Hapon na nang pumasok si Belinda,wala kasi syang klase sa umaga,dahil absent ang isang teacher nila,magpapakasal daw.
Dumiretsu sya sa faculty room.Dumeritsu sya sa table ng teacher Mikael nya.Wala sya duon naisip nya na baka may klase ito,kaya ipinatong nya nalang ang dalang paper bag na may lamang jacket, at nagsulat nalang ng note ng pasasalamat.Pati na din ang report nya.Naglakad na sya papuntang library may time pa kasi sya.Maghahanap sya ng novel,nang makapili ng isa,umupo sya sa may gilid ng pader,madami na kasing mga istudyante ng ganuong oras kaya sigurado wala na syang mauupuan.Bago simulang magbasa kumuha sya ng candy sa bag,pero walang madampot doon, lollipop lang,pwede narin ang sabi nya nalang sa sarili,binuksan nya yun at pinasok na sa bibig nya.Nalibang sya sa kakabasa naka abot na sya sa chapter2, pinaglaruan nya ang lollipop sa lips nya. Nagulat pa sya ng may kumuha ng lollipop sa baba nya at bigla nalang syang halikan nito,dampi lang yun,smack lang pero first kiss nya kasi kaya napatulala sya.Si Erwin pala ang tinaguriang genius sa school campus dahil sa talino nito.Ngumiti pa ito ng napakatamis sa kanya.At tinangay na nga nito ang lollipop nya .Saglit pa syang natigilan sa nangyari.Nang matauhan tiningnan nya ang orasan ,time na para sa susunod nyang klase.Klase nya kay Sir Mikael.Nakaabot pa sya wala pa ang teacher pagpasok nya.Dumating pa itong masaya,nakasmile at halatang mukhang good mood.Sinimulan na nitong mag discuss ng lesson sa harap.Kahit nakatingin sa gurong nagsasalita,lumilipad ang diwa nya,binabalikbalikan nya ang nangyari kanina sa library.At mukha yatang napansin kaagad ito ni Mikael.Tinawag ang pangalan nya,wala namang tanong pero tinawag lang sya,at wala syang reaksyon.Tinawag ulit ang pangalan nya,pero wala talaga,siniko sya ng katabi,don na sya natauhan,napanganga pa ito sa katabi.
“Tawag ka ni Sir”sa mahina nitong boses
“Sir tawag mo ko” ang tanong nya at humarap dito
“Wala ata dito sa school ang utak mo Belinda,naiwan ba sa inu,o lumipad papuntang boyfriend mo”ang banat na naman ng teacher nya.Nagtawanan tuloy ang buong klase.
“Ah sir mali po kayo,kasi wala pa po akong boyfriend pero open ako sa manliligaw,lalo na pagmaydimple”
Naghiyawan ang buong klase.Naiinis na kasi talaga sya dito.Sya palagi nakikita,ang dami naman dyan na di rin nakikinig sa kanya ,ang iba nga nakakatulog pa pero hindi rin naman nya pinapansin.Sya tuloy palaging napapahiya sa klase,Swerte namang tumunog ang bell hindi na nasagot ang pasaring nya sa tracher nya.Nauna itong umalis sa klase.
Wala din ang teacher nya sa next subject kaya sumilip sa mga istudyanteng nagtraining ng taekwondo.Nagulat pa sya ng may magsalita sa likod nya,
“Gusto mong mag join”si Lean pala ,ang isa sa mga magaling na istudyante ng taekwondo,Tomboy ito maikli ang buhok na panglalaki.,at lalaki naring pumorma at kumilos.
“Ah hindi ,titingin lang”pagtanggi pa nya.
“Ang totoo”tanong nya ulit.
“Sana kaya lang hindi kaya ng budget”ang sagot nya
“Yun lang ba ang problema,sige join kana ako bahala,”sabi pa nitong nanglaki ang mata nya ,natawa tuloy si Lean
“Sige na naghahnap kasi kami ng miyembro,walang halos gustong sumali,sagot ko na lahat pati uniform.”
“Sure ka hindi ka naman siguro nagbibiro no”paniniguro nya pa dito
“Oo nga ,halikana pasok kana para maka registered kana”
Pinapasok nya nga si Belinda sa loob at may pina fill-up na registration.Hiningi nila ang schedule ng mga klase nya para maiayus kung anong oras ang training nya.Natuwa si Belinda kasi gusto nya talagang magtraining para kahit papano maipagtanggol nya ang sarili.
Halos loaded na ang oras nya ngayon sa school,minsan nga mga 9:00pm na sya nakakauwi dahil nalilibang sya sa pagtraning ng taekwondo.Natuwa pa nga sya dito,kasi ayaw nya kasing makasama sa pagkain o makasabay sa panonood ng tv ang jordan na boyfriend ng Nanay nya.Grabi kasi ito makatingin sa kanya.Parang hinuhubaran na sya ang bastos din pagmakipagusap sa kanya,lalo na pag wala ang nanay Ramona nya.Hindi nya naman masumbong ito dahil nakikita nya kasi na masaya ang nanay nya sa relashonship nya with jordan.Kaya hanggat maaari sya nalang ang umiiwas dito.At kapag wala namang training sinasadya nyang magtambay sa library para patayin ang oras,uuwi lang sya pag sinarhan na ito.
Ganoon ang naging daily routine nya .Mas madami ang time na nilalan nya s aschool kesa sa bahay.Nagtatampo tuloy kapatid nyang si Andrew. Kung minsan sa kwarto nya nalang natutulog ang kapatid para makasama sya nito.Kung sabado at linggo din naman pinapatay nila nag oras sa pag gala,naiinis talaga kasi sila kay Jordan.Napansin naman ito ng Nanay nila,kung anu anu lang din ang dinadahilang palusot nila para hindi ito magtampo.