Maaga palang abala na sa pagaayos ang mga tao sa labas.Ang ganda ngset up ng Garden weeding,mula sa decoration ,napuno ang paligid ng puti at pink na bulaklak.Pati na rin ang backdrop bulaklak ang ginamit,napuno ng kulay puting bulaklak at ang littering ng pangalan nila peach ang ginamit Leo& Belinda.Halos perfect na ang lahat,sa kabilang kwarto ,abala nadin sa pag memake up at pagbibihis ang mga made of honor at flower girl. Pero itong si Belinda halos isang oras nang nakababad sa bathtub,ayaw na umahon duon.Ang Nanay nya Ramona kanina pa sya kinakatok sa labas.
“Iha anak lumabas ka na dyan ,aayusan na kita”ang patuloy na kumbinsi sa kanya.
“Anak may problema ba kausapin mo si Nanay”dagdag pa nya
Mayamaya pa ,umahon na rin ito,binanlawan ang sarili at lumabas na naka bathrub .Agad syang umupo sa salamin.
“Anak itituloy pa ba natin ito,aayusan pa ba kita?”Tanong ng Nanay Ramona nya
Hindi naman sumagot si Belinda,tumango lang kaya hindi n arin nangulit pa ang Nanay nya .Sinimulan na nito ang pagaayos sa kanya.
(Sa kabilang banda)
Nagbibihis na din si Leo,Pakanta kanta pa ito.Pumasok ang Papa nya sa loob ng kwarto nya,sya na din ang nagayos ng kurbata nya.
“Hi Pa finally andito kana,”niyakap nya ang kanyang papa.
“Oo naman napakaimportanteng event sa buhay ng anak ko,hindi ako aattend”patawatawa pa ang Papa nya.
“Thank you Pa”
“Siguraduhin mo lang na maganda yang bride mo para worth it ang paguwi namin ng Tito Lando mo”
“Oo naman pa,ako pa”
Nagtawanan pa nag dalawa.Si Mikael naman,hindi nya kayang makita si Belinda na makasal sa pamangkin nya kaya hindi sya aattend.Nakupo sya sa sala ng Condo nya hawak ang isang bote ng alak ,hindi mapigilan ang pagpatak ng mga luha,lalo pa ng maalala nya ang unang bises na nakita nya si Belinda.Nung una akala nya simpleng atraksyun lang ang nararamdaman nya .Nagsimula sa pangaasar at pagpapahiya nya kay Belinda sa klase,para mapansin sya nito.Wala kasing epikto sa babae ang pagpacute nya.Pinilit nyang pigilan ang nararamdaman nya dahil lahat ng ipinapakita ni Belinda ay kabaliktaran ng babaeng gusto nyang mahalin.Pero hindi nya inakalang mamahalin nya ng ganito ang babae.Tinungga nya ulit ang boteng hawak.
Nagsimula na ang ceremony,unang nagmartsa ang mga flower girl,sinundan ng secondary sponsor at ng mga ninang at ninong.Panghuli sya ,napakaganda nya sa kanya weeding balloon gown,hindi rin masyadong makapal ang make up nya,lumabas tuloy ang natural nyang kagandahan.Dahandahan syang pumasok sa arko,punong puno yun ng mga puting bulaklak.Kitangkita ang pagkamangha ng mga tao sa paligid.Maluhaluha naman si Leo sa harap,nasalikuran nito ang bestman at ang kanyang Papa Albert.Tulad ng inaasahan ni Belinda,umuwi nga . Lumapit sa kanya ang kapatid nyang si Andrew at ang Nanay Ramona nya.Silang dalawa ang maghahatid sa kanya.Nang makalapit na sila kay Andrew.Binitiwan na sya ng dalawa,humalik pa sa pisngi si leo sa Nanay Ramona nya at nakipagkamay kay Andrew.Si Belinda naman nakatingin sya ngayun sa Papa ni Leo,tumutulo na ang mga luha,unang pagkikita nila ng taong pumatay sa mga magulang nya.Hinawakan sya ni Leo.Tiningnan nya ang lalaki,mukhang hindi nya ata kayang gawin ito.
