talaga ako nagising at saka ako naman nagkusa na kumilos kaya ayos lang," sabi n'ya habang nakangiti.
Habang naaalala ko 'yung nangyari sa kagabi bago ako mawalan ng malay ay nai-inis ako sa sarili ko.
Pero dahil dalawa sila ni Reiz ang nandito nalilito ako kung sino sa kanilang dalawa ang tumulong sa akin sa misyon.
Ayoko rin namang tanungin si Sachi tungkol do'n dahil napaka-awkward no'n pag nagkataon.
"Tapos ka na ba? Gigisingin ko na silang dalawa," sabi ko sa kaniya.
"Ma-upo ka na at mag kape ako na ang tatawag sa kanila," sabi n'ya at saka dumiretso sa sala.
Gaya ng sinabi n'ya ay inantay ko na lamang sila rito at nilagyan ko na ng tubig ang mga kape para handa na ang mga ito.
Maya maya pa ay bumalik na si Sachi kasama ang dalawa at saka naman kami nagsimulang mag-almusal.
Sobrang katahimikan ang bumabalot sa aming apat. Tanging tunog lamang ng paghigop sa kape at pagtama ng kutsara sa plato ang ingay na naririnig ko.
"Last day na pala natin ngayon sa school, papasok pa ba kayo?" tanong ko para masira ang katahimikan.
"Siguro, baka magkaroon ng mga further announcements about graduation day," sagot ni Reiz.
Nakita ko naman si Sachi na ina-asikaso si Leandro sa pagkain. Mukhang hindi maganda ang pakiramdam ni Leandro ngayong araw.
Tumingin ako sa wall clock at maaga pa naman, mukhang aabot pa kami sa last day of school.
Naisip naming pumasok dahil baka magkaroon ng mga anunsyo tungkol sa graduation.
Pagkatapos namin mag-umagahan ay nagpaalam na silang tatlo para umuwi dahil kailangan pa nilang magbihis para pumasok.
Kumilos na rin ako at naghanda para sa pagpasok sa eskwelahan.
Reiz's P.O.V
Nang magising ako kanina ay agad kong tinignan ang bagong set of missions at ang bago rito ay ang title bilang isang Master of the Game.
Base sa nabasa ko, kapag ikaw ang napiling Master of the Game sa isang buong araw, maari mong gawin ang lahat sa laro pero ang rules ay kailangan pa ring sundin.
I'm the master of the game for a day. Ibig sabihin nito ay kailangan kong mag-ingat sa bawat sasabihin o ikikilos ko tungkol sa iba kong kaklase.
Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa school at kinakabahan ako sa 'di ko malamang dahilan. Pakiramdam ko ay nakatingin sa akin lahat ng taong nakapaligid sa akin.
"Reiz? Kumusta ba?" tanong sa akin ni Lance na 'di ko alam saan nang galing.
"A-ako? Ayos lang naman ako," pagsagot ko sa tanong n'ya.
"Napansin ko lang about sa game, bakit 'yung missions n'yong tropa parang pabor sa inyo?" pag-uusisa n'ya.
"What do you mean na pabor sa amin? Like... duh sinong matinong tao ang gugustuhin ang mga gano'ng pangyayari?" pagsagot ko sa kaniya.
"Wala lang 'yung tropa n'yo kasi parang suspicious masyado," dagdag pa n'ya.
"Suspicious? Anong bang pinagsasabi mo?" sabi ko.
"Umamin ka nga sa akin, kayo ba nina Leandro may something connection ba kayo with the game master? I mean close or kilala n'yo?" sunod-sunod n'yang tanong.
"Alam mo nag-ooverthink ka lang and if ever close kami sa taong nasa likod nitong mga nangyayari, matagal na naming hiniling sa taong 'yon na tigilan na 'tong lahat 'di ba?" pagsagot ko sa mga tanong n'ya.
"Maaring oo at maaaring hindi," sabi n'ya.
"Ano bang gusto mong palabasin o patunayan?" pagtatanong ko.
"Wala lang, naisip ko lang baka may binabalak kayong lima na hindi namin alam," pagsagot n'ya sa akin.
"Lalo na si Kate, nakakapagtaka ang mga mission n'ya," dagdag pa n'ya.
Hindi na ako nakasagot dahil tumakbo na s'ya papasok sa room at ako naman ay patuloy lang sa mabagal na paglalakad.
Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa balikat ko at nakita ko sina Gavreel.
"Anong sinabi n'ya sa'yo? Tinatakot ka ba n'ya?" tanong n'ya.
"Wala naman," pagsagot ko at saka muling naglakad papasok sa room.
Habang naglalakad ako papunta sa aking upuan ay kitang kita ko ang mga tingin ni Lance at ng mga kaibigan n'ya na tila ba may gustong sabihin.
"Reiz, wag mo nalang sila pansinin. Tandaan mo kailangan mong mag-ingat hindi ba?" bulong sa akin ni Gavreel.
"Oo naman, alam ko ginagawa ko hanggat kaya ko pagtitiisan ko sila," pagsagot ko sa kaniya.
