chapter 14

1099 Words
Chapter14 Umuwi nalang si Leo at ang Papa nya,sumama nadin ang Tito Lando nya.Pagdating bote ng alak agad ang hinanap ni Leo ,umupo sya sa garden nila malapit sa pool at tinungga ang alak na hawak habang umiiyak.Nilapitan naman sya ng dalawa “Iho baka hindi pa ready yung bride mo,minadali mo lang siguro sya”ang sabi ng Tito Lando nya “Hindi Tito,mula pagkabata kilala ko na si Belinda,hindi yun basta basta umuuo pag hindi sya siguro” “Baka naman may problema sya anak,hindi nya lang masabi sayo,ayusin nyo na muna yon”dagdag pa ng Papa nya. “Mahal ka ba talaga nya iho?tanong pa ng Tito Lando nya “Yes po Tito,nararamdaman ko yun pag kasama sya,at mahal na mahal ko din sya,pero panu nya nagawa sa akin t0?”ininum ang alak na nasa baso “Hay naku,tama na yang paginom” awat sa kanya ng Papa nya “Hayaan mo lang sya Albert,dito lang naman sya sa bahay nyo,para makatulog yan”sinabayan din ng pagtungga si Leo. Naginuman pa sila,maliban lang sa Papa nya naka dalawang shot lang ito dahil may gamot daw na iniinom.Nang malasing ,natumba sa Mesa si Leo,inalalayan sya ng Papa nya papasok ng kwarto.Si Lando naman hinatid nya sa hotel nito dahil lasing narin. Nang nasa daan na sila bigla nalang may nagovertake sa sasakyan nilang motorsiklo at natumba ito sa harapan nila.Agad namang bumaba si Albert para e check ang natumba,si Lando naman tulog na tulog .Nakita nyang nakahandusay ang sakay niyon.Nakasuot ito ng black jacket at pantalon at nakahelmet din.Nilapitan nya ito para sana tulungan paro bigla nalang itong bumangon at pinalo sya ng bat sa ulo. Nagising silang dalawa sa tubig na binuhos sa mukha nila.Pareho na silang nakatali ang mga kamay at paa,nakaupo sa kahoy na upuan. “Ang sarap naman ng tulog nyong dalawa ah”ang sabi pa ng taong nasa harap nila,nakahelmet pa rin ito. “Anong kailangan mo pera,sabihin mo lang kung magkano ibibigay ko”ang sabi sa kanya ni Lando “Hindi ko kailangan ng pera marami na ako non,buhay nyo ang kailangan ko, kung si julio nakaligtas at nasa ospital ngayon,kayong dalawa sisiguraduhin kung patay bago iwan,ha....ha....ha....kaya magdasal na kayo kay satanas.....(tumawa pa ito ng malakas),Lalo kana (lumapit ito kay albert at hinawakan ang baba nya)ikaw nman talaga ang pumatay sa magasawang Suarez diba ,ikaw ang bumaril,ang mga kasamahan mo nadamay lang kaya ikaw ang papahirapan ko muna bago patayin” “Anong pinagsasabi mo,hindi ko maintindihan” “Hindi ,nagka amnesia ka na ba ?sige ikukwento ko .June 1,2007.May pinasok kayong limang magkakaibigan na bahay.Una mong binaril Ang haligi ng tahanan nila sa 2nd floor tapus sinunud mo ang asawa nya na bumalik para sa anak nyang natutulog sa taas ng bahay,natatandaan mo na ba”Sabay palo sa mukha ng lalaki ng baril,dumugo ang mukha nito. “Oo natatandaan kona,sorry patawarin mo ako,nakadruga kasi kami,hindi ko na alam ginagawa ko.Buong buhay kung pinagsisihan ang ginawa kung yon,nagsisisi na ako,maawa ka,patawarin mo na ako” “Nagsisi ka ba talaga”pinutukan ng hawak na baril ang sapatos nya,umagos kaagad ang dugo “Nagsisisi na ako,hinanap ko nga ang dalawang bata para tulungan sila pero hindi ko na sila nakita.” “Naghahanap ka ba talaga,seryuso ka ba sa paghahanap,bakit hindi mo sila makita e ang liit lang naman ng pilipinas ah,sige nga anu ang pangalan