chapter 15

1010 Words
Agad na pumunta si Leo sa Condo ng Tito Mikael nya para sana magpatulong dito.Pero nang makapasok at makita duon sa loob si Belinda. “Ikaw Belinda,ikaw ang may kasalan ng lahat ng ito,oh anu masaya kana ha,nag-aagaw buhay na ngayon ang Papa ko sa Hospital,hindi pa ba sapat na sinaktan mo ako,niloko ,Dyos ko pinatay mo na ako sa sakit Belinda ,Idinamay mo pa si Papa.Nakapaghiganti ka na ba ,natahimik kana “ Pinigilan pa sya ng Tito nyang makalapit sa nakaupong babae. “Leo ,makinig ka nga ,wala syang kasalanan,andito lang sya ,buong gabi ko syang kasama”ang sabi sa kanya ng tito Mikael nya “Tito wag kayong maniwala sa babaeng yan,pinapaikot nya lang utak natin,mamamatay tao yan sya.Matalino kang tao kaya wag kang pauuto.” “Leo umalis kana ,puntahan mo na muna si kuya sa hospital.” “Tito bakit ha,anu binigay na ba sayo ng babaeng yan ang p********e nya,kaya napapasunod ka nya sa gusto nya” Sinuntok nya si Leo,pagkarinig ng mga salitang yun,gumanti nadin ang isa.Tumayo na si Belinda at inawat ang dalawa. “Tama na anu ba,tumigil na kayong dalawa” Pero ayaw talagang maawat ng dalawa.Sya nalang ang umalis sa Condo ng lalaki.Tumigil na rin ang dalawa ng makitang umalis na sya Pumunta si Mikael sa apartment ni Belinda.Sinabi nito ang lahat ng nalaman mula kay Leo. “Paanu namang kami ang sisisihin nila sa pagpatay Mikael,wala akong kasalanan doon,tinakot ko lang sila,takutin lang talaga sila yan lang ang plano ko,wala sa ediya ko ang pumatay ng tao.Hanggang kusa nilang aminin ang pagpatay sa mga magulang ko at sumuko para mabigyan na kami ng hustiya.” “Belinda may mga Evedence sila na nakalap” “Naghahalughog sila sa dati mong boardinghouse house nakita duon ang kutsilyong ginamit sa pagpatay kay Kuya Delfin at ang litrato nilang limang magkakaibigan” “Anu panu nangyari yun” “Belinda nabanggit ni kuya Lando na lalaki daw ang nagkidnap sa kanila ni Kuya Albert,alam ba ni andrew ang tungkol sa pananakot mo kay Kuya Delfin ,ang tungkol sa 5 magkakaibigan?” “Hindi Mikael,hindi ko nakwento yun sa kanya” “Wala ka bang napansing kakaiba sa kanya,o sugat sa kamay kasi,nakwento sa mga pulis ni kuya Julio na nasugatan nya daw s akamay ang lalaki ,nang magagawan sila ng manubela,. “Gising na sya” “Oo ,sabi nya na nagpanggap daw ang lalaki na ,bayaran ng madaanan nya sa may parking lot ng funeral homes,nagkasundo daw sila sa halagang 2000 kaya pinasakay nya ito sa sasakyan.Sa motel daw sana ang punta nila pero sa daan daw sya kinumprunta sa pagpatay sa mga magulang nyo.” “Sugat sa kamay,kelan nga yon,.....tama may sugat nga sya sa kamay sabi nya sinugatan sya ng girlfriend nya,,,pero hindi....kilala ko si Andrew,hindi nya yun magagawa.” “Kung hindi si Andrew ,sinu pa ang nakakaalam,magisip ka pa Belinda ng pwede nating mapaghinalaan” “Wala na sino pa ba” May pumasok sa pinto.Si Andrew yun.Napatingin ang dalawa sa kanya.Ikinagulat pa nya.Pinaupo nya si Andrew at ikinuwento dito ang mga nangyayari at lahat ng mga nalaman nila. “Ate anu ba kilala mo ako,hindi ko magagawang pumatay ng tao.at wala akong alam sa mga yan at tsaka may witness akong mga katrabaho nang nangyari ang pananakit sa akin ng girlfriend ko, promise”paliwanag nya sa dalawa. “Kung ganon Andrew sino pa? Wala talaga akong pweding panghinalaan” “Sigurado naman ako na hindi ikaw yun Belinda ,dahil nang nangyari ang pangingidnap kay kuya Lando at Kuya Albert ,buong gabi kitang kasama”ang sabi naman ni Mikael “Wala rin akong maisip e”ang dagdag pa ni Andrew “Ako ang makukulong nito,ang kutsilyo kasing ginamit na panakot ko kay Tito Delfin ay kutsilyo yon sa Boardinghouse house ,hiniram ko lang yon at ibinalik naman,wala pa naman akong gamit na gloves nang hinawakan ko yun kaya ,at yun pa talagang kutsilyo ang ginamit ng killer,kaya siguradong ako ang magiging suspect sa pagpatay kay Tito Delfin,at bakit ko pa kasi naiwan ang picture don sa dating boardinghouse natin.Tanga lang talaga....” “Malakas ang kutob ko na ang killer ay kilala kayong dalawa at alam lahat ng galaw nyo. Belinda ang Nanay Ramona nyo kaya” “Ha imposible naman ata yun kuya Mikael,”ang di pagsangayon ni Andrew sa kanya. “Baka nga kasi diba sabi nya satin dati,nung pinatatahan ka nya,nung hinahanap mo yong mga magulang natin sa gabi,wala kang tigil sa pagiyak “Andrew tama na ,wag kanang umiyak,wag kang magalala ,kasi kapag nalaman ko at nakita ang pumatay sa mga magulang nyo,susugurin ko at papatayin para makaganti sa kanila”ang naalala ni Belinda “Ate pinatatahan nya lang ako”ang sabi naman ni Andrew “Oo nga”ang pagsangayon naman ni Belinda “Pero posible yun,sa subrang pagmamahal nya sa inyong dalawa,baka nga ,dalawin natin sya,magtanong lang tayo at magobserba.” “Ha!!!!pero sige dalawin na din natin sya Andrew,hindi na kasi sya nakadalaw sa atin simula ng maglipat tayo sa bagong apartment,at tsaka baka makulong ako,matagaltagal ko pa kayo makikita ulit.” “Wag mo ngang sabihin yan ate,hindi ka makukulonglalabas din ang tutuo” Pinuntahan nga nila sa dating bahay nila ang Nanay Ramona nila.Nagulat pa sila ng may nagkakagulo duon.May mga tanod sa labas ng bahay nila .Lumabas si Jordan na may tali ang mga kamay at bitbit ng dalawang tanod,lasing na lasing ito.Dumiretsu sila sa loob ng bahay.Nakita nila ang Nanay Ramona nila na puro bugbog ang katawan.Maraming pasa at mga sugat sa katawan .May nurse na gumagamot dito. Agad nilang niyakap ito. Sabi pa nya binugbug daw sya ng jordan dahil walang maibigay sa kanya na pera.Awang awa ang magkapatid sa sinamit ng kanilang Nanay.Nakiusap pa ito na bumalik na silang dalawa.Si Andrew lang ang pinabalik nya doon,ayaw nya kasing makitang madagdagan pa ang pasakit nito pag nakita syang hinuhuli ng mga pulis. Alam nya kasi na anu mang oras ay pupuntahan na sya at huhulihin ng mga pulis
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD