Leandro's P.O.V
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok mula pinto ng aking kwarto kaya naman agad ko itong pinagbuksan at bumungad sa akin si Sachi kasama sina Gavreel.
"Kanina pa kita tinatawagan sa cellphone mo, 6:28 na oh! Kilala mo naman si Kate," reklamo n'ya sa akin.
"Pasensya na, magbibihis na 'ko saglit 'to," sabi ko at saka naman sila muling bumaba.
Agad akong nagpalit ng damit at nag-ayos ng higaan bago bumaba sa sala. Nakita ko naman sina Sachi na kinakausap si Mama.
"May lakad pala kayo? 'Di mo sa akin ibinilin, ako na sana ang gumising sayo ng nakapaghanada ka ng ng mas maaga," sabi ni mama.
"Hindi ko po alam na nakauwi na pala kayo ma," pagsagot ko sa kaniya.
"Aalis na ba kayo? Ayaw n'yo ba munang kumain?" pagtatanong ni mama.
"Ayos na po tita, maraming salamat po at saka baka doon nalang po kami kumain," nakangiting sagot ni Sachi.
"Eh kung gano'n sige, mag-iingat kayo ha! 'Wag uuwi ng sobrang gabi at iba na ang panahon ngayon," pagbibilin n'ya.
Tumango naman kami bilang pagsagot at saka naman isa-isa silang nagmano kay mama bago lumabas ng bahay.
Nagmano at humalik naman ako sa kaniyang pisngi at saka nagpaalam ng tuluyan.
"Kaninong sasakyan 'yan?" tanong ko.
"Ah kay kuya 'yan hiniram ko maalam naman ako mag-drive lisensya nalang kulang," pag papaliwanag ni Lance.
"Tara na, baka pagtabuyan pa tayo ni Kate pagnahuli tayo sa oras na sinabi n'ya," pagsingit ni Gavreel.
Agad naman akong naunang pumasok at na-upo sa backseat ng kotse at sumunod naman si Sachi sa akin. Sa passenger seat naman naupo si Gavreel.
Sobrang tahimik nilang tatlo at tila ba walang nais magsalita kaya naman nagsuot nalang ako ng earphones at nakinig sa kanta. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay nina Kate mula rito pero ayos na rin na mag-relax habang nasa byahe. Sumandal naman ako sa balikat ni Sachi at nilaro naman niya ang buhok ko kaya mas lalo akong na-relax sa buong byahe.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na kami sa lugar nina Kate.
Ang Ellen Rose Village, kilala ito bilang sacred place dahil sa tatlong simbahan ang nakatayo rito at mababait ang lahat ng taong nakatira rito.
Pagkakita ng guard sa gatepass namin ay agad kami nitong pinagbuksan ng gate at pinapasok sa loob.
Dumiretso kami agad sa bahay ni Kate at dali dali nag-park ng saksakyan.
"Ang ganda naman pala ng bahay nila akala ko nakatira si Kate sa isang mala haunted house na bahay," pagbibiro ni Lance
Humawak si Sachi sa kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya at saka naman s'ya ngumiti sa akin.
Agad namang kumatok si Gavreel at nagbukas naman kaagad ang pinto at bumungad sa amin ang mama ni Kate.
"Goodevening po! Ahmn... Si Kate po?" pagbati ni Gavreel.
"Ahh nasa itaas s'ya at ibinilin n'ya nga kayo sa akin, sige na tumuloy kayo sa loob," sabi ng mama ni Kate.
"Kumain na ba kayo? Kung hindi pa nako dito na kayo kumain magluluto ako ng marami, si kate naman andon sa kwarto n'ya puntahan n'yo nalang s'ya," dagdag pa ng mama ni Kate.
Nagpasalamat naman kami at saka umakyat sa itaas. Agad naman kaming sinalubong ni Kate at nagbigay ng sensyales na pumasok agad sa kwarto.
Habang sinisiyasat ko pa ang ayos ng kaniyang kwarto ay agad siyang nagsalita at dumiretso sa computer n'ya.
"Lahat ng sasabihin ko sa inyo ay sa atin muna dahil hindi pa ako nakakasigurado kung talagang nangyari ba ito sa lugar na iyon," pagsisimula niya.
Lumapit naman kaming apat sa kaniya at tumingin din sa computer. Agad niyang binuksan ang isang article ay binasa 'yon sa amin.
"February 29, 1980 naganap ang isang nakakakilabot na pagpatay sa mga estudyanye at guro ng Solemn High School. Isang christian school at sinabi rin dito na ang ilang mga estudyante ay may kakaibang ikinikilos at ilan dito ay labag sa patakaran ng kanilang paaralan. At nalaman ng mga madre na ang mga estudyante ito ay nakikipag-ugnayan sa mga demonyo upang gumawa ng mga bagay na hindi naman dapat gawin. Sa sunod sunod na pagkamatay ng mga estudyante ay nabahala ang paaralan at hindi muna pinayagan ang anumang sulat o bisita mula sa labas ang maaring makapasok sa loob ng paaralan. Natigil ang pagpapatiwakal at mga kakaibang kilos ng mga estudyante sa sunod na dalawang araw hanggang ito ay magsimulang muli at sinabi ng isang estudyante kung ano ang nangyayari at paano sila nauutusan ng sumpa at ito ay sa pamamagitan ng kanilang panaginip at ang estudyanteng nagbunyag ng sekreto ay natagpuan na lamang kinabukasan na dumudugo ang bunganga at natanggal na ang dila nito," pagpapaliwanag ni Kate.
"Ibig sabihin ba nito ay demonyo ang may pakana ng lahat?" pagtatanong ni Lance.
"'Yan ang paniniwalaan ko kung nasa 1980 pa 'ko, 2021 na ngayon maraming bagay ang kayang i-explain gamit ang science," pagpuna ni Kate.
"Eh 'yung babaeng nagsabi ng sekreto anong nangyari na sa kaniya?" tanong ni Sachi.
"Nang mabasa ko 'yung article ay naghanap ako ng clues para makilala ang babaeng iyon at 'di naman ako nabigong mahanap ang ilang details tungkol sa kaniya," sabi ni Kate.
"Ang pangalan niya ay Almira Conrad, 57 Years old, lives in East Montesa. 1-2 hours lang ang byahe mula rito at kung papalarin tayong mahanap siya baka makahanap tayo ng ilang mga kasagutan," dagdag pa ni kate.
"Ibig sabihin ay buhay pa rin siya ngayon? I mean... nakaligtas siya sa laro o sumpa?" tanong ni Sachi.
"Yes, kaya naman kailangan nating malaman kung paano siya nakaligtas at kung may iba pa bang estudyante maliban sa kaniya na kabilang sa laro ang ngayon ay buhay pa rin," sabi ni Kate.
"Kailan n'yo balak na hanapin si aling Almira?" tanong ko.
"Pagkatapos ng graduation para 'di tayo mahirapan at isa pa 'wag n'yo muna sasabihin sa iba lalo kana Lance," pagbibilin ni Kate.
"Oo naman, maaasahan n'yo 'ko pagdating sa mga pagtatago ng sekreto," mayabang niyang sabi.
"May ibang details ka pa bang nahanap?" pagtatanong ko.
"Naaalala n'yo pa ba 'yung link na natanggap natin? Sinubukan ko siyang i-search sa google at nalaman kong isa itong virus na gawa ng isang tao pero hindi pa rin ito alam ng gobyerno," sabi ni Kate.
"If virus nga 'yon? Paano naman maipapaliwanag 'yung mga kakaibang punishment?" pagtatanong ni Sachi.
"Hypnosis, naaalala n'yo 'yung video na nag-play sa Television that night. Na-transfer ang virus katawan ng tao mula sa radiation ng screen papunta sa mata ng mga nanonood at 'yon ang dahilan kung bakit konektado ang buhay natin sa laro," pagpapaliwanag ni Kate.
"May alam ka ba paano matatangal 'yon?" pagtatanong ko.
"Wala pa eh, pero kung sakaling mahanap natin si Almira baka sakaling may makuha tayong kasagutan," sabi ni Kate.
"Pero sa panahon nila hindi pa uso ang mobile phones o mga television," pagsingit ni Lance.
"Oo nga kaya paano sila napasok sa ganoong sitwasyon," pagsang-ayon ni Sachi.
"Kaya mahalagang mahanap natin si Aling Almira para sa mga kasagutan," sabi ni Kate.
Napatingin naman kaming lima sa pintuan ng mayroong kumatok dito. At may isang boses na tumatawag sa amin.
"Anak, kumain na muna kayo nakapagluto na 'ko ng hapunan," pagtawag ng mama ni Kate mula sa labas.
