Chapter 8

2190 Words
Sachi's P.O.V Nang magising ako ay mahimbing pa ring natutulog si Leandro, kaya naman naisipan ko ng bumaba sa kusina nila para magluto ng umagahan. Nang makababa ako ay napansin kong wala pa rin sina tita, ang akala ko umuwi sila kagabi ngunit wala pa rin sila hanggang ngayon. Naisipan kong magprito ng itlog at maghanda ng tinapay para sa umagahan naming dalawa. 5:37 palang ng umaga at mahimbing pa rin ang tulog ni Leandro. Habang ako ay nagluluto napaisip ako tungkol sa nalaman namin kagabi. Ano kayang malalaman naming impormasyon mula kay Aling Almira makatutulong kaya ito sa amin o hindi kami makakakuha ng sagot na hinahanap namin. Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarinig ako ng katok at agad ko iyong nilingon at nakita ko si Leandro. "Gising kana pala, umupo kana d'yan malapit na 'tong maluto," sabi ko sa kaniya na agad niya ring ginawa. "Ahmmn... Love? Tinignan mo na ba kung anong mission mo ngayong araw?" pagtatanong niya. "Hindi pa e, hindi mo ba tinignan?" sabi ko naman. "Ewan pero 'di na gaya ng dati mission ko nalang nakikita ko the rest wala akong na-recieve," sabi niya na ipinagtaka ko. "Hmmn... 'wag na muna natin 'yang isipin at kumain na muna tayo," sabi ko at saka naghain sa mesa. Matapos kong makapaghain ay agad din kaming kumain ni Leandro at dahil kailangan ko ring umuwi ng maaga at baka mag-alala sina mama. Kate's P.O.V Late na akong nagising ngayon dahil napuyat ako kagabi kakahanap sa mga information tungkol sa blogger na 'yon ngunit wala pa rin naman akong nahanap tungkol sa kaniya. At gaya ng inaasahan ay nabigo akong makahanap ng kahit anong detalye tungkol sa pagkatao niya. Malapit na ang napag-usapan naming oras ni Lance para puntahan ang adress ng blogger na 'yon kaya naman naghanda na ako. Ilang minuto pa ang lumipas ay may isang sasakyan ang bumusina sa labas at tinignan ko ito mula sa aking bintana at nakita ko ang sasakyan ni Lance at agad naman siyang bumaba ro'n at kumaway sa akin ng mapansin niya ako, kumaway naman ako pabalik at agad ding napatigil ng mapansin kong ang awkward masyado na para bang manliligaw ko siya at may date kami ngayon. Lumabas na ako ng kwarto ko dala ang ilan sa mga gamit ko at saka nagpaalam kay mama bago lumabas ng bahay. "Ang aga mo naman sa napag-usapang oras," bungad ko. "Mas okay na 'yon para hindi ka mag-antay," pagsagot naman niya. "Anong mission mo ngayong araw?" pagtatanong ko. "Medyo weird at nakakatakot pero ang misyon ko ay tumalon sa ikatlong palapag ng bahay o gusali," pagsagot niya. "Hindi ka naman mamatay diyan basta ayusin mo lang pagbagsak mo," sabi ko sa kaniya. Kahit sobrang seryoso kong magsalita ay nag-aalala ako para sa kaniya kahit papaano. "Ikaw ba?," tanong naman niya. "Set private property on fire," pagkasabi ko ay nagulat siya. "Pero hindi ba't maaari kang makasuhan at makulong pagginawa mo 'yan," nag-aalala niyang sagot. "Alam ko, pero 'wag muna natin 'yang isipin dahil mahaba pa naman ang oras at isa pa mukhang walang master of the game ngayon na maaaring magligtas sa atin," pagsagot ko. Agad naman kaming sumakay sa kotse niya at saka kami nagsimula sa pagbyahe patungo sa adress na nakuha namin. Habang nasa byahe kami ay naisipan kong mag-research tungkol sa blogger na 'yon dahil maliban sa pen name niya ay wala ng ibang detalye ang nakalagay sa kaniyang bio. "Anong ginagawa mo?" pagtatanong ni Lance. "Some research," sabi ko. "May nakuha kabang ibang impormasyon?" pagtatanong niya. "Wala pa rin pero pag narating natin ang lugar na 'to baka maaari tayong makahanap ng dagdag na impormasyon," sabi ko. Pagkatapos no'n ay nag-focus na siya sa pagmamaneho at tahimik naman akong nakadungaw sa bintana ng sasakyan para pagmasdan ang tanawin. Buong byahe ay tahimik lang kaming dalawa hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang lumang bahay. Nagkatinginan naman kaming at saka kami bumaba ng sasakyan para tignan ito at magtanong sa mga tao sa paligid. "Mukhang wala ng nakatira diyan," pagpuna ko sa istura ng bahay. "Subukan nating magtanong sa mga taong nakatira rito," sabi ni Lance. Naglakad kami ng konti hanggang sa may makita kaming tindahan at agad naman naming tinanong ang babaeng tindera tungkol sa bahay. "Hello po! Nasaan na po ba 'yung nakatira sa bahay na 'yon?" sabi ko sabay turo sa bahay. "Ah 'yang bahay na 'yan ay isa ng abandonado, walang nakatira diyan matagal na at maraming kabataan ang napasok diyan," sabi ng tindera. "Ahh gano'n po ba? May kilala po ba kayong huling pumasok diyan?" tanong ni Lance. "Ang natatandaan kong huling pumasok diyan ay mga estudyante, grupo ng nga estudyanteng maggagawa raw ng documentary at pagkatapos ng araw na 'yon nalaman namin na isa isa silang namatay," pagkukwento ng tindera. Nagkatinginan naman kaming muli ni Lance at saka muling nagtanong sa tindera. "May kilala po ba kayong kahit isa sa mga estudyante?" tanong ko. "Pasensya na neng, wala e," pagsagot nito. "Ayos lang po, maraming salamat po!" nakangiti kong sabi. "Pero may anak akong kaibigan ang mga estudyanteng nagpunta nung araw na 'yon," sabi niya. "Pwede po ba naming makausap ang anak niyo?" pagtatanong ko. "Kasalukuyang dinala ang anak ko sa isang mental hospital dahil sa mga kung anu-ano niyang pinaggagagawa at pagkuha ng mga litrato sa bangkay ng mga kaibigan niya," sabi ng tindera. Nakipag-usap pa kami saglit at saka nagpaalam para bisitahin ang anak niya sa nasabing mental hospital na medyo may kalayuan mula rito. Binigay ng babae ang calling number ng ospital na agad naming tinawagan para sa pagbisita. Noong una ay hindi pumayag si Anika pero nakumbinsi ko siya ng bigla kong masabi ang pangalan ng laro at agad na nagsabing magdala kami ng rose flower, papel at posporo na agad naming binili. "Tingin mo makakakuha tayo ng sagot mula sa kaniya?" tanong ni Lance habang naka-focus sa pagmamaneho. "Ang kailangan lang natin ay magpakilala at nakalagay sa rules na maaari nating makausap ibang players at tingin ko naman kabilang na rin sila ro'n," sabi ko. Habang nasa byahe ay nakatitig lang ako sa profile ni Anika Salvador na anak ng tinderang naka-usap namin kanina. Base sa kaniyang profile ay isa siyang estudyante ng New Malayan University. Mahigit kalahating oras din kaming nasa byahe at malapit na kami ngunit napagdesisyunan naming tumigil muna sa isang kainan para kumain. Pagkatapos ay muli kaming bumyahe patungo sa Mental hospital at agad na nakarating doon. Agad namang nag-park ng sasakyan si Lance at bumaba na kami