Habang inaantay ang aming guro ay naisipan kong magbasa muna ng panibagong libro na nabili ko nung isang araw.
Leandro's P.O.V
Nang maka-uwi kami ni Sachi mula kina Gavreel ay agad akong kumilos para pumasok.
Kahit medyo hindi ayos ang pakiramdam ko ay papasok pa rin ako lalo na at last day na ngayon ng pagpasok.
Walang pang isang oras ay nakabihis na agad ako at nakita ko naman si Sachi na nasa loob ng bahay at kinakausap si mama.
"Ohh anak, heto na si Sachi 'di kana nahiya ikaw pa inantay n'ya" sabi ni mama.
"Pero sigurado kabang kaya mong pumasok ngayon?" dagdag pa n'ya.
"Opo naman ma, ano Sachi? Tara na ba?" sabi ko.
Tumango naman si Sachi at saka tumayo sa kina-uupuan n'ya. Lumapit naman ako kay mama para magmano at gano'n din ang ginawa ni Sachi at saka kami lumabas ng bahay.
Habang naglalakad kami ay walang kahit sino ang nag sasalita at tanging ingay lamang sa paligid ang naririnig ko.
"Leandro... Hindi ka naman galit sa akin hindi ba?" bigla n'yang tanong.
Napatigil ako sa paglalakad at saka tumingin sa kaniya. Pakiramdam ko kami lang ang taong nandito ngayon at ang buong paligid ay umaayon sa amin.
"Hindi ako galit sa'yo at kahit kailan hindi ako magagalit sa'yo, ginawa mo lang kung anong kailangan at isa pa ako rin ang kumimbinsi sa'yo 'di ba? At kahit kay Gavreel, hindi ako galit sa kaniya kaya 'wag kana mag-alala," pagsagot ko sa kaniya at saka ako ngumiti.
Ngumiti s'ya sa akin at saka kami muling naglakad papasok sa eskwelahan. Mapapansin mo agad ang konti ng nga estudyanteng pumasok ngayong araw.
Napakatahimik ng paligid at parang may nga bubuyog lamang na nag-iingay ang maririnig mo.
Nang paakyat na kami sa hagdan ay nakasalubong namin si Kate at mayroon itong ideya na sinabi sa amin.
"Si Reiz, s'ya ang Master of the game ngayon at maaari n'yang hindi ipagawa sa atin ang missions. What I mean is she can reverse or change our mission for this day." seryosong sabi ni Kate.
"Maganda nga 'yang naisip mo kaso gaano tayo kasigurado na gagana 'yon?" tanong ko.
"Magsasabi naman ang laro kung sakaling hindi iyon maaari hindi ba?" pagsagot n'ya sa tanong ko.
"Siguro nga, wala namang mawawala kung susubukan natin hindi ba," pagsang-ayon ko.
Pagkatapos ng usapang iyon ay dumiretso na kami sa room para maka-usap si Reiz tungkol sa ideya ni Kate.
Nang makapasok kami sa room ay binabalot ito ng sobrang katahimikan at nakita ko naman si Reiz at Gavreel na nag-uusap.
"Reiz, may ipapagawa kami sa'yo," bungad ko sa kanila.
"Mukhang may plano na naman kayo ah? Wala ba kayong balak na ibahagi 'yon sa iba?" singit ni Lance.
"Wag ka muna makigulo may mahalaga kaming gagawin ngayon para mailigtas ang lahat ngayon buong araw," pagsagot ni Sachi.
"Lahat? O 'yang grupo n'yo?" sarkastiko n'yang sabi.
"Ano bang pinag-iisip mo? Baliw kana bang talaga?" tanong ni Sachi.
"Hindi naman, napa-isip lang ako na parang ang unfair. Look your missions seem so nice than ours." pagpipilitan n'ya.
"Anong gusto mong palabasin? Cheater kami? Baliw kana ba?" sabi ni Sachi.
"Makinig ka, una sa lahat kayo ang dahilan bakit tayo nasa ganitong sitwasyon 'di ba? Pangalawa, 'yung missions n'yo pag hindi madali parang pabor sa inyo at panghuli kayo ang pumipilit sa amin na maniwala sa laro," mahaba n'yang paliwanag.
"Baliw kana talaga, first of all Gavreel asked everyone's permission to dive to that site, right? At hindi ba, pumayag ang lahat kaya wala tayong dapat sisihin sa mga nangyayari at kailangan natin mag-focus kung paano tayo makakatakas dito." pagsagot ni Sachi.
"Ngayong si Reiz ang master of the game, ipasusubok namin sa kaniya na utusan tayong lahat na huwag gawin ang missions at paggumana 'yon lahat tayo, sa araw na ito ay maililigtas at ikaw naman kung wala kang sasabihin maganda tumahimik ka nalang para kang desperadang babae na kulang sa pansin," dagdag pa ni Sachi.
Hindi na nakasagot si Lance at bumalik sa pag-upo sa kaniyang silya at nag-focus sa paggamit ng kaniyang cellphone.