"Sa ngayon 'yon palang ang mga nalalaman ko at wala pa tayong sobrang kasiguraduhan kung totoo ang mga ito," sabi ni Kate.
"Tara na muna sa kusina para makakain na tayo," dagdag pa niya bago tumayo.
Sumunod naman kami sa kaniya papuntang kusina. Kani-kaniyang upo kami pagkarating sa lamesa at nagsimula namang magdasal ang mama ni kate para i-bless ang pagkain.
Tahimik lang kaming lahat hanggang sa magtanong ang mama ni Kate tungkol sa school.
"Kumusta pala kayo? Nabalitaan ko ang sunod sunod na pag-susuicide ng mga kaklase n'yo," sabi ng mama ni kate.
"Baka po may problema sila o ano man," pagsagot ni Sachi.
"E, si Reiz? Bakit 'di n'yo siya kasama?" pagtatanong nitong muli.
"Nawalan po siya ng malay kanina sa school kaya po minabuti naming pagpahingahin nalang po siya ngayon," pagsagot ni Gavreel.
"Malapit na graduation n'yo, anong balak n'yong gawin?" tanong nitong muli.
"Sa ngayon po wala pa po akong balak maliban sa paghahanap ng college schools na pedeng pasukan," pagsagot ni Sachi.
"Goodluck pala sa inyo ah, galingan n'yo lalo na ngayon pahirap nang pahirap ang panahon habang tumatagal," sabi ng mama ni Kate.
Nagngitian naman ang bawat isa at nagpatuloy sa pagkain at ng matapos ang lahat ay sinabi ng mama ni kate na siya na lamang ang maglilinis ng lamesa at maghuhugas ng pinggan.
Nagpunta naman kaming lima sa sala nina Kate para magpahinga saglit.
"Malapit na graduation at siguradong mas hihirap ang sitwasyon nating lahat," sabi ni Lance.
"What do you mean?" tanong ni Sachi.
"Mahihirapan tayong i-contact ang iba," sabi nitong muli.
"Una sa lahat hindi natin responsibilidad kung mamamatay sila dahil nasa kanila naman 'yon," seryoso kong sabi.
"Pero mas okay pa ring may komunikasyon ang bawat isa," pag sagot ni Lance.
"Habang ina-antay natin ang graduation pilitin n'yong gawin ang missions n'yo," singit naman ni Kate.
Matapos naming makapag-usap ay napagpasyahan naming umuwi na dahil gabi na rin masyado.
Nagpaalam na kami kay Kate at sa mama niya at saka naman kami tuluyang umalis.
Tahimik lang kaming apat buong byahe hanggang sa tumigil kami sa tapat ng bahay namin. Bumaba agad kaming tatlo at saka nagpasalamat kay Lance na agad ding umalis para umuwi.
Nauna namang umuwi si Gavreel sa kanila dahil kailangan niyang ayusin ang recommendation form niya.
"Ahmmm... Uuwi kana ba?" tanong ko sa kaniya.
"Pwede naman ako mag-stay tonight sa bahay niyo," sabi niya na ikinagulat ko.
"Nagsabi kana ba kina tita?" tanong ko.
"Yes, at pumayag naman sila," nakangiti niyang sabi.
Hinawakan niya ang kamay ko at saka ako hinila papasok sa loob ng bahay namin.
Agad ko namang binuksan ang pinto at walang tao sa loob dahil mamayang 11 pa makakauwi sina mama dahil sa trabaho.
Agad naman kaming tumaas papunta sa kwarto ko para makapagpahinga. Nahiga ako at naupo naman siya sa kama.
"Ahmmm Leandro?" pagtawag niya sa akin.
"Baket? May kailangan ka ba?" tanong ko at saka umupo sa tabi niya.
"Galit ka pa rin ba sa akin?" malungkot niyang tanong.
Pinaharap ko siya sa akin at saka ko siya hinalikan sa noo at ngumiti sa kaniya.
"Hindi ako galit sa iyo," nakangiti kong sabi.
"Kahit na hindi ka galit gusto kong mag-sorry sa iyo," mahinahon niyang sambit.
"Sorry? Para saan naman?" Nagtataka kong tanong sa kaniya.
"Sorry sa lahat, alam ko na kahit 'di ka galit nasasaktan ka hindi ba," pangungulit niya.