dala ang pasalubong namin kay Anika na hiniling niya kanina. Nang makapasok kami sa loob ay agad kaming binati ng isang babae at tinanong kung sinong bibisitahin at agad na kaming pinapasok sa isang kwarto kung saan namin pedeng makausap si Anika. Nang makita naman siya ay nakangiti akong tumingin sa kaniya at saka kami ni Lance naupo sa harap niya. Inabot ko naman ang bulalak, papel at posporo sa kaniya na agad niyang inilapag sa gilid niya. "Bakit kayo nagpunta rito?" tanong niya habang ginugutay ang bulaklak. "Ah tungkol sa laro? At sa mga kaibigan mo? Anong nangyari aa kanila?" sunod sunod kong tanong. "Sa tingin ko may ilan pang buhay sa kanila at wala na 'kong paki-alam ro'n," nakangiti niyang sabi. "Anong alam mo tungkol sa laro? At sa misyon mo? Paano mo nagagawa 'yon sa loob ng ospital na 'to?" tanong kong muli. "Ang missions ay nakadepende sa environment mo, mas maliit na espasyo mas madaling misyon," nakangiti niyang sabi. "Sinasabi mo bang tumira kami sa Mental Hospital kasama mo?" tanong ni Lance. "Pfftt. Alam niyo madali lang 'yang mission kung magtutulungan kayo," natatawang sabi ni anika. Nagtataka naman ako sa ginagawa niya dahil tinanggal niya ang lahat ng bulaklak at inilagay roon ang mga papel na gutay gutay at lamukot. "Pwede mo bang ipaliwanag ng maayos?" pagtatanong ko. "Alam mo ba na ang papel ay isa sa mga highly flammable na bagay? kunin mko 'to," sabi ni anika sabay abot ng posporo sa akin. "Go, burn it!" nakangiti niyang sabi. "Marami pa kaming kailangang itanong sa'yo," sabi ko sa kaniya. "Pero wala na kayong oras at isa pa ito na ang pagkakataon mong magawa ang misyon mo," nakangisi niyang sabi. Agad kong hinawakan ang posporo na iniaabot niya sa akin at ilang minuto pa ay isang kaguluhan ang nangyari na nagdulot ng pagtunog ng alarm ng hospital na ikinabahala namin. "Gawin mo na! Ito na ang pagkakataon mo," pamimilit niya sa akin. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para sindihan ang mga papel at agad naman itong umapoy dahil na rin sa gas na inilagay ni Anika. Ikinagulat ko naman ng kunin nya ito at ihagis niya ito sa mga libro. Na agad ring lumiyab ng malakas sa 'di ko alam na dahilan. "Did you see that? Ang kailangan n'yo lang ay magtulungan. Ang misyon ko sa araw na 'to ay sirain ang mga libro at ang misyon mo ay sunugin ang isang pribadong lugar " pagpapaliwanag niya. Nagtaka naman ako sa kung paano niya nalaman ang misyon ko para sa araw na 'to. Palaki na nang palaki ang apoy at hindi gumagana ang mga sprinkler ng kwartong ito. Naharangan ang daanan namin palabas dahil sa paggapang ng apoy patungo rito at kung sakaling pilitin naming dumaan doon ay siguradong mapapaso kami sa apoy. "Kailangan niyo ng umalis dito at huwag kayong mag-alala ang mga sagot mismo ang kusang lalapit sa inyo," nakangiti niyang sabi. Nagkagulo naman ang ibang pasyente at mga tauhan sa loob at nagsimula na ang takbuhan at sigawan. Hinawakan naman ako ni Lance sa kamay ko at saka ako hinala palayo mula sa lumalaking apoy. Ilang minuto na ang lumilipas ay nagkakagulo pa rin sa loob hanggang sa makarinig kami ng tunog ng bumbero at rescue. Mula sa bintana ng kwartong ito ay kita naman ang mga tao sa ibaba at inihahanda ang isang malaking bagay na maaari