Chapter 2
-THIRD PERSON POV-
Tahimik ang biyahe papunta sa bahay ni Hunter. Hindi lang simpleng katahimikan, kundi iyong uri ng katahimikan na parang may bigat sa hangin at nakakatakot gumawa ng ingay. Nakakasakal....at literal na nakakatakot. Nakatitig si Zia sa labas ng bintana habang mahigpit niyang hawak ang tela ng kanyang wedding dress, para bang kaya siyang protektahan nito mula sa lalaking katabi niya. Si Hunter naman ay diretso lang ang tingin sa kalsada. Kita and 'mariin pag-igting ng mga panga into habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Halos pumuti na ang kanyang mga buko sa sobrang diin. Gusto sana magsalita ni Zia, but she found herself in fear na parang napipilan siya, at ayaw lumabas ng kanyang boses.
Pagkaraan ng ilang oras, pumasok ang sasakyan into sa isang napakalaking gated property. Dahan-dahang bumukas ang bakal na gate. Napahigpit lalo ang hawak ni Zia sa kanyang damit. Isang napakalaking mansion ang bumungad sa kanya, nakakubli sa matataas na hedges at makakapal na puno. Lalo siyang nakaramdam ng kaba. Para sa kanya hindi iyon mukhang bahay. Isang kulungan kung saan alam niyang mag-uumpisa ng maging kalbaryo ang buhay niya. Huminto ang sasakyan at agad bumaba si Hunter nang hindi man lang siya nililingon. Nagmadali siyang sumunod, halos madapa sa sarili niyang gown habang paakyat sa malalapad na hagdan papasok ng mansion. Bumukas ang napakalaking front door. Isang middle-aged na babae na naka-itim na uniform ang sumalubong sa kanila. Tumango ito kay Zia, magalang pero walang emosyon, bago bumaling kay Hunter.
“Welcome back, sir.”
Tumango lang si Hunter bilang sagot. Wala man lang ibang sinabi at agad na dumiretso sa loob. Naiwan sandali si Zia sa may pintuan. Nakailang lunok muna siya ng laway niya bago sumunod sa likod ng lalaki. Pagpasok niya sa loob, lalo siyang nanlamig.
Gray marble ang sahig. Matataas ang kisame. Halos walang laman ang paligid pero magagara ang mga gamit na walang buhay dahil sa sobrang plain ng lugar.
“This way,” maikli at malamig na sabi ni Hunter habang naglalakad sa harap.
Hindi man lang ito lumingon kung sumusunod ba siya.Tahimik na sumunod si Zia na parang multo sa sarili niyang buhay. Sa bawat hakbang niya, parang mas lalo lang bumibigat ang kanyang dibdib. Narating nila ang isang napakalaking hagdanan na kumikinang sa ilalim ng ilaw ng chandelier. Huminto si Hunter sa gitna ng hagdan at bahagya siyang nilingon.
“You’ll stay in this guest room,” sabi niya, matalas ang boses na parang basag na salamin. “We won’t be sharing a room. So there’s no need for you to follow me upstairs.”
Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa kanya ang mga salitang iyon. Mahina siyang tumango habang pilit nilulunok ang bukol sa kanyang lalamunan. Nanatili siya sa paanan ng hagdan, hindi sigurado kung saan pupunta. Walang salita, itinuro ni Hunter ang dulo ng hallway bago siya tinalikuran nito. Kaya sinundan niya ito ng tingin at ng lumakad si Hunter patungo doin ay agad siyang sumunod. Tumambad sa kanya and maragang kwarto. Napakaganda ng kwarto and it was perfect. Mas maganda kaysa sa kwarto niya sa bahay nila. Isang queen-sized bed ang nasa gitna, may intricately carve na headboard. May silk curtains sa matataas na bintana, at isang eleganteng chandelier ang nagkakalat ng malambot na gintong ilaw sa sahig at kulay light blue and silid na lalong nagpagaan sa kanyang dibdib dahil paborito niya ang kulay na iyon. Dapat sana ay masaya ang pakiramdam pero hindi.
“This is your space. Don’t bother me unless it's absolutely necessary,” sabi ni Hunter, na Hindi man lang niya namalayang nasa labas na pala ng pintuan kaya gulat na napalingon siya sa lalaki. “And don’t ever go upstairs to my room kung wala kang gagawin. Do you understand?”
Humarap si Zia sa kanya at umasa siyang makakita ng kahit kaunting warmth sa mga mata ni Hunter pero wala at nanatiling malamig ang tinging pinukol into sa kanya. Napilitan siyang tumango at ngumiti ng maliit.
“Good luck,” bulong ni Hunter bago siya tuluyang talikuran at sumara ang pinto. Ang tunog nito ay parang huling marka ng kanyang bagong realidad. Matagal na nakatayo si Zia roon, nakatitig sa saradong pinto habang malakas ang t***k ng kanyang puso. Dahan-dahan niyang inilagay ang kamay sa kanyang dibdib, pilit pinapakalma ang sarili na para bang ang binitawang salita ni Hunter ay babala para sa kanyang pinasok ngayon.Nang kumalma ang kanyang pakiramdam ay pumasok siya at unti-unti niyang tinanggal ang kanyang wedding dress. Gusot na ito ngayon.Mabigat pa at walang kabuhay-buhay.
Sa cabinet ay may nakita siyang nightgown na maayos na nakatiklop.Gusto niyang matawa dahil bukod sa manipis ito ay spagetti strap din ito. Sure siya na walang magaganap na honeymoon sa kanila kaya bagay na ipinagpasalamat din niya kahit papaano. Isinuot niya iyon. Dumikit ang malamig na tela sa kanyang balat at umupo siya sa gilid ng kama.Napatingin siya sa paligid niya at doon na bumuhos ang kanyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan malaglag. Mainit na pumatak ang mga iyon sa kanyang pisngi, parang hinuhugasan ang natitirang pride na pilit niyang hinawakan buong araw.
Tinakpan niya ang mukha gamit ang kanyang mga kamay habang nanginginig ang kanyang balikat. Hindi ganito ang pinangarap niyang wedding night. Hindi sa bahay ng isang estranghero. Hindi kasal sa isang lalaking tinitingnan siya na parang pabigat lang.Niyakap niya ang sarili habang namalukot sa gitna ng malaki at malamig na kama.Pumikit siya at gusto niyang itulog ang sakit ng kanyang nararamdaman.
Lumipas pa ang ilang oras bago siya nagising.Mainit ang pakiramdam ng kanyang balat. Groggy at nalilito, napansin niyang bukas pa pala ang ilaw sa silid niya Tumayo siya at pinatay iyon, tanging bedside lamp na lang ang naiwan na nagbibigay ng mahinang liwanag. Kanina giniginaw siya at ngayon naman ay parang napakainit ng kwarto. Kinuha niya ang remote ng air conditioner at binuksan iyon. Dahan-dahang kumalat ang malamig na hangin sa loob ng bigla niyang naramdaman ang pag-kalam ng kanyang sikmura. Then she realized hindi pa pala siya kumakain mula pa kaninang umaga dahil Hindi man lang niya nalulunok ang pagkaing nakahanda sa harapan nila.Tumayo siya at huminto siya sa may pintuan.
Nakapatong ang kamay niya sa doorknob at huminga siya nang malalim. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at lumabas sa hallway. Madilim ang buong bahay at tanging mahinang ilaw lang mula sa kusina ang nagbibigay ng konting liwanag sa loob. Sigurado siyang nasa taas ang kwarto niya si Hunter at sure siyang hindi ito bababa ng ganitong oras.
Tahimik siyang naglakad papunta sa kusina. Barefoot, she can feel the coldness of the floor. Malakas ang t***k ng kanyang puso habang pumasok siya sa liwanag. Binuksan niya ang fridge at yumuko para kumuha ng makakain. Nang biglang natigilan siya ng may malakas na ingay na mula sa taas. Napatuwid siya ng tayo at parang lalabas sa dibdib niya ang kanyang puso.May tunog ng pinto na malakas na sumara sa hallway. At sa gilid ng kanyang paningin, parang may gumalaw na anino.
“H-Hunter?” mahina niyang tawag pero walang sumagot.
Nagtayuan ang balahibo niya. Tahimik niyang isinara ang fridge. Dahil bigla siyang kinabahan. Baka hindi siya dapat gumagala sa bahay na ito kaya nagmadali siyang bumalik sa kanyang kwarto at baka may makakita pa sa kanya.Nakalimutan niya pala na baka sa kanilang dalawa ni Hunter may iba pang tao sa loob ng mansyon nito. Dahil sa pagmamadali, diretso siyang bumangga sa isang matigas na bagay kaya napaatras siya ng bahagya.
“Ouch!” napasinghap siya sa gulat.
Bago pa siya matumba, may malalakas na kamay na humatak sa kanya. Isang kamay sa kanyang braso at ang isang kamay ay lumanding sa kanyang baywang. Sandaling natigilan si Zia at tumingala siya sa nakakunot na mukha ni Hunter ng i-on nito ang switch ng ilaw sa gilid nito sabay na binitawan siya.
“You should watch where you're going,” mababa ngunit matigas ang boses nitong sabi.
Namula si Zia sa hiya at mabilis siyang umatras lalo habang hinahawakan ang strap ng kanyang nightgown na halos nahulog sa balikat niya.Isa pa yun na lalo niyang kinahiya sa lalaki, ang makita siya nitong halos nakahubad na sa suot niyang manipis na nightgown lang.
“I-I’m sorry,” mahina niyang bulong. Hindi nagsalita si Hunter at tiningnan lang siya nito nang matagal. Pagkatapos ay dumaan ito sa tabi niya at naglakad papunta sa dilim ng hallway kaya naiwan si Zia na malakas ang t***k ng puso. Sinara na lamang niya ang ilaw saka pumasok sa kanyang silid dala ang malakas na t***k ng kanyang puso.
“What is he doing down here in the middle of the night…?” bulong niya sa sarili.