"Sachi, ginawa lang natin kung ano 'yung makakabuti at hindi na rin naman iba satin si Gavreel hindi ba?" pag sagot ko.
"Basta ipangako mo sa akin na makaka-survive ka hanggang matapos ang bangungot na 'to," seryoso niyang sabi.
"Oo naman, malalagpasan natin kung ano man itong nangyayari na 'to kaya 'wag ka ng mag-alala," sabi ko sa kaniya.
"Gaya ng sabi ko sa iyo nung una hindi kita mapapatawad pag ikaw ang naunang mawala sa ating dalawa," sabi niya sa akin.
"Ano ka ba? Sa tingin mo ba matutuwa ako kung ikaw ang mauunang mawala sa atin?" pa sagot ko naman sa kaniya.
"Ahh basta promise me, hindi ka pwedeng maunang mawala sa game," pangungulit niya.
"Okay po, Promise!" sambit ko sa kaniya.
Ngumiti naman siya sa akin at ngumiti ako pabalik at saka kami nahiga para makapagpahinga dahil alam naming bukas ay may bagong mission na naman ang sa amin ay nag-aantay.
Habang nakahiga ay naiisip ko ang sinabi ni Kate kanina tungkol kay Aling Almira. Siya na kaya ang kasagutan sa mga tanong namin, makakatulong kaya siya sa amin, paano kung tumangi siya sa na tulungan kami dahil ayaw na nyang maging konektado muling sa bangungot na 'to. Madaming tanong ang gumugulo ngayon sa aking isipan.
Nagulat naman ako ng yumakap sa akin si Sachi kaya naman umayos ako ng higa at yumakap din sa sa kaniya at saka naisipan na ring mag pahinga.
Kate's P.O.V
Nang maka-alis na sina Leandro ay agad akong nagpaalam kay mama para umakyat na muli sa kwarto ko para maghanap pa ng ibang detalye .
Ilang minuto na ang nakalipas habang nag-fofocus ako sa paghahanap ng ilan pang detalye ay may kumatok sa pintuan ko at ng pagbuksan ko ito ay bumungad sa akin sina mama at Lance.
"Lance? Bakit ka nandito? Hindi ba at naka-uwi kana?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.
"May naiwan daw s'yang gamit, bababa muna ko ha tawagin n'yo na lang ako pag may kailangan kayo ha," pag bibilin ni mama.
Pinanood ko si mama na makababa sa sala at saka ko naman tinignan si Lance at nagtatakang tinanong siya kung bakit siya bumalik.
"I saw it," nakangiti niyang sabi.
"Ang alin? Nakita mo ang ano?" nagtataka ko pa ring tanong.
"Nang buksan mo laptop mo nakita ko yung article o post ba 'yon bago mo matanggal at pumunta sa ibang article na about kay aling Almira," diretso niyang sabi sa akin.
"Wala 'yon at isa pa gabi na baka hinahanap kana sa inyo kaya umuwi kana," sabi ko at sinubukan ko siyang pagsarahan ng pinto ngunit pinigil niya ko.
"Hindi gano'n kakitid ang utak ko para basta basta na lang maniwala sa sinasabi mo," sabi niya habang nakatitig sa akin.
Dahan dahan ko naman siyang pinapasok sa loob at saka pinasara ang pinto. Naupo akong muli sa study table ko at saka binuksan ang computer ko.
Wala na akong choice kundi sabihin na rin ito kahit hindi pa ako nakakasigurado kung totoo itong nakita ko.
"Minabuti kong hindi muna ito sabihin kahit kanino dahil wala akong katiyakan kung totoo ba ito o hindi," pagsisimula ko.
"Pero kung pagbabasihan natin itong blog na ito mapapansin mo na parehas ito ng nangyayari sa atin at tignan mo sa pinakababang bahagi ng post," sabi ko at saka siya lumapit para tignan ito.
"Ang link na naglalaman ng virus?" nagtataka niyang sabi.
"Tama, tinignan ko na rin ang link na nasa gc natin at parehong pareho sila," dagdag ko pa.
"Ibig mo bang sabihin may iba pang tao ang nakararanas ng kagaya sa atin?" pagtatanong niya.
"Kung pagbabasehan natin itong post na ito masasabi kong maari ngang meron pero wala pa rin tayong kasiguraduhan kaya minabuti kong isantabi muna ito at mag-focus kay Aling Almira dahil kulang pa 'ko sa detalye tungkol sa taong nag-post nito," pagsagot ko naman.
