Naghanap ang dalawa sa mga pweding pagtaguan ni Erwin kay Belinda.Nang makita kasi nila ang video na kuha sa loob ng kulungan.Hindi sila makapaniwala na magagawa iyon ni Erwin.Pinuntahan nila ang boarding house nito,pero wala duon,pinuntahan din nila ang mga bahay na nakapangalan sa kanya. Pero wala silang mahanap.
“Andrew may nabanggit ba si Erwin pagmagkakasama kayo na lugar na palagi nyang pinupuntahan,o pagaari na pwed nyang pagdalhan kay Belinda”
“Kuya ,wala e, sandali.....nabanggit nya na dati daw pag sinasaktan sya ng mga nag ampon sa kanya,nagtatago sya sa buhangin, sa beachpara hindi sya makita ng mga ito.Posible kuya na nasa beach sila”
“Tama mag search tayo ng property nya na malapit sa beach”binuksan ang laptop nya at sinimulan na ang paghahanap.
“Kuya may nakita kana”
“Sa mismong dating bahay ng dating nagampon sa kanya lang ang andito,doon tayo pumunta.”
“Sige kuya”
Pinuntahan nga nila ang bahay,pati na ang malapit na beach,pero nabigo sila.
“Andrew magisip ka pa,hay ......Belinda asan ka na ba....”
Pumasok na sila sa sasakyan at maghahanap na naman ,magdidilim na,buong araw na silang naghahanap ,pero wala,hindi talaga nila makita.Tumawag sya sa mga pulis kung may impormasyon na sila,at kung may nahanap.Maging ang mga pulis ay wala ding masagot sa kanila.
Sa hospital,nagpanggap na Doctor si Erwin ,padaan daan sya sa kwarto kung saan naka confine si Albert,sa may gilid lang din na silid ang kwarto ni Lando at Julio. Sa nakikita nya mukhang mahihirapan syang maisagawa ang plano,sundalo na kasi ang nakabantay sa labas. May 3 pa sa loob,kung makapasok man sya sigurado mapapatay din sya ng mga bantay nito.Naiinis na sya,hindi sya makahanap ng magandang tyimpo. Kaya umuwi nalang syang bigo at galit na galit.
Nang makarating sa bahay,alak kaagad ang kinuha at dumiretsu sa kwarto ni Belinda.Nagulat sya ng hindi makita si Belinda sa loob ng kwarto,kinuha nya ang baril na nakasabit sa likuran.Check nya sa Cr ,pagbukas nya ,Si Belindang may hawak na basag na salamin ang bumungad sa kanya ,Naiwasan nya iyon kunting galos lang sa balikat ang natamo nya.Sinipa pa sya ng babae,tumalsik ang hawak na baril. Nagaway pa sila ng babae,pinuntirya nya ang sugat sa tyan nito,pero talagang madulas ang lalaki,nakakaiwas ito sa sipa nya.Nakipagsabayan pa ito sa kanya.Patawa-tawa pa ito,ginagalit si Belinda.Sinipa na naman sya ng babae nataman ito tumalsik pero sakto namang malapit na ito sa baril nya.Tumakbo na si Belinda palabas ng kwarto.Hinabol sya ng lalaki,binuksan na nya ang main door,binaril sya ng lalaki ,natamaan ang paa nya.Nagpatuloy sya sa pagtakbo palabas ,binaril na naman sya ,sa balikat na sya natamaan
“Belinda ,hindi ka makakatakas sa akin”
Binaril sya ulit nito natamaan na naman ang isang paa,wala kasi syang mapagtaguan paglabas kasi ,beach na ,wala ding tao sa paligid,mahabang puro buhangin lang makikita mo.Natumba na sya.Umaagos na din ang dugo sa balikat nya ganon din sa paa nya,sobrang sakit.Kinarga sya ng lalaki papasok ng bahay.Tinali ang mga paa at kamay nya.
“Siguro naman ngayon ,hindi ka na makakatakas”
Tinalian nito ang sugat sa balikat ,tiningnan ang sa paa at kinuha ang bumaong bala sa paa nya.
“Pasalamat ka Belinda hindi kita matiis na nahihirapan kaya ,gagamutin kita.”
Nang matapus.Pinatayo ang mesang sinipa nya kanina at upuan,naupo sya duon.
“Belinda,alam mo ba na natakot ang mga mortal mong kaaway,ang daming sundalong bantay sa loob,....hahaha(malakas na tawa)takot na takot silang mamatay.”
“Erwin tigilan mo na nga yan,ako ang papatay sa kanila”
“(tumawa ng malakas)anu yon Belinda ,pinatatawa mo naman ako,nakalimutan mo ata na genius tong kausap mo,susubukan mo pa talagang utuon ako(tumawa na naman ng malakas)para anu makatakas ka....Hay naku Belinda,kilala na kita.Unang dating mo palang sa school ,alam ko na na magiging akin ka....kaya gagawin ko lahat ng paraan para maging akin ka.”
“Anu,baliw ka na ba”
“Oo Belinda nabaliw na ako sayo,dinaan ko sa pagpapacute pero walang epikto sayo,sinundan pa kita ng boarding house,nagtsaga ako sa maliit na boardinghouse na iyon para mapalapit lang sayo,pero wala ding kwenta,pumatay na din ako.Sabi ko sa sarili ko hindi na ako papatay pa,magbabagong buhay na ako aayusin ko buhay ko,pero nang makilala kita,bumalik na naman ako....hay naku Belinda”
“Erwin tama na hindi mo mapipilit ang gusto mo”
“Anong hindi,malapit na Belinda, bakit ha anong ayaw mo sa akin,may hitsura naman ako,matalino at madami ding pera,maibibigay ko lahat ng gusto mo,alahas,magagandang damit ,gamit ,bahay at sasakyan,anu pa ba gusto mo ibibigay ko sabihin mo lang”
“Wala akong gusto”
“Sige lang sa ngayon......ganyan ka magisip pero pagmatapus na ang plano ko,at pagnasa Malaysia na tayo,matutunan mo na din akong mahalin. Since ayaw mo namang kumain , matulog kana mahal ko”
Paikot ikot lang ang sasakyan nila Mikael,walang saktong pinupuntahan ,lagpas na din midnight.
“Kuya Mikael sa palagay ko magpahinga na muna tayo.Para makapagisip at may lakas na naman sa paghahanap.”ang sabi sa kanya ni Andrew.
“Andrew hindi tayo pweding tumigil......baka kung anong gawin ng lalaking yun sa kapatid mo.”
“Pero hindi rin natin alam ang saktong lugar ,paikotikot lang din tayo..”
Hindi sumagot ang lalaki,patuloy lang ito sa pagmamaneho.
“Kuya”
“Anu ba Andrew hindi ka ba nagaalala sa kapatid mo”Inihinto ang sasakyan at pasigaw na ang pagkausp kay Andrew.
“Nagaalala din ako kuya ,pero sa ngayon,hindi tayo makakapagisip ng maayos dahil pagod,kulng sa tulog at mula pa kaninang umaga wala tayong kain.Kaya kuya magpahinga na muna tayo”
“Belinda asan ka na ba”umiiyak na syang sinusuntok ang manubela ng sasakyan.Lumabas na muna ng sasakyan si Andrew,hinayaan nya na muna si Mikael na magiiyak sa loob,naghanap sya ng pweding mapagbilhan ng pagkain.Isang fastfood chain ang nakita nya.Bumili sya duon at bumalik sa sasakyan.Kumain silang dalawa at nagpahinga na muna sa loob.