“Leo pasinsya na,sorry talaga....sorry..”kinuha nya ang kamay na nakahawak sa kanya
“Belinda,anu bang nangyayari”ang naguguluhang tanong ng Lalaki sa kanya.
“Hindi ko kaya.... pasinsya na....”at tumakbo na sya
“Belinda wag mong gawin sakin to , Belinda.....”sinundan na sya ng lalaki.
Tamakbo si Belinda palabas ng resort na yun sakto namang paglabas nya may taxi,pinara nya yun at sumakay.Hindi na sya naabutan ni Leo. Sumunod na din si Andrew at Nanay Ramona nya.
“Andrew anu bang problema ni Belinda?,bakit may nagawa ba ko”ang tanong ni Leo kay Andrew
“Sorry kuya ,hindi ko rin alam”ang sagot ni Andrew sa kanya
“Lets go Son”ang yaya ni Albert sa anak nya.
Walang tigil ang iyak ni Belinda.Akala nya kasi sapat na ang pagmamahal nya kay Leo para kalimutan ang nagawang kasalanan ng Papa nito sa mga magulang nya,pero hindi ng makita nya ito,galit,subrang galit ang naramdaman nya.Nung una plano nya talagang pakasalan si Leo para umuwi ang Papa nya.Pero sa lahat ng kabutihan at pagmamahal sa kanya ni Leo,pilit nyang burahin lahat ng galit na iyon at kalimutan na ang paghihiganti.Hindi muna sya nagpahatid sa apartment nya,minabuti nya munang mapagisa dahil alam nyang pupuntahan sya duon ni Andrew at Nanay Ramona nya at pati narin si Leo.Naguguluhan na sya ,hindi nya na alam ang gagawin nya.Pinaikotikot nya lang ang driver ng taxi. Nang may madaanang dress shop,nagpalit sya ng damit.Sumakay ulit sa taxi at nagpalipas ng oras,hanggang sa nagpahatid nalang sya sa Condo ni Mikael.Hindi nya din alam kung bakit sya nagpahatid doon.Subrang tagal na nyang nakatayo sa may pintuan,pero walang lakas ng loob na katukin iyon. May dumating na magdedeliver ng pizza at fried chicken.Umalis sya sa pintuan ,at don na natauhan,umalis na sya at sumakay sa elevator.Sakto namang hindi pa nasasarado ang elevator ng bumukas ang pinto sa Condo ng lalaki.Nang makita sya agad nitong pinuntahan,pinindot nya pa ng tudo ang close button pero naabutan parin sya ni Mikael,Pumasok sya dito.may dalawang lalaking kasama pa sila sa loob,Nang makababa sa 7th floor lumabas ang isa ,at nang makarating sa 2nd floor,lumabas din ang isa.Dalawa nalang sila ngayon sa elevator ,lumapit sa kanya ang lalaki.
“Bakit hindi mo itinuloy ang pagpapakasal mo kay Leo Belinda”
Hindi sya sumagot, parang wala lang syang narinig ,nakatitig lang sya sa mga numero sa harapan.1floor , ground floor,bumukas na ang pintuan.Lalabas na sana sya ng pigilan sya ng lalaki ,pinindot nya ang close at 20th floor .
“Anu ba lalabas na ako,bitawan mo nga ako Sir”
“Anu namang ginagawa mo dito sa ganitong oras Belinda?”
“Wala may pinuntahan lang”
“Talaga lang ha!”lumapit pa sa kanya ang lalaki,napilitan tuloy syang humakbang patalikod,hindi parin binibitawan ang isa nyang kamay.Hanggang sa dikit na katawan nya sa pader ng elevator.Lumapit pa sa kanya ang lalaki,amoy na amoy nya tuloy ang alak na hininga nito.