ng dalawang bata?” “Andrew at Belinda Suarez,ang pangalan ng anak nila,Belinda Suarez.....”natigilan ito ng may maalala “O anu nahanap mo na diba,ang manunugangin mo sana(tumawa ng malakas)kaso hindi natuloy ang kasal.Sigurado ako grabing sakit ang nararamdaman ngayon ng anak mong si Leo.Patas na tayo ngayon kapag napatay kita.bunos nalang ang pagkapatay ng puso ng anak mo(tumawa ulit ng malakas)” “Huwag nyo nang idamay ang anak ko,ako lang naman ang may kasalanan” “Oo ikaw ang may kasalanan ,pero damay damay na din anak mo,kung hindi dahil magpapakasal si Leo,hindi kayo uuwing dalawa,kaya nasa plano na pati pagdurog ng puso ni Leo” Nagulat silang dalawa nang may biglang may pumalo sa likuran ng nakahelmet,si Lando pala nakawala na sa tali nito,nang hindi nila namamalayan,nakakuha ito ng maliit na kutsilyo sa bulsa nya sa pwet at tinabtab ang tali sa kamay at pasimpleng tinabtab din ang sa paa. Natumba ito,at nawalan ng malay.Tinabtab nya ang tali sa kamay ni Albert.Saglit lang pala nawalan ng malay ang nakahelmet tatayo na ito at pinulot ang baril na nahulog kanina,agad namang pinalo ni Lando ang kamay nya ,dahilan para tumalsik ang baril sa malayo.Nagsuntukan pa ang dalawa.Nakawala narin si Albert sa pagkakatali nito.Paikaika syang pumunta sa baril,hinawakan iyon at pinaputukan ang nakahelmet,natamaan ito samay tagiliran.Bumagsak ito, “Napatay mo ba”ang tanong ni Lando kay Albert “Hindi yan ,sa tiyan lang naman ,tara tumakas na tayo” “Siguraduhin muna nating patay yan akin na ang baril papatayin ko” “Wag pare,anak yan siguro ng magasawang napatay ko malaki na ang kasalan ko sa kanila,kaya hayaan mona,dalhin nalang natin ang baril nya.” “Ha ,halikana aalayan kita” Lumabas na nga ang dalawa sa lumang bahay na iyon,mukhang malayo at liblib ang lugar ,wala kasi silang makita pa na bahay na hihingan sana ng tulong.Paglabas nila puro malalaking puno ang nakita nila.nagpatuloy sila s apagtakas.Nagpabagal ang paang nabaril ni Albert,inaalalayan pa kasi sya ni Lando.Nagkamalay na din ang nakahelmet tumayo na ito at kumuha ng kahoy.Hinabol ang dalawa.Mayamaya pa nasa likuran na nila ito.Binilisan ng dalawa ang paglakad,takbo,hanggang sa madulas sila sa may bangin na pala sila,sabay silang nahulog duon.Bumaba pa ang nakahelmet para e check kung patay na nga ang nahulog .Pagdating nya sa baba may mga campers na pilit nirerecover ang dalawa.Hindi na sya nakalapit pa,bumalik na sya sa lumang bahay at kinuha ang sasakyan at umalis nalang. Naisugod kaagad ang dalawa sa hospital sa tulong ng mga campers na nandoon,Kritikal si Albert,nasa ICU ito,si Lando ang hindi napuruhan masyado,nabalian lang ng isang kamay at paa nya,pero gising na ito at makakausap na. Agad na pumunta sa hospital si Leo nang mabalitaan ang nangyari,ikinuwento sa kanya ni Lando ang nangyari.Malinaw na sa kanya ang lahat ngayon .Pati nadin ang nangyari 15 years ago ,inamin nya narin sa pulis .Naging malaking kalinawan ang pagpatay ngayon kay Delfin at Ivan,si julio kasi nasa ICu parin hanggang ngayon. Sa ngayun lumabas na ang motibo sa pagpatay at pagtangkang pagpatay sa kanila,paghihiganti . Agad naghanap ng evidence ang mga pulis ,para mapatunayan na kung sino ang killer.Si Belinda at Andrew ang pangunahing suspect.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD