Nagulat sila ng nagkagulo sa labas.May pulis na papalapit sa kulungan nila,nakaface masked ito,binuksan nya iyon at nang makita sya hinila si Belinda palabas .Akmang haharang sana ang mga kasamahan nya ng biglang inilabas nito ang kanyang baril at tinutukan sila.Nagtanong pa sya kung saan sya dadalhin pero wala itong sagot.Tumigil sa paglalakad si Belinda,tumigil din ang pulis at mabilis na dumukot ng bulsa nya at may spay na inispray nya sa mukha ni Belinda kaya nawalan ito ng malay.Kinarga sya ng pulis at sumakay sa police car at lumabas na.
Nang magkamalay si Belinda ,nakahiga na sya sa kama, tumingin sya sa paligid walang tao,nakalock ang pinto.Sumilip sya sa bintana kung may madadaanan sya pero puro may bakal iyon ,pumunta sya sa banyo,wala din,may bakal din.Umikot ikot pa ito sa kwarto. Wala talaga syang malalabasan kundi ang pintuan lang.May bumukas ng pinto.Si Erwin,nakangisi na sa kanya.May dalang tray ng pagkain.
“Erwin ikaw ang nagtakas sa akin”tanong nya sa lalaki”
“Oo Belinda ,masaya diba malaya kana,walang binatbat ang mga pulis nasalisihan sila ni Erwin” umupo ito sa mesa
“Panu mo ginawa yun”naguguluhan nyang tanung at naupo paharap sa laaki
“Simple lang Belinda,May binayaran akong priso para magkagulo.Ang mga tanga namang pulis hindi nila namalayan na may nakapasok na na taga labas nakasuot lang ng uniform e nasalisihan na sila.”
“Hindi mo dapat ginawa yun Erwin,mas lalong madadagdagan ang kaso ko,wala akong kasalanan wala akong pinatay na tao,kailangang mahuli na ang killer”
“Bakit Belinda,hindi ka ba natutuwa na may pumapatay sa mga pumatay sa mga magulang mo,diba sabi mo gusto mo silang mamatay”
“Oo nasabi ko yun,pero in natural way,ayo kung mamatya sila na may pumatay sa kanila”
“Ganon din yun Belinda”
“So panu ngayon e pugante ako,hindi naman ako makakalabas,hindi na magiging normal ang buhay ko”
“Belinda may private choppers ako,sumama ka sa akin magpakalayulayu tayo,may binili akong private rest house sa malaysia,any time makakapunta tayo dun.”
“Anu ayo ko paanu si Andrew”
“Susunduin ko rin sya”
“Ayaw ko gusto ko parin ng normal na buhay Erwin”
“Hindi na normal ang buhay mo Belinda dahil lahat ng Evedence ikaw ang tinuturong pumatay sa kanila.”
“Pero hindi ako ang pumatay sa kanila”
“Pero wala ka nang magagawa”
“Pwede bang makahiram ng cellphone tatawagan ko si Mikael,hihingi ako ng tulong.
Nang marinig ni Erwin ang pangalan ni Mikael,umiba ang awra nito,nagalit na ito ng tudo.
“Wala kang tatawagan na kahit sino Belinda”
Nagulat pa si Belinda sa inasal ni Erwin naging bayulente ang lalaki,sinipa nito ang lamesa,natapon na tuloy ang pagkain.Hinawakan nya ang mga kamay ni Belinda.Nagpumiglas ang babae.
“Erwin anu bang nangyayari sayo”
“Walang ibang makakatulong sayo Belinda,kundi ako lang “
Nagpumiglas sya sa lalaki at sinipa ito.Natamaan ang tagiliran nya,dumugo agad iyon,mukhang may sugat ata.Pero hindi iyon ininda ng lalaki,akmang sisipain na naman ni Belinda ang lalaki pero nakipagsabayan ito sa kanya.Hinarang din ng Sipa ang sipa nya pareho silang natamaan.
“Akala mo ba Belinda ikaw lang ang marunong mag taekwondo,nagtraining din ako”
Humanda na naman si Belinda sa gagawing pagatake ng lalaki.Pero sadya talagang malakas ito at magaling din,napuruhan sya sa huling sipa nito sa tyan nya.Nakabagsak na sya sa sahig.Kinarga sya ng lalaki at inilagay sa kama.Tinalian ang kamay at paa nya.
“Anu ba Belinda para sayo tung ginagawa ko.Sinabi ko naman sayo na mahal na mahal kita diba,at patutunayan ko sayo yon.Mamaya sa hospital,papatayin ko na ang tatlo,kung nasalisihan ko nga ang mga pulis sa kulungan ang mga bantay pa kaya sa hospital kaya bukas maghanda kana pupunta tayong Malaysia Belinda,tatapusin ko lang muna ang tatlo ha kaya,aalis muna ako mahal ko....magpakabait ka muna dito(Sinabayan pa ng malakas na tawa)
Wala sa isip ni Belinda na si Erwin ang killer.