“Belinda,isang tanong isang sagot,Mahal mo ba talaga si Leo?”
“00”
“Tumingin ka sa mga mata ko pagsumagot ka”
“Tama na ,anu ba!” ang naisagot nya sa lalaki ,dahil ang tutuo hindi nya kayang ibigkas ang salitang oo nanakatingin samga mata ng lalaki.
Agad namang siniil ng halik ni Mikael si Belinda,nagpupumiglas naman ang babae pero,niyakap na sya nito,at may binulong pa sya sa tenga ni Belinda.
“I know Belinda na ako ang mahal mo”
Tinulak sya ng babae,bumitaw naman ito sa pagkakayap sa kanya pero hindi nito binitawan ang mga kamay nya,nagpupumiglas sya pero talagang malakas ang lalaki,sisipain pa sana nya ng bumukas ang elevator at may sumakay . Matahimik nalang sya ,hanggang sa bumukas na ang pintuan sa 20th floor .Hinila sya ng lalaki palabas tuloy tuloy sa Condo nya,andon parin ang delivery man ,naghihintay kinuha nya ang inorder at binigay ang bayad,hindi na hinintay ang sukli at hinila papasok sa loob si Belinda.Hinila sya paupo sa sofa,may kinuha pa na posas ang lalaki sa dinaanan nilang drawer papasok. Inilagay nya iyon sa kamay nya at kay Belindang kamay naman ang isa.
“Baliw ka na ba”
“Oo ngayong andito kana ,sapalagay mo ba pakakawalan pa kita,at wag mong magamit gamit sa akin yang kakayahan mo sa taekwondo dahil ikaw din mahihirapan,hilahila mo ako pag ako nawalan ng malay”
“Mabuti naman at nakapagisip ka bago pa matapos ang kasal”
“Anu ba Mikael lasing kalang”
“Nakainom lang ako Belinda”
“Nakainom lang sa lagay na nakaubos ka ng 3bote ng alak”nakatingin pa sa mga bote sa harapan nya
“Oo nga pero malakas ang tolerance ko sa alcohol 5 pang bote ,bago ako malasing ng tudo,Oh kumain ka”
Binigyan sya ng lalaki ng Fried chicken,tinanggap nya naman at kinain.
“Asan si Leo ngayon”
“My running bride ba na inaalam kung saan na ang kanyang groom”
“Sana naman Belinda,nagisip ka muna ng mabuti,bago mo sinaktan ng tudo si Leo”
“May dahilan ako kung bakit ako magpapakasal sa kanya”
“Kung anu man yon alam ko na hindi ang dahilan na mahal mo sya”
“Panu ka naman nakakasiguro.?”
“Nakikita ko na parang kapatid lang ang turing mo sa kanya,at ang mga tingin mo sa kanya,ay katulad ng tingin mo kay Andrew”
“Busog na ako,uuwi na ako”
“Hindi ka uuwi Belinda ,dito ka matutulog”
“Anu”
“Bakit natatakot ka ba sa akin?
“Hindi “
“Hindi ba talaga”
“Pwede ba asan na ba ang susi nito aalis na ako,akin na,”
Sinubukan nya pang kapkapin ang susi sa bulsa ng lalaki,lumalayo naman ito sa kanya.Lumapit pa sya hanggang sa mahawakan ang susi kinuha nya yon,at pinakawalan na ang mga kamay nya sa posas,akmang tatayo na sana sya ng binanggaan sya ng lalaki ,natumba sya sa sofa,agad sya nitong niyakap para hindi na makagalaw.Hinalikan nya ang babae.
Nang bitawan na sya ni Mikael,naupo na sya at nagkwento.Sinabi na nya ang pakay kung bakit sya nagpunta duon.Sinimulan nya ang kwento sa lalaki.Ang pagpunta nya sa bahay ni Delfin,pati na ang pananakot nya kay Ivan at ang dahilan kung bakit sya magpapakasal kay Leo.