chapter 16

325 Words
Chapter 16 Lahat ng evidence ay sya ang tinuturong ,gumawa ng kremin. Kaya pinuntahan kaagad ng pulis si Belinda sa apartment nya at dinala sa presinto.Andon din si Leo nakatingin sa kanya.Kitangkita parin ang galit sa mga mata nito.Naka schedule na ang unang litis nya sa korte. Unang araw nya sa kulungan,May nagkukumpulang mga priso ,sya ang pinaguusapan at tinitingnan ng mga ito.Tahimik lang syang nakaupo sa higaan nya.May lumapit sa kanyang dalawang babae. “Hi ako nga pala si Beatrice,kakapasok mo lang”ang sabi ng isang babae “Wag ka nang magtaka kung ikaw ang pinaguusapan nila,kasi maganda ka ,naiinggit lang ang mga yan ,ako nga pala si Maring ,Anu nga palang kaso mo?”ang sabi pa ng isa “Murder”ang tipid na sagot nya sa dalawa. “Ikaw ba talaga ang pumatay”ang tanong pa ni Maring “Hindi” “Ganyan naman talaga ang sagot ng lahat dito,sino ba namang kriminal ang aamin sa krimeng ginawa”dagdag pa ni Maring “Maring tama na”ang pangaawat ni Beatrice sa kaibigan. “Hindi naman na kita pipiliting maniwala pa” “Anu nga palang pangalan mo?”tanung ni Beatrice “Belinda” Oras na ng kainan sa loob ng prisohan,nakalinya na lahat may hawak na plato,may mga bagong priso din na bagong pasok katulad nya.Pinatikim kaagad sila ng sisisga siga doon,hindi nya nalang pinansin .Naupo silang tatlo sa isang mesa. “Belinda,hanggat maaari iwasan mo ang mga grupong yan ,mapapahamak kalang at madadagdagan pa ang kaso mo”ang paalala ni Beatrice sa kanya “Kung hindi naman po nila ako pipiktusan e,hindi ko rin naman sila pakikialaman” sagot ni Belinda “Oo tama yun,ganyan dapat” ang nakatawa pang sagot ni Maring Ngayon palang nabagot si Belinda sa tanang buhay nya,Napakabagal ng mga oras at araw nya sa loob.Naiinis din sya sa mga kasamahan nyang nagsisiga duon.Hangat kaya nya umiiwas nalang din sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD