Umuulan na naman ,hindi tuloy natuyo ang mga maong na pantalon nya.Napilitan tuloy syang magsuot ng paldang mahaba.Bawal kasi sa school nya ang maikli,tinirnuhan nya iyon ng puting pang itaas at puting rubbershoes,kahit mahaba iyon,labas parin ang sexyng hubog ng katawan nya.Maaga syang pumasok dahil hihiram sya ng aklat sa library.Kunti lang ang subject nya na may klase ,kaya naupo sya sa may mataas na Hagdan sa may court sa likod ng laboratory.Hindi nya na nga namalayan ang oras.
Hapon na hinahanap ng propesor nya si Belinda.Nakita nya itong kinakaladkad ng groupo ni Cloe, nagmadali syang puntahan ang dalaga para tulungan sana ito.
“Ano na naman bang kadramahan ito Cloe,nagaaral ako ho”
“Hoy ikaw malandi ka,alam mo namang type ko si Leo ,pero dikit ka parin ng dikit sa kanya,binabalaan kita Belinda layuan mo si Leo kung ayaw mong manghiram ng mukha sa aso”
“Ok sige ,....so tapus ka na ,babalik na ako dun sa pwesto ko,isturbo kayo e alam mo ba yun”
“Anung sabi mo”hinawakan pa sya nito sa buhok
“Gusto ata masaktan Cloe”ang sulsul pa ni Ana sa likod
“Bitawan mo ako Cloe , masakit yang buhok ko,pag hindi mo ako bitawan makakatikim ka sa akin”
“Ako pa talaga ang binabantaan mo,mas lalo pang hinigpitan ang paghawak sa buhok nya.
Napikon na talaga sya sa babae kaya.Hindi manlang nagisip sinuntok ito sa mata,at natumba ito,sinipa nya din sa tiyan si Ana na papalapit na sa kanya, natumba din ang babae,ang dalawang kasamahan nila,hindi na nagpatuloy sa binabalak,tinulungan nalang ang dalawang makatayo.
“Oh anu laban pa kayo,”ang paghahamon nya pa sa kanila
“Isusumbong kita sa dean makikita mo ma expelled ka dito sa schools”ang banat sa kanya ni Cloe
“Oo sige subukan nyo dahil damay damay na to,ilalabas ko ang video nyo kahapon dun sa pool sa likod,akala nyo ha,naghuhubad pa kayo,ang papangit naman ng katawan nyo,dalaga pa kayo pero ang dami nyo nang kalmot,tingnan natin kung sino ang maeexpelled.”
Naalarma sila sa sinabi ni Belinda.
“May araw ka rin Belinda ,may araw ka rin”ang subrang inis nyang sabi habang umiiyak.Lumalakad narin sila paalis
“Buwiset ang mga to nagaaral ang tao,nagiisturbo makabalik na nga” ang nasabi nya nalang.
Ang iniexpect ni Michael na ,iiyak ang Babae sa pambubully sa kanya ng mga groupo nina cloe ,to the rescue naman sana sya,pero mukhang baliktad ata ang nangyari.Napasmile tuloy sya at napakamot nalang sa ulo.Nakita nyang umupo ito sa may hagdanan ,hinawakan na naman ang libro at ang notebook nito,sinimulan na namang sulatan ,lumapit sya dito.
“Belinda”tawag nya ng nakalapit sya
“Oh anu nanaman,sinu na namang buwesit na Isturbo yan....ang padabog nya namang sabi sabay lapag ng aklat sa tabi nya.
“Ako ba sinasabi mong bwesit?
Mukhang natauhan ang babae,mukhang nakilala ata ang boses ng propesor,lumingon pa sya para masiguro iyon.
“Ay naku Sir Mikael kayo pala,ako po ang buwesit,anu po ba ang atin”sinabayan pa ng pilit na ngiti
“Belinda, ang report mo ayusin mo ,natapunan ata ng mantika ang last 5 page,hindi ko masyadong mabasa,ibalik mo sa akin yan bukas din”
“Ah yan lang po ba sir,naku pasinsya na po,bukas na bukas din ayos na po ito,sige po ha bye salamat po”kinuha na sa lalaki ang report nya.Napatingin sya ulit sa lalaki,hindi parin ito kasi umalis sa kinatatayuan nya.
“Ah sir may kailangan pa po kayo”tanong nya pa
“Ah wala na”natauhan ata ang lalaki,mabilis na tumalikod at lumakad na papayo.
“Hay naku sir Mikael natulala din kayo sa beauty ko no ,kunwary ka pa pinapahiya nyo ako sa klase palagi,hoy gwapo ka nga pero hindi kita type ,hindi mo ako madadala sa pa smile smile at palabas labas ng dimple mo”ang pabulong bulong nya pang sabi habang patawatawa.
Ipinasok na nya ang report sa bag nya,at niligpit narin ang mga aklat nito,uuwi na sya.
Paglabas nya ng gate ,bumuhus ang malakas na ulan,wala na ring sasakyan ang dumadaan,inilabas ang maliit na payong at nagdisiasyong maglakad nalang baka kasi maabutan sya ng gabi sa kakahintay tumigil ang ulan.
Nang patawid na sya,may tutang sumunod sa likod nya,itinaboy nya iyon,pinadyak nya pa ang paa nya para matakot ito,pero makulit ang tuta,bumuntot parin sa kanya.Kinagat ang laylayan ng palda nya sa likod,kinuha nya ang payong at hinampas ang aso,pero ayaw parin bitawan ito.Hinila nya pa para bitawan,pero ayaw talaga hanggang sa napunit na nga ito.Ang palda nyang isang dangkal nalang abot na ang sakong nya kanina ay naging above the knee nalang. Nainis tuloy sya ng subra ,binato pa ang aso hilahila nilto ang kaputol ng damit nya.Chineck nya sa may likoran nyang palda,sakto namang may nakapark na sasakyang madadaanan sya kaya tiningnan ang reflection duon.Hindi nga pantay ang pagkapunit nito,masyadong maiksi ang sa likod malapit na makita ang pwet nya,Kitangkita tuloy ang mahahaba at mapuputi nyang legs.Nagulat pa sya ng may nagbukas ng bintana sa may driverset.
“Belinda mukhang na rape ka ata ng aso”
“Ay sir kayo pala ang liit ng mundo,nagkita na naman tayo”inayus ang sarili at tatalikod na sana
“Sumakay kana baka tao na ang sunod na mangrape sayo,at maguilty pa ako kapag marinig ko na nakita ang bangkay mo na palutanglutang sa ilog.
Naiinis na talaga sya sa teacher nyang to.Kumukulo talaga ang dugo nya sa mga banat na tagus hanggang buto mangasar.
“Oh anu na sakay na,matutulala kalang ba dyan,Bilis na “pasigaw pa nito
“Ito nanga oh,iikot na ,sasakay na”
Nang makasakay na sya.
“Ayosin mo ang setbealt mo”ang utos sa kanya ng lalaki
“Ok p0”mas lalo pang nilambingan ang boses
“Belinda wag mo nga akong kausapin ng ganyan,kunwari ka pa baitbaitan”
“Ahm Sir ,kung ako po sa inyo,mas pipiliin ko na ang ganyan ang da way ko sa inyu kasi kapag lumabas ang tunay na Belinda ,baka magsisi kayo”
Hinubad ng lalaki ang jacket nya at ibinigay sa kanya.Nagtanong naman ang mga mata nya kung bakit.
“Isuot mo na nabasa ang damit mo,kita na ang bra mo ang sagwa tingnan,
Tiningnan nya nga ang damit bakat na nga ang dibdib nya.Nabasa pala ito kanina ng ulan, ng kinuha nya ang payong at ipinalo sa asu.Nainis tuloy sya sa sarili,hindi nya yun napansin at dahil kanina pa nakatingin duon ang lalaki.
“Sus kunwari ka pa malaswa pa daw,e gustong gusto mo namang tingnan,kunwari concern yun pala manyakis din naman” ang tuloy tuloy nyang sabi sa lalaki at kinuha ang jacket at ziniper hanggang leeg nya
“Anu”ang napamaang na tanong nalang ng teacher nya”
“Ah sir sabi ko nga po diba,magsisisi kayo,pasinsya na po kayo,ang sama po talaga ng tabas ng dila ko”sinampal sampal pa ng marahan ang mga bibig tsaka ningitian ng pilit ang lalaki
Napahalakhak nalang ito Ng malakas.Nagulat tuloy sya.
“Ikaw Belinda pag yun inulit mo pa gugupitin ko ang talas ng dila mo”dagdag pa nito at tumawa na naman uli.Binuhay na ang makina ng sasakyan.
“Hay naturingang matalino pero baliw din pala,wala namang nakakatawa ,hindi naman ako nag jojoke,ang lakas ng tawa,Hay naku anu na nangyayari sa mundo”ang bulong nya nalang sa sarili ng makatanaw sa bintana.
Nang makarating sila sa itinurong directon ng babae,agad itong bumaba at nagpasalamat. Binuksan ang maliit na payong at maglalakad na sana ng tawagin pa sya ng lalaki
“Belinda ang jacket ko isuli mo na”
“Ay sir lalabhan ko muna,bukas ko nalang po isusuli kasabay ng report,Baka mabastos pa po ako dun sa may looban kaya pahiram po muna”
“Akala ko ba yan na ang bahay mo(itinuro pa ang malaking bahay sa harapan nila)
“Hindi po yan bahay ko,ilang sakong bigas pa po ata ang kakainin ko bago makatira dyan,bahay ko papasuk pa,hindi lang po ako nagpahatid sa inu baka madiskitahan po kasi ng mga tambay ang sasakyan nyo dyan bago pa naman,Sige na po Bye na po,gumagabi na” at mabilis na syang lumakad palayo sa sasakyan.
Pagdating nilabhan nya kaagad ang jacket at sinampay.Kumain na silang Tatlo
“Mga bata bukas nga pala dito na titira si Jordan,ok lang ba sa inyu yon.”ang paalam na tanong sa kanila ng Nanay Ramona nya
“Ok po”si Andrew ang sumagot
“Belinda”
“Sige “ang tipid nya lang na sagot sa Nanay.Pero ang tutuo ayaw nya talaga sa boyfriend nito.