"Ngayon Reiz susubukan natin kung gagana," sabi ni Sachi.
Tumungo naman si Reiz bilang pagsagot sa sinabi ni Sachi. Pumunta si Sachi at Reiz sa unahan at may pinagbulungan.
"Gusto kong mag-relax kayo at wag n'yong isipin ang missions n'yo," sabi ni Reiz.
Ilang segundo lang ay naka-receive kami ng text messages. Postponed ang mission ngayon araw pero kailangang gawin ito kinabukasan.
"WAIT! WHAT? WHY ME?" sigaw ng isa naming kaklase.
"Trisha, anong nangyayari? Bakit ka sumisigaw?" tanong ni Lance.
"B-bakit ako mapaparusahan? I'm not doing anything then why I'm getting a punishment?" nanginginig n'yang sabi.
"Kumalma ka muna Trisha," sabi ni Ayesha.
"Seriously? Sasabihin mo kong kumalma kahit alam kong mapaparusahan ako?" pagsagot niya.
"Ohh edi sige! Mabaliw kana d'yan kung 'yon ang gusto mo!" sabat ni Ayesha.
"Ayesha tumahimik kana nga 'di ka nakakatulong," singit ni Lance.
"What? I'm just trying to calm her, isn't good enough?" pagsagot n'ya.
"Tingin ko kaya siya mapaparusahan ay dahil hindi n'ya ginawa ang sinabi ni Reiz," sabat ni Kate dahilan para mapatingin sa kaniya ang lahat.
Tumayo s'ya sa kaniyang upuan at naglakad papalapit kay Trisha at tinitigan ito.
"Sabihin mo ang totoo, nagdududa ka hindi ba? At inisip mo 'yung mission mo, tama?" pag-uusisa ni Kate.
Tumango naman si Trisha bilang pagsagot sa tanong ni Kate.
"That is basically against what Reiz ordered us, right?" sabi ni Kate.
"She told us to relax and don't think about our missions but you did," dagdag pa niya.
"You got a message, check it now," sabing muli ni Kate.
Nakita ko naman ang ngiti sa mga labi ni Trisha at saka ito tumayo at sinubukang ipakita ang parusa niya.
"Having a hair loss is not a big deal," sabi niya habang nakangiti.
"Ngayon Reiz, subukan mong i-text si trisha about her punishment," sabi ni Kate.
Gaya ng sinabi ni Kate ay dali dali itong ginawa ni Reiz.
Ilang segundo lang ay iminungkahi ni Trisha na nawala na ang text message mula sa laro at ang lahat naman ay nagulat ng dumugo ang ilong ni Reiz at mawalan ito ng malay.
Agad naman siyang dinala sa clinic para ma-check kung bakit siya nawalan ng malay.
Sinabi naman ng nurse na dahil sa dehydration kaya ito nawalan ng malay.
Giving orders to everyone takes your own health and energy. Kung sino man ang nasa likod ng lahat ng ito maaaring pinag-isipan n'ya 'tong mabuti.
Habang tahimik kaming nag-aantay sa paggising ni Reiz ay may kumatok sa pintuan at nakita naman namin si Kate na nakatayo roon.
"Excuse me guys, kailangan ko kayo mamaya may kailangan kayong malaman, hintayin ko kayo sa bahay ng ala-syete ng gabi, don't be late or you'll lose your chance," sabi ni Kate at saka lumabas ng clinic.
Pagkalabas ni Kate ng clinic ay pumasok naman si Lance at agad naman siyang bumati sa amin.
"Pumunta ako rito para humingi ng tawad sa inyo," mahinahong sabi nito.
"Ayos lang 'yon, next time pag-isipan mo muna ng mabuti ang lahat ng sasabihin mo," pagsagot ni Sachi.
"Pasensya na ulit, si Reiz ba kumusta?" nag-aalalang niyang tanong.
"Wala pa rin siyang malay pero ayos naman daw siya sabi ng nurse kailangan niya lang ng pahinga at uminom ng marami tubig," sabi ni Sachi.
"Narinig ko 'yung sinabi ni Kate kanina naisip ko lang kung pwede akong sumama?" tanong niya.
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Sachi at agad namang pumayag.
Nang matapos kami sa pag-uusap ay agad ding umalis si Lance at bumalik na ang malay ni Reiz.
Inalalayan namin siyang tumayo at saka ito nagtanong sa kung ano ang nangyari.
Pagkatapos ay pinayagan na kami ng nurse na maka-uwi kaya naman inayos na namin ang mga gamit namin at saka nagpasalamat sa kaniya bago lumabas ng clinic.
Habang naglalakad pauwi ay napapaisip ako sa sinabi ni Kate. Ano kayang nalaman niya at makatutulong ba ito sa aming lahat? Hanggang sa makauwi na ako sa bahay ay napapaisip pa rin ako.
Ala-una palang ng hapon at mahaba pa ang oras na kailangan naming antayin para pumunta kina kate para sa nalaman niya.
Dead:8 Alive:37