"Na-track mo na ba kung sinong nag-post?" pagtatanong niya.
"Hindi ko makilala 'yung nag-post pero nakuha ko naman 'yung location address niya," pag sagot ko.
"What if puntahan natin 'yon bukas? Wala rin naman tayong pasok na hindi ba?" pagbibigay niya ng opinyon.
"Ayos lang pero paano sina Leandro?" sabi ko.
"This matter is only between you and me," nakangiti niyang sabi.
Tumango naman ako at saka tumayo sa pagkakaupo ko.
"Okay, bale sa ngayon kailangan mo ng umuwi dahil gabi na at baka hinahanap kana sa inyo," sabi ko sa kaniya.
"Susunduin kita bukas ng 10 a.m. kaya mag-ready ka ah at salamat na rin sa pagtitiwala," nakangiti niyang sabi sa akin.
"Hindi ko sinasabing pinagkakatiwalaan na kita pero sana marunong kang tumupad sa kung anong mga sinasabi mo," sabi ko at saka siya hinila pababa para ihatid sa labas.
"Ahh Kate hindi mo naman kailangang hawakan kamay ko hanggang sa labas kaya ko naman maglakad mag-isa eh," sabi niya na ikinagulat ko.
"Pasensya kana hindi ko napansin ngayon magmadali kana sa pag-uwi dahil sigurado akong hinahanap kana sa inyo," sabi ko.
"Ano ka ba? 'Wag ka masyadong mag-alala sa akin," pang-aasar niya.
Sinubukan kong itago ang hiya ko sa pagsasalita ng walang emosyon at saka nagpaalam sa kaniya.
Pinanood ko naman siya hanggang sa makaalis na ito ng tuluyan at saka pumasok sa loob ng bahay.
"You didn't tell me na may boyfriend kana pala," pag-aasar ni mama.
"What? No, Lance is just friend of mine," pagsagot ko.
"Bakit ayaw mo ba sa kaniya? Gwapo, malinis, mabango, matangkad, magalang at isa pa anak subukan mo laging ngumiti para kang pinagsukluban ng langit at lupa palagi kang nakasimangot, ikaw rin baka tumanda kang dalaga," mahabang sabi ni mama.
"Nako ma, kung si Lance lang din ang makakasama ko sa pagtanda, 'wag nalang okay na po 'ko mag-isa," pagsagot ko.
"Bakit halos perfect match na kayo ni Lance, nako nak sa panahon ngayon iwasan mo ng maging chosy," pangungulit ni Mama.
"Ma ayoko lang po mag-settle for less kasi I deserve more than that," pagmamataas ko.
"Nako ewan ko sa iyo puro ka nalang babad sa computer mo," sabi ni mama.
Ngumiti naman ako ng pilit sa kaniya at saka ako umakyat sa kwarto ko. 10:45 pa lang ng gabi at ilang oras nalang ay muli na naman kaming sasabak sa iba't ibang missions at sa mga nakaraang araw nakagawa ako ng mga bagay na hindi ako sanay dahil sa larong ito.
Sinubukan ko muling maghanap pa ng ilang detalye sa taong nag-post ng blog pero sobrang napaka sekreto niya para 'di mag lagay kahit codename o nickname man lang. Dahil wala na akong mahanap na dagdag pang detalye tungkol sa kaniya ay naisip ko na ring magpahinga at mag-antay nalang para sa kinabukasang lakad namin ni Lance.
Sa ngayon ang iniisip ko ay ang pinag-usapan namin ni Lance, sino nga ba ang tao sa likod ng blog na 'yon at bakit kailangan niya pang isama sa post niya yung link ng virus at pangalawa may buhay pa kaya sa kanila kung sakaling parehas kami ng sitwasyo?
Sa ilang araw na lumipas ay sinikap kong makahanap ng mga detalye na makatutulong sa amin. Ngunit ang mga detalyeng nahanap ko ay mistulang katanungan pa rin para sa amin. Kaya't umaasa ako na makakatulong sa amin ang taong nag-post ng blog na 'yon at si Aling Almira. Silang dalawa nalang ang kinukuhaan namin ng lakas ng loob at inaasahan namin makakatulong sa paglutas ng sekreto ng laro ng ito. Sana gaya ng inaasahan ko ay handa silang tumulong kahit pa naranasan nila ang bangungot ng larong 'to.
Alive: 37 Dead: 8