naming talunan. Agad namang nag bigay ng signal ang tao sa ibaba na maaari na kaming tumalon mula sa pwesto namin. Binasag naman namin ang bintana dahil doon kami dadaan para makatalon. Agad akong binuhat ni Lance para maka-akyat ako sa bintana at ang lahat naman ay pumila ng maayos para makababa. Bago ko tumalon ay muli kong nilingon si Anika at nakangiti lang siya habang nakatingin sa akin. Bago ako tuluyang tumalon ay ngumiti ako sa kaniya na tila ba nagsasabing salamat at mag-iingat ka. Nang makalabas kami ay nag-umpisa na ang ibang rescue sa pagpasok sa loob at pagpatay sa apoy. Agad naman kaming pumunta sa parking ni Lance para makahinga ng maluwag. Hindi na kami dumeretso sa medic team at agad na umalis mula do'n. "Kailangan na siguro nating umalis dito," hinihingal na sabi ni Lance. Tumango naman ako bilang pagsagot at saka kami sumakay sa kaniyang sasakyan at saka naman s'ya nagsimulang magpatakbo ng sasakyan. "Hindi ko inaasahang ganoon ang mangyayari," seryoso niyang sabi. "Kahit ako ay nag-aalala ako para sa kalagayan ni Anika," malungkot kong sabi habang nakadungaw sa bintana. "Buti kahit papaano may nakuha tayong sagot mula sa kaniya hindi ba," masayang sabi ni Lance. "Kahit sobrang confusing ng mga naging pagsagot n'ya atleast nagkaroon tayo ng konting ideya," pagsang-ayon ko. "Kung gano'n mag-isa nalang kaya s'ya?" Tanong ni lance. "Hindi natin alam kung may iba pabang buhay sa mga kasamahan niya," sabi ko. "Gaya ng sabi nya ang sagot mismo ang lalapit sa atin," seryoso niyang sabi. "Isa nalang ang pag-asa natin si Aling Almira sana'y handa siyang tulungan tayo," malumanay kong sabi. Natapos ang usapan namin sa ganoong lagay hanggang sa makauwi kami. Inihatid niya ako hanggang sa tapat ng bahay namin at saka nagpaalam para umuwi. Alam kong pagod na siya sa byahe at sa mga nangyari buong araw. At kahit ako ay pagod na rin at medyo sumasakit ang ulo ko. Nang buksan ko naman ang cellphone ko ay nakatanggap ako ng tawag at message mula kay Leandro pero hindi ko na 'yon binigyang pansin at dumiretso na sa kwarto ko para makapagpahinga. Leandro's P.O.V Kasalukuyan akong nasa bahay kasama sina Reiz, Sachi at Gavreel. Nang puntahan namin si Kate sa kanila kaninang umaga ay sinabi ng kaniyang mama na wala ito at umalis kasama si Lance. Pero saan sila maaaring pumunta ng silang dalawa lang. "Sa tingin ko may tinatago sa atin si Kate," pagsisimula ni Sachi. "Bakit naman kaya magtatago ng sekreto si Kate at ang isa pang tanong bakit sa atin?" pagtatanong ni Reiz. "At bakit niya kasama si Lance? Hindi ba't palagi silang hindi nagkakasundo," singit ni Gavreel. "Sa tingin ko may binabalak silang dalawa na hindi natin maaring malaman," pag-uusisa ko. "Pero sinisigurado kong malalaman rin natin 'yon," dagdag ko pa. "Sa ngayon kailangan nating mag-focus sa mission hanggang sa matapos ang graduation day," sabi ni Sachi. Sa susunod na dalawang araw ay graduation na namin at pagkatapos noon ay pupuntahan namin si Aling Almira na ayon kay kate ay nakaligtas sa dating sakuna na kinahaharap namin ngayon. Sana'y makahanap kami ng sagot mula sa kaniya. Sana'y handa siyang tulungan kami para maka-alis sa ganitong sitwasyon. Alive: 37 Dead:8
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD